Eight

2091 Words
This is definitely not a good idea. Ibinalik ko sa hanger ang hawak kong damit at umupo sa kama. "Girl, ano na lang ang sasabihin no'n? Sinusundan ko siya? Paano kung nandoon ang tatay no'n? Kung sa kanya medyo nakokontrol ko pa ang emosyon ko, kapag nakita ko ang tatay niya ay hindi ko kaya. Huwag na nating ituloy ito." "Akala ko ba gusto mong durugin ang puso ng Kier na iyon?" "Oo nga. Pero hindi naman natin kailangang um-attend pa roon. We can just continue the plan after he comes back here in Manila." Bumuka nang bahagya ang bibig niya at tila hindi makapaniwala sa akin. Minsan hindi ko rin gets kung bakit game na game si Rowena sa larong ito. Kulang na lang ay mag-resign na siya sa trabaho niya at ilaan ang buong oras at atensyon sa plano ko sa Ford na iyon. "Ikaw ang magsu-supply ng mga bulaklak na gagamitin sa event. Ano'ng rason pa ba ang kailangan mo para lang pumunta roon? Come on, hindi iyon magsususpetsa, promise!" Nagbuga ako nang malalim na hininga. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ng kaibigan ko para kami o ang business ko ang mapili na mag-supply ng bulaklak sa club house na io-open sa publiko at ang lokasyon ay sa La Union. Si Kier Ford ang magiging representative ng dad niya para um-attend sa opening no'n. Rommel Ford is already training his son for his position kaya naman sa mga ganoong bagay ay si Kier na ang pinapapunta niya. Pero hindi pa rin ako nakakasiguro kung talaga bang hindi pupunta ang tatay niya. I don't want to meet that guy. Si papa ay medyo nakaka-recover na. Nakakausap na siya pero hindi pa rin ganoon kaayos ang lagay niya. Some parts of his brain is not functioning well. Hindi ko rin alam kung bakit nitong mga nakaraan ay halos wala ng ipabayad sa akin ang hospital. Ang sabi pa ay mag-i-stay muna si papa roon hanggang maka-recover ng husto. Is there someone helping us? Hindi ko alam. Marami rin kasi akong hiningan ng tulong na mga organisasyon na ang layunin ay tumulong sa mga katulad ng sitwasyon namin. Maybe some of them reached out to help? Sana man lang ay mapasalamatan ko sila. O baka hindi lang nagpapabayad ang doctor? At ang isa ko pang iniisip na dahilan ay baka binabayaran ni ate ng pasikreto ang bills. I really don't want her to. May anak siya, ako wala. May responsibilidad na siya at pamilya. I can still pay for dad's medical bills. Pero hindi ko na inisip pa muna ang mga iyon dahil isang malaking problema ang haharapin ko dahil sa kaibigan kong halos itulak na ako mapalapit lang sa Kier Ford na iyon. I'm not sure if she's being supportive or annoying. Ang farm naman ay bumalik na sa dati. Nagkaroon ng lugi, oo, pero mababawi rin naman iyon. Ngayon ay bumabalik na ulit sa dati ang lahat. Farm's recovery. Dad's recovery. Bukod sa loan na kailangan kong bayaran ay ang mga Ford lang ang pinoproblema ko sa kasalukuyan. "Samahan mo ako, ano'ng gagawin ko roon?" parang bata na iiwan na sabi ko sa kanya. Rowena is not coming with me. At overnight iyon. Ano na lang ang gagawin ko roon? Ni hindi ko nga matagalan ang presensya ni Kier, well, kaya ko naman, pero baka masabi ko pa sa kanya ang plano ko sa sobrang inis. I need someone beside me. "Nakakabwisit kasi ang boss ko, eh," anito na kanina pa nirereklamo ang boss niya dahil hindi siya pinayagang mag-leave. Well, wala rin naman kasi siyang matinong dahilan. "Um-absent ka na lang kaya?" "Wow," sarkastikong sabi nito. "Ikaw nagpapasweldo sa akin, madam?" Tumawa ako pero kasabay no'n ay ang nerbyos na umiikot na sa sistema ko. What if I meet Kier Ford there? Resort iyon na matagal ng open pero nag-open sila ng club house na isa ang mga Ford sa major investor. At dahil isang malaking resort iyon na b-in-ack up-an pa ng mga Ford ay isang malaking proyekto iyon. Maraming nag-aabang, maraming media. The event will be grand and big. Kaya ang buong team ko, Carl, Bert, Hade, at si Aya, ang kasama ko na pupunta. Bale lima kami na magdidisenyo ng mga bulaklak sa event. May mga naka-assign naman na roon na mga magdidisenyo ng buong lugar kaya parang mag-a-assist na lang kami. I'm nervous because of two reasons. I'm meeting Kier Ford again. And I'm doing a business with a grand event. "Dalhin mo ito, pati iyan," anito na nangingielam sa mga dadalhin ko. Bukas kami pupunta ng La Union at sa isang araw ay maaga ang magiging opening. "Paano kung hindi naman pala kami magkikita roon ni Kier? You know what, I still think this is not a good idea. Eh, kung sila Aya na lang kaya ang pumunta roon?" "Ano ka ba? Iiwan mo ang team mo roon? Saka hindi mo talaga makikita si Kier kung hindi ka gagawa ng paraan." Buong gabi akong hindi nakatulog kakaisip sa mga bagay-bagay. Natatakot ako na kinakabahan na excited na hindi ko maintindihan. Gaga kasi itong si Rowena, pahamak, eh. Gumawa ng business proposal na wala man lang akong alam. Pasalamat talaga siya at siya lang din ang maaasahan ko sa ngayon at mahal ko siya kaya hindi ko siya kayang saktan kahit bwisit na bwisit na ako dahil hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. And then the morning came. Handa na ang mga damit ko at nandito na rin sila Aya. Sabay-sabay kaming lima na pupunta roon, isang sasakyan. Dadaan pa kami sa Benguet para sa mga bulaklak bago magtungo sa La Union. "Buti nakuha niyo ang event na ito, ma'am, maganda ring exposure ito sa media. May mga reporters daw na pupunta at mga bloggers," ani Aya habang nasa sasakyan na kami. Ngumiti na lang ako dahil hindi ko alam ang dapat isagot doon. Si Rowena naman ang nakakuha ng project at hindi ako. Isa pa, hindi mawala sa isipan ko kung ano ba ang dapat kong gawin. What if nandoon si Rommel Ford? O what if hindi naman kami magkita ni Kier? Or what if magkita kami, ano ang mangyayari? Damn. Pagod na ang katawang lupa ko nang makarating kami sa hotel na tutuluyan namin. Libre ang pag-stay namin ngayon ng overnight dahil event ng may-ari ang ipinunta namin. Masaya naman ang mga kasama ko dahil tig-iisa kami ng kwarto na ibinigay. The hotel room is not too small and also not too big. Enough for a solo occupant. The french windows look a bit extravagant compare to the other furnitures inside. White and aesthetically pleasing. Umupo ako sa malambot na kama at sinimulan na ang pag-u-unpack ng mga gamit ko. Pagkatapos ay kumuha ako ng isang sweet style, beach dress. Naligo ako at nag-ayos, suot ang dress, dala ang isang cute na peach color summer beach hat. To complete the look, I got out with a classy sunglasses that Rowena let me borrow, and a blue polaroid camera. Matagal na ang polaroid camera na ito sa akin, was it two years ago? Buhay pa si mommy ay gusto ko na ito, madalas ko kasing makita na naka-display sa mall na malapit sa amin. And I got it some years ago. "Ma'am, may dadalawin lang ako sandali na tita ko, malapit lang daw sila dito," paalam ni Aya nang makasalubong ko siya sa may lobby ng hotel. "Magte-text sana ako sa'yo pero nakita kita rito." I gave her a warm smile. "Sige. Basta bumalik ka bago mag-gabi ha." "Oo naman, ma'am. Sandali lang ako. After lunch ay nandito na ako." Ang tatlo naman naming kasama na lalaki ay nagpaalam na magsi-swimming daw. I let them. Wala naman silang gagawin dito. Mamaya pa kami magsisimula at ayaw ko rin namang masayang ang libre na pagpapa-stay sa amin dito. They should enjoy themselves, after all of the stress we've gone through in the past few weeks. Namangha ako nang makita ang ilang mga sun loungers na nakalagay sa may tabing dagat. And then some beach beds with canopy, looking very special as the wind flow through. Naglakad ako palapit doon sa may bakanteng beach bed na may canopy at umupo. It's definitely for two persons. Sa size pa lang ay halata na. Lumingon-lingon ako. Baka mamaya ay may bayad pala ito o 'di kaya ay mga VIP customers lang ang pwedeng gumamit. Ayaw ko namang mapahiya kaya tumayo na lang ako para lumipat sa single sun lounger na medyo simple lang ang itsura kumpara sa ginagamit ko ngayon. "Miss, sa'yo yata itong camera?" Lumingon ako agad nang ma-realize na naiwan ko nga ang camera. But then I was stunned to see who was behind me, holding my polaroid camera on his beautiful, big hand. Alam kong nakilala niya ako dahil sa sandaling gulat sa ekspresyon niya. "Miss who doesn't do things with just anyone?" Natawa ako. He surely do not know my name. Napangiti rin siya nang makumpirma na ako nga iyon. "Sa iyo ito?" Iniabot niya ang camera ko at kinuha ko naman. Kung sinuswerte ka nga naman. Kanina lang ay iniisip ko kung may pag-asa ba kaming magkita sa napakalaking resorts na ito pero mukhang maski ang tadhana ay tinutulungan ako. From his hands, my eyes smoothly went to his naked upper body. Napalunok ako nang makita ang matitipuno niyang dibdib na natitiyak kong araw-araw na laman ng gym. Wala sa sarili kong ibinaba ang mata sa tiyan nito. He's got abs. Not the perfect and fictional eight pack abs. But he's got six. Quite realistic and also half unrealistic. Natauhan lang ako nang bumaba na ng tuluyan ang mga mata ko sa V-line niya. Fvcking hell. Kung mainit na kanina dahil sa araw, trumiple naman ang init ngayon. I gulped again. Pero hindi na kaya. Masyado ng dry ang lalamunan ko at kailangan ko na ng tubig. "Wow," I muttered out of amusement. Totoong nagulat ako kahit na alam kong nandito lang siya sa paligid. "Ano'ng ginagawa mo rito?" Of course, the last question is not a real one. Pero kailangan nating umaktong inosente sa harapan ng lalaking ito. "Saan ka pupunta?" tanong niya pabalik. He surely loves throwing question after question, doesn't he? "Lilipat sana ng pwesto, baka may may-ari na rito, eh," sabi ko. He chuckled. "It's free to use and open for anyone, don't worry." Nagtama ang mga mata namin. Hindi ko tuloy alam kung ang tinutukoy niya ba ay ang beach bed sa tabi namin o ang sarili niya. Free to use and open to anyone, huh? My lips twitched. Pinaikot ko ang dila sa loob ng bibig. He looks glamorously different today. I mean, sobrang aliwalas ng mukha niya ngayon kumpara noong pagkikita namin sa club. "Nag-iikot ka rito ng walang suot?" tanong ko bagaman wala naman akong napapansin na malagkit ang tingin sa kanya sa malapit sa amin. O baka dahil iilan lang naman ang tao rito sa gawi namin ngayon. "May suot akong shorts," anito. "Ha!" I scoffed. "Sobrang nakakatawa." Ngumiti siya habang ang mga mata'y tumatawa. He seems like he's enjoying the conversation though Rowena might give me another set of lecture if she learned about this. Sasabihin niya na naman na sinusungitan ko si Kier. Umupo siya sa beach bed at tinapik ang espasyo sa tabi nito. Wala sa sarili naman akong nagpatianod sa gusto niyang mangyari. Pareho kaming nakatingin sa malawak at walang katapusang karagatan ngayon. Tahimik at dinig na dinig ang bawat paggalaw ng hangin sa paligid. Ang mga alon ay may sapat na laki lamang para sa isang normal na araw. Hindi maingay sa paligid, wala rin gaanong naliligo, baka mamaya pa lang sila magsisilabasan. "Sabi nila kapag tatlong beses mo raw nakita ang isang tao at hindi naman planado ay tadhana ang may gawa," anito. He surely loves to talk. "Wow? Hopeless romantic yan? Doesn't suit you though." He let out a cute set of laughter. Ilang segundo na naman akong nawala sa huwisyo at kahit na ayaw kong aminin ay medyo nawawalan ako ng lakas sa kakaunting espasyo sa pagitan namin. "So, baka naman p'wede mo na sabihin sa akin ang pangalan mo?" Now he opened that topic. "I'm Kier Ford, by the way." He extended his hand for a handshake. Iniabot ko naman ang kamay ko at halos mapaigtad ako sa kuryenteng dumaloy mula sa kanya patungo sa akin. Sigurado akong naramdaman niya rin iyon dahil may kakaibang elektrisidad ang mga mata niya nang magtama ang paningin namin. "I'm your worse nightmare."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD