Six

2129 Words
He's good at flirting. Alam ko na agad iyon pagkasabi niya pa lang ng mga salitang iyon. Binasa niya ang labi gamit ang kanyang dila at ibinigay ng buo sa akin ang atensyon. Ako naman ay hindi ko alam ang gagawin. Unang kita ko pa lang ay aminado na akong gwapo siya pero ngayon na naalala ko na ang tunay na dahilan kaya ako nandito ay nagngingitngit ang kalooban ko sa galit. I loathe this hot guy a lot. "Hmm, I'm friends with the manager," sabi ko dahil iyon naman ang totoo. Hindi niya inaalis ang mga mata sa akin. Pinigilan ko naman ang sarili na mapairap. Come on, Trish, you have to make this guy fall for you. Nandito ka para sa misyon kaya please lang umayos ka. "You're alone?" he said in a soft tone. He leaned a bit forward. Sakto na ibinaba ng barista ang order kong cocktail. Kinuha ko ang inumin at kinalahati ang laman bago ibinaba. I wiped the residue using my tongue and I almost smirked when I catch him looking at it. Woah! This guy is really insatiable. Kawawa ang makakatuluyan nito in the future, madaling maagaw, madaling matalo ng tukso. "I'm afraid I'm not," sabi ko sa mapanuksong tono. "But I can go home alone." Lumaki ang ngisi na nakaplaster sa kanyang mga labi. He's enjoying this small flirty talk. At ako ay hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Hindi ko matagalan na tumingin sa mga mata niya, para akong malulunod sa karagatan. His eyes reminds me of a gloomy weather, cuddle weather, comfort but can be scary. "So, regular ka rito?" tanong niya. "I'll hate myself for not seeing you if you are." I chuckled a bit, trying to make the situation light. Pakiramdam ko ay hindi na ako makahinga. Was it because he's close and I can clearly smell the minty flavored toothpaste from his mouth mixed by the smell of alcohol and cigarettes? Or was it because I hate being this close to a son of a criminal? Either way, it's not good. "I've been here twice. Medyo matagal na yung last time," sagot ko. Gusto kong ako ang manguna sa pagbukas ng mga topic. Ayaw kong isipin niya na ang boring kong tao pero hindi ko alam kung bakit ako naba-blanko. "Wanna go out?" A playful grin is displayed on his face. Tumingin siya sa mga tao na nagsasaya. "It's stuffy here." "Go out for?" He shrugged. "Whatever you want." Isa-suggest niya ba na mag-hotel kami? Pero hindi pwede. Why would I give this guy myself? Duh! At kabilin-bilinan ni Rowena na magpaka-hard to get ako. "How about a fun ride?" suhestyon ko. "With me?" aniya na dalawa ang meaning. Kusa akong natawa na walang halong pagpipilit sa sinabi niya at natural na lumabas sa akin ang mga salitang isinagot ko sa kanya. "With your car." Pinagsiklop niya ang mga labi habang tinatago ang mga ngiti. Tumayo ito at umalis sa high stool na kinauupuan niya at saka inilahad ang kamay sa harapan ko. "Shall we?" pag-aaya nito at lihim akong napamura nang matulala na naman ako ng ilang segundo sa mukha niya. Sa halip na tanggapin ang kamay niya ay tumayo ako mag-isa, nilagpasan siya, at lumingon rito. "I'm sorry, I don't just hold hands with anyone," sabi ko rito at saka kumindat. "Ouch!" Nagkunwari itong nasaktan at sinuntok pa ang kanyang dibdib. Pagkatapos ay nag-angat ito muli ng tingin sa akin suot ang friendly awra na naman. "So, sasama ka ba sa mahabang fun ride, Miss-I-don't-just-hold-hands-with-anyone?" Nagtaas ako ng kilay. "Mahaba?" He laughed. Nagkamot ito ng noo na tila nahihiya. Namataan ko tuloy ang tattoo na nakalagay sa side ng kamay niya, medyo maliit lang kaya hindi ko rin malaman kung ano iyon. Aside from that, he looks clean from the outside- I mean, wala ng iba pang tattoo at sugat maliban doon. His fingers are long, nails are clean, someone you wanna hold hands with. Ngayon ay unti-unti ko ng napapansin at naiintindihan kung bakit ang daming babae na nahuhumaling sa kanya. He looks like a living fictional character. Someone you'll fantasize with. Pero hindi ako dahil bukod sa hindi naman ako mahilig magbasa ng libro at mahumaling sa mga fictional character ay sa katawan ng taong ito nakahimlay ang masamang demonyo. No. I don't like him at all. Gwapo lang pero ano naman? "I'm sorry," natatawang sabi nito. "That sounds malicious. Ang ibig kong sabihin ay matagal. Hindi ba't mag-jo-joy ride tayo buong gabi?" Isinandal ko ang siko sa high stool na inuupuan niya kanina at inilapit ng kaunti ang mukha rito. Natigilan siya. Napangiti ako sa reaksyon nito. I specially can feel how he stopped his breath for a moment. He gulped as his eyes landed on my cleavage. What a man! Tumikhim siya. "Unless you want to do another activity tonight?" "I don't do s*x with just anyone." Humalakhak siya. He doesn't even look a bit insulted, he looks amused. "I kinda see that coming." He chuckled once again. "Feisty. Unfiltered." Humalukipkip ako at nanghahamon siyang tiningnan. "You look like someone who fvcks everyone." "Woah! Woah!" He tilted his head to the other side. "Masyado ka namang judgmental, Miss. Para sa mas maayos at mas totoong impormasyon, I don't just fvck with anyone." Humakbang ito at nagulat ako nang magdikit ang mga balat namin sa sobrang lapit niya. Inilagay niya ang kamay sa upuan at kaunti na lang ay maco-corner niya na ako. "I have a taste." Tumikhim ako at umatras. I saw a glimpse of again amused grin on his handsome and flawless face. "Si Kier iyon, hindi ba?" Pareho naming narinig ang nagsalita. Kita ko ang naging pagbabago sa kulay ng mukha niya at walang paalam niyang hinawakan ang palapulsuhan ko at hinila ako palabas ng club na iyon. "Sorry," anito bago binitawan ang kamay ko nang makarating na kami sa parking lot. "Hindi na tayo makakaalis kapag nakita nila ako." "Sino? Your flings and fvck buddies?" Umiling-iling siya. "Talaga bang hindi mawawala sa sentence mo ang mga maruruming salita na iyan?" Wow! Nagmamalinis ka diyan? Dinala niya ako sa pwesto ng sasakyan niya. Napanganga ako nang makita ang sasakyan niya. Hindi ako mahilig sa sasakyan pero kahit papaano ay may pangarap din akong sasakyan. And this... is one of the choices I've been eyeing when I'm looking on the internet. "Lexus LC," I whisphered. Silver gray colored sports car iyon na convertible. Yung pwede mong alisin ang roof niya kung gusto mo. Binuksan niya ang passenger seat. Nakasara ang roof ng sasakyan, of course, alangan naman na iwan niyang nakabukas iyon kung naroon ang mga gamit niya. "Don't worry. I never had dirty activities in this car. At least yet." Napangiti ako sa sinabi niya. He sounds mocking but in a good and gentle way. Nagpapaliwanag pero hindi nang-iinsulto. Sumakay ako sa komportable, mamahalin, at maganda niyang sasakyan. Pero naisip ko rin bigla kung gaano kalayo ang agwat ng buhay namin. He has money. I got problems. He's got connections. I have nothing. He can do anything. He can buy anything. While I'm getting bitter about things I cannot control. Pinanood ko ang pag-ikot niya at pagsakay sa tabi ko. Bago paandarin ang sasakyan ay lumingon ito sa akin at ngumiti. "Gusto mo i-try?" tanong niya nang mapansin na nakatingin ako sa roof ng kotse niya. "It's cold though." May kinuha siya sa likod at iniabot sa akin. "Isuot mo muna ito." Wala sa huwisyong kinuha ko ang jacket niya. It's a designer brand. Natatakot akong madumihan. At katulad ng sasakyan niya, akala ko ay mai-intimidate ako at maaalala ang tunay na dahilan kung bakit kami magkasama ngayon. Akala ko iigting na naman ang galit ko pero hindi. Comfort hugged me as I wear his jacket. I smell fresh, clean, neat, and a bit minty. He probably likes fresh scents than cigarette smelling kinds. May pinindot siya na button at unti-unting nawala ang roof ng sasakyan. I look at it while it's moving down. "Wow," bulong ko at hindi makapaniwala sa nakita. "May gusto ka bang puntahan?" he asked. "Or may gusto ka bang kainin?" I glared at him. Sa halip na patulan ako ay ngumiti lang siya. "I'm not referring to anything dirty, lady." "Hmm..." Nilaro-laro ko ang daliri sa lap ko. "P'wede ba tayong bumili ng kape tapos mag-drive lang? The night looks perfect for a coffee and long rides." Hindi ko inaasahan ang ngiti na pinakawalan niya. Natigilan ako at nag-iwas ng tingin. He looks genuinely sincere, sweet, charming, and friendly. At naaasar ako na ganoon siya. Hindi. This guy is a bad person, and he's probably using his charm to bed me tonight. Ganoon naman talaga ang taktika ng mga taong katulad niya. "May problema ka ba?" Again, this was unexpected. "Huh?" maang-maangan na sabi ko kahit ang totoo ay nagulat ako na nahalata niya. "Lahat naman tayo may problema, ah?" Ang problema mo, babae. Sa akin, madami. "Relax with me tonight, then." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay pinaharurot niya ng mabilis ang sasakyan. The night air is comfy and cold. Medyo nagugulo na ang buhok ko kaya--- Oh s**t! Naiwan ko ang gamit ko sa club. My bag, my phone, my wallet. Lahat. Oh my gosh! Mag-aalala panigurado si Rowena. At isa pa, paano ako uuwi nito? Wala akong pamasahe! My goodness! Napapikit ako nang mariin at sa hindi inaasahang pagkakataon ay kumalma ang buong katawan ko. I started breathing exercise before opening my eyes. Unti-unti ring bumagal ang sasakyan ni Kier at mula sa pwesto namin ay natanaw ko ang isang cafe na medyo kitang-kita dahil sa warm lights na nakapaligid dito. "Si Sir Kier!" dinig kong sabi nung nasa loob habang papasok pa lang kami. All of them, staffs, and some customers, looked at us. Actually hindi pala sa amin, kay Kier lang. "Good evening, Sir," a girl, prolly younger than us, greeted. Nakasuot ito ng black na apron at may logo ng cafe nila. "Good evening, Tana," pabalik na bati ni Kier rito. Oh, so they know each other? Tumingin yung Tana sa akin nang ma-realize na hindi mag-isa si Kier. Ang mga iba pa nilang kasama ay napalingon din sa gawi ko. Hindi ko maintindihan ang ekspresyon na ipinapakita nila. Alam mo yung gusto mong bumati at gumalang pero hindi mo magawa? Ganoon. Baka dahil sanay na silang iba-ibang babae ang dinadala ni Kier rito. O baka nagulat na iba ang kasama niya noong nakaraan. "A friend of mine," pagpapakilala niya sa akin at sa kabila ng inis at hiya na nararamdaman ay lihim akong natawa. Kanina pa kami nag-uusap at magkasama pero hanggang ngayon ay hindi pa kami nagpapakilala sa isa't isa. Of course, I know him because of research. Pero kung walang ganoon ay hindi ko rin siya kilala. "Girlfriend mo, sir?" tanong nung babae na katabi ng tinawag ni Kier na Tana. "No!" mabilis at medyo napalakas na sabi ko, dahilan para tingnan ako nang masama nung iba. "Sorry, I mean, nagulat lang ako sa tanong." Ngumiti ang babae sa akin. "Okay lang po, Ma'am." Hinawakan ni Kier ang likuran ko at lihim akong nagmura nang maramdaman ang kuryenteng dumaloy sa katawan ko mula sa kamay niya. Freaking hell! Hawakan ka ba naman ng demonyo, wala kang mararamdaman? Don't tell me it's spark. Walang gano'n! "Grabe naman maka-no. Now I wonder if you hate me," anito sa mapagbirong tono matapos niyang hilain ang upuan para makaupo ako. Umupo ako roon at nag-angat ng ulo para makita siya. No sign of being insulted. O baka magaling lang siyang magtago? "Are you taken?" tanong ko para mawala roon ang usapan. "Are you gonna take me?" banat niya pabalik. Ngumuso ako at pabirong umirap. "Nope, I'm not." Umikot siya patungo sa tapat ko at umupo. "Ano'ng order mo?" tanong ko ulit. Hindi ko alam kung bakit may nafi-feel akong awkwardness kahit mukha namang relax na relax siya. He jerked his head. Nase-sense ko yung full confidence niya sa kahit na anong gawin o sabihin. I wonder what would make him feel awkward or shy? What will make him caught off guard? "I ordered the best coffee in town. Maganda na ma-try mo, for sure, babalik-balikan mo iyon. Plus sobrang sarap ng churros nila rito." "Regular ka rito?" Hindi ko na napigilang hindi alamin. "Dito ka ba nakikipag-date?" "Hindi, ah," anito. "May mga time na nagra-rides lang ako at dito kumakain ng gabihan. Open sila twenty four seven kaya naging regular ako rito. Saka babalik-balikan mo talaga ang mga pagkain at inumin nila rito." "Kaya pala kilala ka nila..." Sa halip na sumagot ay ngumiti lang ito at tumingin sa labas kung saan medyo madilim na pero may mga fairy lights. His eyes glowed in a different and unfamiliar emotion.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD