Kabanata 2

2173 Words
Naging palaisipan tuloy sa akin kung ano ang laman ng mensaheng iyon ni Ethan. Hindi naman kami close at sigurado akong hindi niya alam na existing ako sa mundong ito. Kainis kasing batang uhugin na ‘yon! Tinarayan pa ako noong nakiusap akong makikilog-in saglit. Kainis! Hay naku! Kesa problemahin ko ‘yon, mas mabuti pang gawin ko na lang ang mga dapat kong gawin. Baka kalokohan lang din naman ang laman ng mensahe na iyon, at ayaw ko sa kanya. Inisa-isa ko ang mga lugar na maaaring kong pagtanungan. Pinuntahan ko rin ang ilang mga suki nila Tatay na sa tingin ko ay nangangailangan ng tutor para sa mga anak nila. Pero… wala. Wala daw silang pera para sa tutor. Hindi pala talaga madaling humanap ng trabaho. Minsan pala, hindi sapat ang determinsayon lang. Pero okay lang ‘pag wala akong makita, mag-apply na lang ako sa ibang trabaho. Muli akong naglakad hanggang sa makarating ako sa tapat ng school kung saan ako nag-aaral. Ito ang High Gates of Manila School and Academy. Isa ito sa pinakamalaking private school sa buong bansa. May mga nagtapos at nag-aaral dito na mga anak ng artista at politiko. At mataas ang ratings ng school na ito. Kung paano ako nakapasok dito? Ah, dahil iyon sa tatay ko. Dito siya nagtrabaho noon bilang janitor, at kasama ang full scholarship ko sa pabuya na nakuha niya mg dahil sa kabayanihang ginawa niya na nabanggit ko na. Hindi madali ang mag-aral dito, lalo na para sa katulad ko. Mababa ang tingin nila sa akin. Alam ko ‘yon kahit hindi nila sabihin. Palagpas na ako ng eskwelahan nang makarinig ako ng malakas na busina. Napatalon ako sa gilid at kaagad humingi ng pasensya sa may-ari ng sasakyan. Hindi ko kasi namalayan na halos papagitna na ako sa kalsada. “Hoy! Rosalyn!” Agad akong napatingin sa likuran ng sasakyan kung saan galing ang boses ng tumawag sa akin. At nagulat ako nang makita ko si Jizel. Ang isa sa pinaka-close kong kaibigan sa school. Iba siya sa lahat. Hindi mo mahahalata na anak mayaman siya kung hindi siya nakasakay sa kulay itim na Jaguar ng tatay niya. Simple lang siya manamit at pareho ang paborito naming banda at fan din siya ni John Lloyd! “Jizel! Ikaw pala!” “Saan ka pupunta, Rosalyn?” Hindi ako kaagad nakasagot, para bang bigla akong kinain ng hiya. Hindi niya alam na naghahanap ako ng trabaho. “Ahm…” “Bakit may problema ba?” Sandali niyang itinaas ang salamin ng sasakyan at pagkatapos ay bumaba siya mula doon. “Ah, wala naman! Naghahanap lang ako ng trabaho. Alam mo na… extra income.” “Ah, okay! Sayang, wala si daddy. Mabibigyan ka sana niya ng trabaho kaagad.” “Naku! Okay lang! Makakahanap din ako nito. Tsaka nakakahiya sa daddy mo!” “Naghahanap ka ng trabaho bilang tutor, ‘no?” tanong niya na sinagot ko ng pagtango ng ulo. “Ang galing! Hay naku! Kung hindi lang ako busy ngayong summer ako na sana ang magiging estudyante mo! Ah! Alam ko na! Bigyan mo ako ng kopya ng resume mo! Ipapakalat ko ‘to sa mga kakilala namin. At ako mismo ang mag-rerekomenda sa kanila sa’yo!” Talagang napangiti ako sa sinabing iyon ni Jizel. Galing si Jizel sa isang pamilya ng mga businessman at sa murang edad ay sinanay na siya ng mga magulang niya na humarap sa mga tao. At talagang marami silang mga koneksyon. “Salamat. Jizel, ha?” sabi ko sabay abot ng resumé sa kanya. “No problem! Basta para sa’yo! So, paano? I need to go now. I have an important appointment kasi. Sa sunod labas tayo, ha?! Sama natin si Macky!” “Sige. Salamat uli.” “Ah, teka! May pera ka ba d’yan?” Nagulat ako sa tanong niya. Bakit niya naitanong iyon? Mangungutang ba siya? “Ha? Wa-wala… sakto lang ‘to. Bakit?” Dumukot siya ng tatlong tig-isang libo mula sa pitaka niya at iniabot sa akin. Nagulat ako at kaagad akong tumanggi. Hindi ko naman kailangan ng gano’ng kalaking pera at ayaw kong isipin niya na iyon lang ang habol ko sa kanya. Pero mapilit si Jizel. Itinupi niya ang pera at mabilis niya iyong isinuksok sa kwelyo ng suot kong T-shirt. “Naisahan kita!” nakatawang sabi ni Jizel sabay sakay sa sasakyan. Umandar na ito at dahan-dahang bumaba ang salamin ng bintana sa likod. “Gamitin mo ‘yan, ha! Sana makatulong sa’yo!” sigaw niya sabay flying kiss. “See yah!” Wala naman na akong nagawa. Ang problema na lang ay kung paano ko kukunin ang perang ito. Sumiksik na kasi sa loob. Ang dami na ring taong nakatingin sa akin. Ang lakas naman kasi ng boses ni Jizel. Patago kong dinukot ang pera at habang inilalagay ko ang perang iyon sa aking coin purse ay naglakad ako pabalik. Nang biglang, bumunggo ako sa kung ano at bigla akong napaupo. Napahawak ako sa noo ko habang tumitingala para tignan kung sino o ano ang nabunggo ko. At nagulat ako nang makita ko ang mukha ng matangkad na lalaking nasa harapan ko. Siya si Ethan Chris Monteverde, at galit na galit siya dahil natapunan ng hawak niyang inumin ang suot niyang puting T-shirt. “What the hell?! Bulag ka ba?!” bulyaw niya. “Aba! Sorry! Wala ka naman kasi d’yan kanina!” sabi ko habang dahan-dahang tumatayo. Natatakot ako sa kanya. Nanlalaki ang mga mata niya at parang ang liit ng tingin niya sa akin.” “And you’re the one who’s angry now. Seriously?! Alam mo ba kung magkano ang T-shirt na ‘to?! This costs more than a month of your parents’ salary! At kahit anong gawin mo, hindi mo mababayaran ‘to!” “Ha? Bakit? Magkano ba ‘yan?! Makapagsalita ka! Ito tatlong libo! Sa’yo na!” Nainis ako nang idinamay niya ang mga magulang ko. Pero ayaw ko ng g**o. Napakarami ng tao ang nakatingin sa amin. Kaya iniabot ko na lang ang perang ibinigay sa akin ni Jizel. “Tatlong-libo? Are you serious?! Eh, kulang pa ito sa baon ko sa isang araw!” galit niyang sigaw sa akin. “Nakakainis! Paano na ako pupunta sa dates ko nito! May tatlong dates pa naman akong pupuntahan!” Tatlong dates? Seryoso? Tatlo? Mga? Kung gano’n totoo talaga ang mga naririnig ko tungkol sa kanya! Isa siyang playboy na marami ng pinaiyak na babae! Nagpagpag ako ng aking likuran nang may naramdaman akong malamig sa aking uluhan. Nagulat ako at napaiwas, pero huli na ang lahat! Ibinuhos niya sa akin ang natitirang laman ng baso niyang hawak. Kumalat ang malagkit na tsokalate sa mahaba kong buhok at talagang nadumihan noon ang nag-iisa kong maayos na panglakad. “You deserve that!” sabi niya sabay bato ng papel na baso sa harapan ko. Talagang naghalo na ang balat sa tinalupan! Hindi ko na napigilan ang sarili ko at ang sunod ko na lang nalaman ay nasuntok ko na pala siya ng malakas sa mukha. Pumutok ang labi niya at napaupo siya sa kalsada. “Now, you deserve that! Kahit pa gaano kamahal ‘yan suot mong damit! Wala kang karapatan na tratuhin ang kahit sino ng gano’n! Malasin ka sana na ng sampung milyong beses! Panget!” Sunod kong nakita ay tumatakbo na papalabas ang mga ka-team niya sa basketball mula sa loob ng school. Malamang na mayroon silang practice o kung ano pa man kaya siya naroon. Ah! Ewan! Wala na akong pakialam! Tumalikod na ako at saka ako tumakbo palayo. Hindi ako tumigil hanggang sa tuluyan na akong nakalayo sa school. Nakakahiya nga lang nang dahil sa hitsura ko, ay pinagtitinginan ako ng maraming tao. Nakakahiya tuloy sumakay ng jeep. Kaya nag-tricycle na lang ako kahit medyo malayo at special ang singil sa akin. Nakakainis! Hindi ko akalain na gano’n pala talaga ka-sira ulo ang isang ‘yon! May pa-message pa sa Friendster. Malamang kalokohan din ‘yon. Letse! Kumukulo talaga dugo sa kanya!!! Lumipas ang tatlong araw, at wala akong natanggap na mensahe o tawag man lang sa nag-isang cellphone ng aming pamilya. Ang cellphone na pwedeng panghanap sa minahan sa lakas ng flashlight at kayang tumagal ng isang linggo kahit hindi i-charge. Nawawalan na ako ng pag-asa. Hindi na rin ako nakapag-apply uli dahil kinailangan nila Tatay ng makakatulong sa palengke sa loob ng dalawang araw. Hanggang sa isang gabi ay tumawag si Jizel sa amin. “Hello, Jizel! Alam mo ba may iku-kwento ako sa’yo!” Maingay sa linya ni Jizel parang may kumakanta na tito na lasing na hindi mo maintindihan. Alam ko iyong kinakanta niya pero parang iba ‘ata ‘yong lyrics niya. “Hello, Rosalyn! Pasensya ka na at maingay dito! Dumalaw kasi ‘yong uncle ko, galing Switzerland! Ang totoo nandito na ako sa terrace namin, pero ang ingay pa rin!” “Okay lang!” sabi ko. “May iku-kwento nga ako!” Maya-maya ay mas lumakas ang salita ng lalaki na hindi ko maintindihan ang sinasabi. “Ah! Hinihila na ko ng uncle ko! Kumanta raw ako! Next time, I’ll listen to that story! Gusto ko lang sabihin na may trabaho ka na! Send ko na lang ang details later!” mabilis na sabi ni Jizel. At pagkatapos noon ay narinig ko pang kumanta ang kaibigan ko ng umbrella bago tuluyang maputol ang linya. At matapos ang ilang minuto ay nagpadala siya ng mensahe. Nandoon ang address ng bahay ng magpapa-tutor sa akin. Sa wakas! Salamat talaga sa’yo! Jizel! Sinabi ko kina Nanay ang balita. Pero masyado silang abala sa pagbibilang ng gagamiting puhunan para bukas. Narinig ko rin na paubos na ang gamot ni Nanay at kailangan na nilang mangutang. Ayaw ko na silang istorbohin, kaya naman natulog na lang ako. Kinabukasan ay kaagad kong pinuntahan ang address. Sa loob ng isang private subdivision ang bahay, dalawang sakay mula sa amin. Mahigpit ang security. Kailangan pang tumawag ng gwardiya sa mismong bahay bago ako pinapasok. Todo kalkal din sila sa bag ko na ang laman lang naman ay isang ballpen at pink na pulbo. “Hay! Ilang taon kaya ang tuturuan ko… Excited na ako! Salamat, Jizel! Salamat Lord!” sabi ko sa sarili habang binabaybay ko ang isang mahabang kalsada. Sa dulo raw kasi nito makikita ang bahay na hinahanap ko. At nang marating ko ang dulo ay talagang napanganga ako sa ganda ng bahay. Ngayon lang ako nakakita ng bahay na halos puro square ang lahat ng parte at karamihan sa mga pader ay gawa sa salamin. Literal na nalaglag ang panga ko sa harap ng bahay at mga ilang segundo akong tumayo doon bago ko pinindot ang doorbell. “Yes? Are you Ms. Carpio?” sabi ng isang babae sa intercom. “Opo.” kinabahan pa ako sa pagsagot. Dahan-dahang bumukas ang malaking gate at bumungad sa akin ang tatlong sports car. Lahat ay kulay pula. Hindi ako mahilig sa sasakyan, pero talagang ang gaganda nila. Sinalubong ako ng isang babae na naka-suot ng itim at magarang bestida. Matangkad siya, blonde ang buhok at may kayumangging kutis. Kapansin-pansin din ang mahahaba niyang pilik-mata. Nagpakilala siyang si Rachel. “This way Ms. Carpio.” sabi niya sabay kumpas ng kamay. Sumunod naman ako at nailang ako noon una dahil hindi ko alam kung huhubarin ko ba ang sapatos ko o hindi. Napakintab kasi ng sahig. Pero sinabi ni Rachel na ipasok ko na lang daw. Pagpasok ko ay kaagad kong inilibot ang aking mga mata. At sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakakita ng bahay na ganito kalaki at ganito kaganda! Parang maliligaw ako sa loob! Talagang nakakamangha. Pero siyempre, sa isip ko lang iyon. Ayaw ko namang magmukhang tanga at mapahiya. Maya-maya ay sinamahan naman ako ni Rachel sa isang kwarto. Dito ko raw makikilala ang magiging estudyante ko. Tinanong ko siya kung ilang taon ang bata, pero hindi siya sumagot. Ngumiti lang siya at pagkatapos ay kumatok siya sa pinto. “Yes, you may come in!” Teka, pamilyar ang boses na ‘yon, ah! Binuksan ni Rachel ang pintuan at inaya niya akong pumasok. At halos matunaw ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang isang binata na may kalong-kalong na isang dalaga. At nagkikilitian silang dalawa. Nakakairita ang tawanan nilang dalawa. Hindi ko nga lang maaninag ang mukha ng lalaki. “Young master, this is your new private tutor.” sabi ni Rachel. “Oh! Sure!” “Hello, I am the…,” Natulala ako nang bumaba mula sa pagkakakalong ang babae at nang makita ko ang mukha ng lalaki. Parang tumigil sandali ang mundo ko, bago ako nakasigaw. “Anak ng! Ethan Chris Monteverde?!” “What the heck?! Bakit ka nandito?!” galit niyang sigaw sabay tayo. Hindi ko rin alam. Kainis! “Dahil siya ang magiging tutor mo,” biglang sabi ng isang lalaki mula sa likuran ko. “Ano po?! Ako magiging tutor ng kolokoy… este ng babaero… este ng lalaking ito?!”

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD