Inihiga niya ako sa kama at tuluyang hinubad ang aking maiksi at mapang-akit na damit. Sya naman ay nagtangal na rin ng kanyang pang itaas at nakita ko ang kanyang dibdib at abs. He’s so sexy and masculine. Lalong gumanda ang katawan niya at parang sabik na sabik ako sa kanya.
Dali-dali nya ring tinanggal ang kanyang pantalon at ang panloob pa nito. Nakalantad na ngayon ang mala adonis nyang katawan sa aking harapan at ang galit niyang alaga. Hinila niya ang aking panty at sumampa na siya sa aming kama. Agad ko naman siyang sinalubong at napabuka na ako sa harapan niya.
Nakapikit siya sa kanyang paggalaw na labas-pasok sa aking hiyas. Mabagal noong una na bumibilis nang lumaon. Lumapit sya sa akin at tinuon ang siko sa kama. Hinalikan niya ako sa aking labi at papunta sa aking leeg. Napahalinghing naman ako at napasabunot sa kanyang buhok dahil sa kakaibang kiliti na aking nararamdaman. Bumaba pa ang labi niya at tinunton ang aking dibdib.
Muli akong napaungol habang nilalasap niya ang tuktok ng aking dibdib at pansin ko ang gigil niya dito. Patuloy pa rin siya sa paglabas-pasok sa aking hiyas. Kinagat niya ako at nakalmot ko ang kanyang likod. Sobrang sarap ng kanyang ginagawa at ayoko nang matapos pa.
Ilang minute sya sa ibabaw ko at panay ang pagbayo sa aking hiyas.
“Liam, uhmmm. Ang sarap,” saad ko nang di mapigil ang nararamdaman.
Hanggang sa bumagal na siya at nanatili na lang ang kanyang alaga sa aking kweba.
Pareho kaming nahiga sa kama na pagod na pagod. Nang makabawi na ako ng lakas ay nagtungo na ako sa banyo para maglinis at magbihis. agad akong umorder ng pagkain sa isang app.
“Breakfast? Nag-order na ako ng paborito mo,” sabi ko sa kanya na akala mo ay ok ang lahat sa amin.
“Kailangan ko ng umalis. Hindi ako pwedeng magtagal.”
“Akala ko ba bibigyan mo ako ng isang buwan para magsama pa tayo?”
“Hindi pwede. Ayokong magtaksil sa kanya.”
“Ano? Ako ang asawa mo. Dapat ako ang kasama mo at ngayon iniisip mong sa kanya ka nagtataksil. Ako na bang kabet ngayon?” mula sa lungkot ay inis ang nararamdaman ko.
“Sinabi ko naman sayo na di na kita mahal at sya na ang mahal ko. Kaya mali ito. Patawad.”
Nagmamadali siyang umalis at lumabas ng aming bahay. Di ako makapaniwala sa mga sinabi niya at di ko matanggap na hindi na niya ako mahal habang mahal na mahal ko sya.
Ano bang ginawa ng babaeng iyon sa aking asawa? Anong meron sya na wala ako?
Umiyak lang ako at sinisi ang aking sarili sa lahat ng nangyari. Kasalanan ko na hindi nya na ako mahal. Hindi ko ginawa ang lahat para magkaanak kami. Sana ay lalo pa akong nagpaganda sa paningin niya at inalagaan ko ang aking sarili. Sana ay kumunsulta ako sa doctor para malaman kung anong problema ko at paano masosolusyunan.
Nakaupo lang ako sa sahig. Nanghihina ako at gusto ko na lang na matulog ulit. Tumayo ako nang dumating ang inorder kong pagkain. Kumain ako ng kaunti ngunit di ko ito malasahan kaya iniwan ko na lang ang mga ito sa mesa.
Matutulog na lang ako at magpapahinga. Kailangan kong mag-isip kung ano nang gagawin ko sa aking buhay ngayon na iniwan na akong tuluyan ni Liam. Wala na nga yatang pag-asa na balikan pa niya ako. Maya-maya ay nagising ako dahil sa tunog ng aking telepono.
“Hey girl, si Dana ‘to.”
“Kamusta?” walang ganang sagot ko.
“Ok naman. Ok na kami,” nagkabalikan na siguro sila ng asawa niya kaya lalo akong nalungkot. “Ikaw kamusta? Nakita ka ba na suot ang damit mong sexy kagabi?” may excitement ang tono ng kanyang pananalita.
“Oo nakita nya at naakit sya.” Wala pa ring gana ang boses ko.
“That’s good pero bakit ganyan ang boses mo parang malungkot?”
“Nagmadali rin syang umalis matapos na may mangyari sa amin. Hindi daw sya dapat nandito at ayaw nya daw pagtaksilan ang babae niya,” paliwanag ko.
“Sira ulo pala sya. Bulag na sa pagibig sa kalaguyo niya. So, ano nang gagawin mo? Kailangan mo ng tulong?”
“Ok lang ako. Kaya ko ang sarili ko kaso lang kailangan ko ng trabaho. Walang-wala ako at nagbabayad pa ako ng apartment ko.”
“Pwede kitang tulungan na mag-part time job sa akin. Magkita tayo bukas.”
“Ha? Totoo ba? Salamat Dana sa tulong mo. Ang bait mo sa akin.”
“Padadalan kita ng pera ngayon. Ibigay mong bank account mo.”
“Salamat ulit ha. Di ako makapaniwala. Hulog ka ng langit talaga. Di ko talaga alam kung anong gagawin ko sa mga panahong ito.”
Hindi ako makapaniwalang iniwan ako ng aking asawa na walang-wala at mag-isa. Wala na talaga syang pakielam sa akin. Awang-awa ako sa aking sarili pero dapat akong lumaban at mag-isip ng paraan kung paano susuportahan ang sarili ko.
Kinabukasan, pinag-empake ako ni Dana ng mga damit na pang isang linggo. Samahan ko daw syang makipagmeeting sa mga clients niya. Ako daw ang magiging assistant niya hanggang matapos ang mga inaasikso niya sa negosyo at pagkatapos ay aalis muna silang mag-asawa.
Habang kasama ko sya ay parang di naman ako nagtatrabaho. Panay kain lang kami at kwentuhan sa hotel na tinutuluyan namin.
Idemanda mo sila," biglang saad ni Dana.
Wala akong lakas ng loob at syempre wala naman akong pera para sa attorney."
Tutulungan kita. Akong bahala sa gastos.
Hwag na sayang lang sa oras at sa pera. Bahala na sya kung anong gusto niyang gawin at dadating din naman ang karma sa buhay nila ng kabit niya.
Mabuti pa ay magbar ulit tayo mamaya.
Matulog na lang tayo kasi may mga kausap ka pa bukas di ba," di ko pagsang-ayon sa babae na ang bilis malasing sa inuman.
Tama akong di kami mag bar ng gabing iyon dahil maagang nakipagkita ang kanyang kliyente.
Habang kausap ang mga clients niya ay nakaupo lang ako sa tabi niya at inaabot ang mga papeles na kailangan niya. May iba pa pala syang pinagawa. Mag send ng emails, text at makipag-usap na rin sa ibang kliyente sa telepono. Kahit papaano ay nawawala ang lungkot ko habang busy sa mga pinagagawa sa akin ni Dana. Sa ngayon ay di ko masyadong naiisip si Liam pero paano kapag natapos na ang part time job ko na ito? Babalik nanaman ako sa miserable kong buhay.
Pagkatapos ng isang linggo ay ibinigay na niya sa akin ang sweldo ko. Malaki kesa sa inaasahan ko at pwede na akong magtayo ng maliit na negosyo. wala pa akong naiisip kung ano ang gusto ko.
“Sobra-sobra ‘to sa trabahong ginawa ko.”
“Tanggapin mo na. Kailangan mo ng pangumpisa di ba?”
“Mababayaran din kita balang araw. Pangako.”
“Ano ka ba? Bigay ko nga yan. Tinulungan mo ako noong wala akong makausap kaya regalo ko na yan sayo. Mag-thank you ka na lang.”
“Maraming salamat talaga. Thank you.”
Nagyakap kami ng sobrang higpit dahil sa laki ng aking pasasalamat. Binaba na niya ako sa tapat ng aking apartment saka siya umalis. Napabuntong hininga na lang ako ng maisip na mag-isa nanaman ako. Naging masaya kasama si Dana at ngayon malungkot nanaman ako mag-isa sa apartment na ito.
Hila ko ang aking maleta sa harap ng apartment at sinusian ang aking pinto. Sa pagbukas ko ng aking pinto ay di ko akalaing makakakita ng isang di ko inaasahang estranghero. Kinabahan ako at natakot ng makita ito sa loob ng aking bahay.