- Kier Winsley Ford -
"Kuyaaa!"
Ngumiti ako at sinalubong ng yakap ang nakababata kong kapatid. She's wearing her school uniform, dalagang-dalaga na.
"Ano'ng oras na, bakit ngayon ka lang, ha?" tanong ko nang masilip sa malaking orasan na nakalagay sa may wall ng tanggapan namin.
Umuwi ako sa bahay ngayon dahil napag-usapan namin na mag-fa-family dinner kami ngayong gabi. Medyo naging busy kami ni papa at naging busy rin sa school si Kyra, ang kapatid ko, kaya ngayon na lang ulit kami magsasalo-salo sa hapag.
It's already six thirty. Ang alam ko ay four thirty ang uwian nila. Bagaman hatid-sundo ng driver ay hindi rin naman kami gaanong mahigpit kay Ky. After all she's a responsible kid.
We grew up really close pero sa layo ng age gap namin ay parang naging anak ko na rin siya. She's turning seventeen in a few weeks and I can't believe she'll be a real adult next year. Parang hindi pa ako handa na makita siyang may sarili ng buhay at the same time ay excited akong makita kung ano ang pipiliin niyang daan na tahakin.
"Tinapos namin ang project namin sa house nila Fae. Hindi mo alam? Doon ako nagpasundo, ah?"
Ginulo ko ang buhok niya. "Bakit doon pa, eh, pwede naman dito sa atin?"
"Eh," nagkamot siya ng ulo. "Nandito ka kaya madi-distract lang ang mga iyon. Alam mo ba na yung ate ni Krizzie ay crush na crush ka raw?" Humagikhik siya. "Malay mo, kuya, iyon na pala ang para sa iyo? Pero medyo maarte si Krizzie kaya ayaw ko rin maging kapatid iyon kung sakali."
Mahina kong pinitik ang noo niya. Minsan natutuwa ako na sobrang komportable namin sa isa't isa pero may mga pagkakataon din na hindi. Aba! Yung ibang magkakapatid walang pakielamanan ng love life pero itong kapatid ko, araw-araw na lang yata binabanggit ang tungkol sa love life ko.
"Mag-shower ka na at pauwi na rin sila dad."
Ngumuso siya. "Kailan ka ba kasi magse-seryoso, kuya? Ang dami namang nakapila bakit hindi ka makapili? Malapit ng mawala ang edad mo sa kalendaryo!"
"Ano'ng malapit ka diyan? Twenty seven pa lang ako, nagsisimula pa nga lang ako kung tutuusin."
She snorted. "Ewan ko sa'yo, Kuya! Basta dapat bago ako mag-eighteen ay may asawa ka na! Hindi pwedeng may boyfriend na ako tapos ikaw wala pa."
Lumayo ako nang kaunti sa kanya at tiningnan siya ng matalim. Humalukipkip ako at hinanda na ang sarili na sermonan siya pero naunahan niya na ako.
"Wala pa akong boyfriend at hindi pa nagpapaligaw. Nag-promise ako na sasabihin ko sa'yo, hindi ba? Sige na, magbibihis na ako."
Tumakbo na siya paakyat sa kwarto niya bago pa ako makasagot. I sighed heavily. Tiningnan kong muli ang orasan at kinse minutos na lang ang nalalabi bago mag-alas syete.
Dumiretso ako sa kusina para tingnan kung nakaluto na ba ang chef namin. Mukhang tapos naman na ang lahat kaya tumulong na rin ako sa pag-aayos ng mesa bagaman binabawalan ako ng mga katulong.
"Ayos lang, manang, wala rin naman akong ginagawa."
Five minutes passed before my parents arrived together. May in-attend-an kasi si mom na opening ng restaurant ng isang kaibigan niya kaya natagalan sila.
"Nasaan ang kapatid mo?" tanong ni dad nang makita ako.
"Nagbibihis," sagot ko. "Hi, mom."
I kissed her cheeks. She looks tired but happy. Hindi naman na nagta-trabaho si mom kaya madalas na lumalabas na lang siya with friends bagaman may paminsan-minsang dinadaluhan na event kasama ni dad.
They were both hands on with our family, more than work, they prioritize our time together.
"Akala ko naman ay mag-uuwi na ng girlfriend ang isang ito," sabi ng mommy ko at siniko si dad. "Masyado mo yatang ginagawang busy ang anak ko at hindi na nakakahanap ng girlfriend."
Dad laughed with mom's sentiments.
"Hayaan mo at bibigyan ko ng magandang sekretarya."
"Dad!" I hissed. "Hindi pa ba kayo magbibihis na dalawa?"
Nagtawanan lang sila at inasar-asar pa ako.
"Tigilan mo ako sa pag-iiba ng topic, Kier Winsley, ha! Tanong ng tanong ang mga kaibigan ko kung may girlfriend ka na ba, gusto yata nila na ireto ang mga anak nila."
"Sino?" tanong ko bagaman medyo nawawalan na ako ng interes sa pakikipaglandian sa kung sino-sino.
"Hay, 'wag na. Paaasahin mo lang din. Humanap ka ng mamahalin at seseryosohin," sabi ni mommy na tila sineseryoso ang usapin na ito.
"Nagtatanong lang, eh."
Pagkaalis nila ay bumalik sa isipan ko ang napag-usapan namin. Totoo na nawawalan na ako ng interes sa ganoon nitong mga nakaraan. Dati tambay ako sa club o kaya pumapatol sa kung sino-sino basta maganda at malinis tingnan. I flirt a lot, I admit.
Pero nitong mga nakaraang linggo ay wala na. Fvck, the last time I had a really hot session was before I met that girl.
Trieshienna Hotty Enriquez
Ni walang pang nangyayari sa amin pero grabe na ang interes ko sa kanya. I feel like I want to know her deeper, to know her better, to great her right. May kung ano sa loob ko na gusto siyang makitang nakangiti at masaya palagi. At may kung ano rin sa sarili ko na gusto siyang nakikita palagi.
I missed her, that's true. Yung sinabi ko sa kanya kanina ay totoo iyon. Ilang gabi na ba siyang hindi nawawala sa isipan ko? Even in my fvcking wildest dreams, she's there, kissing my lips, holding breath away.
Nakapag-abroad na ako at lahat-lahat pero nasa isip ko pa rin siya. To think na ilang araw pa lang kami nagkikita. May buwan na rin ang lumipas pero hindi naman kami madalas magkita. The first time I met her, if she only knew, she's the first person I go out from the club with, without having s*x.
Ang weird na dinala ko siya sa coffee shop, nakipagkwentuhan, pero may something sa kanya na hindi ko mahagilap sa iba.
She's fun to be with. She's interesting. Her mere presence gives me comfort. Her smiles sends my heart full warmth. Her simple hold makes my body shiver in delight.
Yes, I desire her. Ilang beses ko na ba siyang napanaginipan na nakahiga sa kama ko? I'm a very healthy male and I'm active in terms of that kind of activity. But more than lasciviousness, more than the lust, I desire her heart, her personality...
I want to know her better. Not just in bed. But I want to enter her world.
"Oy, oy, oy! Bakit ka ngumingiti diyan, Kuya? Ano iyan, ha? In love ka na, ano? Sino? Sabihin mo sa akin!"
Tiningnan ko nang masama ang kapatid ko na naka-pajama na. Gulatin ba naman ako, bigla na lang sumulpot sa gilid ko, tapos sisigaw pa na akala mo ay ang layo-layo ko sa kanya.
"Sshh, napakaingay mo," sabi ko at tumayo upang ipaghila siya ng upuan.
Umupo naman siya, sa tabi iyon ng upuan ko kanina. Ako naman ay kumuha ng maiinom sa ref na tubig at juice. Ibinaba ko iyon sa mesa habang ang kapatid ko ay nalilisik pa rin ang tingin sa akin.
"Kuya, may nagsabi na ba sa'yo na kakaiba ang glow ng mukha mo ngayon?" Umiling-iling siya. "May mali, eh. Hindi pa kita nakitang ganyan kasaya. May jowa ka na, ano?"
Pinitik kong muli ang noo niya, nag-aray siya kahit alam kong hindi naman siya nasaktan. I don't hurt my sister even in the slightest way, baka nga hindi pa dumikit ang daliri ko sa kanya, eh.
Pero, oo, may nakapagsabi na sa akin na I'm glowing daw. I smiled while thinking about it. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya ngayong araw.
"Sinasabi ko na nga ba!" She snapped in front of my face. Saktong dumating sina mom at dad.
"Alin, anak? Ano ang pinag-uusapan niyo?" pang-uusisa ni mommy.
"Si kuya--" tinakpan ko agad ang bibig niya. Kapag nakarating kila mommy ay paniguradong walang katapusang usapan iyon.
They will make me admit it, and they will make me invite the girl here. Ni hindi ko nga nililigawan o girlfriend yung tao tapos ipapakilala ko sa kanila? Ano na lang ang sasabihin no'n?
"Pinag-uusapan namin kung ano ang plano niya sa birthday niya," sabi ko at pinanlakihan ng mata si Kyra bago umupo at binitawan ang bibig niya.
Salamat naman at nakuha niya ang gusto kong iparating at sinakyan niya naman ang sinabi ko.
"I want a simple party, mom, dad. Huwag ng grand, please," aniya na mukhang sawa na sa mga hotel na paulit-ulit nirerentahan tuwing birthday niya. "Also, 'wag na kayong mag-imbita ng hindi ko naman kilala."
I chuckled. Napatingin tuloy ang mga magulang ko sa akin.
"What?" I mouthed. "Stop making her birthdays a business party," pagkampi ko sa kapatid ko.
Nagkatinginan sina mom at dad at sabay na tumango. Sa birthday ko ay ayos lang na gawin nila iyon pero hindi nangyayari dahil madalas na wala ako kapag birthday ko at uuwi lang ng dinner para makasama sila, o kaya ay magbe-breakfast dito at aalis na maghapon.
I hate parties, I mean the formal ones. Sawa na ako sa mukha ng mga business partners ni dad sa opisina kaya 'wag na pati outside work ay sila pa rin ang makikita ko.
"Ano ang gusto mo, kung ganoon?" tanong ni dad. "You want to travel? Should we eat our dinner in Paris?"
Hinainan ko ng pagkain si Kyra at si dad naman ay naglalagay rin ng pagkain sa pinggan ni mom. I love their relationship, sana ay kapag nakapili na si Kyra ng mamahalin ay katulad ni dad. Dad has always been loyal to my mom. Isa na rin sigurong factor ay dahil mag-bestfriend sila bago sila nagkaroon ng relasyon. Kaya komportableng-komportable sila sa isa't isa.
Nagkakatampuhan pero hindi nauuwi sa nagsisigawan sila rito sa loob ng bahay. Magaling mangsuyo ang tatay ko kaya minsan hindi na lang din nagtatampo si mommy dahil ang bilis lang din mawala.
Their matured relationship set our standards high. Isa rin siguro iyon sa dahilan kaya ayaw ko muna mag-girlfriend. I want the first to be my last. And when I chose the right one, I'll make sure I'll treat her right, like how dad does to my mom.
"Kahit dinner lang, daddy, sa garden. We should just set up an intimate dinner together."
"Sigurado ka, anak?" tanong ni mommy na halata sa mukha ang kagustuhang mag-arrange ng magandang party pero mukhang natutuwa rin sa desisyon ni Kyra na mag-dinner na lang kaming apat. "Sino ang gusto mong imbitahin?"
"Hmm," nag-isip siya. "Mag-la-lunch na lang ako kila lola para hindi na sila pupunta rito," aniya.
Ang lola na tinutukoy niya ay sa mother's side. Ang pamilya kasi ni papa ay sa abroad nakatira. Kaya madalas doon kami tuwing holidays dahil bihira lang din kami makadalaw.
"Ano'ng gusto mong regalo?" tanong ni dad. "New phone? Bag?"
Tumingin sa akin ang kapatid ko bago ibinalik ang mga mata kila dad. "Huwag na iyon, hindi naman ako mahilig sa bag, dad, at halos bago pa rin ang phone ko."
"Ano ang gusto mo?" tanong ko. Tumingin siya sa akin at ngumisi, kinakabahan ako sa tinging ipinupukol niya. "Tigilan mo ako sa tingin na ganyan Kyra Ford."
"Luh?" tumawa siya. "Kabado iyan, Kuya? Wala naman akong sinasabi, ah?"
Muli siyang humarap kila dad. "Ayos na ako sa cake, mom, dad. I'll let you know if I need something pero wala pa naman sa ngayon. Isa pa, halos isang buwan pa naman bago ang birthday ko, ang tagal pa no'n."
"Sure, baby," sabi ni mommy.
"Pero kay kuya may gusto akong hingin na regalo," sabi niya na ikinagulat ko at the same time ay hindi ko rin ikinagulat.
Medyo nag-expect na ako na may binabalak siya.
"Mas maraming pera si dad, gusto mo hingin mo pa ang kumpanya," sabi ko na tinawanan ng mga magulang ko.
"Paano ko hihingin sa kanya, eh, ililipat na nga sa'yo? Ikaw na ang magtrabaho roon at hihingi na lang ako ng pera sa'yo hanggang pagtanda."
"Eh, kung huwag ka na kaya namin bigyan ng allowance?"
Nag-peace sign siya. "Hindi mabiro."
Nagbuga ako ng hininga. "Ano ba iyon?" tukoy ko sa bagay na gusto niyang hilingin sa akin.
She winked at me. "I'll tell you later." Ngumisi siya nang makita ang reaksyon ko. "Let's eat!"