Trisheinna Enriquez's POV
"Ma'am, ide-deliver na raw ho ba ngayon itong order ni Mr. Sanchez?"
Hawak ang cellphone at katatapos lang magtipa ng reply sa mga online orders ay nag-angat ako ng tingin kay Aya, ang nag-iisang saleslady na kinuha ko sa hindi naman kalakihang flower shop ko.
Hawak nito ang naka-basket na may laman na mga iba't ibang bulaklak. Order ni Mr. Sanchez iyon para sa asawa niya dahil anniversary nila ngayon. Personalized ang basket at may mga ribbon pang nakapaikot. May blankong card din na nakalagay at chocolates sa gilid.
"Anong oras na ba?" Ako rin ang sumagot sa sariling tanong nang makita ang oras sa wall clock na nasa opisina ko. "2:00. Sige, pwede na. 2:30 ang sinabi niya pero tatawagan ko na lang."
"Sige, Ma'am. Si Carl nalang ang mag-deliver."
Mayroon din akong delivery boys. Tatlo sila. Si Carl, si Bert, at si Hade. May dalawang motor kami para sa mga maliliit lang na delivery at dalawang truck. Ang isa ay nasa Benguet at siyang bumabyahe mula sa flower farm patungo rito. Ang isa naman ay ginagamit namin kapag may mga events kaming hino-hold katulad na lang ng kasal, birthday, o surprise events.
Pagkaalis ni Aya sa opisina ay agad kong tinawagan si Mr. Sanchez upang ipaalam na papunta na roon ang bulaklak na in-order niya. Pagkatapos ay masaya kong ibinaba ang cellphone at sumandal sa likod ng upuan ko.
Hindi kalakihan ang opisina ko. Maliit lang ito na kwarto kung saan may mesa, may swivel chair, at dalawang visitor's chair. Mayroon ding maliit na sofa sa gilid at maliit na center table. May hanging cabinet at isang wall clock. Naka-white tiles ang floor at mint green ang kulay ng pintura ng pader. I love green, it's refreshing and it resembles plants. Ang sarap sa mata, nakakatanggal ng stress kahit papaano.
Tumayo ako at inayos na ang mga gamit na nakakalat sa desk ko. Mamayang five ay aalis na rin ako at habang hinihintay ang mga orders ay lumabas muna ako ng opisina at sinamahan si Aya sa may shop para magbantay. Nasa loob ng shop ang office ko. May dalawang pintuan na naroon, ang isa ay patungo sa opisina at ang isa ay para sa CR.
Pasimple kong inikot ang paningin sa kabuuan ng shop ko. Maliit man iyon pero maganda. Simple pero kaakit-akit. Kaya nga kahit papaano ay maraming bumibili sa amin. Sa may bintana ay may mga console table at nakapatong roon ang nakalinya na mga candles na nakasindi at nagbibigay ng warm color sa kabuuan ng lugar. Mayroong malalaki at tunay na mga halaman sa bawat sulok ng shop na talagang mapapansin mo dahil agaw-pansin ang laki at ganda. Those are special plants. Napangiti nalang ako nang maalala kung paano ko nabili ang mga iyon. Nabili ko lang kasi ang mga iyon sa murang halaga dahil kinaibigan ko ang anak ng may-ari pero bago ko iyon mabili ay pinagtrabaho muna ako nito sa garden nila na talaga namang na-enjoy ko rin dahil mahilig ako sa halaman.
May mga nakasabit na basket sa itaas at mga plastic na bulaklak ang nakadisenyo roon. Mayroong plain white na sofa set sa isang gilid para sa mga customer na naghihintay, mayroong sapat na laking tanggapan, naka-cream white tiles din ang floor para maliwanag kahit papaano. Nakaayos ang mga bulaklak ayon sa gamit. May panregalo, pangpatay, pangkasal, at sa mga iba pang espesyal na okasyon. Mayroon ding blackboard na nakalagay sa board stand malapit sa pintuan kung saan nakasulat ang mga bestseller.
Sa isang tabi naman ay may glass cabinet kung saan maayos na nakasalansan ang mga ribbon at ilan pang pandisenyo. Sa taas ng tanggapan kung saan pumepwesto si Aya madalas ay may board din na parang sa mga restaurant at nakalagay ang ilan pang mga bulaklak na available sa araw na iyon.
One thing's for sure, this shop exceeded the imagination I have while I'm planning it.
"Mukhang malakas ang ulan, Ma'am," ani Aya na abala sa pag-a-arrange ng bulaklak sa isang may kalakihang vase. Para iyon kay Miss Glenda, ang bago naming kliyente na malapit ng lumipat sa kagagawa nitong bahay.
Hindi ko na kailangan pang tumingin sa labas dahil kanina ko pa rin napapansin na madilim ang kalangitan. Tumingin ako sa orasan ko. Hihintayin nalang namin na ma-i-deliver ang order ni Miss Glenda bago kami umalis.
Matapos i-finalize lahat ay sumama na si Aya na mag-deliver nung bulaklak at ako ay nagsimula na ring magligpit. Ako na rin ang nagsara ng shop dahil didiretso na sa pag-uwi ang mga kasama ko.
I have my own car. It's not as expensive as others though. Mura lang iyon at ang totoo ay second hand ko lang na nabili. Wala kasi akong budget para roon at inilaan ko lahat sa flower farm at sa shop ko. Hindi ko pa nga nababayaran ng buo ang farm, eh.
Tahimik ang bahay ng dumating ako. Maliit lang ang bahay namin. Dalawang palapag pero hindi ganoon kaluwang pero kahit papaano ay maluwang ang bakuran.
Bukod sa tiles ay wala naman ng mamahaling bagay rito. Ang mga cabinet at upuan na kahoy ay nandito na bata pa lamang kami ng ate ko. Yes, I have my sister but she's no longer living with us. May pamilya na kasi ito at nagsarili na ng bahay.
Umakyat ako sa kwarto at saktong pag-apak ko sa floor ng kwarto ay saka naman bumuhos ang malakas na ulan. Ibinaba ko ang mga gamit saka mabilis na nag-shower. Lamigin kasi ako at walang heater hindi tulad sa ibang mayayaman.
Matapos mag-shower ay bumaba ako sa sala upang manood ng balita. Sumandal ako sa upuan at nakataas pa ang dalawang paa sa center table. Nasa ganoon akong posisyon nang mag-ring ang cellphone ko.
"Bakit, papa?" Inilagay ko ang cellphone sa tainga matapos sagutin ang tawag ni papa. Hindi naman kasi ito madalas tumawag kaya nakakapagtaka. Baka sasabihin niyang male-late siya ng uwi? Baka naabutan ng ulan sa daan, naka-motor lang kasi ito. M
(Is this Mr. Enriquez's daughter?) Napaayos ako ng upo at hinigpitan ang hawak sa cellphone pero patuloy na dumudulas iyon dahil sa panginginig ng kamay ko.
It's a woman's voice. Hindi mapakali ang puso ko sa kaba. Kalma, Trish, hindi naman siguro ito masamang balita. Muli kong binalikan ang numero kung tama bang cellphone ni papa iyon pero ganoon nalang ang panghihina ko nang masigurong numero ni papa ang tumawag.
"Y-yes po. Who is this please?" Batid kong ramdam ng nasa kabilang linya ang panginginig ng boses ko.
(Ma'am, this is from Reyes Hospital, itinakbo po si Mr. Enriquez dito ngayon-ngayon lang at kasalukuyang nasa emergency room--)
"Ha?" Tumayo ako at hinablot ang susi na nakasabit sa likod ng upuan. Sinilip ko ang labas at nakita na lalo pang lumakas ang ulan. "P-paanong...? Ano pong nangyari?"
Gusto kong umiyak pero kailangan ko munang makita si papa. Kailangan ko munang malaman ang kalagayan niya. Alas-sais pasado na at medyo padilim na rin. Tumakbo akong muli sa kwarto at hindi na gaanong naintindihan ang sinasabi ng babae sa kabilang linya sa sobrang pagmamadali. Kumuha ako ng jacket at pinatay ang tawag.
I rush towards the hospital.
Una kong hinanap ang emergency room pero halos wala akong makausap sa banda roon at nagmamadali ang lahat kaya nagtungo ako sa front desk kung saan nandoon ang ibang nurse.
"S-saan po ang room ni Mr. Enriquez? Tinakbo raw ho siya rito kanina?"
"Mr. Enriquez?" bulong nito, iniisip marahil kung sino ang tinutukoy ko. Nang hindi maalala kung sino ay nilapitan niya ang kasama at tinanong ang kaninang tinanong ko sa kanya.
"Yung nasagasaan po ba, Ma'am?" The other nurse asked.
Nanlamig ako. Why... am I so nervous? Ayos lang si papa. Walang masamang mangyayari at hindi maganda na nag-aalala ako ng ganito.
"N-nasagasaan?"
Humarap sa akin yung nurse saka tinanong ang buong pangalan ni papa at sinabi ko naman. May pinindot siya sa computer na naroon at habang naghihintay ay kagat-kagat ko ang aking hinlalaki, umaasa na hindi siya ang sinasabi nilang nasagasaan.
Pa, 'wag mo naman akong pakabahin ng ganito, oh? Ikaw na nga lang ang kasama ko, eh.
Tuluyang nandilim at umikot ang paningin ko nang marinig ang mga salitang lumabas sa bibig nung nurse.
"Nasa emergency room pa po si Sir, Ma'am. Pwede po kayong maghintay sa waiting area."
Nang magising ako ay nakahiga na ako sa kulay puting higaan. White sheets, white pillow cases, white paint-- wait, nasaan ako?
Nang mapagtanto na nasa hospital ako ay muli kong naalala ang dahilan kung bakit ako nandito. Agad akong tumayo at tumakbo palabas ng kwartong pinaglagyan nila sa akin. I checked the time on my phone that I found at the bedside table earlier.
Eleven pm.
Si Papa!
Lumapit akong muli sa mga nurse na nakita ko. "Saan po ang room ni Mr. Enriquez?"
I'm sure tapos na sila sa emergency room.
"Mr. Enriquez? Yung dinala po kaninang hapon? Kamag-anak niya ho ba kayo? Kanina pa kayo hinahanap ng doctor. Kailangan po ng consent niyo para ituloy ang operation na gagawin sa kanya."
"Operation? N-nasaan siya?"
Dinala nila ako sa Intensive Care Unit. Hindi ko nakikita ang loob pero may doctor na lumapit sa akin at tinawag ako sa kanyang opisina. Damn. Kanina pa ako nandito pero hindi ko pa nakikita si papa. Ano ba talagang nangyayari?
"K-kumusta po ang papa ko, doc?"
Bumuntong-hininga ito at malungkot na tumingin sa akin. Para bang sinasabihan niya na ako na maging handa sa susunod niyang sasabihin.
"Unfortunately, maraming dugo ang nawala sa kanya. Hinihintay pa namin ang result ng mga medical examination na ginawa namin kanina pero ang hinala ko ay may skull fracture at blood clot ito. Ilang internal bleeding din ang mayroon sa kanyang katawan. Nagawan naman na ng first aid pero hindi sapat iyon."
Wala na akong naiintindihan sa sinasabi niya. Basta ang alam ko ay hindi maganda ang kalagayan ng tatay ko.
"A-ano po ang dapat gawin?" Tumulo ang luha ko. "G-gawin niyo po lahat ng pwedeng gawin, please... Tulungan niyo po ang papa ko. Kahit magkano, gagawan ko po ng paraan, basta maging okay lang po siya."
"Brain and Internal Bleeding Surgery. Hindi namin pwedeng pagsabayin ang dalawa na iyon dahil baka hindi kayanin ng katawan niya kaya uunahin namin ang mas kailangan."
"B-brain surgery?" Hindi naman ako ganoon ka-tanga para hindi malaman na delikado iyon. "Delikado po iyon, hindi ba?"
When he nodded, I slowly lose it.
"We need his family's consent to schedule the operation. He needs to have the surgery before this week ends. Kasalukuyan siyang nasa ICU ngayon at mino-monitor ang kalagayan. Hindi pa namin alam ang nangyari pero sa tingin ko ay tumama sa bato o matigas na bagay ang ulo niya at malakas ang impact no'n."
"Do the operation as soon as possible, doc."
Hindi ko nakita si papa kaya pinili kong umuwi nalang ng bahay. It's past midnight. Gusto kong tawagan si ate pero baka maistorbo ko pa ito. Baby ang anak niya at hindi ko siya basta-basta lang na pwedeng istorbohin.
According to the police that I talked to earlier, nawalan daw ng control si papa sa motor. Mabagal lamang daw ang takbo nito dahil doon pero may mabilis na sasakyan na paparating at sa mga panahon na iyon ay nagloloko ang preno ng motor ni papa kaya hindi niya maigilid. Madulas, madilim, at masikip ang daan na iyon kaya magkakaroon talaga ng problema kung hindi hihinto ang sasakyan at hindi makontrol ni papa ang motor niya. Hindi rin nila sigurado ang nangyari pero nagkabanggan daw ang dalawa at sumaktong may malaking truck din na patungo sa daan na iyon na mula naman sa kaliwang daan.
Hindi ko alam...
Hindi ko maintindihan.
May mabilis na sasakyan, ang motor ni papa, at may malaking truck.
All I can understand is that the car is the one who's at fault. Ito ang dahilan kaya nabunggo si papa at ito rin ang dahilan kaya tumama si papa sa truck.
I gritted my teeth.
Whoever is that car's owner... Hindi ko siya mapapatawad. Hinding-hindi.