"Gumaganda na ang sitwasyon niya, baka this weekend ay p'wede na siyang ilabas. P'wede na ngayon pero mas okay na lumabas siya kapag talagang full recovered na."
That was the bestest news I have ever heard so far. Nabawasan ang bigat na ilang linggo ko ng buhat-buhat. Tila nagliwanag ang paligid at nalagyan ng kulay lahat ng bagay.
Masaya akong pumasok sa silid ng hospital ni papa. Nakaupo ito ngayon at nakasandal sa may headboard ng hospital bed at ilang unan na nakaalalay sa kanyang likuran.
Sa tabi nito ay ang kapatid ko na kasalukuyan siyang pinapakain ng mga prutas na prinoseso niya muna sa blender para madaling ma-digest ni papa. Sa isang banda naman, sa may maliit na sofa ay nakaupo si Rowena at Aya. They decided to pay a visit, tutal ay pare-pareho kaming walang trabaho ngayon.
Pansamantala ko munang isinara ang shop para mabantayan si papa at makapagbakasyon ng dalawang araw ang mga kasama ko. Kung naging busy ako ay ganoon din sila kaya alam kong yung stress na naramdaman ko nitong mga nakaraan ay naramdaman din nila.
"Ano ang sabi ng doctor?" tanong ni ate na lumingon ng ilang segundo sa akin bago ibinalik ang atensyon sa pagpapakain kay papa.
Lahat sila ay tumingin sa gawi ko, maski si papa na bagaman maayos na ang lagay ay kita mo pa rin ang panghihina. Pumayat siya at naiiyak ako tuwing nakikita ko sa mukha niya ang guilt na hindi naman niya dapat nararamdaman. Alam ko kahit hindi niya sabihin ay sobrang nagi-guilty siya na nandito siya at ako naman ay nagkanda-lugmo-lugmok sa sunod-sunod na problema.
Nakakaasar, ano? Yung mga taong may kasalanan nga ay hindi nako-konsensya pero yung mga wala namang kasalanan, eh, grabe-grabe ma-guilty.
"P'wede na raw siyang lumabas this weekend. Ilang araw lang na monitoring para sure na wala ng problema pagkauwi."
"Thank God," halos sabay-sabay nilang sambit.
"Sabi sa'yo malakas na ako, eh," sabi ni papa at ngumiti sa akin, tila pinapakita na kayang-kaya niya na bagaman halata pa rin na may iniinda.
His wounds are not fully recovered yet. Madami pa rin siyang gamot na iniinom at kahit sa paglabas niya ng hospital ay marami pa ring magiging bawal. He can't go back to the farm yet maliban na lang kung hindi trabaho ang ipupunta niya roon at literal na pahinga. Bawal din siyang magbuhat ng mabibigat. Alcoholic drinks are prohibited, too. At hangga't maaari ay dapat maiwasan ang mga pagkain na mahirap ma-digest ng katawan.
In short, para pa rin siyang nakaratay sa hospital kahit na makauwi na siya this weekend.
"Aba! Dapat lang, kung hindi ay tutusukan ka na naman nila ng kung ano-ano," pabirong sermon ko at lumapit sa gawi niya. Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang kamay nito.
"Magpapalakas ako syempre. Hindi ka pa nga nakakapag-asawa," pabirong sabi niya. "Hindi ako pwedeng mawala hangga't hindi ako sigurado na may maayos kang pamilya rito."
Namuo ang mga luha sa mga mata ko. Bakit ba ang hilig niyang magsabi ng mga bagay na para bang iiwan niya na ako ano mang oras na mangyari ang sinasabi niya?
Do they even know how painful it is to hear those words? Ni hindi ko siya matingnan sa mata kapag ganyan ang tono ng pananalita niya. Kahit pabiro niya sabihin iyon ay hindi nakakagaan sa pakiramdam.
"Hindi na mag-aasawa lalo iyan kapag ganyan ang sinasabi mo, pa," sabat ni ate na siya namang totoo.
Aba! Kung sasabihin niya sa akin na p'wede na siyang mawala anytime pagkatapos kong mag-asawa, hindi ko na lang gagawin. I'd rather stay with my father until the end of me than get married and lose my father after.
Hindi ko kaya ng wala siya sa buhay ko. Kung alam niya lang yung sakit na itinatago ko dahil wala na si mama, paano pa kaya kung pati siya?
"Hayaan mo, tito, hahanapan na kita ng mga matitinong kandidato para sa son-in-law position," sabi naman ni Rowena na sinegundahan ni Aya.
I playfully rolled my eyes at them.
"Tigilan niyo nga ako."
"Ipakita mo sa akin ang mga kandidato na iyan, Weng," pabirong sabi ni papa. "Pero kahit sino naman basta mahal ng anak ko."
Masaya ako na nakakausap na siya ng ganito, nakakapagbiro na, at bagaman mahina pa rin ay medyo nakakagalaw-galaw na. Kung alam niya lang, sobrang miss na miss ko na siya. Kung p'wede ko lang siyang yakapin ng mahigpit kaso ay natatakot ako na baka may mga sugat siya na hindi pa dapat hawakan o madiinan.
Ako ang nagbantay ng araw na iyon sa hospital nang magsiuwian na silang lahat. Gustuhin ko mang kausapin si papa tungkol sa aksidente ay pinigilan ko muna ang sarili. I want him to recover mentally and physically before asking him anything. Unless siya ang magkukwento.
Kinabukasan, pagkadating ng ate ko ay ako naman ang umuwi. Pagkatapos mag-breast feed ni ate ay dumidiretso na siya sa hospital. Kapag lunch naman ay dinadalhan siya ng pagkain ng asawa at iniiwan ang anak sa mga magulang nito. Uuwi rin naman ng maaga si ate lalo na kapag tapos na uminom si papa ng mga gamot niya at ako naman ay didiretso sa hospital para magbantay ulit.
Pero ngayong araw ay si ate ang magbabantay buong gabi. Pinayagan naman na isama ang baby niya at may nahiram silang portable crib para doon muna mag-stay. Maayos naman ang hospital room ni papa kaya p'wede sila roon, isa pa, alam kong gustong-gusto na makita ni papa ang apo niya. He saw the baby when my sister gave birth but after that, wala na.
"Club night!" Bulalas ni Rowena na kanina pa ako inaayang umalis. Lalo na ngayon dahil ayon sa source niya ay nandoon daw si Kier.
It has been a week since Kier and I last saw each other. Wala naman kaming numero ng isa't isa at hindi naman na kailangan pa iyon. Sa mga nagdaang araw ay pinilit kong maging busy sa mga bagay-bagay lalo na sa pag-aalaga kay papa pero sa tuwing matutulog ako sa gabi ay naaalala ko ang nangyari sa beach.
At kapag nangyayari iyon ay nararamdaman kong muli ang init ng mga labi niya sa akin, ang mga hawak niya na animo'y nang-aangkin, ang mga mapupungay niyang mga mata na malulunod at malulunod ka na lang talaga.
Pinipilit kong kalimutan ang nangyari. Katulad ng sabi ni Rowena, ang mga lalaking kagaya ni Kier, kapag nakuha na ang gusto sa'yo ay wala ng pakielam. Paano ko makukuha ang puso niya kung pagkatapos kong ibigay ang lahat ay ayaw niya na?
At dahil doon ay napapayag ako ni Rowena na sumama. And this is a coincidence, well, at least it has appear to be.
"Ang dami nating dapat i-celebrate kaya 'wag kang magpaka-KJ ngayon. Huwag ka mag-alala, hindi ako iinom ng madami para ako ang magda-drive. Go and drink whatever fvcking alcohol you want."
Pagpasok ay halos itulak niya na ako para lang makisali sa mga nagsasayawan sa dance floor. Inirapan ko siya at sinundan ito sa mesa na naka-reserve para sa amin, sa second floor na ito this time dahil ang hirap humanap ng matinong spot sa baba, ang gulo-gulo at ang ingay-ingay. Mas intimate nga lang ang awra dito sa taas, parang bawat sulok ay may nagchuchukchakan.
"Hi, girls!"
Tumayo kami, yumakap, at bumeso kay Keisha, ang napakagandang manager ng club na ito. Gaya ng sabi ko noon ay mas close sila ni Weng pero dahil sa ilang beses na punta namin ni Weng dito at sa sandamakmak na kwento ay medyo nagiging close na rin kami.
"Thanks for the table," sabi ko at umupo.
Day off ni Keisha ngayon pero hindi na yata mawawala sa kanya ang pagchi-check kung ayos lang ba ang lahat. Kanina pa siya palipat-lipat ng table, hindi ko malaman kung kumukuha ng order, nakikipagkilala, o baka naman may balak siyang tumakbo sa politika at nagpapabango ng pangalan.
She's pretty. Medyo reserve din siya at may pagka-conservative kahit na hindi halata dahil dito siya nagta-trabaho.
"Kung ako ang may-ari, pati mga inumin ay libre para sa inyo," biro niya. "Magtayo na lang kaya ako ng sarili kong club?"
Rowena rolled her beautiful eyes. "Sana all mayaman."
Nagkaroon ng kaunting kwentuhan sa pagitan naming tatlo pero hindi rin nagtagal si Keisha dahil napakadami niyang kakilala na nandito ngayon. You know, you always have this friend who's friends with everyone around.
"Psst.."
Hindi ko pinansin si Rowena at nanood lang ng mga nagsasayawan sa baba. Halata na ang kalasingan sa mga babaeng nandoon, may mga palabas ng club na naghahalikan, may mga lalaki naman na nakaupo lang sa gilid at sumisimsim ng wine habang naglulumikot ang mga mata.
"Psst..."
Umirap ako nang marinig na naman ang sitsit ni Rowena. Ano ako, aso?
"Huy!" Siniko niya ako this time.
"Bakit ba?" pabulong na sigaw ko dahil sa kakulitan niya na hindi ko maintindihan kung para saan.
"Tingnan mo, dali!"
Tumingin ako sa mukha ng katabi ko, pagkatapos ay sinundan ko ng tingin ang direksyon ng mga mata niya.
Nalaglag ang panga ko sa nakita. Sa hindi kalayuan, actually, hindi talaga malayo dahil kitang-kita sa gawi namin ang nangyayari. At dinig na dinig pa!
"Hi, love!" Nakahawak ang kamay ng babae sa balikat niya.
Kier fvcking horny Ford looked up to see the girl. Nakaupo sa malaki at nasa sulok na sofa si Kier. May kasama itong lalaki kanina pero umalis na ang lalaki. He probably saw it coming so he choose to leave.
Kitang-kita ko kung paano naglakbay ang mga mata ni Kier sa babae na halos maghubad na sa sobrang lantad ng balat niya. Like, as in, mahihiya ang bra at panty sa suot niya na halos wala ng natatakpan.
"Hey, baby," malanding sagot ni Kier dito.
Wow? Am I witnessing this now?
Kumandong ng walang pasabi ang babae sa lap ni Kier. As in kumandong talaga, ng walang paalam. Alam niya ba ang ginagawa niya? Ni hindi man lang nanghingi ng permiso?
May ibinulong si Kier sa tainga ng babae at kasunod ay ang hagikhikan nilang dalawa. Kier's hands are now snaked on the girl's body.
"Woah, woah," reaksyon ni Rowena. "Live p**n ba ito?" aniya kahit wala pa mang nangyayari.
I shrugged. "Ano pa bang aasahan mo? Babae lang naman ang pinagtutuunan ng pansin niyan."
Bumalik ang dating galit ko sa kanya. Naalala ko noong mga araw na sunod-sunod ang bad news sa buhay ko samantalang siya ay sunod-sunod ang babae na hinihiga sa kama. I winced at the thought.
Iniwas ko ang mga mata nang magsimula na silang maghalikan na dalawa. Sa maikling segundo ay agad nabuhay sa isipan ko ang nangyari sa La Union. His perfect hands doing crazy touches on my body, his lips on mine, his---
"s**t!" Bulalas ko nang ma-realize na nagsisimula na naman akong magpantasya ng mga bagay-bagay.
Hindi ako nagseselos, sa halip ay naiinis ako dahil naaalala ko ang nangyari. At kapag naaalala ko ay naiinis ako dahil aminado ako na... hinahanap-hanap ng katawan ko.
Yes, that guy is a fvcking good kisser. So much that you'll forget you hate him for a minute.
"Ano? Hindi mo ba guguluhin?" tanong ni Rowena na sinagot ko ng masamang tingin. "Bakit?"
"Bakit ko guguluhin? Ikaw kaya makipag-s*x tapos iistorbohin kita, gusto mo?"
"Bunganga nito," aniya. "Saka, hindi ka nandito para pasayahin ang gago pero gwapo'ng Ford na iyan. Guluhin mo kaya para mainis."
"At kung hindi na ako pansinin pagkatapos? Eh 'di palpak ang plano?"
"Luh? Kapag pinaalis mo yung babae, palitan mo ng bago."
"Gaga! Ano, hahanap ako ng babae diyan sa baba?"
"Tanga nito. Hindi ka ba babae?"
Napanganga ako nang ma-realize ang sinasabi niya.
"You want me to take over her position?"
May mapagbirong ngisi ang umalpas sa mga labi niya. "No. Kahit hindi naman ganyang posisyon, any position that suits you."
Sinapak ko siya ng mahina dahil sa kaberdehan sa mga salita niya.
Humalakhak siya at kinuha ang mga gamit na siyang ikinalaki ng mga mata ko. "Hindi ako manonood, ayaw kong mainggit, ano. Pero kunin mo iyang phone mo, 'wag kang sasama sa kanyang gabi at ako ang mag-uuwi sa'yo, okay?"
Ni hindi niya ako hinintay na makasagot. Iniwan niya ako roon na nakatingin sa babaeng tumitirik na ang mata, halik pa lang ang nangyayari.
Kinuha ko ang vodka na ibinaba nila sa mesa namin kanina. I gulped it all at once before standing up to follow my friend's advice, and ruin someone else's supposed to be good night.