Fifteen

2071 Words
Nakaupo ako ngayon sa may bench habang si Kier ay bumalik sa loob upang manguha ng p'wede naming makain. The stars are beautiful, mesmerizing, and they are scattered everywhere. Pero sa halip na tingnan at panoorin sila ay naglalaro sa isipan ko ang sinabi ni Kier. He knows I'm not ready? For what? Never ko na-picture sa isipan ko na ganoon siyang tao. Na irerespeto niya ako bilang babae. Didn't girls throw themselves to him and he'll just grab them like they were just things? As if those girls have no feelings at all? Nalilito na ako. Natatakot ako dahil habang dumadami ang pagkakataon na nakakasama ko siya ay unti-unti rin siyang bumubuo ng isang imahe sa utak ko na malayong-malayo sa binuo kong pagkatao niya. O baka naman nase-sense niya na ang plano ko? Na baka may alam siya tungkol kay papa? Na baka alam niya ang ginawang kasalanan ng tatay niya? Paano kung sinasakyan niya lang ang mga trip ko pero ang totoo ay pinaglalaruan niya na ako sa mga palad niya? Humangin nang malakas at tila ako kinilabutan. Nasa bahay ako ng kalaban, ano na lang ang pwedeng mangyari sa akin? Paano kung ang plano ko na pa-inlove-in siya ay baliktarin niya? And then what? Pumikit ako nang mariin dahil sa totoo lang ay gulong-gulo na ako sa lahat. Alam ko na madalas akong mag-overthink. Pero sa ngayon hindi ko alam kung ano na talaga. "Sorry natagalan. Wala kasing matinong pagkain sa baba kaya um-order na lang ako ng pizza," aniya at ibinaba ang dalang pagkain at tubig sa may maliit na mesa. "Is that okay?" Tumikhim ako at sumagot nang hindi siya tinitingnan. "Ayos lang." Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko, ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko. Nahihiya akong tumingin sa kanya pagkatapos ng ginawa ko kanina. Did I actually, literally blurted out those words? What the fvck? At kailan pa ako naging interesado na makita ang ano ng isang lalaki? It was never, as in never included on my dictionary, not on my plans and to do lists, not on my bucket lists and future goals. Isa lang ang alam ko, wala ako sa tamang pag-iisip kanina. Natigilan ako nang maramdaman ang medyo makapal na tela na inilagay niya sa balikat ko. It's a black and brown shawl from a designer brand. Naalala ko tuloy ang jacket niya na hindi ko pa naibabalik. Maybe I should just fire it up, eh? "Medyo malalim na ang gabi kaya alam kong medyo malamig na. It should help to keep you warm," paliwanag niya na hindi ko naman hinihingi. Inayos ko ang shawl na binigay niya at iniyakap sa sarili. The familiar soapy scent lingered on my nose. Kaamoy niya ang shawl na nakayakap sa akin. A bit of comfort and a pang of pain rolled over my heart. "Nasa akin pa pala ang jacket mo," sambit ko. "Keep it." Natuwa ako nang bahagya pero agad rumehistro ang pait sa sistema ko. He probably does that to anyone. Mayaman siya, walang-wala lang naman sa kanya ang designer jacket na iyon. Those thousands are nothing to him nor to his family. While I earn it for years. Binuksan niya ang karton ng pizza at inabutan ako. Kinuha ko iyon at ang sandaling pagdampi ng daliri niya sa akin ay nagdulot ng kakaibang kuryente sa sistema ko. Heat travelled up to my face. "So..." Tumikhim siya kaya napasulyap ako sandali rito bago ibinalik ang atensyon sa pizza dahil hindi ko makayanang tingnan siya. "Can you tell me more about yourself?" Hindi ko ipinahalatang nagulat ako sa tanong niya pero medyo kinabahan ako. Hinuhuli niya ba ako? O talagang curious lang siya? "H-ha?" I laughed nervously. "Ano naman ang sasabihin ko sa iyo? Wala namang kainte-interesante sa buhay ko." "May flower shop ka," anito. Of course he already know that by now. "Hindi ko alam na business woman ka pala." Nagkamot ako ng ilong at nahihiyang tumugon sa sinabi niya. "Well, sort of that." "Kasama mo ba ang parents mo na nag-ma-manage noon? Or do you have siblings, perhaps?" Huminga ako nang malalim at inubos ang laman na pizza sa bibig bago nagsalita. Honestly, wala akong ideya kung paanong nandito na ang usapan ngayon. Should I fed him lies or truths? Paano kapag nagsinungaling ako tapos alam niya pala? O paano naman kung nagsabi ako ng totoo tapos malaman niya ang nangyari kay papa? "May kapatid ako pero may sarili ng pamilya. Si mama naman nasa kabilang buhay na at si papa ay nasa bahay, may sakit kaya nagpapahinga muna siya roon." That was sort of a lie and a truth. Hindi na niya siguro malalaman pa. "Ikaw ang nag-aalaga sa papa mo, kung ganoon?" "Hmm. Parang ganoon na nga." Hindi ko naman siya dapat inaalagaan ngayon dahil malakas naman siya kung hindi lang dahil sa ginawa ng tatay mo na hindi marunong umako ng responsibilidad at ang alam lang ay tumakbo at linisin ang pangalan niya. I loathe those kind of people a lot. Plasticity at its finest. Nakakahiya sa mga tao na naniniwalang napaka-anghel nila. "How about a boyfriend?" I was caught off-guard. Talaga bang pati iyan ay itatanong niya? Does he think I am here to cheat on someone with him? Napairap ako ng wala sa oras. Palibhasa kasi siya ay madaming babae. "Wala ako rito ngayon kung mayroon." "Ilan na ang naging ex mo?" Humalukipkip ako at humarap sa kanya. "Bakit? Magpaparamihan tayo?" Wala akong ex-boyfriend. Hindi iyon ang priority ko noon hanggang ngayon. Though I kind of dated guys. Hindi nga lang umabot sa official stage. Yes, I'm kind of experienced. At alam kong normal lang din naman iyon pero wala alinman sa mga lalaking iyon ang nagpa-inlove sa akin. I like them, yes, but that's just it. Hindi kaya na iabot sa commitment. Hindi ako takot sa commitment katulad ng ibang tao, hindi ako takot masaktan o ma-broken, sadyang hindi pa lang talaga ako nakakakilala ng tao na worth it sugalan. Hindi pa ako nahuhulog ng sobra. He chuckled with my question. Pasimple akong natulala sa paraan ng pagtawa niya. The rasped in his voice makes him look so manly in front of me. Yung yabang sa tono na hindi naman nakaka-offend. The bad boy kind of man whose not actually one. Hindi ko sinasabing ganoon siya pero parang ganoon ang imaheng binubuo niya ngayon. Hindi ko alam kung paano natapos ang gabi na iyon na halos wala kaming mapag-usapang matino dahil sa sobrang awkward. I ate two slices of pizza, drunk two bottles of water, and then I'm sleepy. Nag-offer siya na iuuwi ako at hindi na rin ako nag-inarte dahil wala na rin naman akong itatago. He knows my residence already. Two in the morning and the world is quiet. Nagpaalam naman ako kay papa na gagabihin ako pero hindi ako nagpaalam na may maghahatid sa aking iba at hindi si Rowena ang kasama ko. Nang ma-realize iyon ay nagpababa na lang ako sa kanto. "Bakit?" tanong niya nang ipahinto ko ang sasakyan. I gave him an awkward and small smile. "Gusto ko sanang maglakad na lang hanggang sa bahay. You know, makalanghap ng sariwang hangin habang nagmumuni-muni." Palusot na medyo may point. "Ipa-park na lang natin ang sasakyan at sasamahan kita--" "Hindi na," agad na sabi ko na medyo ikinagulat niya. Nakagat ko ang ibabang labi at agad nag-isip ng sasabihin. "Gusto ko sanang mapag-isa..." He nodded in a way like he understand. "Can I get your number, then? Malay mo tayo pala ang nakatadhana sa isa't isa. Sabi nila kapag nakita mo raw ang isang tao ng tatlong beses na hindi pinag-usapan ay siya ang destiny mo. And here we are, together again because of a coincidence." No. Not really. Hindi tayo magiging destined sa isa't isa. Pero destined na magkasakitan, oo. Your family hurt me first. Your family broke me first. Hindi ko ibinigay ang numero ko sa kanya. "How about let's wait for one more coincidence to happen?" Nagkibit siya ng balikat at napangiti na lang din. Mukhang tinanggap niya naman ng maayos ang hamon ko na maghintay na lang ulit sa muling pagkikita. Ang totoo wala akong ideya kung ano ang mangyayari na susunod. I'm sick of going again to that club and ending up with him the whole night. "Good night, Trish." "Good night, Kier." Nang medyo makalayo na ako sa sasakyan niya ay nakahinga ako kahit papaano ng maluwag. Lahat ng kabaliwan ko ngayong gabi... hindi ko alam kung mapapatawad ko ba ang sarili sa lahat ng iyon. Ni hindi ko nga alam kung kaya ko bang ikwento ang nangyari kay Rowena dahil sobrang nakakahiya iyon. My mind was clouded with lust and desire earlier. Panay pa naman ang reklamo ko sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya, ang dami ko pang komento na kesyo wala silang taste at hindi nila siya kilala. Pero ano ako ngayon? Halos mabaliw-baliw sa simpleng pagdampi ng labi niya. And remembering how his lips touched mine makes my body shiver in full desire. Damn. Si Rowena ay hindi pa umuuwi sa apartment niya rito sa Manila. Sinabi ko na mag-stay na muna siya rito tutal ay may extra namang kwarto at wala rin naman kaming kasama ni papa. Isa pa, ayaw ring umuwi ng gaga dahil gustong makialam ng maaga sa mga nangyayari. Partikular na sa amin ni Kier. "Hello, pa," bati ko nang maabutan siyang nagkakape kinaumagahan. Mabuti na lang at tulog na siya nang dumating ako kagabi. Hindi niya alam na hindi kami sabay umuwi ni Rowena. Hindi naman sa ayaw kong malaman niya na may kasama akong lalaki, natatakot lang ako na baka magalit siya kapag nakita kung sino ang lalaking kasama ko. Bagaman hindi ko alam kung may alam ba siya kung sino talaga ang tao sa likod ng nangyari sa kanya. He probably doesn't know. Pero mas mabuti na ang sigurado. "Naghintay ako kagabi pero inaantok na ako kaya hindi na kita nahintay," anito. "Sino sa inyo ang sumusuka kaninang umaga?" It's probably Rowena. Wala naman ako masyadong ininom. Yun lang isang baso sa may club na hindi ko rin naman naubos. "Si Rowena, pa. Baka napadami ng inom." "Baka?" Kumunot ang noo niya. "Hindi ba kayo magkasama?" Shoot! Nag-isip agad ako ng palusot. Sakto namang namataan ko si Rowena na palapit na sa gawi namin, sa dining area. "N-nauna na kasi ako na umuwi sa kanya, pa. May mga kaibigan akong on the way ang byahe kaya sumabay na ako. Marami pa kasi siyang kaibigan doon sa club kaya ayun..." Pero nagtataka ako. Uminom si Rowena? Napadami? Eh, ang sabi niya sa akin ay hindi siya iinom dahil siya ang magda-drive? O kung iinom man ay kaunti lang. "Ganoon ba?" He seemed like he buys my alibi. "Kuhanin ko na ang ulam. Nakapagluto na ako--" "Ako na, pa." Sumenyas ako kay Rowena. "Weng, pasama nga na manguha ng pagkain." "Oh, eh, ba't naman magpapasama ka pa?" ani papa na parang gusto pa akong pagalitan. Of course, bagaman pamilya na ang turing ay para pa ring bisita namin si Rowena. Ayaw lang ni papa na inuutos-utusan ito. Mukha namang nakuha ng kaibigan ko ang gusto kong mangyari kaya siya na mismo ang gumawa ng palusot. "Kukuha na ako ng mga pinggan, tito." Tumango ako at nauna na sa may dirty kitchen namin. Mukhang binalewala lang naman ni papa ang nangyari at hinayaan na lang kaming dalawa. "Ano'ng nangyari?" excited niyang bungad nang mawala na kami sa dining. "May progress ba? O baka naman umamin na si Kier sa iyo, ha? Dali! Ano nga ang sabi?" I rolled my eyes at her super mega over reaction. "Anong umamin? Eh ilang beses pa lang kami nagkita at nagkasama no'n." Pinamulahan ako ng mukha dahil hindi ko alam kung dapat ko bang ikwento sa kanya ang mga nangyari o hindi na. "Ikaw? Akala ko ba hindi ka iinom ng madami, ha?" Nag-peace sign siya at ngumisi. "May mga nakilala kasi akong mga dati kong kaibigan doon, ayun, medyo nakisaya lang. Naiwan ko pa nga ang sasakyan ko roon. Hinatid lang nila ako." Kahit na alam kong safe naman siya dahil nandito siya sa harap ko ay nakahinga pa rin ako nang maluwag dahil hindi siya nag-drive na lasing. "Oh, eh paano mo kukunin iyon ngayon?" Ngumisi siya. "Huwag mong iniiba ang usapan." Kumindat siya sa akin bago tumalikod upang manguha ng pinggan. "Madami-dami kang iku-kwento sa akin Enriquez!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD