17

2689 Words
Meron namang ibang customer na tinanggap ang bagong patakaran ng pamamalakad sa club. Inuman at kantahan na lamang ang maibibigay sa mga customers at syempre mas masarap na pagkain. Ang mga dating tume-table na babae ay ang mga singers na ngayon. Iniisip kong pagsayawin din sila pero hindi malaswa. Maiksing damit pero hindi gaanong revealing at di mapang-akit na sayaw. Ewan kung magugustuhan ng mga customers ang ideya kong iyon. So far ay ok naman ang kita kapag weekend at mukhang mababawi ko agad ang advance p*****t ko sa mga workers ng bar. Kinabukasan ay isang waitress naman ang wala. Ako ulit ang pumalit at kumuha ng mga orders sa mga naroong customers. Kahit sa dami ng taong naroon may Nakita akong kakilala na di ko lalapitan kahit na anong mangyari. “Cindy ikaw na sa table 7.” Sabi ko sa babae. “Ok po ate Lia,” Agad sumunod ang waitress na inutusan ko at nagpunta na ako sa kusina. “Ate lia, hinahanap ka ng lalaki sa Table 7. Ikaw daw po ang kumuha ng order niya.” Sabi ng waitress at nakaramdam ako ng inis na may halong kaba. Ano kaya ang pakay niya? “Bakit kilala ka? Bet ka yata noon ha.” Usisa ni Trina. “Busy kamo ako. Ikaw nang kumuha ng order nya,” bilin ko ulit kay Cindy at ayoko talagang harapin ang lalaki. “Pero ate ang kulit nya eh.” Sige na. ikaw na. Busy kamo at nasa kusina,” pagdadahilan ko pa. Mabilis na bumalik ang batang babae para kulitin ako na puntahan ko ang lalaki sa table 7. “Ikaw daw ang kumuha ng order nya. Nakikiusap po eh at ang kulit talaga.” “Who is he Lia? Manliligaw ba yan? Teka sisilipin ko kung gwapo,” curious na saad ni Trina at sinilip talaga ang lalaking tinutukoy. “Sige na ako nang bahala.” Sabi ko sa dalawa. “The who lia? Gwapo ha. Mukhang matangkad at Maganda ang body. Yummy sya.” “Ex ko.” Tanging saad ko kay Trina. Huminga ako ng malalim saka nagtungo sa table na kinaroroonan ni Liam. “Anong order mo” masungit na Tanong ko. “Isang bucket tsaka sisig.” “Ano pa?” muling pagsusungit ko. “Ikaw.” “Wala akong order. Ikaw ang tinatanong ko. Ano pa nga?” “Ikaw ang order ko. Tabihan mo ko,” maangas na saad nito at lalo akong nainis. “Vip ka? Sorry pang vip ang ganda ko.” Inismiran ko ang lalaki saka ito tinalikuran. “Ang gwapo te. Ex mo talaga? Nakikipagbalikan ba?” Ulit ni Trina at pag-uusisa. May halong kilig ang pagtatanong nito. “Hindi ko alam. Gwapo Kaso manloloko.” Sagot ko sa babae. “Bakit kaya sya nandito kung di naman nakikipagbalikan? Miss ka nyan panigurado. Alam na alam ko ang ganyang ganap.” “Hindi siguro. Malabong mangyari yun dahil patay na patay sya sa kabet nya. Iniwan nga ako eh tapos makikipagbalikan?” “Wait kausapin ko lang. chikahin ko si pogi.” Huy,” pigil ko sa babae ngunit mukhang nabighani sya ng magaling kong ex at uusisain kung anong pakay nito. Hindi ko na sila binigyan ng atensyon. Nasa kaha ako at minsan kumukuha ng orders. Nagpakabusy pero ako man ay naguguluhan sa pagpapakita niya o baka naman nagkataon lang na nandito sya sa bar. “Te lia, request noong nasa 7 ikaw ang magdala ng orders niya,” bilin sa akin ni Cindy. “Ok. Ako nang bahala. Ang kulit nya talaga ha.” “Table 7 ready,” sabi sa kusina at kinuha ko na nag orders ni Liam. Napilitan na akong dalhin yun sa mesa ng lalaki. “Lia, mag-usap tayo.” “Para saan pa? ok na ko.” Mataray kong sagot. Si Trina na naroon din ay nakikinig lang sa amin. “Magpapaliwanag lang ako. Ilang buwan na akong nakukunsensya.” Deserve mo yan at kahit kailan di kita mapapatawad. Tandaan mo yang Mabuti. Umalis ako agad sa mesa niya pagkalapag ko ng mga orders niya. Isang oras ang nakalipas at umoorder nanaman ito ng isang bucket na beer. “Kahit lunurin mo ang sarili mo, di kita patatawarin. Sana usigin ka pa lalo ng kunsensya mo.” Inis na saad ko. Grabe talaga ang galit ko sa lalaki. “We need to annul our marriage. Kaya hinanap kita.” Walangya talaga. Akala ko hihingi ng tawad ang hinayupak, magpapa annul lang pala. “Gastusan mo, wala akong pera.” “Akong bahala sa lahat.” Para akong sinampal sa sinabi niyang iyon. Ang sakit pa rin lalo na at gustong gusto nya pa lang ipawalang bisa ang kasal namin. Ano pa nga bang aasahan ko? Patay na patay sya sa kabit niya at malamang nais nya itong pakasalan pa. kaya nga siguro humihingi ito ng annulment. Iniwan ko na sya matapos Nyang sabihin ang tungkol sa annulment. He’s already drunk sa pangalawang bucket niya. Kinukulit niya ako kaya pinagbigyan ko nang kausapin syang muli. “Lia, papayag ka ba talagang ipa annul ang kasal natin?” Yun ang gusto mo di ba? Ano pa bang magagawa ko? Sorry, dahil may iba na akong gusto. Sorry dahil nag-iba ang nararamdaman ko. Sorry sa lahat Lia. Alam ko. Alam na alam ko. Hwag mo nang ulit ulitin pa. ramdam ko naman eh kaya pakakawalan kita. Gusto ko lang na ibigay mo sa akin ang kalahati ng pinagbentahan ng bahay at ikaw ang gumastos ng annulment. What? Kalahati ng benta sa bahay Tapos akong gagastos lahat sa annulment?” Natatawa pa sya. Lasing na nga sya at di alam ang sinasabi kanina lang ay sya daw ang bahala sa gastos tapos ngayon ay tatawa tawa ang gag*. “Ano pa? alangan namang ako pa ang gumastos. ikaw nag may gusto nito kaya ikaw ang gumawa ng paraan. umuwi ka na nga. Sira ulo ka.” Sobrang nakakainis na sya at baka masuntok ko na ang lasing na lalaki. Itinawag ng guard ng taxi ang magaling na lalaki. Lasing na lasing na talaga. Hindi naman sya talaga sanay uminom at ayun wala na sa sarili. Pwede naman akong lausapin nang di lasing pero ok na rin dahil kumita ng kaunti ang bar sa kanya. Sinabi ko kay Jared ang pagkikita naming iyon ni Liam. Hindi naman sya nabahala dahil sabi ko ang pakay nito ay ipapa annul ang kasal namin. Ngunit may mga tanong sya sa akin. “Sure ka na ipapaannul? baka sinusubukan ka lang kung pwede pa kayong magbalikan.” “No way. Never ever akong babalik sa lalaking manloloko na katulad niya. Katangahan yung niloko ka tapos ano, tatanggapin ko nanaman sya? Sobra ang binigay niyang sakit tapos ganon lang ba yun?” “Ok. Kalma. What if lang naman yung tanong ko at di natin alam kung ano talaga ang pakay niya.” “Don’t worry. Di ako makikipagbalikan sa kanya.” Pagbibigay ko ng kasiguruhan sa lalaki na naroon sa tabi ko nang iwan ako ni Liam. “Alam ko. Akin ka na di ba? Ako na ang mahal mo di ba?” siguro ay ramdam naman ni Jared na mahal ko sya. “Oo. ikaw na ang mahal ko at sya, galit na lang ang nararamdaman ko sa kanya.” Di ko makakalimutan kung paano sya walang alinlangang nagtapat na di nya na ako mahal at may iba na sa puso niya. Ni hindi man lang niya isinaalang alang ang nararamdaman ko bago sya magbitiw ng mga salita. Hindi man lang nya inisip ang ilang taon naming pagsasama. Nagising na ba sya sa katotohanan at nakukunsensya na? pero annulment ang hinihingi niya kaya paniguradong walang wala na ako sa puso ng lalaking iyon. I guess we are really not meant for each other. Dumaan lang kami sa buhay ng isa’t isa para maging aral at para matuto sa pangyayaring iyon. Isang lingo pa ang nakalipas at akala ko ay di na magpaparamdam pa si Liam dahil ayos na ang usapan naming tungkol sa annulment. Pumayag na ako sa kondisyong sya ang gagastos sa lahat pero byernes ng gabi ay naroon nanaman sya kaya ako na mismo ang lumapit sa kanya. May kailangan ka pa bang sabihin? Bakit Narito ka Naaman? Ito ba talaga ang tabaho mo? tapos ano? Sasama kang lumabas sa isa sa mga lalaki dito?” paratang nito sa akin na di alam kung ano talaga ang ginagawa ko sa bar na iyon. Unang una ay wala ka nang pakielam pa sa akin mula nang iwan mo ako. Ano naman sayo kung summa ako sa isa sa mga lalaki rito? Ganyan ka na ba kadesperada? Gagawin ang kahit ano para magkapera? Kahit pa ibenta ang katawan mo? Hwag kang manggulo dito. Nagtatrabaho ako ng maayos. Sumama ka sa akin mamaya. Mag-usap tayo. Baliw ka ba? oo. nababaliw na. tigilan mo ako liam ha. Kung di ka oorder makakaalis ka na dito.” Pagtataboy ko sa lalaking baliw na talaga at kung anu-anong sinasabi. Iniwan ko ang lalaki at napansin kong tinawag nito ang isang waitress. Oorder ba yung lalaki sa 7?” tanong ko pagdaan ni Cindy Oo te lia. Sisig daw at one bucket. Nandito nanamn sya?” tanong ni Trina. Oo nga, ang kulit. Anu anong sinasabi sa akin kanina? Nakikipagbalikan no? tama ako. I knew it. Annulment ang huling pinag-usapan naming tapos ngayon sumama daw ako sa kanya mamaya. Baliw diba? Uy, miss ka na ni pogi. Ano sasama ka? Hindi no. ano sya swerte? Tsaka magagalit ang boyfriend ko. Wala na bang second chance. Mukhang gusto ka nya na ulit. Natauhan na si loko,” tatawa tawang saad ni Trina. Walang second chance. Ganoon ba yun kapag ayaw sayo, aalis at kapag gusto ulit, babalik? Ganyan sila. Marerealize ang kahalagahan ng isang bagay kapag wala na. kaso may babalikan pa ba sya? Wala na. may boyfriend na ako. Mas hot at mas gwapo sa kanya. Sorry na lang sya. Ow, wow! Very good ka dyan. Move on agad agad. Tama. Sya lang ba dapat ang masaya at may bago? Dapat Madali din tayong kumuha ng bago.” Sagot ko sa babaeng kausap. I like your attitude. The best ka maam Lia. Hwag magpakatanga sa mga manlolokong kagaya ng ex husband ko. Never ever going back together. Kahit ang daming ginagawa ay di mawala sa isip ko kung bakit ba narito nanaman si Liam at bakit nais niya akong sumama sa kanya? Ginugulo niya ang isip ko at nawawala ako sa focus sa pagtatrabaho. Hindi naman ito umorder pa ulit ng beer matapos maubos ang isang bucket pero naroon pa rin sya sa kinauupuan at wari’y iniintay matapos ang trabaho ko. Hinihintay ka ba? Sasama ka ba?” tanong nanaman ni Trina sa akin. Hindi nga. Hindi pa ako nababaliw. Hindi mo na ba gusto? Hindi mo na mahal? Wala nang pag-asa na magkaayos kayo? Baka nagsisisi na si pogi. Wala na. may mahal na akong iba at ganoon din sya. Baka hatian lang sa property o tungkol sa annulment ang pag-uusapan naming dalawa. Ok. Concern lang ako sayo. Tatagan mo ang loob at hwag magpaloko. Hwag agad bumigay at hwag marupok. oo. salamat sa payo mo Trina. Matatag na ko at di to marupok ok. Hindi nagtagal ay natapos na ang ligpitin at mag-uuwian na. nasa labas pa si Liam at naninigarilyo. Saan ka nauwi? Ihahatid na kita.” Saad nito sa akin Kaya kong umuwi mag-isa. Ikaw ang baka di na kayang umuwi pa. Di naman ako lasing. Let’s talk. Nag-usap na tayo noong nakaraan di ba? Di mo ba kayang gastusan ang annulment? Malapit nang maayos sa senate ang divorce law, intayin na lang natin para di magastos. Makikipag divorce ka talaga sa akin? Akala ko mahal mo ako. You wanted me to stay right,” wari’y nahihibang ang lalaki at ano kaya ang nangyari sa kanila ng babae niya? Ilang buwan na ang nakalipas, Liam. Marami nang nagyari sa akin at marami na akong narealize. Ngayon pa ba tayo magbabalikan? Ilang buwan pa lang naman ang nakaraan. Hindi mo na baa ko mahal? May bago na ba? Oo. meron na,” direktang saad ko na walang liguy-ligoy pa. yung Nakita ko sa apartment mo. Sabi nya housemate mo lang sya. Nagpunta ka sa apartment ko? Paano mo nalaman? Taking tanong ko. Sa kaibigan mo. Kay Dina. I contacted her at tunuro kung saan ka nakatira. Tama ka. Boyfriend ko na yung housemate ko and we are living together. Maaatim mo pa bang makipagbalikan sa akin? Ganoon ba? Ang bilis ha.” Napaisip sya marahil na may iba na akong kapiling. Matatanggap pa ba niya ako? Mas mabilis ka nga eh. Wala akong kamalay malay. Iba na pala ang gusto mo. oo. pero I didn’t expect na. ang akala ko kasi mahal na mahal mo pa ako. Akala ko pwede pa tayo. He came and changed my heart like yung girl na nakilala mo. She came and changed your heart. But I realize something. Ikaw ang hinahanap hanap ko araw araw. Ang pag-aalaga mo at ang pagluluto mo sa akin. I miss you.” Pagtatapat nito. Its too late liam. Mahalin mo na lang yung babaeng pinalit mo s akin. Tutal mas mahal mo naman sya kesa sa akin kaya nga mas pinili mo sya di ba. I was wrong. So wrong to fall in love with her. Masaya na ako ngayon. Hintayin na lang natin na magkaroon na ng divorce para magamit pa natin ang pera na pagbibilhan ng bahay. Sumakay na ako sa dumaang tricycle at iniwan ang lalaki na nakatayo sa harap ng bar. Tulog na si jared pagdating ko. Tumabi ako sa lalaki at niyakap ako nito mula sa aking likuran nang maramdaman ang paghiga ko. Di naman ako makatulog dahil sa pag-uusap naming iyon ni Liam. Totoong ginulo niya ang isip ko. Now he realized kung gaano ko sya kamahal but it's too late. Sinayang niya ang taong nag-aalaga at nagmamahal ng tunay sa kanya. How could he change his heart at magmahal agad ng iba, ano bang pagkukulang ko sa relasyon namin? Di ako makatulog kaya sinamahan ko si Jared sa kusina habang nagluluto ito. Di ko muna binanggit ang pagkikita naming muli ni Liam at ang mga sinabi nito sa akin. Baka kung anong gawin ni Jared. Baka bantayan ako sa bar at paano naman ang dalawang batang alaga namin. Si Carmie naman ay di ko na makontak pa. Mabuti at kahit papaano ay kumikita ang bar at may pangtustos sa mga bata. Pangkain sa araw araw at Mabuti at bayad na ang tuition nila ng buong isang taon. Sinubukan kong matulog ulit pagkakain. Kailangang makatulog ako para sa muling pagpasok sa bar mamayang hapon. Si Jared muna ang nag-aasikaso sa dalawang bata kapag weekend. Di muna sya umaalis at social media ang pinanghahanap sa ama. Naramdaman kong magpapakita nanaman si Liam sa bar at tama nga ako Nakita ko nga sya bandang alas nueve ng gabi. Yun pa rin ang order niya at napapadalas naman ang pag-inom nito. Ako pa rin ang nag asikaso ng order niya gaya ng request niya. Ayaw nitong umorder sa iba at sa akin lang daw sya oorder. “Liam, hindi pwedeng kapag ayaw mo, iiwan mo at kapag gusto mo, babalikan mo. Hindi ganoon. Alam ko. Mali ako. Padalus dalos ng desisyon at natukso sa mga bagong bagay.” Ramdam ko ang pagsisisi niya pero ano pang magagawa. Di na maibabalik pa ang nakaraan at ang sakit na binigay niya. Ayusin mong buhay mo. Hwag mo na akong guluhin pa. ok na ako eh. Lia, ayusin natin to, please. Maayos na ako at yang buhay mong ayusin mo. Magtatrabaho ako kaya hwag kang manggugulo dito sa bar,. Gaya kahapon, inintay nanaman ako nito hanggang sa magsara ang bar. Saan ka nakatira? Ihahatid kita.” Tanong nitong muli Hindi nga pwede at naroon ang boyfriend ko sa bahay.” Paalala ko sa kanya Sa apartment ko na lang tayo mag-usap. Ang kulit mo talaga. Hindi nga pwede. Oo na. alam ko. Please kahit saglit, mag-usap tayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD