Two

2074 Words
"Ako na po muna ang bahala dito sa shop, ma'am. Wala pa po bang balita sa lagay ni Sir?" Huminga ako nang malalim bago umupo sa upuan ko na nasa opisina. Kinukuha ko ang nga gamit ko ngayon para makapagtrabaho paunti-unti sa hospital. Kailangan ko ng pera dahil hindi maooperahan si papa kung walang pera. Pagkatapos ay marami pang gamot na kailangang bilhin. Honestly, hindi ko na alam kung ano ba ang dapat gawin. Gusto kong tumulala na lang sa kawalan at sumpain ang may kasalanan pero hindi naman ganoon ang reyalidad. I need to continue living. I need to continue working. Dalawang araw na mula nang maaksidente si papa. Sa loob ng dalawang araw na iyon ay nag-apply ako ng loan sa banko pero mukhang matatagalan pa sa pag-approve. The hospital offers a discount, hindi ko alam kung para saan iyon o kung may nagbayad man para sa amin pero hindi na iyon ang iniisip ko ngayon. Kasi kahit may discount ay kulang pa rin. I have to find big customers and make a great deal. Kung hindi ay wala na, katapusan ko na. "Hindi pa rin gumigising pero stable naman daw kahit papaano." I shrugged. "Kailangan na nga lang niya operahan within this week dahil baka mas maging delikado raw ang lagay niya kung hindi maaagad." Lumapit si Aya at hinawakan ang dalawang kamay ko. Tears started forming on my eyes. Nanginginig na ang buong katawan ko. Masyado na akong desperada pero kahit ganoon ay hindi ko pa rin alam ang gagawin. "Kahit hindi mo na muna ako sweldohan, ma'am, pandagdag mo na lang sa operasyon ni Sir." Umiling ako. "Ayos lang, Aya--" "Hindi, ma'am, ayos lang talaga. Ang dami niyo ng naitulong sa akin. Isa pa, wala naman akong ginagastusan ngayon at may kaunting ipon pa kaya tanggapin niyo na lang po. Maliit lang iyon pero hindi rin naman ako makakatulog kung wala man lang akong maitutulong." Lumamlam ang mga mata ko, nangingilid pa rin ang mga luha. "Salamat," pabulong na sambit ko. Ngayong araw ay may imi-meet ako para mapanood ang CCTV sa nangyaring banggaan ng araw na iyon. Dumiretso ako sa meeting place na napag-usapan. A man in his forty's is sitting beside the large windows of the cafe. Alam kong siya ang imi-meet ko dahil bukod sa may dala itong laptop ay siya lang din ang tao sa loob ng cafe sa mga oras na iyon. "Magandang umaga po," bati ko. Iniangat niya ang mukha upang makita ako at saka ngumiti. He doesn't look so friendly though, medyo intimidating pa rin. "Trishienna Enriquez?" he asked to confirm. Tumango naman ako bago umupo sa harapan niya. "Na-check niyo na ho ba ang nangyari sa time na sinabi ko?" Hindi nagbago ang emosyon ng mukha niya. Kinabahan tuloy ako. What if hindi nakuhanan yung mismong aksidente? O baka walang plate number ang sasakyan? "Alam ko ginagawa mo ito para sa tatay mo, hija, pero ano ba ang balak mo kapag nalaman mo kung sino ang may kasalanan?" His question taken me aback. Natahimik ako at hindi agad nakasagot dahil maski ako ay hindi alam ang sagot sa tanong na iyon. Ano nga ba ang gagawin ko? Tears started forming on my eyes again. Kaunting salita lang ay iiyak na ako. Masyado akong emosyonal nitong mga nakaraan lalo na kapag nare-realize ko na kahit anong gawin ko ay wala akong magagawa. Pananagutin ko sila? Paano? Kakasuhan? Ni wala nga akong pampa-opera tapos magkakaso pa ako? "Hindi nakuhanan ng buo ang aksidente dahil hindi na pasok sa area ng nakukuhanan ng CCTV ko. Pero..." Iniharap niya ang laptop sa akin kung saan kita ang mabilis na tumatakbong sasakyan. He paused it. "Hindi basta-bastang tao ang may-ari ng sasakyan na iyan, hija. Alam ko dahil iisa lang ang sasakyan na iyan dito sa Pinas." "P-po?" Wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya. Ano namang connect noon? "Kung balak mong magsampa ng kaso ay huwag mo ng ituloy. Hindi kita tinatanggalan ng karapatan magalit o gumawa ng aksyon pero..." Umiling-iling siya. Hindi na niya kailangang ituloy pa. Unti-unti ko ng naiintindihan ang gusto niyang sabihin at kahit na alam kong tama siya ay hindi ko pa rin maiwasang hindi magalit. Bakit ganoon? Ang hustisya lang ba ay para sa mga mayayaman? Tao rin naman kami, ah? P'wede bang ganoon? Sasagasaan na lang nila kung sino ang gusto nilang sagasaan? Tapos wala lang? Walang kulong? Walang kaso? Walang balita? Sa ilalim ng mesa ay ikinuyon ko ang dalawang kamao at pinakatitigan ang sasakyan sa may laptop. Hindi ako maalam sa sasakyan, hindi ko rin alam kung anong brand ba iyon pero ano naman ang silbi ng pera kung wala kang konsensya? "Maghintay ng himala... Ganoon na lamang po ang tanging magagawa ko, hindi ba?" nanginginig na sambit ko sa tanong na obvious naman ang sagot. Malungkot siyang tumingin sa akin, kitang-kita sa mga mata niya ang awa. "Hindi kita ang buong pangyayari sa CCTV kaya hindi ito makakatulong sa kaso, masyadong mahina ang ebidensya. Isa pa..." Tumingin muna siya nang matagal sa akin bago itinuloy ang sasabihin. "Si Rommel Ford ang may-ari ng sasakyan na iyan." "Rommel Ford?" I don't know him. Artista ba siya? Sure, sikat ang apelyidong Ford pero wala akong alam sa kanila. "Ford Group of Companies, familiar ka? Isa sila sa pinakamaraming businesses dito sa bansa natin, kilala din sila abroad. Malakas, mayaman, at makapangyarihan ang mga iyan. Madaming koneksyon at madaming pera. Kaya kung balak mo silang kasuhan, hija, hindi basta-bastang tao lang ang mga ito. Ayaw ko lang na mas lumala pa ang mga pangyayari kaya sinasabihan kita." Tulala ako habang naglalakad papasok sa hospital. Nasa isip ko pa rin ang mga sinabi nung lalaki sa akin. Rommel Ford, group of companies, mayaman, makapangyarihan... Nanghihina akong napaupo sa may maliit na upuan sa labas ng ICU. May maliit na parang living area roon at nandito rin ang ilan sa mga kamag-anak ng mga pasyenteng nasa loob. "Ayos ka lang, miss?" Lahat ng naririnig ko ay labas-pasok lang sa aking tainga. I can't seem to understand everything. Ano ba ang nagawa ko para magkaganito ang buhay ko? Hindi pa alam ng ate ko ang nangyari kay papa pero alam ko na kailangan ko na ring sabihin sa kanya. Pero saka na kapag may pera na ako pampa-opera. May kaunting ipon naman ako sa banko pero katulad ng sinabi ko ay hindi sasapat iyon. Kailangan namin ng pangkain at pambayad ng mga bills. Hindi ko alam kung paano ako nakauwi ng gabing iyon na maayos. Pagkauwi ay agad akong nag-search tungkol sa Ford Group of Companies. Masyado akong nilalamon ng kuryosidad kung gaano nga ba katataas na tao ang mga Ford para katakutan na lang ng ganoon. It amazed me. Madami silang businesses at ang ilan doon ay personal ko pang tinatangkilik. Pero bukod doon ay puro magagandang bagay ang laman ng mga artikulo tungkol sa pamilya nila. Tumutulong sila sa mga charity, may mga scholarship programs, internship programs, at nag-i-sponsor sila sa mga hospital at schools sa pilipinas. Nangilid ang luha ko sa galit. These are all fake! Hindi iyan ang totoo nilang kulay. They are deceiving people way too much. Ano naman kung gumawa sila ng mabuti? Wala pa rin silang konsensya. They should have stopped their car when they saw my father! Sana ay sila ang nagdala kay papa sa hospital baka naagapan pa. Sana ay tumulong sila kahit papaano sa mga gastusin. Pero wala. Wala silang pakielam at wala silang konsensya. Those people... For the sake of their name, dignity, and power. Wala silang pakielam kahit pumatay sila ng tao. Sinara ko ang laptop at pilit pinakalma ang sarili. Nanliliit ako at the same time ay nagagalit sa mundo. Wala nga akong magagawa. Anong alam ko sa pagsasampa ng kaso? Bukod sa alam kong madaming gagastusin ay wala na akong alam pa roon. The only thing I can do is to shut up and help my dad recover. Kinabukasan ay sinagad-sagad ko ang sarili sa pagtatrabaho at paggawa ng mga promotional posters. Effective naman ang mga pagpo-post at pagpo-promote sa social networking sites dahil pagdating ng hapon ay may mga tumawag para magpa-deliver ng bulaklak. May mga orders din at mangilan-ngilang nag-walk in. Maliit pa rin ang halaga pero malaking tulong na para kay papa. "Nakabayad na po ako. P'wede na ho bang i-schedule agad bukas ang operasyon?" tanong ko sa doctor. "P'wede ko rin po bang malaman kung magiging maayos na ba siya after ma-operahan?" I'm scared. What if katulad sa mga pelikula ay magkaproblema sa pag-oopera sa kanya? "Kung ang operasyon ang iniisip mo, hija, ay sinisiguro ko sa'yo na magiging maayos lang ang proseso no'n. Pero kung ang pag-recover ng pasyente ay dedepende iyon sa kanya at sa katawan niya. He needs to wake up so we can assess him." "P-pero gagawin niyo naman po ang lahat para gumaling siya, hindi ba?" I hate how clear the desperacy on my tone are. "I am a doctor and I am here to save people." He gave me a comforting smile. "Gagawin namin ang lahat para magising ang papa mo pero wala akong kapangyarihan, hija, na basta na lang magbigay ng buhay at lakas sa isang tao. At the end of the day, it will always depend on Him." Tama siya. Pagsubok lang ito. Alam ko may dahilan lahat ng nangyayaring ito at balang-araw ay magiging maayos din ang lahat. Kinagabihan ay tinawagan ko si ate para sabihin ang nangyari. Katulad ng inaasahan ko ay sobra-sobra ang pag-aalala nito. (Bakit hindi mo agad sinabi sa akin, Trieshienna?) Her voice cracked. Siniguro ko naman na naroon ang asawa nito bago ko siya tawagan. "Calm down first. Na-schedule na ang operasyon niya at naniniwala naman akong gigising siya." (Naniniwala? Ilang araw na siyang hindi nagigising, Trish! Paano kung lumalala lang sa operasyon? At teka, ano ang nangyari sa nakabangga sa kanya? Nakulong ba? Kailangan kong makita ang gagong iyon--) "No. Walang CCTV sa area na iyon kaya..." (Ano ang ibig mong sabihin?) I have to lie. It's just a white lie though. Totoo namang hindi nakita ang mismong aksidente. Pero kahit na makita man iyon ay hindi pa rin makukulong ang tao sa likod no'n. "Walang nakakaalam ng totoong nangyari, ate. Saka ang sabi ay nawalan daw ng preno si papa." I heard her sobs. Kinakabahan ako lalo na't kapapanganak niya lang. (Pupunta kami diyan bukas--) "No," giit ko. "Alagaan mo na lang ang anak mo. Isa pa, ano ang gagawin mo rito? You won't see him anyway. Baka sa oras pa na dumating kayo ay hindi pa visiting hours. Saka bihira sila magpapasok sa ICU--" (I need to see my father, Trish. Kung ikaw ang nasa kalagayan ko ay pareho lang tayo ng gagawin.) Yeah. For sure. I spent the night at the flower shop. Nag-arrange ng mga bulaklak, nagsulat ng letters, nag-update ng orders, lahat ng pwedeng gawin para hindi mabaliw sa pag-iisip ngayong gabi. Hindi ako nakatulog maski limang minuto. Masakit ang ulo ko pero hindi pa rin ako inaantok kinabukasan. Nadatnan ako ni Aya sa loob ng opisina at nag-aalala akong sinermonan nito. "Ma'am, hindi ka natulog? Naku! Ba't naman kayo ganyan, ma'am, baka pagkagising ni sir ay kayo naman ang susunod na nasa hospital." "Nag-send na ako ng invoices. I-email mo sa akin lahat ng mga malalaking clients natin this month. Yung sa mga pang-occassion para mai-sure natin ang mga stocks na darating ay kasya. Tumawag ka sa farm mamaya para i-check ang status doon. Baka uuwi ako roon this weekend para--" "Ma'am, ma'am!" She put her palm just in front of my face to stop me from talking. "Ako na po ang pupunta sa farm this weekend. At ako na rin ang mag-aayos para sa mga big clients natin. Mabuti pa ho ay umuwi na muna kayo nang makapagpahinga pa bago pumunta ng hospital." "I-update mo ako kung tapos na maiayos--" "Yes, ma'am, ako na muna ang bahala dito." I sighed. Nag-ayos na ako ng mga gamit at sinunod siya. Umuwi na muna ako sa bahay para magbihis at magpahinga sandali bago ang oras ng operasyon ni papa. I received a text that day from my sister. On the way na raw sila. Paglingon ko ay ang mga boxes na galing pa sa abroad ang nakita ko. Mga gamit iyon para sa mga pagde-design ng mga bulaklak. So much thing to do. But my mind is in a heavy mess right now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD