16

1915 Words
16 May araw na sa bahay lang si Jared at kapag kaming dalawa lang, inaasikaso niya ako at tinutulungan sa mga gawaing bahay. Sya ang magluluto at ako naman ang maghuhugas ng mga kinainan namin. Kapag naman naglalaba ako ay sya ang magsasampay ng mga damit. Kahit paiba iba ang itsura ng sampay niya ay ayos lang naman basta ang importante ay matuyo ang mga damit. “Coffee?” alok nito. “Iced coffee please,” request ko sa lalaki habang nanonood kami ng movie sa tv. Medyo naiinip na ako kasi naka pause ang movie at ang tagal niya sa kusina. “Anong nangyari sayo dyan?” Sigaw ko para marinig niya sa kusina ang boses ko. “Wait lang po maam. Malapit nang matapos.” Ilang minuto pa ang nakalipas at may dala na rin itong ham sandwhich at sa kabilang kamay ang malaking iced coffee. Napangiti na lang ako dahil may kusa itong gumawa ng mga bagay at di na kailangan pang utusan. “Thank you,” nakangiting saad ko sabay halik ng lalaki sa aking labi. Ako na ang ginawan ng merienda at binigyan pa ako ng halik. He’s so sweet. Mahalik, mayakap at maalalahanin. Katangiang gusto ng mga babae sa isang lalaki. Kaya nga lang, wala syang work at umaasa kaming pareho sa padalang pera ni Carmie. Naupo na syang muli at pinagpatuloy namin ang panonood ng movie. Hindi ko maiwasan na mag-isip tungkol sa pwedeng maging future namin ni Jared. Paano kami? Ako ba ang magtatrabaho para sa aming dalawa at sya lang sa bahay? He seems a happy go lucky person at kuntento na kung anong meron sya ngayon. Iniisip ko nga na baka kaya nya hinahanap ang ama ay para instant yaman sya. Ewan ko nga kung mayaman talaga sila sa probinsya o talaga nga kayang mayaman ang ama niyang hinahanap. Umakbay sa akin ang lalaki at sumandal ako sa dibdib niya. Ramdam kong gusto nya nga talaga ako at ramdam ko ang pag-aalaga niya sa akin. Kung anuman ang wala sya, tatanggapin ko na lamang. Pagkatapos ng movie. Nahiga kami sa sofa. Naglambingan, nilasap ang labi ng bawat isa at yumakap nang mahigpit sa mga katawang nagnanais na mabigyan ng init. “Pwede bang ganito lang tayo?” tanong ko sa lalaki dahil gusto kong magcuddle lang at di lubos ibigay ang sarili ng mga oras na iyon. “Ok lang naman. Di naman ako araw araw na ma ano.” “Hindi ba? Hindi talaga?” dudang tanong ko na pabiro. “Kaya namang pigilan ang sarili kung ayaw mo talaga. Hindi kita pipilitin.” “Ok. Walang pilitan ha.” Muling nagdikit ang aming labi at nakuntento sa ginagawang iyon. Ramdaam ko ang pagtigas niya pero nakuntento naman sya sa paghawak hawak lang, pagyakap at paghimas ng aming mga katawan. “I just realize how lucky I am. You’re nice and caring. I love you so much,Lia,” malambing na saad ng lalaki. “Swerte ka talaga,” pagyayabang ko naman. “Sorry na lang sa lalaking nangiwan sayo. Akin ka na.” “Hanggang kelan?” seryosong Tanong ko sa lalaki. Minsan na akong nasaktan at iniwan at ayoko nang mangyari pa iyon muli. “For life. I promise to treasure you and i will never leave you kagaya ng ex mo.” Pangako niya pero ayoko munang paniwalaaan. Mahirap umasa. “Sana nga.” “Oo. tutuparin ko. Pangako ko yan sayo. Di na ako makakakkita pa ng kagaya mo.” Noon, mahal na mahal din ako ni Liam at maraming pangako ang binitawan sa akin. Pero ngayon, ano na? Pangakong napako. Ganyan silang mga lalaki. Habang gusto ka, madaming sinasabi pero kapag nakahanap na ng iba, basta aalis na walang sabi sabi. Sabi nila kapag araw araw nagkikita ay nagkakasawaan. Ayokong mangyari yun sa amin ni Jared. Hindi ako madaling magsawa at kapag mahal ko, paninindigan ko kaso sya ang inaalala ko. Magsasawa din kaya sya kapag nagtagal kami? Sinong makakapagsabi at panahon lang ang nakakakalam. A week pass, himalang di ako kinamusta ni Carmie. Noong nakaraan ay kahit ilang minuto ay tinatawagan ako kahit papaano. Medyo nag-alala ako kaya nag message ako sa kanya and I also prayed for her safety. Hindi pa rin nga sya nakakausap ng mga anak mula ng umalis siya pero naisip kong baka busy lang talaga ang babae. Isang linggo pa ang lumipas at wala pa ring tawag o text ang babae. May budget pa naman ako at matipid naman kami. Di masyadong gumagastos at sa pagkain lang at bills napapapunta ang pera. Di mawawala sa isip ko na mag-alala lalo na at may mga bata akong inaalagaan. Paano sila? wala naman akong mapagdadalhan sa kanila sakaling di n ako padalhan ng pera ni Carmie. Kargo ko na sila at kunsyensya ko kung may mangyari sa kanilang masama. Isang buwan nang di nagpaparamdam ang babae at kinakabahan na talaga ako. Di lang sa safety niya kundi sa gagastusin namin ng mga bata sa mga susunod na buwan. “Itanong mo sa mga employees niya sa bar. Baka nakakausap nila siya.” Suhestiyon ni Jared sa akin. “Bukas balak kong pumunta. Nag-aalala na talaga ako at paano na tayo kung wala syang padala?” “Sasamahan kita.” “Hindi na. Kaya ko nang mag-isa at asikasuhin mo na lang ang paghahanap sa daddy mo.” Kinabukasan ay Tanghali ako nagpunta sa club. Yung oras na gising na sila at di pa naman mag uumpisa sa trabaho. “Hello.” Bati ko. “Mag-aapply ka? Sarado kami ngayon.” Saad ng isang babaeng naroon at nagkakape. K=mukhang kagigising lang nito. “Hindi. Magtatanong lang tungkol kay Carmie.” “Hay, may utang ba sya sayo? Naku, wala sya dito.” “Hindi. Hindi sa ganoon. Akong nag-aalaga sa mga anak niya at di ko sya macontact.” Direktang sabi ko sa babae. “Naku. Girl. Nagkakagulo na rin kami dito dahil di sya macontact at yung bwisit na manager nya, tinakas ang pera ng club.” Inis na saad nito at nakasimangot pa. “Ganun ba? Paano kayo ngayon?” “Masisiraan na nga kami ng bait dahil umalis yung dalawang cook. Buti nga at napigilan ko pa ang mga waiter. Wala kaming kikitain kung di mag-ooperate itong club,” nagsindi ito ng sigarilyo habang magkausap kami. “Sorry ha. Nagkkaanxiety ako sa mga nangyayari eh.” Wala akong nakuhang sagot tungkol kay Carmie at puro daing ang narinig ko sa babaeng kausap. Problema ko ang gastusin sa bahay at sila man ay ganoon din ang problema. Sinabi ko agad kay Jared ang nalaman ko. Malaking problema kapag di na nagparamdam si carmie. “Hintay hintayin lang natin at baka busy lang.” I just need to think positive. Nagdaan na ako sa sitwasyong ganito. Walang makunan ng panggastos at kung anuman ang mangyari, kailangn ko nang mag-isip ng ibang pagkakakitaan. Di mawala sa isip ko ang pag-aalala at pag ooverthink. Paano nga kung di na magpadala si carmie at may dalawang bata akong alaga? “Kamusta sa club?” Mensahe ko kay Trina. Ang babaeng nakilala ko sa club. Di ko na nga alam ang gagawin. Paano mag ooperate kung walang cook?” Reklamo nanaman nito. Sa palagay mo kikita kung gagawing resto ng club?” tanong ko sa babaeng kausap. Kaso paano naman itong mga entertainers na kailangan rin ng income? Mahina kapag kainan lang at ang hanap ng mga lalaki, mga babaeng aaliw sa kanila. Nag isip ako. Ayoko sanang hawakan ang ganoong negosyo para sa akin maruming negosyo iyon at di maaatim ng sikmura ko. Galit ako sa mga lalaking naghahanap ng aliw kung kanikaninong babae at ayoko ring kapit patalim ang mga babae para lang may ipang tustos sa pang araw araw na pangangailangan. Nagkita kaming muli ni Trina. Nagsuggest ako ng pwedeng gawin basta wala lang mga katable ang mga customers. Walang pagbebenta ng aliw at walang mga babaeng naka suot ng kapirasong tela. Sumang-ayon naman sa akin si Trina. Magtatayo daw sila ng banda. All girls pero payagan ko daw na medyo sexy ang damit dahil nakaka engganyo iyon ng customers. Napakiusapan din niya ang dalawang cook na bumalik. Ako sa kaha at kapag kulng ang waitress, tutulong ako. Ginamit ko ang natitira kong pera. Kailangan ng mike at magandang sound system. May advance pay din na kailangan kong iprovide dahil isang buwan na walang sinuweldo ang mga tauhan sa club dahil sa ganid na manager nila. We need to start soon para kumita agad. Madaming bills ang kailangang bayaran. Ang eskelahan pa ng mga bata at ang kakain din naming lahat. Halos di na kami magkita ni jared sa pagkabusy ko. Hapon ang alis ko at umaga na uuwi, “I miss you,” Sabay yakap nito paghiga ko sa kutson nang umuwi ako galing sa bar. “I miss you too. Sorry dahil sobrang busy. Kakabukas pa lang ulit ng bar at nangangapa pa kaming lahat.” Ok lang yun. Pag igihan mo. Kailangan nyo ba ng macho dancer? Sira ka talaga. Baka mainlove sayo ang mga singers doon hwag kang makapunta punta doon ha,” Babala ko sa lalaki. Baka maraming lalaking napunta doon at magustuhan ka. Sa kaha lang po ako. Di ako nag iikot. Hwag kang mag-alala. Hwag kang magpapaganda ha at no sexy clothes.” Bilin pa ng lalaki na nagpapakapossessive. Ang higpit naman nyan.” Reklamo ko kunyari na pabiro. Baka maagaw ka eh. Akin ka lang dapat,” Mahigpit na yakap ang binigay nito at idinantay pa ang mga binti sa akin. Hindi na ako makahinga. Promise me that you’ll never find another man. Ako lang ha. I’m not. Bakit hahanap pa ng iba? Ang gwapo na, hot pa tapos ang sarap pag magluto ng Jared ko. Hmmm. Talaga? Jared mo? oo. bakit? hindi ba? Oo nga. Sayo lang ako pangako at ipangako mong akin ka lang. Mumunting halik ang aming pinagsaluhan at nakatulog kaming magkayakap. Sana laging masaya at kahit may problema ay narito lang kami para sa isa’t isa. Feeling ko inlove na rin yata ako sa kanya. Malambing at maalalahanin kaya ano pang hahanapin ko? Isang weekend habang nasa bar. Lia, kulang tayo ng tao. Wala si Cindy.” Saad ni trina. “Sige, ako nang kukuha ng mga orders.” Maraming tao kapag weekends at nagkataon pang sweldo day. “Maraming naghahanap ng katable. Pinaliwanang ko na iba na ang nagmamanage at bawal nang magtable. Anong sabi nila? Medyo nagrereklamo at yun nga daw ang pinunta dito. Sabi ko naman makinig na lang sila ng kantahan.” Nasanay sila na ganoong klaseng bar ito kaya ang hanap talaga ng iba ay tatabi sa kanila at makikipagkwentuhan. Syempre babaeng mga kapirasong tela lang ang suot ang nais ng mga karamihang lalaki na pumupunta roon. Nasaan na ba si Carmie. Ang boring dito,” reklamo ng isang customer. Umalis na po. Bagong management na.” Sagot ko sa lalaki. Hay, aalis na lang kami. Ayaw nyo bang marinig kumanta si Trina?” pigil ko sa lalaki. Ayaw namin ng kantahan, kwentuhana ang gusto namin. anong mapapala namin sa kanta? Ako nang bahala Lia. Kakausapin ko lang. Mababait naman yang mga yan. Suki yan dito. Kaso baka magreklamo ang iba. Baka gumaya. Nag-usap tayo na di na ito gaya ng dating club. Hayaan mo na lang sila at hwag mo nang suyuin pa. Alam kong nanghihinayang si Trina sa customers na aalis pero kailangan kong manindigan sa patakaran ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD