Sobrang unexpected ng mga pangyayari. Inaasahan ko ay maglalandian kami sa bar, mag-aaya siya ng hotel or motel na malapit, make out sa car...
You know, it's not that I'm fantasizing about it, pero mas makatotohanan iyon kaysa sa nangyayari ngayon. Paanong magkaharap kami sa isang maganda at malayong coffee shop, kalmado, at parang matagal ng magkaibigan na komportable at palagay ang loob sa isa't isa?
Nababaliw na ba ako?
"P'wede bang mahiram ang phone mo?" sabi ko nang saglit na maalala na naiwan ko nga pala ang gamit ko sa club.
"Ilalagay mo number mo?" may himig panunukso na sambit niya.
I smirked. "As if."
"Ano'ng gagawin mo?" tanong nito na medyo mas seryoso na. Hindi na nahintay ang sagot ko ay iniabot niya na sa akin ang cellphone na halatang hindi basta-basta. Logo pa lang sa likod no'n ay alam ko ng nakakalula ang presyo.
I don't think I can afford it even with my six months salary.
"Naiwan ko lahat ng gamit ko sa club. Tatawagan ko lang yung kaibigan ko."
"Bakit mo iniwan? Baka mawala iyon doon. Isa pa, kung hindi ako ang kasama mo, paano kang uuwi?"
Pakielam mo? Hindi ko ma-gets kung ganito ba siya sa lahat o ngayon lang dahil kakikilala niya pa lang sa akin. He sounds concerned and I hate it. Hindi ko kasi alam kung nagkukunwari ba siya o ano.
"Hinatak mo ako palabas, remember?" Hindi ko na natiis na hindi siya irapan. Kinuha ko ang phone niya at tinawagan ang number ni Rowena.
She will be thrilled knowing I am in a coffee shop, far from the club, and sitting alone with the man who I should be flirting with. Ngayon ko na-realize na tama si Rowena, kung sa hotel kami dumiretso, tapos na ang ugnayang ito.
But I wonder...
What would make him fall in love with me?
Eh, kung itanong ko na lang kaya ng diretsahan?
"Hindi sumasagot?" tanong niya nang mapansin ang pagkakakunot ng noo ko habang nakatitig sa number na tinatawagan ko.
Gosh, girl, bakit ka hindi sumasagot?
"Maingay siguro kaya hindi niya naririnig. Mag-message ka na lang para mabasa niya," suhestyon niya na agad ko namang sinunod dahil tama siya.
Pagkatapos kong mai-send ang message ay ibinalik ko kay Kier ang phone niya. He swiftly put it on his pocket and concentrated on his coffee.
"Bumalik na lang kaya tayo sa club?" sabi ko dahil pakiramdam ko ay mabo-bore lang siya rito at mas lalabo ang tyansa na magkagusto siya sa akin o hindi naman kaya ay baka magtanong siya ng mga personal na bagay na wala akong balak ipaalam sa kanya.
"Bakit? Mas gusto mo roon?"
"Surely, this isn't the fun you're looking for in a friday night, Mister."
He smirked. "Ano ba'ng klaseng fun ang tinutukoy mo?"
"Like," I shrugged. "Meeting new people. Eyeing at sexy girls with large breasts and butt--"
"Hey, hey there. Kanina mo pa ako pinagmumukhang manyak, ah?"
"Wala akong sinabi," depensa ko. Sa halip na landiin siya tulad ng plano ay hindi ko mapigilang hindi punahin ang pagiging babaero niya.
Hindi ko alam kung effective ba itong ginagawa ko dahil pakiramdam ko pagkatapos ng gabing ito ay nakasali na ako sa banned list niya. Baka sa inis niya ay hindi na siya pumunta pa sa club.
"Fun night can be two things," anito na hindi na pinalaki pa ang isyu kanina. One thing that amazes me is his patience. Kung ibang lalaki ito, kanina pa panigurado na napikon sa akin.
"s*x and coffee?"
Humagalpak siya ng tawa. "That's quite close though. Pero mali."
"So," pinagkrus ko ang dalawang braso. "Ano ang masayang gabi para sa iyo?"
Hinintay ko siya na matapos humigop ng kape bago bumaling sa akin. Pinunasan niya ang bibig at muli ko na namang nakita ang maliit na tattoo sa kanyang kamay. Gusto kong magtanong tungkol doon pero pinigilan ko ang sarili. It must be personal. Masaya man o masakit ang meaning sa likod no'n, sigurado akong hindi niya gusto na maitanong sa kanya ng taong hindi naman niya kilala.
"Crowds with drinks and music," anito na ang tinutukoy ay ang una sa dalawang depinisyon niya ng fun night. "And silent night with coffee."
The extrovert and introvert in him.
"So..." Hindi naman sa nag-a-assume ako pero simulan na rin natin ang plano. "Is this one of those fun nights you've been telling me?"
Matunog siyang ngumiti pero hindi sinagot ang tanong ko at sa halip ay binato niya ako ng tanong.
"Ano sa tingin mo?"
"Kasama mo ako kaya dapat isa ito sa best nights ng buhay mo," puno ng kumpyansa na sabi ko kahit na sa loob-loob ko ay gusto ko ng sabunutan ang sarili sa sobrang cringe ng mga sinasabi ko.
"Also that. Fun depends on who you are with."
"Mag-isa mo lang na pumunta ng club kanina?"
Kumuha siya ng churros at d-in-ip iyon sa chocolate. Bago niya isubo ay sinagot niya ang tanong ko.
"Technically, yes, pero marami akong kaibigan na pumupunta roon tuwing gabi kaya..." He shrugged. "At ayaw rin nila magpa-istorbo kapag may kasama sila."
Hindi na ako nagsalita dahil nauubusan na ako ng sasabihin. This man in front of me is a total stranger. Anong sasabihin ko sa kanya? Eh, ako nga ang pinakanahihirapang magbukas ng topic kapag kasama ko ang ilan sa mga kaibigan ko tapos...
Hayst!
Nagkatinginan kami at nauna akong umiwas ng tingin. Ni hindi ko man lang nafi-feel sa kanya na na-a-awkward-an siya. Aba! Syempre sanay na sanay na iyan.
I remember when I saw him in Cebu. Pero ang pagkakaiba lang ay umalis din sila agad noong babae niya.
Wait, ano'ng ginagawa ko? Dapat nasa club kami, nag-iinuman, sumasayaw, at kukunin ko ang atensyon niya tapos iiwan para hindi niya ako makalimutan at makilala pa rin sa susunod na pagkikita. Iyon dapat ang plano.
At bakit ganito ang nangyayari?
"You look bored," sabi niya nang mapansin ang pananahimik ko. "Gusto mo na bang umuwi?"
"Bakit? Gusto mo ng bumalik sa club?" Nainsulto ako ng slight dahil feeling ko ay tinanong niya lang iyon para makaalis na rito at hindi na makita ang pagmumukha ko.
He chuckled. "I probably just go straight home and spend the night alone."
"Unless I wanna come along?" pabirong sabi ko.
His lips moved. Hindi ako ganoon karunong magbasa ng emosyon pero alam ko, alam na alam ko na may kakaibang naibigay sa kanya ang biro ko. I can even imagine him imagining things at the back of his head.
"What are we gonna do?" medyo malat na tanong niya.
Sure na sure ako na nilalandi niya na ako ngayon.
I licked my lower lip and leaned on the table. Bumaba ng kaunti ang mata niya sa dibdib ko. Pagkatapos ay iniangat ang tingin pero hindi maialis ang mata sa labi ko.
Feast all you want. Because you won't have these, Kier. Pagkatapos ng lahat ng dinanas ko dahil sa mga krimen niyo, I won't let you go so easily. Fall. Fall so hard. And I will laugh and sleep peacefully right after.
"On your bed?" Damn. Umiinit na ang pisngi ko sa mga sinasabi ko.
Lumunok siya. I'm sure as hell he's turned on.
"Ano?" tanong niya. Hindi niya na sinakyan pa ang sinabi ko.
"Ang ibig kong sabihin ay inaantok na ako."
Tumayo siya at inaya na ako palabas. Nag-offer siya na ihahatid niya na ako at pumayag na rin ako. After all, wala namang mangyayari kung malaman niya ang bahay ko.
Habang nakasakay kami sa sasakyan niya ay inilabas ko ang isang kamay para makipaglaro sa hangin. Medyo mabilis ang pagtakbo niya pero hindi naman sobra.
"So..." Lumingon siya sandali sa gawi ko bago muling tumingin sa daanan. "Babalik ka pa ba sa club? In the next few days?"
Actually, hindi lang tayo sa club magkikita. You will see me everywhere. Pero syempre ay hindi ko iyon sinabi.
"Depende," kunwaring sabi ko. "Kung may mag-aaya ulit sa akin ng kape."
He smiled. Hindi siya tumawa, pero ngumiti siya. Hindi nawala ang ngiti sa labi niya habang nagmamaneho. He probably thinks it's amusing.
"Go to the club for coffee." He jokingly hissed. "Parang ang weird pakinggan no'n."
Natawa ako dahil totoo. Everything that has happened tonight is totally unexplainable. Wala sa plano ito at kahit naman wala akong plano, ay parang hindi naman ganito ang dapat na mangyari.
"Totally agree."
Itinuro ko sa kanya ang daan patungo sa bahay namin. At habang papalapit ay medyo nanliliit ako. Baka yung buong bahay namin ay kwarto niya lang.
Pagkarating namin sa gate ng mismong bahay ay bumaba na ako at bumaba rin siya. I looked at the car once again, makakasakay pa kaya ako sa ganyang klaseng sasakyan?
Lumapit siya sa akin at tumingin sa bahay na madilim dahil wala ni isang ilaw ang bukas.
"Wala ka bang kasama diyan?" tanong niya. "O wala pa ang mga kasama mo?"
Wala na yung kasama ko dahil doon na sa hospital natutulog dahil sa ginawa ng ama mo. Uminit na naman ang ulo ko nang maalala ang lagay ni papa dahil sa sinabi niya.
"Nasa labas pa sila," sabi ko na lang at ang tinutukoy ay si Rowena.
He nodded. "Good night, Miss I don't do things with just anyone," nanunuksong sabi nito habang may multo ng ngiti sa mga labi.
Tumingkayad ako ng kaunti at inilapat ang labi sa kanyang pisngi. Damn. Bakit parang mas malambot pa ang pisngi niya kaysa sa labi ko?
"Good night, Mr. fun rides and coffee after club," bulong ko sa tainga niya bago umayos ulit ng tayo sa harapan niya.
He stiffened. Halatang hindi niya inaasahan ang paghalik ko sa pisngi niya. At maya-maya lang ay namula na ang tainga nito. Is he blushing? Hindi ko na pinuna pero natatawa ako sa loob-loob ko.
Humalakhak akong muli bago pumasok sa gate. Bago ko isinara ay kumaway akong muli sa kanya. Ngumiti siya at kumaway rin bago umatras at pumasok sa kanyang sasakyan. He closed the roof of his convertible before driving away.
"Ha!" nagbuga ako ng hininga at napasandal sa pintuan.
Damn two hours with that man.
Unexpectedly, hindi siya gano'n kasama sa iniisip ko- the moment, I mean, not him as a person. Hindi ko talaga ine-expect ang pag-ikot ng mga pangyayari ngayong gabi. Bukod sa ten percent na paglalandi, honestly, most of those moments in the conversation is the real me.
Hindi ko tuloy alam kung naging maayos ba ang plano dahil pakiramdam ko ay nasungit-sungitan ko siya. Dapat friendly and flirty ang dating ko. Hindi yung parang malapit na siyang suntukin.
And oh..
Hindi namin tinanong ang pangalan ng isa't isa!
I know he is Kier. Pero hindi rin siya nagpakilala. He probably thinks I don't know his name.
"Nababaliw ka na ba?" Nagtakip ako ng tainga dahil sa malakas na boses ni Rowena. "Nababaliw ka na nga."
Halos kagigising pa lang namin pareho, magkaharap kami sa mesa at nagkakape, nagtatamong siya tungkol sa nangyari kagabi. At nang ikwento ko ay iyan ang reaksyon niya.
"I know right," sabi ko dahil kahapon pa ay iyon na ang iniisip ko.
"Bakit mo naman sinungitan? Sabi ko makipaglandian ka, yung maayos, pa-sweet, gano'n. Bakit naman gano'n ang mga banat mo?"
"Relax. Mukha namang hindi niya isinapuso ang mga sinabi ko."
Umiling-iling siya at tiningnan ako na tila ba kahiya-hiya ako sa kanya. "Pero infairness ha, bakit naman sa coffee shop ka niya pinunta? At talaga bang walang nangyari?"
I rolled my eyes. Ilang beses niya ng naitanong iyan ngayong umaga. "Wala nga!"
"Kahit kiss lang?"
Namula ang pisngi ko at iniwas ang tingin sa kanya. I remember planting a kiss on his cheeks last night.
"Oh my gosh! Oh my gosh! Iyang ganyang reaksyon mo..." Napalakpak siya. "So, masarap ba?"
"Ano'ng masarap?" naiirita kong inilipat ang mga mata sa kanya at mahinang tinampal ang kamay niya. "Sa pisngi lang, okay?"
Nawala ang ngisi sa mukha niya at sumimangot. "So, should we plan for the next meeting?"
"Huwag mo sabihing tatambay na naman tayo sa club at aabangan siya? Speaking of club, hindi ba ako hinanap ni Keisha?"
"Actually, hindi nga niya napansin na wala ka, medyo busy kasi siya kahapon," aniya. "At para sa susunod na meeting... actually, naisagawa ko na ang unang step sa plano."
Hindi ko alam kung dapat ko bang magustuhan ang balita niya kung may nakakalokong ngiti ang nakaplaster sa mga labi niya. Kumindat pa ito at tumango na tila sinasabi na siya na ang bahala.
I sighed. Sana lang talaga ay tama itong mga pinapasok namin.