Maaga ring umalis si Jared para hanapin pa rin ang ama. Parang ako ang napapagod sa ginagawa niya at parang naghahanap ng taong ayaw magpahanap. Sana lang talaga ay mahanap na niya ang ama at matanggap siya nito.
Days pass at ok naman sina Carmie at ang jowa nito sa Paris. May mga pictures na pinadala sa akin habang namamasyal sila. Kumakain ng masarap at pumupunta sa magagandang tanawin. Nainggit tuloy ako. Noon kami ni Liam ay ni hindi manlang nakapunta sa park. Sa mall lang palagi. Kakain at mamimili ng ilang kailangan namin. Masaya naman kami kahit ganoon lang ang ginagawa pero ako na lang pala ang masaya habang kasama sya at sya ay sa iba na masaya.
Minsan naiisip ko pa rin ang ex husband ko. Naiiyak at nalulungkot sa nangyari sa aming pag-iibigan. Bakit ang bilis magbago ng kanyang nararamdaman habang ako ay mahal na mahal pa sya? Ang dami kong tanong pero walang mga kasagutan.
Tita, gutom na kami,” tawag sa akin ni Caleb.
Pancit canton ang request ng mga bata na kainin pagkagaling sa eskwelahan at niluto ko naman agad. Minsan lang naman sila kumain ng ganoon kaya pinagbibigyan ko kahit once a week.
Di naman nila masyadong hinahanap ang ina nila dahil siguro ay sanay silang parati din naman itong wala sa kanilang bahay.
“Ang sarap. This is my favorite,” saad ni Caleb habang ngumunguya ng pancit.
“Ako din favorite ko ito. Yummy!” dagdag pa ni Candy.
“Sana araw-araw itong merienda natin.”
“hindi pwedeng puro ganyan. Hindi yan healthy.” Saad ko sa mga bata.
Nang makatapos kami sa pagkain at nagliligpit na ako, tumawag naman si Carmie.
“Magpapadala ako bukas. Maggrocery ka na,” ayaw talaga nitong nagugutom ang mga anak.
“Marami pa namang stocks at malaki pa itong iniwan mong pera,” saad ko sa babae at ayaw kong isipin nya na kuha lang ako ng kuha ng pera niya at gastos lang ng gastos ng kung anu-ano.
Pero mapilit talaga ang babae at pinadala pa rin sa money app ang perang sinasabi na panggastos namin. Mamili daw ako para sa mga bata at sa akin na rin. At dahil hindi pwedeng hindi ko sundin dahil nanghihingi ito ng picture kaya sinunod ko na ang gusto ng babae kinabukasan. Ilang damit ang binili ko sa dalawang bata at naggrocery pa ako ulit.
“Ang dami nyan ha.” Puna ni Jared sa mga bitbit kong supot at paper bags.
“Ang kulit kasi ng nanay nitong dalawang bata. Ipag-shopping ko daw at bumili ng maraming pagkain,” kinuha naman ng lalaki ang mga groceries ko at dinala na sa kusina.
“Maswerteng mga bata kaya mag-aral kayong dalawa na Mabuti,” pangaral ni Jared.
“Opo tito Jared. Kita mo naman yung card ko di ba.” Paalala ni Caleb na mataas ang mga grades niya sa school.
“Oo nga po pala. Matalino at masipag kayong mag-aral. Isipin nyo na para ito sa mommy nyo.”
“Ako din di ba, tita Lia?”
“Oo naman,” sang-ayon ko sa batang si candy na ayaw magpataklo sa kuya niya. “Gawa na kayo ng assignments pagkakain ha. Magluluto na rin ako ng hapunan natin.” Nagluto ng pancake si Jared na request daw ng mga bata.
“Ako nang magluluto,” prisinta ng lalaki. “Anong gusto mo?”
“Hindi na. Ako na.”
“Ako na nga. Pagod ka sa pamimili at paggrocery.”
“Sige, mapilit ka. Isigang mo na lang ang liempo. Gusto ko ng sabaw eh.”
“Masusunod po maam.”
Habang nasa kusina kami at nagluluto si Jared, ako naman ay naghihiwa ng sitaw at talong. Ang hot nya kapag nagluluto. Focus sa ginagawa tapos ang gwapo nya rin talaga. Ako tuloy ang di makapagfocus sa paghihiwa ng mga gulay.
At sa ex ko, sorry na lang yang magaling kong asawa dahil mas gwapo sa kanya ang housemate kong kasama ngayon.
“Tapos ka na dyan?” nakangiting tanong nito sa akin. Mas lalo syang gumugwapo kapag ngumingiti.
“Konti na lang at matatapos na. Malambot na ba ang baboy?” sa kakatingin ko sa kanya ay di ko matapos ang paghihiwa.
“Malapit lapit na rin. Teka wala pa palang rice.”
“Ako nang magsasaing,” saad ko.
“Hindi. Ako na. Leave it to me baby,” makulit na saad nito at napatawa lang ako.
Maya maya ay naluto na rin ang sinigang at ang kanin. Tinawag ko na ang dalawang bata at sabay sabay kaming kumain ng hapunan.
Di ako makapaniwala. Nawala man ang isang tao sa akin ay tatlo naman ang pinalit. Sa palagay ko ay swerte din ako at di pinababayan ng Diyos na mag-isa. Mas masaya pa nga ako ngayon kesa noong kaming dalawa lang ni Liam. Kahit pa sagana at blessed kami financially noon, malungkot na lagi syang busy sa trabaho.
Nagpapasalamat din akong nakilala si Carmie at syang bumubuhay sa akin kapalit ng pag-aalaga ng kanyang mga anak. Libre pa ang tirahan at wala namang gaanong ginagawa.
Ilang araw na kaming nkatira sa bahay ni Carmie at isang umaga ay napansin ko si Jared na masakit yata ang mga balikat at nag sstretching. Di ko na lang pinansin ang lalaki at alam kong hirap syang matulog sa couch.
“I’m thingking,” pauna nitong saad.
“Don’t think about it,” sagot ko sa lalaki. Alam kong iniisip niya.
“Malaki daw yung bed mo.” Dagdag nito.
“Hwag mo nang subukan. Masisira ang buhay nating pareho,” kontra ko sa sasabihin niya.
“What I’m telling is.”
“Alam ko na ang sasabihin mo at di ako makakapayag.” Muling putol ko sa kanyang sasabihin.
“Patapusin mo muna kaya ako. Alam mo na ba talaga ang sasabihin ko?”
“Oo. masakit na ang likod mo sa couch di ba?”
“It doesn’t mean na may nangyari sa atin noon, may mangyayari ulit na ganoon.”
“Hindi natin masasabi. Babae ka at lalaki ako. Mali. Baligtad pala.” Nalito na tuloy ako.
“So? Single naman tayong pareho. Walang problema doon.”
“Single ka at ako, kasal pa rin sa asawa ko,” paalala ko sa lalaki. “pangit tingnan at basta, hindi dapat yun.
“Pagtulog lang naman ang issue. Matutulog lang din akong komportble. Masama ba yun?” pag-iinsist nito.
“Masamang magtabi ang di mag-asawa. Sa sahig ka na lang ibibili kita ng kutson,” suhestiyon ko para tumigil na sya sa pangungulit.
“Ok you’re the boss. Wala naman akong magagawa.”
Di na ito nakipagtalo pa sa akin at kung ipipilit niya, magtataka na ako kung ano talagang pakay nya sa pagtabi sa akin sa pagtulog. Pero sa isang banda ay naaawa ako sa kanya. Matangkad sya at di kasya sa couch na hinihigaan niya. May pera naman ako kaya agad kong binilhan ang lalaki ng kutson. Pero sa living room pa rin sya matutulog.
“Thanks sa bed. Ayaw mo talaga akong makatabi ha.”
“Never ever kahit pa malasing ako. Siguro naman masarap na ang tulog mo ngayon.”
“Isa pa. Ang init dito sa living room. Naka aircon ang room mo di ba?” may reklamo nanamn ito.
“Di ko ginagamit kasi naka aircon ang dalawang bata. Mahal ang kuryente.”
“Pwede namang sama sama tayo doon sa iisang room. Para lahat happy. Ang init talaga at may lamok pa,” reklamo pa talaga nito.
Naisip kong pwede naman syang isama sa kwarto sa dalawang bata. Alam kong mabait sya pero ayokong pakasiguro.
Am I thinking na pedo sya? Hindi naman siguro.
Ako man ay nagtiiis na di mag aircon kahit ang init sa gabi. Nakakahiya kapag tumaas ang kuryente namin at malaki ang mababawas sa perang pinapadala ni Carmie.