Sixteen

2055 Words
Tila lumulundag ang puso ko sa saya habang nag-aayos ng bouquet para sa isang espesyal na order sa amin ngayong araw. It's a proposal. Tuwang-tuwa talaga ako kapag may ganito, para kasing ang pure ng love kapag maraming flower. Of course, hindi lahat. Pero iba pa rin sa pakiramdam yung may bulaklak kapag nagco-confess, kapag nagpo-propose, maski nga sa mga weddings madaming bulaklak. It's one form of showing love. Of showing sincerity. It's a bouquet of tulips. Shades of white, red, and light pinks. May mga aksesorya na dried flowers at may card pa na nakalagay na wala pang sulat. Bahala na ang lalaki na magsulat doon. It's a simple and intimate proposal. Hindi ko masyadong alam ang detalye pero hindi na yata siya nagpaayos ng venue, baka raw kasi malaman pa nung girlfriend niya. Plus the girl hates publicity and grand events. "Ma'am, coffee?" "Sure," sagot ko kay Aya na hindi tinatanggal ang buong atensyon sa ginagawa ko. Pagkatapos sa bouquet of tulips ay lumipat naman ako sa mga boxed flowers na dine-design ko for the holidays. Kapag ganitong palapit na ang holidays ay madaming bumibili lalo na ng mga preserved flowers. Six sets of roses, nine sets, a dozen... Iba't ibang bilang ng bulaklak at sizes ng boxes. Pagkabigay ni Aya ng kape ko ay lumipat naman ako sa laptop para sa dine-design na mga note card. Yes, ginagawa ko ito lahat. Noon ay nagpapagawa pa kami ng ganito o kaya naghahanap ng supplier pero madali lang naman mapag-aralan at mas makakatipid pa kami. Isang magandang araw ang simula ng linggo ko. It's Monday morning, bagaman ber months na ay maganda pa rin ang sikat ng araw. Hindi pa ganoon kalamig pero hindi na rin mainit. May pasok si Rowena kaya wala siya ngayon. Si papa naman ay doon muna sa Benguet nag-i-stay para mabantayan ang farm at may house naman kaming maliit doon. Hindi niya matagalan na naka-stay lang sa house namin dito sa Manila. I let him. Pero maya't maya akong nangangamusta. Sana lang ay sundin niya ang usapan namin na 'wag siyang magta-trabaho muna. He can make decisions and commands but not to the extent that he'll do the field work himself, madalas niya kasing gawin iyan noon. Habang lumilipas ang mga araw ay unti-unti naman kaming nakakabawi. Sa ngayon ay nabayaran ko naman na ang kalahati ng nai-loan ko noong na-hospital si papa. The flower shop is doing well. The farm is doing fine, too. Maski si papa ay maayos na ang kalagayan, sila ate naman ay abala sa baby nila, at ako ay busy sa trabaho. The kind of busy I'll always want to be. Productive at hindi stressful. Huminga ako nang malalim at sumandal sa murang swivel chair na nabili ko online. Habang sumisimsim ng kape ay naalala ko ang huling gabi na nakasama at nakita ko siya, what I mean by 'siya' is Kier. A week ago, nine days ago. Dahil naging busy ako sa mga sunod-sunod na proyekto at pag-contact sa mga suppliers namin ng mga pang-design, paggawa ng note cards, pag-email sa mga customers, pag-reply sa mga messages sa social media, at kung ano-ano pang mga work-related na gagawin, ay hindi ko na masyadong naisip muna ang tungkol sa plano ko kay Kier. But the truth is, he never left my mind. Araw-araw kong iniisip lahat ng nangyari. The moments of us together. The small talks, funny stories, coffee between us, his hot kisses, his big beautiful hands, his steel gray with a shade of blue eyes, his playful smiles... Maraming pagkakataon na nilabanan ko ang sarili na i-search siya sa social media. No, I don't want to know him better in such a way that I'll lose the real essence of my plan. Si Rowena naman, bagaman paminsan-minsan pa rin naming napag-uusapan si Kier dahil nasa iisang bahay lang naman kami, ay medyo naging busy rin sa trabaho. Ano pa nga ba? Ber months are literally busy months for each and everyone of us. Kaya nga kahit may ilang oras ako na bakante sa gabi ay hindi na rin ako nagpupunta pa ng club dahil imposible ring naroon si Kier. The last news I heard is that he's on a business trip with his father, narinig at nabalitaan ko iyan mula sa kaibigan kong hindi ko malaman-laman kung saan nakakakalap ng balita. It's Rowena by the way. And speaking of Rowena... Nakita ko ang pangalan niya sa screen ng cellphone ko. The girl is calling me right now, in the middle of my morning, in the busiest hour of our day. Medyo kinabahan ako dahil siguradong importante ang sasabihin niya dahil kung hindi ay makakapaghintay naman iyon hanggang mamaya. Ang lala ko pa naman mag-overthink. "Yes? Please sabihin mo na hindi ito bad news," sabi ko agad pagkasagot ng tawag. (Giirrll!!) She's got the energy of a child who ate three packs of chocolates. "Ano? Ano'ng nangyari?" (OMG ka! Hulaan mo kung sino ang magco-concert next next week dito?) Napairap ako sa ere. Paano ko naman malalaman? Kung p'wede lang bawiin ang kaba na naramdaman ko kanina dahil wala naman palang sense ang sasabihin niya. "OMG talaga?" pagsakay ko sa enerhiyang mayroon siya na medyo may pagka-sarcastic na rin. (Hindi ka talaga maniniwala sa sasabihin ko. As in!!) "Sasabihin mo ba o ibababa ko na itong tawag? Sino ba? At gaano kaimportante ang tao na iyan para maging excited ka na ganyan?" (Mukhang nasa side mo nga ang tadhana, Trishy, iba ka!) "Alam mo kung nandito ka lang ay nasabunutan na kita." Nababaliw na yata siya. Ang dami niya ng nasabi pero yung pangalan ng taong tinutukoy ay hindi masabi-sabi. (Upo ka muna, inom ng tubig, huminga nang malalim, at kumalma sandali. I'll give you three minutes to do all that.) "Eh kung iyang three minutes na iyan ay gamitin mo na lang sa pagsasabi sa akin kung sino ba ang magco-concert?" (It's Jasfer!!!) sabi niya sabay hiyaw. (Trishyy, alam mo ba kung ano ibig sabihin nito?) Natulala ako ng ilang segundo. Is he really going here? Nabalot ng saya at excitement ang puso ko. May mas igaganda pa ba ang araw na ito? I like him a lot, he inspired me in so many ways, comforted me a lot of times. He was like a sun in a gloomy day. "Kailan daw magbebenta ng tickets?" Siguro naman p'wede akong bumili ng VIP seat na ticket. Minsan lang naman siya mag-concert dito sa Pilipinas at minsan lang din naman ako gumastos ng para sa sarili ko. I feel like I deserve this after everything that has happened. (Girl, iyan pa ang isa kong good news. Company namin ang naka-assign para sa pagbebenta ng tickets niya. Ako na ang bahala sa VIP ticket mo, naka-reserve na.) "OMG ka! Babayaran ko iyan, ano ka ba! Pa-send sa akin ng details para mabakante ko ang schedule ko baka may masagasaan na importanteng event. Saka kung magkano na rin. Oh my gosh, excited na akooo!" (Actually may sasabihin pa ako...) "Ano?" (Mamaya na pag-uwi ko. Mapapagalitan na ako, kanina pa ako nagce-cellphone. Byee!) At pinatayan na nga ako ng gaga. Buong maghapon akong nakangiti dahil doon. Nag-search na rin ako sa social media kung may lumabas ng news about doon at mayroon na nga. Bukas ang start ng pagbebenta ng tickets. Rowena's company are usually the people behind international concerts here. Nagca-cater sila ng mga events. Ang totoo ay wala ako masyadong alam sa bagay na iyan basta ang alam ko ay masaya ako ngayon. My freaking fan girl heart. Pero nawala ang ngiti sa labi ko nang ibalita niya sa akin ang hindi niya naituloy kanina. "Ano?" bulalas ko habang nakatingin sa dalawang VIP tickets na iniabot niya sa akin. "I'll make sure na hindi siya makakabili ng VIP ticket pero baka makabili siya ng hindi VIP. Pero ako ng bahala doon. Basta ibigay mo iyan sa kanya kapag nagkita kayo." Si Kier ang tinutukoy niya. Idol din ni Kier ang singer na iyon kaya malamang sa malamang ay magkukumahog bumili ng VIP seat iyon. And for me to have an extra one to offer, iniisip ni Rowena na magiging advantage ko iyon para sa plano. Pero ano na lang ang iisipin no'n? Totoong coincidence ang concert pero masasabi mo ba na coincidence pa rin ang pagkakaroon ko ng isang extra VIP ticket? "No. Saka sino ang magbabayad niyan? Ang mahal na nga ng isa tapos dalawa pa? He should just buy it on his own," reklamo ko. "Pinapabayaran ko ba iyan? Sagot ko na iyan, free iyang isa, discounted iyang isa. Ayos na iyon." "Weng..." Tumingin siya sa akin ng matalim, tila ba ayaw niya ng makipagtalo pa sa bagay na ito. "Hindi naman ako fan niyang singer na iyan kaya sa'yo na ang libreng ticket." Ngumuso ako at niyakap siya ng mahigpit. Hindi ko pa rin alam kung paano ibibigay kay Kier ang ticket pero hindi ko rin alam ang gagawin ko kung wala si Rowena sa buhay ko. "Thank you, bff," pagdadrama ko bago natapos ang usapan na iyon. Kinabukasan ay hindi na mawala-wala sa isipan ko kung paano kami magkikita ni Kier, paano ko ibibigay sa kanya ito, ano'ng kasinungalingan na naman ang gagawin ko. I have his number. Pero ayaw ko siyang i-text at baka mapagkamalan akong stalker. Nagamit ko ang phone niya dati para mai-text si Rowena at ito namang gaga ay s-in-ave ang number ni Kier. So that's how I got his number. Should I text him? O pumunta kaya ako ng club mamayang gabi? Pero baka wala rin siya doon. I cannot go to his house. I definitely won't go to his apartment. So, paano? Wala naman akong powers para mag-teleport na lang kung nasaan siya. "Ma'am! Ma'am!" Nagmamadaling pumasok si Aya sa opisina ko. Hinihingal pa ito na tila tinakbo pa ang maliit na distansya mula sa pwesto niya hanggang sa akin. Itinaas niya ang phone niya at ipinakita sa akin ang screen na hindi ko naman makita dahil malayo. "Bakit?" tanong ko, bahagyang tumalon ang puso sa kaba. Aba! Malay ko ba kung emergency na pala iyon. "Magco-concert po rito sa Pilipinas ang idol niyo. Bibili ba kayo ng ticket? Mahaba na ang pila pero pwede ko kayo pilahan kapag." Hindi ko alam kung hihinga ako nang maluwag o babatuhin ito ng tissue dahil sa kaba na ibinigay niya sa akin. Gosh! I thought another problem has arise. "It's okay, Aya," sagot ko. "Nakabili na ako ng VIP tix." Napanganga siya, hindi inaasahan ang sinabi ko. "Wow! Ang bilis niyo, ma'am, ah?" Natawa siya. "Pasensya na, ma'am, excited lang ako i-share sa inyo." Ngumiti ako sa kanya bagaman hindi ko nagustuhan ang pagpapakaba niya sa akin. "Bibili ka ba ng sa'yo? Take the day off if you want." "Talaga, ma'am?" Her eyes sparkled. Tumakbo siya patungo sa akin at niyakap ako. "Thank you, ma'am!" Pagkatapos ay tumakbo na ito palabas. Hindi ko alam na fan din pala siya ni Jasfer. But that's nice, I have a co-fan around me. Pero balik tayo kay Kier, ano ang gagawin ko rito? At paano kung nakalusot siya at nakabili ng VIP tickets? Ano na lang ang gagawin ko sa isang ito? I sighed. Inilagay ko sa mini bag ko na lagi kong dala ang tickets. Alam kong malabo na magkita o magkasalubong kami sa daan. Out of way rin ang place ko sa kanya. Hindi ko alam kung saan banda ang company building nila o kung nagagawi ba siya roon. Bahala na talaga. I might as well ask the universe to help me on this one. Umayos ako ng upo at itinuloy ang mga trabaho ko. Wala kaming events for today pero may mga tatapusin akong preserved flowers. May bago kaming product ngayon, preserved petals na nakalagay sa isang box at may naka-roll na paper na may ribbon sa loob, inside the paper is a letter. From the lover to his loved one. At mula nang i-post namin iyon kahapon ay may lima na kaming natanggap na order kaya naman mukhang sa pagsusulat mauubos ang oras ko sa araw na ito. Medyo awkward nga lang dahil pakiramdam ko ay natatamaan ko na ang privacy nila but these are meant to be handwritten. Not that I'm bragging but I have such a talent when it comes to cute cursive handwriting.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD