Habang papalapit ay palala nang palala ang pagkabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako, hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko. At sa bawang hakbang ay nararamdaman ko ang panginginig, to the point na muntikan na akong tumakbo palayo.
"Ohh," ungol ng babae nang haplusin ni Kier ang braso nito.
Napairap ako nang wala sa oras at tuluyan nang lumapit sa kanila.
Napatingin ang babae sa akin, siya ang nakaharap sa gawi ko at si Kier ay nakatalikod. s**t! Ano ang sasabihin ko?
"Yes? Can't you see we're doing something here?" mataray na sabi niya, halatang nabitin na ewan.
Dahil malamang sa kuryosidad ay tumingin sa gawi ko si Kier. His eyes widened a fraction, tila ba hindi niya inaasahan na makikita niya ako rito ngayon. At kung makita, ano naman? Ni hindi ko alam kung anong klaseng paliwanag ang sasabihin ko kung bakit ko sinira ang gabi niya.
At dahil malamang sa kabaliwan ay ngumiti ako nang mapang-akit sa anak ni Rommel Ford. The lady glared at me even more.
"Sorry, miss, hindi na niya kailangan ng kasama." Kumindat ako kay Kier bago ibinalik ang tingin doon sa babae. "Nandito na ako."
Napatayo ang babae at humalukipkip. Umirap siya bago ako dinuro. "And who are you to say that?" Tiningnan niya ang kabuuan ko. "Cheap whore." Humarap siya kay Kier na medyo nagpanting ang tainga sa narinig. "Did you order this..." she glared at me from head to foot. "lady for the night?"
Kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. Sa halip na mang-asar ay hindi ko na mapigilang hindi magalit. At kahit hindi ako magsalita ay alam kong bakas na bakas iyon sa mukha ko.
She smirked as if she caught me red-handed.
"Wow?" I sarcastically uttered. "Wow! Hiyang-hiya naman ako sa iyo, eh, kulang na lang rumampa ka rito ng nakahubad para lang magpapansin."
Nalaglag ang panga niya sa sinabi ko at lumipad ang kamay niya para sampalin ako. Pero hindi iyon tumama sa pisngi ko bagaman inaasahan kong darating.
I slowly opened my eyes after closing it for some seconds. Una kong nakita ang matipunong braso. Tumaas unti-unti ang paningin ko sa mukha ng lalaking sumagip sa akin sa akmang pagtanggap ng malutong na sampal.
Kier Winsley Ford. Looking so dangerously hot beside me. His face is serious, like you can't make a joke in front of him right now. His jaw moved repeatedly and agressively. He's mad. Really mad.
Hindi ko siya kilala para kabisaduhin ang mga emosyon niya at hindi rin naman ako eksperto sa pagbabasa ng emosyon ng tao pero natitiyak ko na ang nakikita ko sa kanya ngayon ay galit. Para saan?
"First, this woman is not a w***e," mariing sabi niya habang masama ang tingin sa babaeng kalandian niya kanina. "Second, I definitely did not order anything nor anyone. Third, I don't like your choice of words but I respect you as a lady. And lastly, don't ever, just do not ever land a hand on any part of this girl's body, get it?"
Binitawan ni Kier ang palapulsuhan ng babae pero halos hindi matupok ang apoy ng galit sa mga mata ni Kier. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangiti at hindi uminit ang puso sa mga ginagawa niya ngayon.
Is he pretending like a good guy? Pero kahit na sabihin na iyon nga ang ginagawa niya ay masaya ako.
"Kier," aniya na tila may pagsusumamo at pagmamakaawa sa boses. "Sino ba ang babaeng iyan? Bakit ganyan mo siya ipagtanggol?" Itinakip niya ang palad sa kanyang bibig nang tila may mapagtanto. "Don't tell me you... you started dating exclusively and--"
"This is my friend, Trish, and I hate it when people mess up with my friend."
Nanlaki ang mga mata ng babae at agad humingi ng tawad sa akin. Obvious naman na patay na patay siya kay Kier to the point na kitang-kita ang pagsisisi sa mukha niya na inaway niya ako. Gusto niyang mapunta sa good side ng mga taong mahalaga kay Kier.
Oh, kung alam niya lang...
Kier and I aren't even friends.
We almost fvcked once.
We kissed.
We make out.
We went to La Union at the same time but we weren't together.
We talked a lot about random things.
Went out for a fun ride.
Went out for some coffee.
But we are not friends.
Definitely not.
"Leave."
Kahit na galit ako kanina ay medyo naawa ako roon sa babae at na-guilty dahil ako rin naman ang may kasalanan. Inistorbo ko sila ng walang matinong dahilan bukod sa gusto kong sirain ang gabi ni Kier.
Nang maiwan na lang kaming dalawa ni Kier ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Palipat-lipat ang tingin ko sa left side at right side niya. Hindi ko magawang tingnan ang mukha niya o salubungin ang mga mata niya.
What would I say?
"Sorry," ang tanging namutawing salita mula sa mga labi ko. I am sorry and I mean it.
Minsan nagi-guilty rin ako sa ginagawa ko. Ni hindi ko nga alam kung nagagawa ko ba ng tama itong plano namin. Pakiramdam ko ay walang natutupad sa plano namin ni Rowena.
I don't even know if there is a possibility that Kier will fall for me.
Parang hindi naman siya kumakagat sa mga plano ko. Nakiki-go with the flow lang siya at pagkatapos ay wala na. Pakiramdam ko hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakagawa ng matinong impresyon sa kanya.
I heard him sigh. "Ako nga dapat ang mag-so-sorry sa iyo. You don't deserve to hear those things."
I gulped. Bahagya akong nagulat sa hinahon ng salita niya na tila ba nanunuyo.
"I'm sorry. Wala naman akong balak na guluhin kayo o ano, napadaan lang ako rito at nakita kita pagkatapos ay--"
"That's fine," he uttered. So kind and charming.
Kailan ba lalabas ang totoong ugali mo? Parang bukod sa kalandian sa katawan ay wala na akong mahanap na butas sa pag-uugali niya.
"Nasira ko pa tuloy ang gabi mo," saad ko at pinamulahan ng mukha dahil sa mga sinabi. "Your plans are all ruined because of me."
Sa pagkakataong ito ay nag-angat na ako ng tingin upang ipakita sa kanya na sincere ako sa paghingi ng tawad.
"Plans?" He chuckled like I said something horribly funny. "What plans are we talking about here, hmm?"
Umabante siya kaya awtomatiko akong napaatras, nanlalaki ang mga mata at hindi malaman ang gagawin. Humakbang siya ulit at hinuli ang bewang ko. He closed the distance between us.
"What plans, Trish?" He uttered in a seductive manner. He licked his lower lip, enough to make my whole fvcking system turn on.
"P-plans," nauutal na sambit ko, nawawala ang tapang ko dahil sa sobrang lapit niya. I remember that beautiful day in La Union, the beautiful moment we shared together. s**t! Bakit ko ba naiisip ang mga iyon? "You know, tapusin ang gabi na may kasamang babae?"
He smirked. Hindi ko inaasahan ang sumunod niyang ginawa. He leaned in and dived for a kiss. Hot steamy fvcking memorable kiss.
Wala sa sariling napahawak ako sa balikat niya upang kumuha ng lakas. Naramdaman ko ang pagngiti niya sa gitna ng paghalik niya sa akin.
Nang ihiwalay niya ang labi niya sa akin ay halos sabay kaming naghanap ng hangin.
"Now, that sounds like a real plan."
"Ha?"
"Wanna drink some coffee with me?" Kumindat siya at hindi hinintay ang sagot ko.
Kinuha niya ang kamay ko at hinila ako palabas ng club kahit wala pa akong sagot sa tanong niya.
Pagdating sa parking lot ay pansamatala niyang binitawan ang kamay ko at binuksan ang passenger seat ng familiar na maganda niyang sasakyan.
Humalukipkip ako at sumandal sa kotse niya. I scrunched my nose as I gave him a playful look.
"Sumagot na ba ako?"
Ibinuka niya ang bibig para magsalita pero nang ma-realize marahil na wala pa naman akong sinasagot ay isinara niya rin ang bibig. At ilang segundo pa ay nagsalita itong muli.
"Sorry, oo nga pala. Balik na lang tayo sa loob?"
Nakaramdam ako ng awa sa parang batang nalugi na tono ng boses niya.
"Eh kaso gusto kong magkape." Lumiwanag ang mukha niya. "Kasama ka." I winked at him. Bumabalik na naman ang kapal ng mukha ko pagdating sa kanya.
He smirked before motioning me to enter his car. "Promise, I won't do anything without your permission."
Umupo ako sa sasakyan at tiningnan siya. Nasa tabi ko siya at hawak niya ang pinto na hindi pa naisasara.
"Woah? Says by the man who pulled me into a kiss without my permission."
Nagkamot siya ng noo. "Your lips are too gorgeous to resist. Na-offend ba kita? Nabastos? I'm sorry. Dapat ay sinampal mo ako--"
Inangat ko ang sarili at pinatakan siya ng mabilis na halik sa labi. Nagulat siya at natulala pa ng ilang segundo. Natawa ako nang hawakan niya ang kanyang labi na tila hindi makapaniwala sa nangyari.
"Don't tempt me, please. Not when we are inside my fvcking car."
"Oh?" I smiled. "So fvcking car pala ang tawag dito? It's made for that thing, then?"
Umiling-iling siya. "Tara na at magkape nang mahimasmasan tayo pareho sa mga sinasabi at ginagawa natin." I laughed with his obvious trying hard self control. He leaned in for the last time. Magka-level na ang ulo namin ngayon at ang mga mata niya'y hinuli ang mga mata ko. "Damn, even your laugh turns me on. So bad."
Napaigtad ako nang isara niya ang pinto. Hinawakan ko ang dibdib ko at damang-dama ko ngayon kung gaano kalakas ang t***k ng puso ko. Sa kaba, dahil sa kaba. Kahit sino naman ay lalakas ang t***k at pintig ng puso kung sa kanya nangyari ang nangyayari sa akin ngayon.
It doesn't mean a thing. It doesn't mean I like him. Dahil imposible iyon at hindi pwedeng mangyari.
Hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa nila sa papa ko at kung hindi dahil doon ay hindi ko ito ginagawa ngayon. I should be working, eating, or watching some series now if that tragedy did not happen. Pero dahil nangyari, dahil sa tatay ng taong ito ay nagkandagulo-gulo ang buhay ko.
Tinanggal niya ang roof ng convertible niya at nagpasalamat ako dahil doon. Pumikit ako at isinandal ang ulo sa sandalan. Malaking tulong ang lamig at hangin ng gabi para ma-relax ang isip ko kahit papaano.
"So, babalik tayo sa coffee shop na pinuntahan natin noong una tayong nagkita?" tanong ko habang medyo lumilipad pa rin ang isipan.
"Do you want to go there? O baka may iba kang gustong puntahan?"
"Hmm..." Humarap ako ng kaunti sa kanya at pabirong sinabi, "Eh, kung sa place mo na lang kaya?"
Halatang nabigla siya sa sinabi ko. Erotic things prolly rolling around his mind now. Gusto kong matawa dahil hindi naman iyon ang ibig kong sabihin. But torturing him for this night might be a good idea.
"Sigurado ka?" He sounds interested.
"Well, unless, may scheduled something ka ngayon."
"I won't be here if there is."
"Well," I shrugged. "P'wede naman tayong magkape roon para makatipid. You know, kaysa bumili ng mahal na kape."
Ilang minuto pa ay ni-U turn niya na ang sasakyan at hindi ko na alam kung saan kami pupunta. I don't even know where his place is located.
Huminto kami sa isang mataas na building kung saan labas pa lang ay grabe na ang tingkad ng mga ilaw. Matapos i-park sa underground parking ang sasakyan niya ay sumakay na kami sa elevator.
Nang makapasok na kami sa maliit, masikip, at kulong na lugar na iyon ay nandoon na naman ang mga pagdududa sa isipan ko. Hindi ko alam kung tama pa ba itong ginagawa ko. The plan is to torture him tonight, making some moves, dirty jokes, but I'll never go to bed with him.
Pero paano kung madala na naman ako katulad noong nakaraan? Will I end up on his bed and wake up on it the next morning?
"Ano'ng iniisip mo?" tanong niya dahil sa katahimikang namayani sa pagitan namin. Nasa third floor na ang elevator at base sa pinindot niya ay sa penthouse ang tungo namin.
"Bawal sabihin," mahinang turan ko.
"Bakit?"
I caught his eyes.
"Marumi."
Umakyat ang magkabilang sulok ng mga labi niya. He gaze at me with an amused look.
Humakbang siya at nanlaki ang mga mata ko nang ikulong niya ako gamit ang dalawa niyang braso na nakahawak sa pader ng elevator.
"How dirty, baby?"
Shit!
Kumurap-kurap ako. Sinasabi ko na nga ba. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing gumagawa ako ng patibong ay sa huli ako pa rin ang nabibiktima.
"H-ha? Marami akong maruming damit at kailangan ko na pa lang magpa-laundry. Iyon ang iniisip ko, ano ka ba?" Humalakhak ako kunwari at iniwas ang mga mata sa kanya.
He tilted his head, catching my sight. Buti na lang at tumunog na ang elevator at nakarating na kami sa penthouse.