Mukhang di na kami magkikita dahil alas dos ay aalis akong muli. Kinain ko na ang pagkaing niluto niya para sa akin at nagluto naman ako ng panghapunan niya.
“May ibabalita ako sayo," Excited na saad ni Carmie sa akin.
“Ano yun? Nakajackpot ka na ba at milyonarya na? congrats!”
“Gaga. Hindi. Itong jowa ko, niyayaya ako sa paris.”
“Bakasyon? Mukhang jackpot na rin yun ha. Big time pala yang jowa mo, te.”
“Bakasyon na may slight na pagpapayaman. May nakilala syang mayamang negosyante na pumunta sa bar ko at magtatayo daw ng bar sa paris. Kami lang naman ang mamamahala sa bar na yun. Oh anong say mo?”
“So, iiwan mo ang mga anak mo?” mga bata agad ang naisip ko kesa ang perang kikitain niya.
“Para naman ito sa future nila. Tsaka tataasan kong sweldo mo at dito ka na tumira sa bahay ko. Wala ka nang iintindihin na bayarin. Libre lahat tapos may sweldo ka pa.”
“Sure na ba yan? Baka scam yan o kaya drawing lang. siguraduhin nyo muna.” Pag-aalala ko. Wala na akong tiwala kahit kanino at di basta naniniwala sa sabi sabi lang.
“Totoo ito. Super yaman ng customer naming na yun. Big time at malakas gumastos sa bar ko. Sure ito. Tiwaa lang.”
“Sana nga totoo yang mga pangako nya sa inyo. At kapag nagkatotoo, masaya ako para sayo at sa mga bata.” Sino ba naman ang aayaw sa oporunity. Kung dyan sila yayaman, why not grab it.
Next week aalis na kami.
“Next week na? Ang bilis naman,” gulat na saad ko. Hindi ako ready sa maagang pag-alis niya.
“Ganoon talaga. Kailangang umpisahan agad ang pagkakakitaan para yumaman agad,” positibo talaga itong babae sa susuunging Negosyo sa ibang bansa.
“Magpaalam ka na sa mga bata."
“Oo. mamaya pag-uwi nila. Hay I’m so excited na ikuwento sa kanila.”
Naintindihan naman ng mga bata ang pagpapaalam ni Carmie at ok lang daw na ako ang kasama nila dahil masarap daw ang mga ginagawa kong snacks para sa kanila.
“Kayo talaga. Ipagpapalit nyo na ako kay Lia ha pero kahit na mahal nyo na rin sya, mahal na mahal ko pa rin kayo at bibilhan ko kayo ng lahat ng gusto Ninyo.” Pangako ni Carmie sa mga anak.
“Tablet sa akin, mommy.” Saad ni Candy.
“Ako, shoes mommy tsaka watch ha,” bilin naman ni Caleb.
“Oo. Lahat ng gusto Ninyo ay bibilhin ko kaya nga ako aalis ay para sa inyong dalawa.”
Niyakap ni Carmie ang mga pinakamamahal na mga anak. Alam kong para sa future ng dalawang bata ang mga gagawin niyang pag-alis at pagsassakripisyo.
Nang day off ko ay saka lang kami nagkitang muli ni Jared. Medyo awkward ang muli naming pagkikita matapos ang nangyari noong isang gabi na pareho kaming nakainom.
“Kamustang work mo?” Tanong ng lalaki.
“Ok naman. Di naman pagod. ikaw kamustang paghahanap mo?”
“Wala pa rin eh. Di ko pala ama yung isang nakausap ko. Akala ko sya na, hindi pa pala.” Malungkot na saad nitong lalaki habang nasa hapag kami at kumakain ng hapunan.
Ganun ba? Ipost mo kaya sa social media. Maraming pwedeng tumulong sa yo doon.
Naisip ko na nga rin yan pero nag-aalangan ako dahil baka makita ni mommy. Susubukan ko pa rin at para naman sa kanya itong ginagawa ko.
Sya ng apala. Pinalilipat na ako ni Carmie sa bahay niya next week. Aalis kasi sya at papunta ng Paris.
So, ako na lang mag-isa dito sa apartment?
Ikaw? Dalawang buwan naman ang binayad mo dito. Yung sa akin kasi paubos na. kung di mo pa rin mahanap ang tatay mo at maubos na ang advance pay mo, pwede ka naman doon muna tumira.
“Talaga. Sure ka?”
“Oo naman.”
“Ok. Salamat ha,” nakangiting saad nito. Mukhang wala naman syang ibang mapupuntahan tapos wala pa syang pera.
Hanggang sa umalis na nga si Carmie. Naiwan kami ng mga bata sa bahay at di na sya hinatid pa sa airport. Bago umalis ay marami itong bilin at napakaraming pangako. Pinapanalangin kong tuparin Nyang lahat ang mga iyon lalo na ang pagsagana ng buhay nila at kasama daw ako doon.
“Pakibawalan sila sa sweets ha. Sorry at nasanay sa akin. Susunod naman sila sayo.”
“Hwag ka nang mag-alala pa, ako nang bahala sa kanila.”
“Magpapadala agada ko kapag nagkapera. Wala pang isang buwan may allowance na kayo.”
“Kakabigay mo pa lang, iniisip mo na agad magpadala.”
“Para sa mga bata at nakakahiya sayo pero salamat ha. Sa pag-aalaga mo sa kanila.”
“Oo na. sige na at baka malate kayo sa flight,” nagyakap kami ng babae at niyakap nya rin ang dalawang anak.
Isang buwan kaming di nagkita ni Jared at nagkakamustahan lang sa text hanggang sa natapos na rin ang advance niya sa apartment kaya malugod naman namin syang tinanggap sa bahay ni Carmie.
“Boyfriend mo sya, Tita Lia?”
“hindi. Friends lang kami. Mabait sya at dito muna sya titira para may kasama tayo. Sa couch sya matutulog.” Paalam ko sa dalawang bata.
“Pwede naman kayong dalawa sa room ni mommy. Malaki ang bed niya at kasya kayo doon,” dagdag pa ni Candy.
“Hindi pwede, baby. Sa couch lang ako.” Sagot ni Jared sa bata.
“Si Tito Lance nga sa kwarto ni mommy natutulog. Eh di doon ka na rin.”
“Kasi nga boyfriend yon ng mommy mo. Hwag ka na makulit dyan. Mag toothbrush na at para makatulog na tayo.” Pigil ko sa kakatanong ng makulit na bata.
“Ok po. Tita Lia.”
Naalala kong maarte pa naman itong si Jared at baka di matulog sa couch. Baka nga tabihan ako at naku, baka mawala nanaman ako sa aking sarili. Hindi maaari at dapat tatagan ko. Hindi ako magpapadala sa pang-aakit niya.
Sa kabilang banda ay di ko naiisip ang dati kong asawa at pasalamat din ako kay Jared dahil sa kanya natutuon ang pansin ko. Pero iba ang pakiramdam kapag may bawal kang ginagawa. Nakakaguilty at nakakatakot ang karma. inabot ko sa lalaki ang dalawang unan, sapin at kumot na gagamitin sa pagtulog.
Nagising ako kinaumagahan at nagluluto na ang lalaki. Naliligo na ang mga bata at aayusin ko naman ang mga babaunin nila sa school.
“Kamustang tulog mo?” tanong ko.
“Ang sakit sa likod pero kaya naman.”
Dapat lang na kayanin nya dahil wala syang ibang tutulugan.
“Masasanay ka rin,” saad ko sa lalaki. Hinding hindi ko iooffer na magtabi kami. Swerte sya?
Binihisan ko na si Candy at si Caleb ay kumain lang ng cereals.
“Pakainin mo sila ng kanin. Heto at luto na.” alok ni jared
“Di sila sanay eh. Naduduwal daw. May baon naman kaya di magugutom ang mga yan sa school.”
“Ang aga ko pa naman nagluto. Sayang to.” Panghihinayang nito sa pagkain at sa effort niya.
Para di rin masanay na puro rice. Idiet ko nga daw itong si Caled at sumosobra na ang lusog. Ako na lang ang kakain nyan mamaya.”
“Di naman ako mataba ha.” Sabat ng batang lalaki.
“Hindi pa pero malapit na. Ang hilig mo kasi sa mga sweets. Di na pwedeng palagi ha. Masisira ang teeth at nakakalaki ng tummy.”
“Minsan pwede?”
“Opo. Minsan lang po,” binibili kasi ni Carmie ang lahat ng magustuhan ng dalawa kaya nasanay sa softdrinks si Caleb.
“Ako, nagwawater palagi. Sabi mo yun di ba tita Lia?”
“Opo. Water palagi at hwag juice o softdrinks,” pangaral ko sa dalawang bata.
“Ayokong tumaba eh. Si kuya ang taba,” panunukso pa ni Candy sa kapatid.
“Hindi kaya. Macho ako. Kaya nga kitang buhatin.”
“Oo na. bilisan nyo na at darating na ang school bus.” Saway ko sa dalawa at tumatagal ang pag-ubos nila ng pagkain dahil sa pagtatalo.
pagkakain ay maghuhugas na ako ng plato pero inagaw ng lalaki.
ako na dyan," hinila ako nito sa aking bewang papalayo sa lababo.
ikaw naman ang nagluto kaya ako na dyan.
hwag na makulit ako na. kiss na lang para sa effort ko
ewan. agad akong lumayo at sa salas na lang nagpunta, tatawa tawa naman ang lokong lalaki.