Inilabas nila ang plastic na mesa na pang-apatan at naglagay ng magandang table cloth doon. Nakalagay na ng maayos ang mga pinggan, kutsara, tinidor, at baso. May apat na upuan ng nakaayos at may isa't kalahating litro ng coke ang nakalagay sa gitna.
Fancy but not so fancy.
Simple but not so simple.
It's in between.
Namamangha akong lumapit sa pwesto ng mesa at tumingin sa paligid. Maraming puno at ilang kabahayan sa medyo malayo. Maganda at nakaka-relax ang lugar. Medyo nakakatakot nga lang kapag may bagyo, pakiramdam ko ay hindi safe sa lugar na ganito. O baka ayos lang naman?
Nagsalo-salo kaming apat sa tanghaliang iniluto ni Yaya Merced.
"Ikaw ang unang babae na dinala niyan dito," sabi ng matanda sa akin.
Humalakhak ang asawa nito at pabirong tiningnan si Kier. "Muntik ko na nga'ng maisip na nandito ka para maghatid ng wedding invitation."
Nakitawa si Kier at hindi ko alam kung maiinsulto ako o ano pero nakisakay na lang din ako sa kanila at ngumiti.
Bagaman marami silang pinag-usapan at nagkaroon ng mga kamustahan ay hindi naman ako na-out of place, dahil na rin siguro kapag may pinag-uusapan ay tinatanong din nila ako.
The food was nice, the best actually. Hindi siya nagkamali na dito ako dinala dahil mas gusto ko ng lutong-bahay kaysa mga sosyal na pagkain na either hindi ka mabubusog or hindi mo type ang lasa pero kakainin mo na lang dahil ayaw mong masayang ang pera.
"Maraming salamat po," sabi ko. "Ang sarap niyo po magluto."
The old woman gave me a warm, comforting smile.
"Sana pagbalik mo ay hindi na ganyan kalungkot ang mga mata mo," she uttered without insinuating anything. Para bang sinasabi niya iyon dahil concern siya at wala naman siyang alam sa tunay na dahilan. "Ang babaeng kagaya mo ay deserve ng masayang buhay."
Sa pagkakataong ito ay hindi ko na naitago ang lungkot sa aking mga ngiti.
"Salamat po," ang tangi na lang nasabi ko bago makaalis ng lugar na iyon.
Nag-iba ang mood ni Kier nang nasa sasakyan na kami, mas masaya at mas magaan ang awra nito kumpara kaninang hindi pa kami nakakadalaw.
"Close ka pala sa yaya mo dati," sabi ko kahit obvious naman na.
"Hmm." He tapped the steering wheel using his fingers. "College graduate na ako nang mag-retire silang mag-asawa. Siya rin kasi ang naging yaya ng kapatid ko."
"May kapatid ka?" tanong ko. Honestly, hindi ko maalala kung alam ko ba itong impormasyon na ito o hindi. Medyo nagiging makakalimutin ako nitong mga nakaraan at pakiramdam ko kahit ang mga bagay na na-research ko na tungkol sa kanya ay bago pa rin sa pandinig ko kapag narinig at nalaman ko mula sa kanya.
"Oo. Babae. Mas bata sa akin."
"Well, obviously." I rolled my eyes.
Tumawa siya. "Kumusta pala? Ayos lang ba sa iyo na doon kita dinala? Doon ko kasi talaga balak mag-lunch para makapasyal na rin. Sa restaurant sana kita dadalhin kanina pero naisip ko rin na baka magustuhan mo rin naman dito."
"Ano ka ba, sobrang okay. Ang sarap nga nila magluto tapos ang babait pa," sabi ko dahil iyon naman ang totoo. "But I have a confession."
Sumulyap siya sa akin, bahagyang kunot ang noo, at mas nadepina pa ang kapal ng kilay nito na mas lalong nagpagwapo sa kabuuan ng mukha niya. Indeed, he is every girl's daydream and at the same time, nightmare.
Pagkaharap niyang muli sa daan ay nagpakawala siya ng matunog pero maikling tawa.
"Akala mo may gagawin akong hindi maganda kanina?" Nabigla ako nang mahulaan niya. "Your reaction says it all, Trish."
"Oh my gosh!" bulalas ko at nahihiyang tumingin sa kanya. "Hindi naman sa gusto ko mang-offend. Hindi lang kita kasi kilala talaga, I mean, we just met twice. Ni hindi ko nga alam kung bakit ako sumama sa'yo. Tapos ang sabi mo restaurant, I thought it's kind of weird to end up in a small house and like houses are far from each other and--"
Pinutol niya ang mga sinasabi at pagpapaliwanag ko nang humalakhak ito na tila hindi naman na-offend at natatawa pa sa reaksyon ko.
"You worry too much, ma'am," anito. Lumingon siya sa akin at kumindat. "Mas weird yung hindi ka kinabahan. Totoo namang dalawang beses pa lang tayo nagkita at hindi pa natin kilala ang isa't isa para sa ganitong eksena. Thanks for coming with me by the way."
"Thanks for asking me to come," sagot ko.
Nagkatinginan kaming dalawa at sabay na ngumiti. Uminit ang puso ko sa nangyaring pag-uusap. Healthy and kind. No awkwardness at all.
"Bakit ka nga pala nasa resort? Hindi ko na naitanong kanina dahil..." He lifted both of his brows in a jokingly manner. "Steamy things under the sun happened."
Mahina ko siyang hinampas. Umakyat na yata lahat ng dugo sa ulo ko. It made my cheeks burn and it turned red. Hindi ko kita pero sigurado ako. Ang pagkabog ng dibdib ko sa hiya ay sobrang lakas na mas gusto ko na lang lamunin ng lupa ngayon.
I fvking almost fvck with him in a public place with so many people, under the sun, just in front of the peaceful and innocent sea...
Hindi ko alam bakit nagkaganoon at nawalan ako ng kontrol sa sarili ko. One touch and a spark of desire travel all the way down to my body.
"I'm sorry kung nabastos kita." Nagkamot siya ng ulo. "Bakit kasi ang ganda mo masyado, tangina..."
Hindi ko gaanong narinig ang huling litanya niya maliban sa mura sa dulo. Wala sa sariling napangiti ako at nabawasan ang hiya na nararamdaman. His voice sounds so manly when he cursed. But cursing is bad, we might as well clean his lips and he'll clean mine, too.
The heck?!
Naiirita kong kinurot ang hita ko. Hindi ko na made-deny pa. Kahit na alam kong hindi naman dapat at parte lang ito ng plano ay sobra-sobra ang atraksyon na nararamdaman ko sa taong ito. His hot and his lips are sweet and tasty, his muscles are- oh my gosh, as in ang sarap hawakan, his smell is annoyingly minty and fresh, his tongue on my--
Talaga bang inisa-isa ko pa iyon?
Nevermind. Desire and attraction is different from love anyway. Ang nararamdaman ko ngayon ay pangangailangan lang ng katawan ko bilang babae at siya bilang lalaki. He had s*x with lots of women and he never fell for them. Kaya ko ring gawin iyon.
"Kami ang nakuha na mag-supply at mag-arrange ng flowers sa venue." Tumingin siya sa akin nang maibalik na sa tanong niya ang usapan. "Para sa opening ng club house."
Halata ang pagkagulat sa kanyang gwapong mukha. Umiwas ako agad ng tingin dahil hindi ko maintindihan kung bakit bumababa ang mga mata ko sa mga labi niya sa tuwing mapapatingin ako sa mukha niya. I looked outside the car's window instead.
"Wow! Iyon ang trabaho mo?" I nodded. "Mahilig ka sa bulaklak kung ganoon?"
"Medyo pero mas gusto ko na nagtatanim at nag-aayos kaysa binibigyan."
He laughed again. "Kung sa shop mo naman bibili, why not? May pera na may bulaklak pa, 'di ba?"
"Tapos ibenta ulit ang bulaklak para doble ang pera."
Nagtawanan kami pareho hanggang sa napunta na ang usapan sa ibang bagay. We talked about our hobbies, our favorite meals, how we like our coffees, what kind of music we love to hear often...
Lahat na yata ng topic under the sun ay naipasok sa usapan namin. He's a good conversationalist, I'd give him that. Hindi ka mabo-bore na kausap siya at kahit hindi siya nagpapatawa ay may mga pagkakataon na matatawa ka. And he'll never make you feel bad. Parang sanay na sanay na sa babae. Which is true.
"May gagawin ka mamayang gabi?"
Kalalabas ko ng sasakyan niya at nagpaalam na kami sa isa't isa dahil babalik na ako sa hotel room ko. Baka tinadtad na ako ng texts ni Rowena.
I smirked. "I don't do one night stands, Mr. Ford."
Sa halip na ma-offend ay ngumiti ito sa akin. Ipinatong niya ang isang kamay sa roof ng kotse niya at pinag-ekis ang mga paa.
"How about a one night fancy dinner?"
Umiling ako. Hindi dahil hindi ko gusto dahil kung tutuusin ay parte naman ng plano ang maging malapit sa kanya ang kaso ay may trabaho ako.
"Magsisimula na kaming mag-ayos sa venue mamaya."
"Ganoon ba?" He shrugged. "Sige, baka dadaan na lang din ako roon mamaya."
Pagkatapos no'n ay umalis na ako sa harapan niya at bumalik sa hotel room ko.
I was right. Sunod-sunod ang naging pagpasok ng chats and texts ni Rowena sa amin. May ilang miscall pa na aakalain mong may emergency na nangyari dahil sa kakulitan niya.
Sinabi ko sa kanya in summary form ang mga nangyari ngayong araw pero hindi ko na nahintay ang reply niya dahil agad akong nakaidlip.
The view was fantastic, the sounds are calming, and it is very therapeutic.
Malinis na ang buong floor nang makapasok kami nila Aya dala ang mga bulaklak. Binati kami ng event organizer staff na nandoon at sama-sama kaming nag-share ng ideas sa isa't isa bagaman may peg na silang design para sa buong venue.
Medyo madaming trabaho kaya halos walang nag-usap-usap sa amin nila Aya. Ang tanging interaksyon lang ay sa tuwing may itatanong siya na hindi sigurado. But the rest of the team is quiet.
Medyo nakaka-intimidate din dahil ang event organizer na h-in-ire nila ay propesyonal talaga. Seryoso ang mga staff nila at tahimik, nakakahiyang mag-ingay na maski makalaglag lang ng ballpen ay dinig na dinig.
Mabuti na lang at maaga kaming natapos.
We had our simple team dinner after. At hindi na rin nagpagabi pa dahil maaga kami kinabukasan para sa event.
"Ma'am," tawag ni Aya bago ako makapasok sa kwarto ko. Lumingon ako sa kanya at hinintay siyang magsalita. Tila nag-aalangan siya na magtanong o magsabi pero ginawa niya pa rin. "Magkakilala po pala kayo ni Sir Kier Ford?"
My lips parted. Hindi ko inaasahan na itatanong niya iyon at mas lalong hindi ko rin alam ang sasabihin ko.
"H-ha?"
Nagkamot siya ng noo. "Nakita ko po kasi kayo kanina na magkasama kaya nagtataka ako, hindi ko alam na magkakilala pala kayo."
"Ah..." I tried to look for an excuse. "May common friend kami kaya nagkausap lang dahil nandito rin pala siya."
Lie. Lies. And a lot of lies.
"Ah kaya po pala. Ang pogi po ni Sir Kier sa malapitan, ano? Kahit na medyo malayo pa rin nang makita ko siya."
I smiled at her just for this conversation to not go further on anymore.
Kinaumagahan ay sabay-sabay kami nila Aya na nagpunta sa club house. Madami ng tao, may mga reporters na authorized to cover this event, may mga naka-suit at formal dresses- karamihan siguro doon ay mga investors din o business partners.
Mula sa hindi kalayuan ay kitang-kita ko si Kier na nakasuot ng navy blue button down long sleeves. Maya't maya siyang nakikipagkamay kung kani-kanino. Meron siyang kakaibang charm kapag ngumingiti kaya naman hindi na kataka-taka na napakadaming nagpapakuha ng larawan kasama siya.
They don't need artists to come here anymore. Si Kier pa lang ay malakas na manghakot ng mga bisita.
Nang matapos ang event ay umuwi na kami agad na lima. Hindi na kami nagkaroon pa ng ano mang interaksyon ni Kier at hindi na rin ako lumapit pa. Masyadong madaming media roon, I have to make sure my plan is safe, my secret is well hidden, and that everyone should stay away from my issues.
"Naghalikan kayo?" Impit siyang napahiyaw at pinaghahampas ako.
Kararating ko lang, pagod na pagod ako pero ayaw akong tigilan ni Rowena kaya kinailangan kong magkwento. Sinabi ko ang nangyari pero hindi detalyado.
"Oo nga," namumulang sabi ko. "Huwag mo ng ulit-ulitin."
She gave me an annoying smirk. "Hindi ko alam kung ano ang totoong nangyari sa La Union, pero, girl, blooming ka. Delikado ka na..."
I scrunched my nose. "Pasalamat ka at pagod ako pero kung ano man iyang iniisip mo ay malabo iyan mangyari. I am attracted and I desire him, pero bukod doon, lagpas doon, mas malalim doon, wala na. Wala, as in wala."
Tumayo ako at iniwan siyang mag-isa sa sala. Hihikab-hikab akong tumungo sa kwarto ko. Damn, I'm so tired.