MATAGUMPAY ang pagbubukas ng bahay-panuluyan ng mga Tiu. Ang pancit na luto ni Mang Carlos ay dinarayo pa rin at nagiging kainan sa tuwing umaga. Inilibot ni Althea ang kanyang paningin sa buong lugar. Naroroon pa rin ang mga ornamento at iba pang mga palamuti sa bahay-aliwan noon. Ang mga serbidor ay naroroon pa rin, ngunit kumpara noon, hindi na masyadong dinarayo ng mga panauhin ang lugar. Nahinto si Rosario sa pakikipag-usap sa isang panauhin nang maalinag ang isang dalagang nakatayo sa bulwagan. Nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat at may ngiti sa mga labi na tumakbo sa direksyon ni Althea. “Ate! Buong akala ko ay hindi ka na babalik.” Wika nito sa kanya. Niyakap din pabalik ni Althea ang dalaga. “Pwede ba ‘yon? Kayo naman ang bago kong pamilya, syempre, mahirap para sa akin an