21

1968 Words
21 Sa sobrang pamimilit ni Liam at pinagpaalam pa ako kay Trina, napapayag akong di muna pumasok ng hapon na iyon sa bar at samahan pa sya sa trip nya ng araw na iyon. Alam kong di naman ako hahanapin ni Jared at alam niya ang oras ng trabaho ko. Madalas din naman kaming di magkita sa hapon at sa pag-uwi ko lang kami sa madaling araw nagkakasama sa paghiga sa kama. Nagtataksil ba ako sa kanya habang kasama ko ang aking asawa. Ang gulo ng isip at damdamin ko. Paano kung malaman ito ni Jared? At paano ako makakatakas sa makulit kong ex husband? May ilang bagay na binili si Liam sa mall at may binili rin sya para sa akin kahit todo tanggi ko. Ayoko naman na mag away pa kami sa mall kaya hinayaan ko na lang sya. Talagang mapilit sya at di ko kinakaya ang kakulitan nya. Kinagabihan ay nagdinner kami sa isang buffet restaurant. Minsan lang kaming lumabas noon at panay sa bahay lang. Masaya naman sa pagkakaalala ko. Nilulutuan ko sya at manonood lang ng movies sa bahay. Ngayon, bumabawi nga ito sa mga pagkukulang niya pero bakit ngayon pa. Kung kelan may nagpaparamdam na sa akin ng pagmamahal at nag-aasikaso. “Kain ka pa. Masarap itong lechon belly.” Saad ng lalaki. “Kakain ako ng cake eh. Ayoko na nyang mga ulam.” “Ang hilig mo talaga sa matamis.” Sambit nito na akala mo naman kilalang kilala niya ako kung makacomment sya sa akin. Habang kumukuha ako ng deserts ay tumunog ang phone ko. Si jared, himalang napatawag ito. Kahit kailan ay di ako nito tinext o tinawagan kapag nasa trabaho. Sinagot ko naman para malaman kung bakit ito napatawag. “Hello.” “Work ka na? Busy?” “Hindi naman gaano,” sagot ko. “Napatawag ka? May nangyari ba? Ang mga bata?” “Wala naman. Namimiss lang kita. Ilang beses lang tayong magkausap kasi. Sunduin kita?” “Sorry ha. Sobrang busy talaga pero next month dalawang araw na ang day off ko. Linggo at Lunes ay wala akong pasok kaya maaasikaso ko ang mga bata ng Lunes at Martes tsaka ikaw na rin.” Magandang balita ko sa kanya. “Salamat naman. I miss you so much honey. Gusto sana kitang sunduin kaso di pwedeng maiwan angmga bata dito sa bahay.” “Miss na rin kita. Kaya ko naman at marami pa namang nasasakyan.” “Sige baka nakaka istorbo na ako sa work mo. I love you.” I should think carefully. Masasaktan si Jared kapag nakipagbalikan ako sa aking asawa. At si Liam, bahala nga sya sa buhay niya. Pero hindi na dapat nagpapaligaw kapag may nobyo di ba? Pero dapat bang magnobyo kapag may asawa na? Hay, ewan ko ba sa buhay kong ito. Ang gulo gulo na. Napilitan akong sumama sa apartment ni Liam dahil magtataka si Jared kung maaga ako uuwi at nag-insist naman ang lalaking ito na doon kami tumambay. “This is the first ang last Liam at sinasabi ko sayo sasama ako dahil makulit ka. Kung anuman ang iniisip mo, ayusin mo. Mag-isip ka ng tama, ok?” “Natatakot ka ba? Ano bang pinag-aalala mo. Asawa mo pa rin ako kahit ilang buwan tayong di nagkasama.” Paalala nito sa akin “Iba na ngayon. you cheated, you left me and i’m trying to forget you para makamove on ako. Pinipilit kitang burahin sa puso, sa isip at sa buong sistema ko. Tapos ngayon, magpapakita ka nanaman.” “Heto nanaman po tayo. Magtatalo nanaman.” “Basta umayos ka. Binabalaan kita.” “Dahil ba sa bago mo? Pinapaalala ko, asawa mo ako. Asawa mo pa rin ako, Lia.” “Ex husband, ok. I respect him. Ikaw kasi di mo alam kung anong respect.” “Fine. I’ll behave. Para sa ikatatahimik mo. Wala akong gagawin na di mo gusto. Ok.” “ Ipangako mo.” “Oo na,” dismayadong saad nito at nahahalata kong naiinis na sya sa palaging pagtatalo namin. Pwede bang makuha nya agad kung anong gusto nya? Paghirapan nya at kasalanan niya kung bakit kami nagkaganito. Its all his fault. Makalipas ang isang oras mahigit ay nakarating kami sa bahay ng lalaki. Maayos naman ang apartment niya. Parang condo style lang na one bedroom. Sakto lang para sa nagsosolo at bagay sa mga binatang katulad niya. Maganda naman ang mga gamit. Infairness. Di talaga sya bumibili ng mga mura at pangpalengke lang. Sa mall ang punta nya at di alam kung mahal ba iyon o hindi. “Nice place. Metikuloso ka talaga.” Puri ko sa lalaki. Nakakabilib ang kaartehan niya sa bahay. Impress ako. “Kilala mo ako. Ayoko ng munurahin at ayoko ng pangit.” “Kaya nga pinalitan mo ko di ba kasi ang pangit ko.” “Of course not. Sabi ko naman sa ‘yo nagayuma lang ako.” Katwiran nanaman niya. Ginusto nya yun at nahulog sya sa tukso dahil mahina sya. “Mangkukulam ba sya? Aba, nakakatakot.” “Kape?” Alok nito at pagpapatigil na marahil sa aking mga hirit. “Sige.” Sagot ko at di na sya ininis pa. Nagtimpala sya mula sa kanyang coffee maker. I waited from his kitchen counter at naupo sa stool na naroon. Napatitig ako sa kanya habang busy sa paggawa ng kape. He's undeniably handsome and hot. Maalaga sa katawan, maganda manamit. Marami talagang nagkakagusto sa kanya. Akala ko sa akin lang sya titingin pero patola na rin sya sa mga nagkakagusto sa kanya. Masyado na syang malandi sa mga babae. We never fight before. Understanding sya sa pagkakaalam ko except nung nagkaroon sya ng iba at patay na patay sya sa babaeng iyon. Naging bugnutin sya ng ilang araw bago kami tuluyang naghiwalay. Habang nakatitig sa lalaki, naisip ko sila ng babae niya. Maybe they have s*x. Sinong tanga ang mag iisip na walang nangyari sa kanila. Maybe sexy ang babaeng yun, flawless at malamodel ang mukha at katawan. I’m being insecure again while i’m looking at his almost perfect face and body. Naiiyak nanaman ako at ang liit ng tingin ko sa aking sarili. He put the coffee infront of me. Natigil ang pagseself pity ko. Saka nya kinuha ang asukal at creamer sa cabinet saka inilapag din sa harap ko. 1st time niya akong napagtimpla at ako yung palaging nag aasikaso sa kanya. Bagay na di nya naappreciate noon at nagdesisyong iwan ako. “Masarap yan. Sagada coffee.” Saad ni Liam “Galing ka doon” tanong ko. Hindi sya mahilig mag-out of town at napakalayo ng sagada. “Inorder ko lang. Meron pa ako nyan. You want?” “Hindi na ok na ako sa instant para madaling timpalahin.” “Pinagluluto mo ba sya?” usisa nito. “Minsan. Madalas kasi sya ang nagluluto para sa akin.” “Anong work nya?” muling tanong nito. “Uhmmm may family business sila sa province.” “Saan?” patuloy na tanong niya. “Ahhh. Saan nga ba? Somewhere na may “San”. Di ko maalala.” Sagot ko sa lalaki. “Ok.” Marami pa syang mga tanong tungkol kay Jared at sinasagot ko sa abot ng aking makakaya habang hinihigop ang mainit na kape. “Medyo late na. Dito ka na matulog.” “Hoy ano ka ba? Hindi pwede. Kailangan kong makauwi ngayong gabi.” “Pagod na akong magdrive. Tapos babalik nanaman ako dito. Ilang oras ang ilalaan sa pabalik balik,” reklamo ng lalaki. “Mag car app na lang ako. Di ako pwedeng di umuwi. hahanapin ako sa bahay.” Nag-aalala ako at natatakot. Ayokong magalit sa akin si Jared at ayokong mawala ang tiwala niya sa akin. Ang sakit pala no. Ako yung asawa mo pero ako yung nagmamakaawa para sa oras mo. Kasi nga iba na ngayon at sino ba ang may kagagawan ng mga nangyayaring ito sa atin?” Ako nga. Kagagawan ko lahat. Kasalanan kong lahat at parusa sa akin ang lahat ng ito.” Ramdam kong inuusig na sya ng kanyang kunsensya sa mga ginawa niya sa akin noon. Ang bilis ng karma. Pagkainom ng kape ay nakaramdam ako ng antok. Sobrang antok Uuwi na ako Liam. Parang inaanok na ako at sa bahay na ako matutulog.” Paalam ko sa lalaki Pero parang umiikot na ng bahagya ang paligid. Dahan dahan kong tinungo ang sofa at saka doon naupo. Dito ka na matulog. Wala akong gagawing masama.” Ulit niya Nakakaantok naman ang kape mo. Pipikit lang ako tapos uuwi na rin ako maya maya. Ang nais kong saglit lang na mapapikit ay nagtuluy-tuloy na sa pagtulog ko sa bahay ni Liam. Di ko na namalayan ang nangyari at ang himbing ng tulog ko. Nagising ako sa madilim na lugar at sa sobrang pagkaantok ay hirap akong idilat ang aking mga mata. Mukhang may kakaiba sa kapeng pinainom sa akin ni Liam. Walangya talaga sya. Alas tres ng madaling araw ng tinganan ko ang relong nasa tabi ko. Sa pagbaling ko sa kabilang gilid ay naroon si Liam na tulog din. Sa sobrang pagkaantok ay natulog pa akong muli. Sa pagdilat muli ng aking mga mata ay alas diyes na ng umaga. Maliwanang na sa loob ng kwarto at wala na ang lalaking katabi ko kanina lang. Pinilit ko nang bumangon. Hahanapin na ako ni Liam at kailangan ko nang makauwi. Sa paglabas ko. Breakfast.” Alok nito habang nagluluto. Sira ulo ka. anong pinainom mo sa akin?” inis na saad ko. Kape lang. Ano pa ba?” Maangmaangan ka pa. May nilagay kang pampatulog sa kape. Anong ginawa mo sa akin? Wala. Sabi ko sayo wala akong gagawin na di mo magugustuhan. Ni dulo ng daliri mo di ko hinawakan at baka masampal mo ako. Bahala ka. Uuwi na ko. Mabilis akong lumabas ng bahay ng lalaki at agad nakapagbook ng car app. Ang mahal pa naman dahil malayo layo ang lugar namin sa isa’t isa. Alas dose ng tanghali ako nakauwi. Wala na si Jared at ang mga bata. Di naman ako hinanap nito. Walang tawag o text pero nakaramdam ako ng kaba. Hay, lagot ako pagnagkataon. Wala namnag nangyari kaya di magagalit ang nobyo ko. I texted him. kakauwi ko lang. I miss you. Nag over time ka ba? Hwag mong masyadong pagurin ang katawan mo. Pahinga ka na. I love you. (Sagot ng lalaki sa akin). May ilang oras pa ako kaya natulog akong muli. Lagot sa akin ang Liam na yun, mawala lang itong antok ko. Para makabawi kay jared ay nagluto na ako ng merienda nila ng mga bata at panghapunan. Hinintay ko rin ang tatlo na makauwi para naman makita at makausap sila kahit saglit. Weekdays naman at di matao sa bar kaya ok lang na malate ng kaunti. Di ka papasok? Tanong agad ni Jared nang madatnan pa ako sa bahay. Papasok. Undertime lang kasi sabi mo miss mo na ako. Miss na miss na talaga. Hwag ka nang pumasok.” Paglalambing nito “Akyat na tayo.” Huy, ang mga bata nandyan. Busy sila sa panood at pagkain. May sariling mga mundo yan,” pangungulit ni Jared Tumigil ka. Papasok akong walang lakas? Baliw ka ba? Saglit lang naman eh. Saka na. Sa day off ko na lang.” Tanggi ko dahil baka talagang di na ako makapasok kapag pinagbigyan ko sya. Ok. Di kita pipilitin at baka hindi ka makalakad sa work mo sa panlalambot ng tuhod mo. Kaya nga hwag ngayon. Binigyan ko lang ito ng halik sa labi. Nasa kusina kami at nasa salas naman ang mga bata. Busy sa panonood. Ang pilyong nobyo ko, Ayaw tantanan ang labi ko kakahalik habang yakap ako ng mga bisig niya.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD