Five

2094 Words
Hindi ko maintindihan. Ako? Mahuhulog sa Kier na iyon kahit na alam ko kung anong klaseng tao siya? I am not that stupid at hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang kumpyansa ng kaibigan ko na ako ang matatalo sa huli. Bakit sila pwede maging masaya kahit nakakasakit sila ng tao? Sabihin na nating hindi siya ang tatay niya pero hindi ba p*******t ang ginagawa niya sa mga babaeng minamahal siya? He's just as worse as his father. "I'm glad you made it, hija, nabalitaan ko ang bagyo na nangyari sa Benguet, hindi ba roon ang farm mo? Buti at hindi kayo naapektuhan?" Tinanggal ko ang dumi na nakita sa vase na inaayos ko bago binalikan ang matanda. It's her sixtieth birthday today. Isa siya sa mga VIP customers namin na pinoproblema ko noong nakaraan dahil akala ko ay hindi na magagawan ng paraan. Mabuti na lang at nakahanap kami ng remedyo. "Nabagyo po ang farm pero p'wede ko ba namang pabayaan ang birthday party mo?" I smiled at her lovely face. Sobrang bait nito sa akin ever since kasisimula pa lang ng business ko. Mahilig kasi siya sa bulaklak at medyo nagkakasundo kami ng ugali. Somehow she reminds me of my mother who is now resting in peace. She's as lovely as her. "Aww. You're so sweet, hija. Kumusta na nga pala ang father mo?" Pasimple akong tumingin sa paligid ng maluwang na function hall na iyon. Ang totoo ay medyo naiilang ako at nahihiya na nasa akin ang atensyon niya gayong mga tao na nasa matataas at mayayamang angkan ang mga bisita niya. It feels like everyone's glaring at me when it wasn't even the case. "Nagising naman na po siya at medyo nakaka-recover na pero kailangan niya pang mag-stay sa hospital para ma-monitor." P'wede ko rin namang ilaban na iuwi na siya ang kaso ay natatakot din ako. Wala rin namang magbabantay sa kanya sa bahay, walang magpapainom ng gamot, at natatakot ako na baka may gawin siya. Naapektuhan ang utak ni papa dahil sa ulo talaga ang tama niya. He is recovering but his brain isn't functioning so well. Kaya kahit na wala na rin akong pera ay gusto kong sa hospital muna siya. Tipid na ngiti ang ibinigay niya sa akin. "You are such a strong woman." I smiled back at her. Pero sa kabila noon ay hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. Strong woman? Hanggang kailan ba ako magiging strong woman sa harapan ng ibang tao? Hindi ba nila napapansin na ubos na ubos na ako? Na pagod na ako? O pakiramdam nila ay kaya ko naman lahat kaya todo bato na lang sila sa akin? Sometimes I despise hearing that word. Gusto ko na lang maging mahina. Baka sakaling maawa sa akin ang mundo at mabawasan ang dinadanas ko. Si ate ang nagbantay kay papa ngayon kaya umuwi muna ako sa bahay para makapagpahinga. Hanggang ngayon ay dito pa rin nag-i-stay si Rowena at katulad ng sinabi ko noon ay mas gusto ko na nandito siya dahil mababaliw ako kung mag-isa lang ako sa tahimik na bahay na ito. "Oh!" Ibinagsak niya ang notebook na may mga sulat sa mesa na nasa harapan ko. At pagkatapos ay umupo siya sa katapat na upuan. Ipinatong niya ang isang legs sa kabila at nakahalukipkip akong hinarap. Animo'y boss na nakahandang sermonan ang empleyado. "Hindi pa rin ako payag sa gusto mong gawin pero susuportahan kita para mabatukan kita kapag sobra na." "Ano iyan?" walang ideya na tanong ko bago pinulot ang notebook. KIER WINSLEY FORD - nakasulat sa gitna at may malaking oblong sa mismong pangalan nito. Itinuloy ko ang pagbabasa sa mga naka-arrow roon na mga bagay tungkol sa kanya. Naroon ang birthday niya, ang address ng bahay, anong trabaho, edad, lahat na yata ng mga personal na impormasyon kasama na rin ang blood type. Ngumiwi ako. "Nag-background check ka sa kanya?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Weng, p'wede kang makulong dito. Saan mo nakuha ang mga ipormasyon na 'to?" "Multiple interviews," she shrugged. "Huwag ka mag-aalala dahil lantad naman sa publiko ang buhay niyan. Hindi naman ako nag-hire ng imbestigador o ilegal na tiningnan ang mga gamit niya." Matalim pa rin ang tingin na ipinukol ko sa kanya bago muling ibinaba ang tingin sa notebook na hawak. Nakalagay rin doon na dati na itong chick magnet. Tss. As if naman kailangan ko pang mabasa ang bagay na alam ko na. "Cirius Club?" Pamilyar ako sa club na iyon dahil nagpunta na ako minsan doon. Batchmate kasi namin ang manager no'n kaya nagkaroon kami ng mini reunion doon noon. "Diyan daw siya madalas tumatambay kapag gabi. Minsan kasama niya ang mga kaibigan niya pero madalas din naman daw siyang nagso-solo para maghanap ng babae." Natawa siya sa sinabi niya. "I swear, nahaluan na lang din ng mga kumento ang pasa-pasang tsismis kaya hindi ko na isinulat diyan. Pangalan na lang ng club ang nilagay ko." "He likes Jasfer, huh?" Doon medyo naagaw ang atensyon ko. I like Jasfer since high school. Magaganda kasi ang mga kanta niya, masarap pakinggan kung masaya ka at nakakagaan naman sa pakiramdam kapag malungkot ka. I especially like his song lyrics, lahat may malalim na pinanghuhugutan. International singer si Jasfer kaya hindi ko pa rin talaga siya nakikita sa personal. Nakakapagtaka na gusto rin pala ng babaerong Ford na iyon si Jasfer. I thought he'd rather watch girls dancing with the pole. Umismid ako. Well, at least, may alam na ako sa kanya. "At mas gusto niya raw na sumakay sa motorsiklo kaysa sa sports car niya. Pero wala pa raw siyang naisasakay na babae sa motor niya dahil kotse rin ang madalas niyang gamitin," ani Rowena. Pabagsak kong ibinalik iyon sa mesa at ginaya ang upo ng kaibigan ko. "Oh, eh ano naman ang gagawin ko riyan?" Inirapan niya ako. "Gaga! Akala ko ba matalino ka? Ano, susugod ka na lang sa kalaban nang walang kaalam-alam?" "Hindi na kailangan pa iyang mga bagay na iyan. I don't want to know that guy, Weng." "At hindi rin iyan mahuhulog sa'yo kung gagaya ka lang din sa mga nauna niyang babae. Girl, step up your game. Kailangan alam mo kung saang parte mo siya papaamuin. He can't fall in love with you with just one flirty night nor a one night stand. Kasi kung ganyan lang din ay matagal na siyang nahulog sa iba." "Are you suggesting that...?" Tinaas-baba niya ang dalawang kilay at unti-unti ko ng naintindihan ang gusto niyang mangyari. She let out an evil smile. Hindi ko malaman kung hindi ba talaga niya gusto ang gagawin ko dahil excitement ang nakikita ko sa mukha niya. Hindi ko alam kung natuluyan na ba talaga akong nasiraan ng utak. Muli kong sinulyapan ang sarili ko sa full-length mirror sa aking kwarto. Sobrang ikli ng pulang dress na suot ko. Kitang-kita ang cleavage at expose na expose ang balat ko. Pumikit ako nang mariin at napaatras. Honestly, kaya ko namang magsuot ng ganito pero hindi ko alam kung kaya ko ba na lumapit sa isang lalaki na ganito ang suot ko. Kulang na lang isulat ko sa noo ko na p'wede akong bilhin ngayong gabi. "No, not this dress," sabi ko at naghanap ng ibang maisusuot. "Actually, hindi ko rin bet. Dapat medyo classy pa rin tingnan," komento ni Rowena. Pang-ilang palit ko na ba ito? Mag-iisang oras na kami rito at malapit na akong umatras dahil hindi pa kami nakakaalis ay naiirita na ako. It's Friday night. Sakto na nag-aya si Keisha, ang manager ng Cirius club, na pumunta kami roon this week. Nakahanap naman kami ng excuse ni Rowena para simulan ang plano namin. Operation break that billionaire's son's heart. At kahit na maisagawa ko iyon ay kulang pa rin. Kulang pa rin iyon sa sakit at hirap na dinulot nila sa akin. Sa wakas ay napag-agree-han na namin ang champagne color na satin corset mini dress. May slit iyon pero less slutty ang dating kaysa sa dress na suot ko kanina. Of course, exposed ang skin ni ate mo girl pero surprisingly, comfy siya, hindi tulad nung nauna. Iniladlad ko lang ang hanggang balikat kong itim na buhok. Naglagay ako ng pulang lipstick at make up na medyo mas matingkad lang sa normal everyday make up ko. Dala ang black na purse ay nagpunta na kami ni Rowena. My friend is wearing a black sports bra ang shiny black fitted pants. Ang hot niya nga tingnan sa suot niya. Para tuloy mas gusto ko yung kanya kaysa sa akin. "Girl, 'wag bibigay agad, okay? Pa-hard to get. Baka mamaya hinalikan ka lang ay na-inlove ka na." "Gaga'ng 'to. Asa ka!" Hinding-hindi ko makakalimutan lahat ng hirap na dinanas ko nitong mga nakaraan. At imposible namang mahulog ako sa tao na iyon. For sure hindi naman iyon kagwapohan sa malapitan. Yeah? Who am I kidding? Pero ano naman kung gwapo, eh, masama naman ang ugali? May kapatid siyang babae at may nanay tapos mananakit lang siya ng babae? Anong klaseng anak at kapatid iyon? Ngayon pa lang ay nandidiri na ako na kailangan ko siyang lapitan. But I have to do this. Hindi pwedeng ako lang at ang pamilya ko ang agrabyado rito habang sila ay nagpapakasaya sa pera at kapangyarihan na meron sila. Kung hindi sila kayang parusahan ng batas dahil wala naman akong laban sa korte dahil sa pera at koneksyon nila, hahawakan ko na lang ang batas na dapat para sa kanila. Inaasahan ko na ang maingay na paligid pagdating namin pero iba pa rin pala kapag nandito ka na mismo. Literal na mabibingi ka sa sobrang lakas ng music, nakakasilaw ang ilaw na paiba-iba ang kulay, gayunpaman ay madilim. Siksikan at halos wala ng daanan, at amoy na amoy ang alak at mga sari-saring pabango isama mo na ang amoy ng vape at sigarilyo sa paligid. All of these, people have to endure in exchange of fun. "Tara roon," hinatak ako patungo sa kung saan ni Rowena at hinayaan ko siyang dalhin ako kung saan niya man balak. We stopped in a vacant table. Umupo kami pareho roon at inilabas niya ang phone niya para siguro i-text si Keisha na nandito na kami. Pinanood ko ang mga tao na nagsasayawan sa gitna, may mga hawak na shot glass sa kamay, at ang mga damit ay hindi nalalayo sa uri ng suot namin ni Rowena. "Girl, powder room lang ako," paalam niya. Ngumiwi ako at agad na umiling. "Iiwan mo ako rito?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Her eyes glistened, halatang tuwang-tuwa siya sa lugar, baka may namataan ng g'wapo kaya ganyan. "Pupunta lang ako ng CR," natatawang sabi niya at umalis na nang hindi man lang ako hinihintay na sumagot. Nagbuga ako nang hininga at inilabas ang phone. Hindi ako pala-cellphone na tao kaso ay ano naman ang gagawin ko rito? Wala naman akong kilala. Hindi ako mahiyain pero hindi rin naman ako yung tipo ng tao na makikipag-usap na lang basta sa hindi ko kilala unless sila ang maunang lumapit. Pero hindi ko pa nagagamit ng dalawang minuto ang cellphone ko ay bumalik na si Rowena, nagmamadali at natataranta. Kunot ang noo ko siyang tiningnan at binalingan ang itinuturo niya pero wala naman akong makita kung hindi ang dagat ng mga taong nagsasayawan. "Ano ba?" naiirita ng tanong ko. Inilapit niya ang bibig niya sa tainga ko. "Naroon si Kier sa may bar counter, kararating lang yata. Puntahan mo na dali!" Pagkatapos niyang sabihin iyon ay hinatak niya ako patayo at wala na akong nagawa kung hindi ang magpaubaya sa gusto niya. Mula sa dagat ng mga tao ay unti-unting kumonti ang bilang ng mga tao habang naglalakad kami palayo sa pwesto namin kanina. And there is the bar counter. Mas mahina na ang music dito kaya madali ng magkarinigan. At bago pa ako makapagsalita ay iniwan na ako mag-isa ni Rowena. I cursed under my breath. Babalik na sana akong muli sa mesa namin nang mahagip ko ang lalaking tinutukoy niya na nandito. The beautiful man who makes me feel sinful when I looked at. Tumikhim ako at inipon ang kumpyansa bago tuluyang lumapit. Umupo ako sa stool sa mismong tabi niya at um-order ng cocktail. Pasimple kong nilingon si Kier Ford, nagtama ang mga mata namin. His bluish gray colored eyes looks so damn peaceful and scary at the same time. He tilted his head a bit. Ibinaba niya ang hawak na shot glass na ang hula ko ay whiskey ang laman saka ngumiti sa akin. "I rarely miss a beautiful face here, you're new?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD