Chapter One

2064 Words
Chapter One Sa modernong panahon natin ngayon, at sa katotohanan ng buhay. Hindi kaila sa ating lahat ang malaking PADER na harang sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap.    Ang mahihirap, alipin o utusan lamang ng mga mayayaman. Ang mayayaman, sila ang amo ng mga mahihirap. Ang sahod ng mahihirap, pambili na nila ng makakakain na pagkakasyahin sa isang buong araw. Para sa mayaman, ang pinapasahod nila sa mahihirap pangyosi lang, pang bigay tip sa waiter sa mga bar. Nakita niyo na? Ang laki ng agwat hindi ba?   Ako si Marinella Francisco, pero Ella ang tawag nila sa’kin. Isang mahirap, maaga akong naulila sa Ina. Hindi ko nga maalala kung anong itsura niya. Si Papa naman, nag asawa ng iba, nasa Canada siya ngayon. Ilang taon na kaming hindi nagkikita dahil sa trabaho niya. Naiwan ako dito sa Pinas kasama ang StepMom ko at ang dalawa kong stepbrothers. Kakagraduate ko lang ng High School, hindi ko pa nga alam kung saan ako magkacollege eh. Kaya habang bakasyon, nagtrabaho muna ako sa bakeshop ng kaibigan kong si Dexter. Para may pera akong pang-enroll kapag nakahanap na ako ng University na pwedeng pasukan.   "Waaa! Sa wakas! Natapos din. Oh paano? Uwi na ako Dex, Babye! Bukas ulit" sabi ko tapos umalis na kami ng kasabay ko si Roxanne.   Magkalapit lang bahay namin kaya sabay kami umuuwi, at bestfriend ko din kasi siya. Pumara na kami ng jeep. Pinauna kong umakyat si Roxanne, paghakbang ko palang paakyat sa jeep, umandar na agad ‘yong jeep!   "Ay! Ano ba ‘yan Manong?!" sigaw ko    Nahulog tuloy ‘yong tsinelas ko sa kalsada! Huminto naman si Manong.   *Screeeeeetch!    Biglang preno ‘yong kotseng nakasunod sa’min! Nasa gitna kasi kami eh. Bumaba ako para kunin ‘yong tsinelas ko kaso lumabas ‘yong driver ng kotse.   "Hoy Miss, nagpapakamatay ka ba para sa tsinelas? Huwag ka nang magdamay ng iba!" sigaw niya   Ano daw? Loko ‘to ah?!   "Mukha ba akong magpapakamatay? Eh ‘di sana tumalon na lang ako sa tulay o naglason kung magpapakamatay ako!" sigaw ko din sa kanya, nakapamewang pa ako   "Muntik nang bumangga ‘[yong kotse ko diyan sa kalawangin na jeep na sinasakyan mo, bakit may pangbayad ka ba pag nagasgasan ‘to?!" sigaw niya ulit "Kung bumangga man. Kasalanan ko bang tatanga tanga kang magdrive? Ang yabang nito, Porquet may sasakyan ka, kami nagko-commute lang, ganyan ka na makapanglait? Letche, ang yabang mo. Puro hangin laman ng katawan mo." sigaw ko tapos lumapit ako sa kotse niya   Booog! Sinipa ko ‘yong kotse niya tapos tumakbo na ako pasakay ulit sa jeep.   Nanglaki ‘yong mata no’ng lalaki dahil sa ginawa ko, buti nga sayo!    "Manong! Bilis!" sigaw ko no’ng nakasakay na ako   Pinaandar naman agad ni Manong jeepney Driver ‘yong jeep niya.   "Uy ano nangyari do’n bhez?" tanong ni Roxanne "Wala, baliw lang ‘yong lalaki." sabi ko    Pero palingon lingon ako baka kasi sinundan kami no’ng baliw na lalaking ‘yon eh. Sipain ko ba naman ‘yong kotse niya na sobrang kinis eh, haha.   Pagkauwi ko sa bahay.    "MARINELLA! Hindi ba sabi ko sayo kanina plantsahin mo ‘yong red pants ko?!" sigaw ni Madam (Step Mom ko)   Oh no! Nakalimutan ko! Patay!    "Madam! Sorry, nakalimutan ko. Paplantsahin ko na lang po ngayon." sana makalusot ako "Huwag na! Ang tamad tamad mo talaga! Magplantsa lang hindi mo pa magawa? Useless!" sigaw niya ulit sabay bato sakin ng red pants niya   Sinalo ko naman agad ‘yong ibinato niya.    "Tss. kung tamad ako, ano pang tawag sa inyo?" bulong ko "Ano ‘yon? Marinella? May binubulong ka ba?" tanong ni madam, shete! narinig niya? "Wala po, sabi ko po maghahain na ako!" sabi sabay takbo ako sa kusina "Huwag na din! Nawalan na ako ng ganang kumain! Ikaw na lang lumamon diyan. Tanungin mo mga kuya mo kung kakain na sila." utos niya "Yes Madam!" sabi ko tapos pumunta naman ako sa mga stepbros ko   "Kuya Japz, Kuya Jez! Kakain na ba kayo?" tanong ko   Busy na naman kasi ‘yong kambal sa Computer Games eh.   "Oo! Pakisandukan mo na lang ako dito Ella, damihan mo ‘yong kanin ha? Saka tubig pakidalhan na rin ako." utos ni Kuya Japhet Naku, tamad talaga ‘to eh, gusto niya isusubo na lang niya.   "Mamaya na lang ako. Di pa ako gutom eh." sabi ni Kuya Jezter   Ito ang mabait! Hindi ako pinapahirapan! Haha.   "Sige." sagot ko tapos pumunta na ako ulit sa kusina para magsandok ng pagkain ng anak ni Madam    *   Simula no’ng nag asawa ulit si Dad, naging ganito na ang buhay ko. No’ng una nagalit ako kay Dad, kasi iniwan niya ako kasama ‘tong mga ‘to. Pero unti unti ko ding natanggap, nasanay na rin ako eh. Saka mas okay na siguro ‘to kaysa naman sa mag isa ako. Walang pamilya na maituturing diba? At least kahit paano, may matatawag akong pamilya.   Few Months Later..   After kong mag enroll sa isang hindi kilalang College School, heto ako ngayon, magtatransfer na. Akalain mong, natanggap pala ako sa isang Big time na University? Natanggap akong scholar sa Andrei Louise University!   Late ko nalaman, kasi si Madam pala ang nakakuha ng letter from ALU. Sabi niya sa’kin nakalimutan daw niyang sabihin. Grabe naman, five months ang nagdaan hindi man lang niya nabanggit sakin?!   Ayo’ko nga sanang pumasok sa ALU kasi alam kong mayayaman ang mga estudyante do’n, kaso ang pangit ng pagtuturo do’n sa napasukan kong college school eh. Saka kampante naman ako kasi magiging classmate ko si Roxanne na bestfriend at kapitbahay ko. Ang swerte ko nga eh, kasi may nakilala akong mabait na babae no’ng pumunta ako dito. Natulungan niya ako makapagtransfer kahit Scond Semester na. May kakilala daw kasi siyang Professor na makakatulong sa’kin kaya ayon! Nakalipat ako dito at naging scholar kahit medyo late na.   HRM kinuha kong course, luto luto kasi ang hilig ko eh. Culinary Arts sana kaso hindi ko kaya ang gastos. At saka hindi papayag si Madam sa gano’n.   Mukhang okay naman ‘yong mga classmates ko, friendly sila. Nagpakilala kasi ako kanina, tapos mukhang happy naman sila na nadagdagan ang classmates nila. Kahit mukhang maloloko ‘yong mga classmates kong lalaki, okay lang. Wala naman akong pakialam sa kanila eh. Basta nandito si bhez, ok na ko.    "Roxanne, pwedeng pakibigay naman ‘to kay Ashley sa Engineering Building. Para mailibot mo na din dito sa ALU si Ella." sabi no’ng Class President sa’min "Ah, sige. Ako na bahala." tapos kinuha ni bhez ‘yong envelope at tumayo siya. "Tara na. -sabi niya tapos hinila na niya ako "Ang laki pala talaga nitong ALU noh? Malamang puro mayayaman nag aaral dito. Tsk." sabi ko "Oo! Ang swerte nga natin nakapasok tayo dito eh! Lalo ka na! Full Scholar ka eh, haha." sabi niya "Tsk, ok na sana ako do’n sa dati kong School eh. Kaso hindi pumapasok ‘yong ibang prof ko, lagi pa akong napapaaway." panghihinayang ko "Haha, ano ka ba! Ok lang yan bhez! At least magkasama tayo. Huwag ka na kasing pikunin minsan para hindi ka mapaaway." payo ni bhez sa’kin "Para namang kaya kong manahimik na lang lalo na't alam kong tama naman ‘yong pinaglalaban ko?" pagsalungat ko "Hayy..Iikaw ang bahala, Ay! Bhez, mauna ka na sa Engineering Building! Susunod na lang ako, may kakausapin lang ako saglit! Promise susunod ako, basta hanapin mo lang ‘yong si Ashley, isa lang naman Ashley sa Engineering ng first year ngayon eh! Babush!" dire diretso niyang sabi tapos bigla siyang tumakbo palayo sakin   Lintek! Ang bilis nawala ni bhez! Paano ko hahanapin ‘yong Ashley na ‘yon? Hayys. Bahala na nga! Nagtanong tanong na lang ako sa mga nakakasalubong ko. Nakakahiya man, pero wala kasi akong alam dito sa ALU! Tapos iniwan pa ko ni bhez!   "Ah, si Ashley ba? Ayon oh. Siya ‘yong nakatalikod lapitan mo na lang." sabi no’ng lalaking pinagtanungan ko   Wew! Sa wakas maibibigay ko na rin ‘tong envelope. Walanjo, ilang minuto na akong paikot ikot sa Building na ‘to.    Hmmm... Ayos ‘tong Ashley ah? May kulay ‘yong buhok? Pero ang cute ng pagkakulot ng buhok niya kahit hanggang balikat lang ‘yong hair niya. Maganda siguro ‘to.   "Ms. Ashley? May pinapabigay po sa inyo ‘yong Class president ng HRM 1-2." sabi ko   Hindi siya lumilingon. Snob ang peg? Haha.   "Miss?" ulit ko baka kasi mahina lang ‘yong boses ko kaya hindi niya ako marinig "Ako ba ang kausap mo?" sagot niya sabay lingon   Natulala ako.  HUWAT?!!! Lalaki pala siya?! Pero bakit kasi Ashley ‘yong name?!!! Waaa! Nakakahiya!   Nilapag ko na lang sa tabi niya ‘yong envelop tapos tumalikod na ako para umalis. Grabe! Nakakahiya! Bakit may lalaking Ashley ang pangalan? Lang’ya naman oh! Pwede namang John, Jacob, Edward na lang ipangalan ng magulang niya sa kanya! Nakakaloko! Amp!   "Hoy." sabi niya no’ng hindi pa ako nakakalayo   Napahinto naman ako sa paglakad, pero hindi ako lumingon.   "Ibalik mo na lang ‘to sa nagpapabigay. For sure, babae ‘yong President niyo ‘no?" utos niya "Ayo’ko nga, ikaw na lang magbalik! Napagod ako para lang ibigay ‘yan sayo. Ibalik mo na lang sa kanya yan ASHLEY." sabi ko   Kainis lang ah? Mukha ba akong utusan? Nakakapagod na eh.   "Wala akong free time kaya ikaw na lang magbalik." sagot niya ulit    Naiinis na talaga ako sa long hair na lalaking ‘to.    "Wala kang free time? Pero patambay tambay ka lang dito? Busy ka na sa lagay na ‘yan? Ibang klase. Tsk tsk." hindi ko na naman mapigilan ‘yong bibig ko, baka mapaaway na naman ako nito.   Sabunutan ko na ‘to eh!   "The hell you care?" sabi niya   Lang’ya, hambog din nito eh!   "Tama! I don't care. That's your business, kaya ikaw magbalik niyan sa kanya!" sigaw ko tapos nagmadali na akong umalis   Narinig kong tumawa siya, no’ng pagkaalis ko. Baliw pala ‘yon eh! Potek. Ka-imbyerna!   *   Natapos ang araw ko na parang isang ordinaryong araw lang talaga. Langya si bhez, nanglalaki lang pala kaya iniwan ako! Kakatapos ko lang tumaya sa Lotto. Si Madam kasi, palaging nagpapataya sa Lotto, hindi naman nananalo?!   Dumiretso ako sa Bake shop na pinagtatrabahuhan ko. Tutulong lang ako saglit, nakakahiya naman kasi kung susuwelduhan nila ako tapos wala naman akong naitutulong.    "Uy Ella! Kamusta first day sa ALU?" tanong sa’kin ni Dex   Todo ngiti agad no’ng nakita niya ako.   "Ayon, parang ordinaryong araw lang. Feeling ko tuloy High School pa din ako. Tsk." sabi ko habang tinutulungan siyang ilipat ‘yong mga cake na ididisplay "Haha, okay lang ‘yan. Ang mahalaga mas okay na ‘yong school mo ngayon kaysa sa dati. Wala bang nanligaw sayo kanina?" tanong niya "Sus! Tigilan mo ko Dexter! Allergic na ako sa mga kagaya ni Harold. Ayo’ko na magboyfriend ng mayaman!" sagot ko agad "Haha, buti na lang hindi ako mayaman!" asar niya sa’kin "Sus, mapera ka pa din noh.! May huhugasan pa ba sa loob?" tanong ko "Wala, okay na ‘yon. Hindi ka pa ba uuwi? Baka pagalitan ka ni Madam niyan" paalala niya "Hindi ‘yan. Wala pa naman siya ngayo-- shete! Kelangan ko palang maglinis! Alis na ko babye!" sabi ko tapos tumakbo ako palabas ng bake shop    May bisita nga pala si Madam bukas! Nakalimutan kong maglinis. Sana umabot pa ako! Sana hindi pa siya nakakauwi pagdating ko sa bahay. Nagmadali ako, sumakay na ako ng bus para mas mabilis ang biyahe.   KINABUKASAN.   Ang sakit ng katawan ko… Magdamag akong naglinis ng bahay. Hindi umuwi sila Madam at sila Kuya, ewan ko kung bakit. Baka mamaya sabay sabay na sila. Buti na lang natapos ko ang paglilinis. Inaantok nga lang ako ngayon. Hayyss. Nauubos na ‘yong allowance ko, hindi pa ako sumusweldo kaya wala din akong pang gastos. Nagbike na lang tuloy ako papasok para tipid sa pamasahe.   Nandito na ako sa Parking Area ng ALU. Hmm, saan kaya pwedeng iwan ‘to?   *Screetch!   Lang’ya! Ang bilis naman ng kotseng ‘to! Ang bilis ng andar ng makakasalubong ko! One way lang dito! Shete.   Booog!     "Ahhh!" sigaw ko no’ng bigla kong niliko at ginilid ‘yong bike ko    Dire-diretso lang ‘yong kaskaserong driver na ‘yon. Bumangga ako! Bumangga ako sa kotse na nakapark lang dito! Oh no! Ang laki ng gasgas! MY GOODNESS! PAANO ‘TO?!   Tumayo ako mula sa pagkakasalampak ko sa sahig, tinignan ko ‘yong gasgas ng kotse. Waaa! Ang laki ng gasgas! Mukha pa namang mahal ‘to!   "Ano’ng ginawa mo sa kotse ko?!!!!!!" may lalaking sumigaw    Napapikit na lang ako habang nakayuko. Parang may masakit sa bandang noo ko, pero mas nangingibabaw sa’kin ang pag aalala sa kotseng nagasgasan ko. Huwag sanang malaman ni Madam ‘to!   "I'm sorry po." ’yon lang nasabi ko "Sorry? Maibabalik ba niyan sa dati ang kotse ko? Ha?" sigaw niya sa’kin "..." hindi ko na alam ang sasabihin ko   Hindi pa rin ako makatingin sa lalaking kausap ko ngayon.   "Sige, bigyan mo na lang ako ng P50,000 para maipaayos ko ang kotse ko" sabi niya   What?!! P50,000? Napatingin tuloy ako sa kanya.   "Ikaw ‘yong kahapon ah?!" sabi niya no’ng makita ang mukha ko "I-ikaw may ari nito?" tanong ko    PATAY AKO! ‘Yong Ashley na akala ko babae kahapon ‘yong may ari ng kotseng nagasgasan ko! Naramdaman kong may umaagos sa bandang noo ko. Pinunasan ko ‘yon gamit ang kanang kamay ko. Pagtingin ko.   "Du-dugo?!!"   Huling salitang nasabi ko bago tuluyang dumilim ang paligid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD