20
Tanghali na ako nagising dahil sa mga kaganapan na nangyari sa amin ni Jared ng umagang iyon. Ang sarap ng tulog ko at himbing na himbing. Tumunog ang phone ko at pupungas pungas kong tiningnan kung sino ang nagmensahe. Isang money app. Notification yata at nainis ako sa pagkakagising ko dahil doon. Papikit na akong muli ng tumunog ulit ang phone ko. Di ko sana papansinin pero baka tungkol ito sa trabaho. Email ang natanggap ko na may money transfer dawn a dumating.
Thirty thousand from Liam.
Nakaramdam ako ng pangamba dahil sabi nito ay babawi sya at babawiin ako sa lalaking kasama ko ngayon. Mukhang lahat ay gagawin nya para magbalikan kaming dalawa.
Wala nang ibang tao sa bahay at umalis rin si Jared pagbaba ko. Di ako mapakali at nais kausapin si Liam tungkol sa perang pinadala nito. Wala na kaming number sa isa’t isa kaya mamaya ko sya kakausapin sa bar kapag nagpunta sya.
Kumain muna ako ng nilutong ulam ni Jared. Nag-ayos ng bahay saka nag-ayos na ng aking sarili para magready sa pagpunta sa bar.
Na receive mo ba? Tanong ni Liam ng lapitan ko ito sa paborito niyang pwesto.
Para saan yun? Hindi naman ako humihingi ng pera.
Sustento para sa mga nagdaang buwan. Sorry at kulang pa. dadagdagan ko sa susunod.
Hindi ko kailangan. Ibabalik ko sayo.
Bakit mo ibabalik? Asawa kita. Responsibilidad kita.
Hoy, wala na tayo. Umalis ka iniwan ako, di mo naaalala. Tapos ngayon aasta kang may asawa. Kapal mo rin.
Babalik na nga ako. Heto nan ga at madalas na pinupuntahan ka.
Ayoko na ngang bumalik ka. Doon ka na sa babae mo. Liam, naman di pwedeng kapag ayaw mo aalis ka at babalik kapag gusto mo pa rin. Paulit ulit ko nang sinasabi sayo.
Hwag mo nang ulitin pa dahil sa ayaw at gusto mo, kasal pa rin tayo.
Kapag ako nainis, ipapapulis kita.
Nilayasan ko na ang lalaki sa mesa niya at nagtungo na lang ako sa kusina ng bar.
Kinuwento ko kay Trina ang mga pagtatalo naming ni Liam at nakinig lang naman ito sa mga hinaing ko.
Magsasawa din yan. Kapag narealize niyang mukha na siyang tanga kakahabol sayo, kusa na yang lalayo. Payo nito sa akin.
Sana nga. Ngayon ko lang sya nakitang ganyan ka pursigido. Dati naman kapag di nya makuha, di yan magtitiyaga. Kapag ayaw, bahala ka. Hindi nga yan marunong manuyo. Tapos ngayon, kulit ng kulit.
Ilang beses pa akong pinadalhan ng pera ni Liam. Ilang beses kong tinangkang isoli sa kanya ang pera pero sabi niya ay susunugin lang niya kapag binalik ko. Naghinayang naman ako dahil kailangang kailangan ko rin ng pera.
Kinabukasan pagkagising ko ay agad akong nagtungo sa grocery para mamili ng aming mga pagkain. Wala na kaming stocks at baka wala nang mabaon ang dalawang bata. Bumili rin ako ng mga pang-ulam at iba pang bagay na kailangan sa bahay.
Kinagabihan, di ko akalain na ilang grocery bags din ang dala ni Liam na para raw sa akin.
Namamayat ka. Pinanbabayaan ka yata ng boyfriend mo.
Nagbabawi pa lang ako mula sa stress na binigay mo kaya hwag mo syang sisihin. Ikaw ang dahilan ng pagkapayat ko.
Iuwi mo to ha.
Ang kulit mo talaga no.
Sinabi mo pa. oo. Makulit nan ga,” nakangiting saad ng lalaki at iniwan ang mga groceries sa stock room. Totoo nga yatang liligawan ako nitong muli at naiinis sa kakulitan niya.
May dala din itong meryenda para sa amin ng mga staff sa bar. Tuwang tuwa naman sila sa libreng pagkain na dala ng lalaki.
Liam, stop it. Bulong ko sa lalaki/
I want to. Bakit ba?
Ang kulit mo naman eh. Wala ka bang work at ang aga mo dito. Nakakaistorbo ka sa mga nagtatrabaho. Di pa break time pinakain mo na sila.
Panggabi ako kaya di ako makakapunta mamaya. Tara na kumain na tayo.
Weakness ko ang food kaya paano ako tatanggi sa spaghetti, burger at chicken. Kumuha Narin ako at matakaw ang mga cook namin. Baka maubusan pa ako.
Mabuti naman at di na sya makakapunta sa gabi. Monthly ang shift ng work nila at masaya akong di sya makikita gabi gabi. Bandang hapon ng magpaalam si Liam na papasok na sa hotel na pinagtatrabahuhan niya. Ilang oras ang layo noon mula sa bar na pinagtatrabahuhan ko.
Ten ng umaga ang gising ko dahil alas tres naman ang tulog ko. Sakto na sa akin yung pitong oras na tulog. Tunog ng tunog ang phone ko sa unknown number at nang sagutin ko, ang makulit kong ex. Nakuha ang number ko sa isa sa employee sa bar. Malamang binola nya o inofferan niya ng pera.
Niyayaya akong lumabas. Kumain at magkape daw pero tinaggihan ko.
Bina blackmail nanaman ako nito dahil kapag di daw ako sumama ay pupuntahan niya ako sa bahay ko. Di ko alam kung niloloko lang ako kaya di pa rin ako pumayag.
Sa acasia street ka nakatira di ba. Number 171.
At paano nga niya nalaman? Lagot na.
Sasamahan mo ako sa mall o pupunta ako dyan. Pananakot pa ng loko.
Hay, detective ka ba? Dinadaan mo nga pala sa pera ang lahat at malamang may binayaran kang mga tao para sa impormasyon na nakuha mo.
Aanhin ang pera? Dapat ibigay sa mga nangangailangan.” Mayabang na saad ng lalaki.
Bwisit ka liam. Tantanan mo na kasi ako. Wala ka na bang gagawin kundi guluhin ang buhay ko?
Inaayos nga eh. 12 noon nasa Real Square mall ako. Malapit ka lang dun kaya hwag kang magpa late.
Wala na akong nagawa kundi siputin ang lalaki sa mall na sinasabi niya. Kakain lang naman daw kami kaya hwag akong mag-alala.
Sa pag-uusap naming pilit niyang binabalik kami sa dati. Masaya syang nagkukwento. Open sa mga bawat nangyari sa kanya noong di na kami magkasama. Yung mga kaaway niya sa hotel, naiinggit pa rin daw sa kanya at malapit na syang mapromote.
Noon, nakikinig ako sa lahat ng rants niya at tinatawanan kahit korni ang jokes niya pero ngayon, ang hirap isipin na may time sa buhay namin na mas nagging masaya sya sa ibang babae. Yung mga time na ayaw na niyang magkuwento at bigla na lang matutulog, naalala ko. Yung mas masaya syang kasama yung babae niya kesa sa akin, naalala ko ulit.
Di ko napigilang bumagsak ang aking luha. Ang sakit pa rin na may mga plano kami pero mas gusto Nyang gawin yun sa iba. Sa bawat kwento niya at umaasta syang masaya? Masaya ng aba talaga syang ako muli ang kausap niya?
May nasabi ba akong masama?
Pinakalmo ko ang aking sarili. Pinipigilan ang sakit na nararamdaman at ang muling pagtulo ng aking luha.
Masakit pa ang lahat Liam.
I’m sorry. Sorry sa lahat ng nagawa ko. Pinipilit ko naman na ibalik ang dati sa atin. Give me a chance at hwag mo nang isipin pa ang nakaraan.
Hindi ko maiiwasan na di maisip ang nakaraan. Ilang buwan pa lang ang dumaan at ang bawat salita na pinadala mo sa kanya na masaya kang magkikita kayo, napakasakit Liam.
Hindi na sya sumagot at natahimik na lang ang lalaki. Kinuha na niya ang bill sa restaurant at akala ko uuwi na kami.
“Gusto mong magsine?” anyaya nito sa akin
“Ayoko. May trabaho ako mamaya.” Tanggi ko sa lalaki.
“Mamaya pa naman. Ano? Sige na.” pamimilit pa nito.
“Walang Magandang palabas. Puro pangbata.” Pagdadahilan ko. Wala naman talagang Maganda at ayo rin manood kasama sya.
Meron yan. Kahit ano na lang tara na.”
Hinila ako nito habang hawak ang aking kamay. Nagtataka ako bakit wala na akong maramdaman sa paghawak niyang iyon. Noon ay lagi kong inaasam na hawakan niya ang kamay ko at Akbayan ako pero parang wala lang, parang mga balat na nagdampi pero walang kilig. Walang spark. Am I getting over him? Pero ramdam ko pa sa puso ko ang sakit ng mga ginawa niyang panloloko.
Nanood kami ng English movie na rom com. Wala kaming mapili at yun na sa palagay namin ang pinakamagandang movie ng araw na iyon.
May kilig naman, nakakatawa at nakakaiyak rin ang movie. May aral. Sakto lang sa panlasa. Sa loob ng sinehan ay Nagppakasweet ang lalaki pero ewan. Di naman ako kinikilig. Parang pilit ang gesture nya. Parang di nya naman talaga ako gusto.
Baka Nakita Nyang mas worst pa sa akin ang babaeng pinalit nya kaya heto. Nagsesettle na lang din sya sa akin.
Hwag ka na kayang pumasok. Mamaya ka na umuwi. Saad nito
Hindi pwede. Maraming gagawin sa bar. At ikaw? Ala kang pasok?
Day off ko ngayon kaya wala akong ibang gagawin.
Naku, tigilan mo ako. Busy akong tao.
Sige na. ngayon lang naman. Tsaka wala masyadong tao kapag weekdays. Let’s spend more time together. Talagang mapilit sya
Alam mo ang totoo, mas gusto ko pang magtrabaho sa bar kesa makasama ka pa.
Grabe ka naman. Noon naman gusto mo ako laging makasama. Ayaw mo na nga akong papasukin minsan sa work.
Oo nga. Sa kakarequest ko sa ‘yo ng time, nainip na ko. tsaka di ka pala masayang kasama ng matagal. Nakakabore,” prangkang saad ko sa lalaki at syempre pinasakit ko talaga ang mga salita ko sa kanya. Makaganti man lang ako kahit papaano. Kulang pa nga yung mga sinabi ko kumpara sa mga pinaramdam nya sa akin ng ilang buwan.
Narinig ko ang buntong hininga niya. Dismayado marahil at pinahihirapan ko sya.