Seventeen

1959 Words
Five days before the concert. Nakatayo ako ngayon sa tapat ng isang malaking building. It says Jayci and Co. Pero hindi ko alam kung para saan ito. Naghanap ako nang mauupuan at maswerte na may bench naman sa tapat kaya roon ako dumiretso para hintayin ang kikitain ko. Hawak-hawak ko ang box ng preserved flowers na may kasamang handwritten letter. Dito yata nagta-trabaho ang customer namin. Sinulyapan ko ang relo ko at five minutes na siyang late sa oras na napag-usapan. I was about to send him a text again when someone approached me. Naka-three piece suit ito, masyadong pormal kumpara sa suot ko na shirt at jeans lang. Ang alam ko ay ngayong araw siya mag-co-confess sa bestfriend niya na matagal niya ng gusto, hindi lang makaporma dahil bukod sa pakiramdam niya ay magiging distraction siya sa pagre-review nito for board exams ay natatakot siyang baka may magbago sa pagkakaibigan nila. But tonight he'll take the risk. Tapos na ang exams ng babae at pasado siya roon. Mukhang nagkaroon na ng lakas ng loob ang kuya mo at sa tuwing nakakarinig ako ng mga ganoong story ay natutuwa ang puso ko lalo na at nagiging parte ako at ang mga bulaklak ko para maging masaya sila. "Miss Trish?" bungad niya, nag-aalangan kung ako ba ang kikitain. Ngumiti ako sa kanya at iniabot ang box. Napangiti rin siya nang makita iyon bagaman halata sa mata nito ang kaba na mukhang kanina pa niya iniinda. "I wish you well and happiness," sambit ko bago nagpaalam na rin dahil alam kong magpe-prepare pa siya. Dumiretso ako sa cafe na nakita ko sa tapat. Kanina pa kasi ako nauuhaw at nagugutom pero medyo wala akong gana mag-rice kaya bibili na lang ako ng muffin at saka mag-i-iced coffee. Um-order ako at naghanap ng pwesto na malapit sa bintana. The walls are made of glass. Kitang-kita ang mga dumadaan. Sa loob naman ng cafe ay aesthetically pleasing, in a classy way. May mga couches, small round tables, may paintings sa isang wall na hindi naman naiintindihan pero nakakatuwang tingnan, may walls din na may mga sulat. Parang freedom wall, may pens doon na iba't ibang kulay at p'wede ka ring sumulat ng sa iyo. Ilang beses na rin akong nagagawi rito. Masarap din ang egg pie nila dito na hindi ko pinapalampas sa tuwing napapadaan. Mamaya ay magte-take out ako. Wala lang kasi ako sa mood kumain ng pie kaya muffin ang binili ko. "Sir Kier!" tawag nung nasa counter at medyo nagulat ako nang marinig ang pangalan. It's been weeks! Was it two or three weeks? Ang tagal ko siyang hindi nakita at ang tagal ko siyang gustong makita. Pero baka hindi siya iyon, medyo common ang pangalan na Kier bagaman wala akong kilala bukod sa kanya. Naalala ko ang tickets na nasa bag ko ngayon, lagi kong dala sa pag-asa na baka magkasalubong kami sa daan. Naalala ko na naman ang sinabi ni Rowena nang minsang magreklamo ako sa kanya sa pagbibigay ng concert tickets kay Kier. "Kababae kong tao tapos ako magbibigay ng ticket sa kanya? Seryoso ba talaga ito? Para namang ako ang nanliligaw at nag-aaya ng date. Tapos VIP pa? Eh alam niya namang hindi ako mayaman! Alam mo, hindi talaga ito magwo-work, baka matakot pa iyon sa akin at nagmumukha na akong stalker," reklamo ko habang tulala sa mukha ni Kier na nasa magazine, na dala-dala rin ng magaling kong kaibigan para raw mabasa ko ang ilang impormasyon tungkol sa kanya. "Gaga! Unang-una, talaga naman na parang ikaw ang nanliligaw, papa-inlove-in mo nga 'di ba? Saka 'wag ka nga'ng unfair, hindi lang naman lalaki ang pwedeng mag-aya ng date o magbigay ng concert tickets, ah? Kalma ka lang diyan." "Girl, I swear, kapag ito pumalpak, ewan ko na lang sa iyo." "Hindi iyan. Baka mamaya mabalitaan ko na lang ikakasal na kayo ha." "Asa!" That was our conversation a few days ago. "Miss Trish!" tawag muli nung nasa counter kaya napatayo ako at naibalik sa reyalidad ang isipan ko. Gayon na lang ang gulat ko nang makita ang lalaki sa may counter. Nakatagilid siya sa akin pero sa ilang interaksyon ay tila namemorisa ko na ang anggulong iyon. Hindi ko alam kung pina-dark niya ba lalo ang buhok niya na dati ng brown o mas pumuti lang siya kumpara sa kulay niya noong mga nakaraang linggo. Ang pilikmata niyang mahahaba ay depinang-depina sa anggulo ko ngayon sa kanya. It's definitely him. Hindi ito imagination. Napalingon ito nang mapansin ang titig ko at medyo nagulat ako kaya nanlaki ang mga mata. His lips rose from each sides. Bluish gray eyes doesn't look too friendly to me, but his are angelic-like. "Miss Trish?" tanong nung babae sa counter, hindi malaman kung ako ba iyon dahil hindi ko kinukuha ang order ko. Nakagat ko ang ibabang labi at napakurap-kurap sa hiya. Kinuha ko ang order ko at nagpasalamat. "Saan ang table mo?" tanong ni Kier gamit ang mababang boses. Something really changed. Or baka naman masyado lang akong nagiging detail oriented na lahat na lang ay napapansin ko na hindi naman dati? "Doon," sabi ko at inginuso ang pwesto ko kanina. Bagaman sa tanong niya pa lang ay inaasahan ko ng sasama siya sa akin ay nabigla pa rin ako nang inilapag niya ang iced coffee niya at slice ng egg pie sa mesa ko. "Wala ka namang kasama, hindi ba?" malumanay na tanong niya, may ngiting pilit kumakawala sa mga labi. "Is this table taken?" "By me, yes," sagot ko at tinaasan siya ng isang kilay bago umupo. "Is this girl taken?" Ngumuso ako at pinigilang mapangiti sa tanong niya. "Well..." Humalakhak siya. "Kumusta? Ang tagal na mula noong huli tayong nagkita, ah? I hope you are doing well." "Hmm." Hinalo-halo ko ang iced coffee gamit ang straw. "Everything's going well. Ikaw? Kumusta?" Nagkibit siya ng balikat. "Medyo naging busy nitong mga nakaraan. I went to the club last Friday, you're not there?" "Ah, oo." Dapat pala ay nagpunta kami noong Friday. "Medyo na-busy rin kaya hindi maharap p-um-arty." "Kaunting wine at umuwi na rin ako," aniya na tila nagsasabing wala siyang ginawang kakaiba. "Medyo boring." Sinabi niya iyon habang nakatingin sa mga mata ko. Sa daming beses naming nagkita, ito ang una at totoong coincidence. Pero hindi ko iyon masabi dahil hindi naman niya alam na planado lahat. "So, ano ang ginagawa ng isang big time Ford dito?" Gusto kong malaman kung ano ang ginawa niya nang mga nakaraang araw. Ano ang pinagkakaabalahan niya o baka may nakilala na siyang babae na seseryosohin niya. "Trainings, seminars," he chuckled. "Mga boring ikwento na bagay. Oh, actually, nagpunta kami ng Canada, three days lang, sa Prince Edward Island, may malawak silang tulips garden doon. It's beautiful and magnificent. Naalala kita, you should go visit, too." Pamilyar ako sa lugar na tinutukoy niya. Na-search ko na iyon noon sa internet. Pero hindi ang lugar ang nagbigay sa akin ng interest. The fact that he remembers me when he went there is something that gave me a warm feeling. At wala sa plano ang pagkakaroon ng butterflies sa aking tiyan. "Nagawi ka ng Canada tapos wala kang inuwing pasalubong?" biro ko para itago ang namumulang pisngi dahil sa sinabi niya. "Sarili ko. Makuntento ka na roon," natatawang sabi niya. Napailing-iling ako at wala sa huwisyong napangiti. "Kailan ka pa nakauwi kung ganoon?" "Noong huwebes. Sayang nga at hindi ako nakabili ng concert ni Jasfer. Naubusan na ng VIP tickets. Hindi na rin ako nakakuha ng iba, ubos na rin daw," kwento niya. "Kilala mo ba siya? You should listen to his songs, he's a great singer." "Jasfer?" Kunwari ay gulat na tanong ko. "Oh my gosh, seryoso ka? Fan na fan ako no'n, ano!" "Talaga?" Kumislap ang mga mata niya, parang bata na nakahanap ng kalaro. "So, alam mong may concert siya rito sa Saturday?" "Yup," mayabang na sabi ko. "Madami rin kasing naitulong si Jasfer sa akin, partikular na ang mga liriko sa kanta niya, though hindi niya iyon alam." I smiled dreamily. "Sapat na sa akin na makita siya at makapagpa-picture." "Pupunta ka sa concert niya? Wow. I've never met a Jasfer fan until you." "Yup. Ano naman ang nagustuhan mo sa kanya? Parang ikaw yung tipo ng lalaki na gusto ng mga rock songs kaysa sa mga malumanay na tono." Iniabot niya ang egg pie sa akin. "Try this. Ito ang best seller nila dito," anito. "Mahilig ako sa mga country songs, eh. Saka masarap magkape kapag malumanay lang ang kanta." "It's fine," sagot ko sa ino-offer niyang egg pie. "Natikman ko na iyan, bumibili ako kapag napapadaan." Natahimik kaming pareho dahil naging busy kami sa paghigop ng kape. Tahimik sa loob bagaman may kanta na walang liriko ang tumutugtog sa background. Karamihan ng nasa loob ng cafe ay mag-isa lang, nagtatrabaho, o 'di kaya ay tulala habang may kape sa harapan. Coffee shops are best for singles. I can attest to that. Pagbalik ko ng mata sa kanya ay nabigla ako nang makita siyang nakatitig. Something really changed about him. Hindi ko lang malaman kung ano. Was it his expression? His eyes? His hair? Did he do some facial treatments? He is definitely glowing! Tumikhim ako. Naalala ko ang tickets na nasa bag. Kinuha ko iyon, maganda ring dahilan para mabawasan ang awkwardness na dumaan. Iwinagayway ko sa harapan niya ang dalawang VIP tickets. "Actually, may extra akong ticket. Gusto mo?" Bumuka ang labi niya, hindi inaasahan ang nangyari. "Seryoso ka?" Ngumisi ako. "Kiss muna." "Ilan?" Humagalpak ako ng tawa sa pagsakay niya sa biro ko. Inilapag ko ang isang ticket sa harapan niya. Mas lalo siyang nagulat nang makita na VIP ticket iyon. Bukod sa VIP seat ang uupuan ay may meet and greet iyon na kasama. "Woah! At paano ka nakakuha ng VIP ticket? Ang bilis nito na na-sold out, ah?" "Connections and charm, baby." Kumindat ako sa kanya at napailing-iling siya. Bakas ang kasiyahan sa gwapo niyang mukha habang tinitingnan ang bawat detalye ng ticket na iniabot ko. Hindi mawala-wala ang kurba ng labi niya. Napapangiti rin tuloy ako ng walang dahilan. Ang sarap niya lang tingnan na ganito. "Kanino pala dapat ito?" tanong niya. "I should pay it. Magkano?" "Huwag na." Hindi ko rin naman iyan binayaran. "Kasama ko sana ang bestfriend ko kaso ay ayaw niyang pumunta," pagsisinungaling ko. He shrugged. "Hindi siya fan?" Umiling ako. "Kawawa naman siya." I grinned. "Satrue lang!" Umiling-iling siya at bumuntong-hininga. "Alam mo mula nang makilala kita dire-diretso ang swerte sa buhay ko. Lucky charm ba kita?" Dumila ako sa kanya at umirap. "Ang ganda mo kahit ano'ng gawin mo." Sinipa ko ang paa niya sa baba ng mesa para itago ang mumunting kilig na naramdaman sa sinabi niya. Pero sa halip na masaktan ay humalaklak pa ito. Our conversation is very light and I also feel very light. Ang sarap niya lang tingnan lalo at maaliwalas ang mukha niya. Nawala na yung bad boy, playboy image niya na napansin ko noong una. He looks so damn good. "I guess I have to pay for this in another way, hmm?" anito. "Like?" "Paying for a hundred more dates." Pabiro ko siyang inirapan pero napangiti na rin kalaunan. "Try your luck, Mr. Ford." "I will, Miss beautiful." Kinurot ko siya sa braso dahil nakapatong ang siko niya sa mesa. "Ha! Huwag mo akong mabola-bola dahil babawiin ko iyang ticket na iyan." Ngumuso siya. "Totoo naman iyon, ah?" Sumandal ako at humalukipkip. Ang saya niya tingnan, parang maski ang mga mata niya ay ngumingiti. I love looking at him like this. I feel so refreshed when I shouldn't be. "You're glowing," puna ko. "Weird," he whisphered, enough for the two of us to hear. "I kind of missed you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD