Inabot ng limang oras ang naging operasyon. Matagumpay naman daw ang isinagawang operasyon ang kaso ay kailangan niya munang magising para ma-assess ng maayos. Of course after that are the never-ending financial difficulties. Pero dibale na ang nga iyon basta magising siya at maging okay.
"Kami na muna ang magbabantay sa kanya, Trish, magpahinga ka na muna at uuwi na rin kami bukas."
I looked at Kuya Toff, asawa ng ate ko. Iniwan muna nila pansamantala ang baby nila sa parents ni kuya.
"Thank you, kuya. Kumusta si ate?"
"Ayun, iyak nang iyak kagabi pero 'wag mo na alalahanin ang ate mo, normal lang iyon. Ikaw, kumakain ka ba? Bakit parang ang payat payat mo na?"
I smiled weakly at him. Ang totoo ay wala akong gana kumain nitong mga nakaraang araw. Kahapon ay nakakain naman ako ng kanin kaunti pero madalas ay tinapay lang, kape, at tubig.
I have no appetite for days now. And up until now.
"Sige, kuya, mauna na muna ako. Aagahan ko na lang bukas."
"Hmm." He hugged me. "Sa susunod ay magsabi ka sa amin ng ate mo kapag may mga ganito."
That's how my days are recently. Work, hospital, house. Wala akong gana na gumawa-gawa ng kung ano-anong bagay o kumilos-kilos pero kailangan kong magtrabaho.
Pag-uwi ko sa bahay ay nadatnan ko si Rowena na naghihintay sa labas at may dalang malaking bag. Sa gate pa lang ay nagkatinginan na kami at sa maamong mukha nito ay bigla akong nanghina. Bigla na lang nanginginig ang buong katawan ko na tila pinapanawan ng lakas at ang mga luha ko ay wala ng makakapigil pa sa paglabas.
Tumakbo ako palapit sa kanya at yumakap. She hugged me back and tried to comfort me.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" tanong niya nang makapasok na kami sa bahay. Nasa kusina na kami ngayon at nagkakape. She will stay with me for a while and I'm glad she will.
Hindi ako humindi dahil alam kong kailangan ko rin ng kasama ngayon. I'd probably die in loneliness and sadness if I'm alone. Sana lang ay magising na si papa.
Umuwi siya sa probinsya nila noong isang linggo para sa family reunion at congratulatory party na rin ng pinsan niya na nakapasa sa board exam. She should be happy there kaya hindi ko na siya inistorbo.
"Sasabihin ko naman pero pagbalik mo na sana. Kanino mo nalaman?"
"Hindi ka sumasagot kaya tumawag ako sa opisina mo. Ayun, sinabi ni Aya na nasa hospital ka nga raw."
Humigop ako ng kaunting kape saka siya dinungaw. She really looks worried. Ganoon na ba kaawa-awa ang mukha ko?
Kwinento ko sa kanya ang nangyari. Na nabangga si papa at hindi kita sa cctv ang nangyari kaya wala akong magawa.
"Oh my gosh! Pero nahagip ng camera ang sasakyan, hindi ba? Can't we use it as evidence?" Umiling ako. "Wala na ba talagang ibang cctv sa area?"
"Wala na," malungkot na sabi ko. Isa pa, kahit naman alam namin kung sino, katulad ng sinabi nung lalaki ay wala rin akong magagawa.
I do not have the power, resources, and connections to make those people pay.
Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. "Magtutulungan tayo. Alam kong kailangan mo ng pera ngayon, hindi kita bibigyan dahil alam kong hindi mo tatanggapin pero tutulungan kita sa flower shop mo. MWF lang ang schedule ko ngayon sa work ko kaya the rest ay sasamahan ko si Aya sa shop mo."
Niyakap ko siya nang mahigpit. Rowena has been my bestfriend since we were teens. Mabuti nga at hanggang ngayon ay nasa iisang lugar lang kami nagtatrabaho, hindi siya nangibang bansa o kaya ay naghanap sa malayo. Kung wala siya ay mababaliw na talaga ako.
"Next week na nga pala ang kasal ni Ysa, ikaw ang gusto niya na mag-ayos ng mga flowers sa kasal niya. Nasabi niya na ba sa'yo?"
Si Ysa ay kaibigan namin noong college na bihira na rin naming makasama ngayon pero nakakausap naman paminsan-minsan. She's getting married while Rowena and I are still single.
"Oo, na-message niya sa akin two weeks ago, I think naka-note na ito sa akin. Iche-check ko bukas."
"Good. Kung gusto mo ay ako na muna ang pupunta ng hospital," suhestyon niya.
"Hindi na, ano ka ba. Saka sasaglit lang din ako bukas dahil hindi rin naman ako makakapasok sa loob. Pagkatapos ay ako na muna ang magbabantay sa shop dahil may mga delivery bukas at sasama si Aya."
She gave me an understanding nod.
"Magigising din si tito, alam mo naman na malakas iyon saka hindi ka no'n iiwan."
I know that.
I hope, too.
Magkatabi kaming natulog ni Weng- short for Rowena. Maaga kaming nakatulog dahil na rin maga ang mata namin pareho kakaiyak. The next day, I had a headache. Dahil na rin siguro sa pagod, puyat, stress, at kakaiyak. Pero kinailangan kong gumising ng maaga at maghanda ng breakfast para kila ate.
"Bye! Kita na lang tayo sa shop mamaya," paalam ko sa kaibigan bago sumampa sa sasakyan.
Nag-text si ate. Wala pa rin daw pagbabago. Naging successful ang operation pero hindi pa rin nagigising si papa although ang sabi ay mas okay na raw ang sitwasyon nito ngayon. And we're hoping he'd wake up anytime soon.
Habang nasa sasakyan ay nag-iisip ako kung ano ang susunod kong gagawin. Nakasagad ang pera ko ngayon, nagastos ko na rin sa hospital ang emergency fund na naitabi ko noong nakaraang taon. I was planning to go abroad but it seems like it won't happen anytime soon.
I received a call from Ysa.
(Girl, narinig ko ang nangyari sa papa mo. How are you?) She really sound concerned.
Alam ko na maraming nag-aalala at maraming gustong tumulong pero pare-pareho kaming gipit ngayon. Ysa is getting married and she needs money to start a family of her own. Malaking tulong na nga na ako ang kinuha niya para sa flower arrangement sa kasal niya.
"Ayos lang naman. Ikaw? How's the preparation for the wedding? Mag-concentrate ka diyan at 'wag mo na ako isipin."
(Ano'ng 'wag isipin, p'wede ba naman iyon? May maitutulong ba ako?)
"Prayers are already enough for me, Ysa. Saka bawal ka ma-stress, baka mamaya maisipan mo pa'ng umatras sa kasal," biro ko.
(Shh! Paano mo nalaman ang plano ko?)
Nagtawanan kaming dalawa. Hindi namin in-expect na siya ang unang mag-aasawa, she has a lot of plans, sa amin nga ay siya ang tila imposibleng magpatali kaagad. But then, love really works in a way we cannot control.
Pagkatapos ng kaunting kamustahan ay ibinaba na rin nito ang tawag. I guess aside from asking how I am, she wants to make sure I will go to her wedding. How can I miss it? Iilan lang ang kaibigan ko sa mundo at lahat sila ay mahalaga sa akin.
Days passed so fast, as if you are just flipping pages of books. Bukas na ang araw ng kasal ni Ysa. At mas masahol pa sa bride ang kaibigan kong si Rowena. Kanina pa siya naiiyak na hindi mapakali, akala mo ay siya ang nanay ng bride. Medyo nag-aalala rin kami dahil hindi maganda ang panahon, sana naman ay hindi iyon makaapekto sa kasal bukas.
(Ma'am, medyo malakas po ang ulan dito sa Benguet ngayon dahil sa bagyo. Ayos pa naman po ang mga bulaklak, h-in-arvest na namin yung mga p'wede na.) Nasa Benguett si Aya ngayon para personal na tingnan ang sitwasyon doon. Ako sana ang pupunta kaso ay medyo madami pa ang gagawin para sa kasal bukas at hindi kabisado ni Aya ang ilan sa mga gagawin ko.
"Sige. Pasabi na lang kay Manong Roy o kung sino man na nandiyan na i-update nila ako maya't maya kung ano na ang nangyayari. Paki-secure na lang din ng mga p'wedeng masira kung sakaling lumakas pa ang ulan."
(Yes, ma'am, naibilin ko na po. Pabalik na rin po ako.)
"Thank you!"
Isa pa iyon sa nakapagdagdag ng kaba ko. Ang flower farm lang ang tanging pinagkukuhanan ko ng pera para sa mga kailangan namin ni papa kaya hindi ko na talaga alam pa ang mangyayari kung pati iyon ay mawawala.
Ngayon ay tinutulungan ako ni Weng sa mga ribbons at ilang accessory para bukas. Kapag naaalala ko na ikakasal na ang kaibigan ko ay nababawasan naman kahit papaano ang mga negatibong bagay sa isipan ko.
And then finally, the wedding day...
Muli kong iniikot ang mata sa kabuuan ng venue, punong-puno ng kulay at bulaklak ang paligid at ang sarap sa mata. I heard people complimenting my flower arrangements, sinamantala ko naman ang pagpo-promote ng shop ko, malaking tulong din iyon para makaipon.
Pagkatapos ng picture taking ay nanguha na sila ng pagkain. Ako naman ay umupo sa medyo dulo na pwesto habang kino-contact ang mga kasamahan namin sa farm. Mula kaninang umaga ay wala pa akong natatanggap na kahit na anong balita mula sa kanila. I'm worried. Sa ilang parte raw kasi ay binaha na.
Lumapit si Rowena sa akin at nagtanong kung bakit ganoon na lang daw ako kalungkot at problemado. Honestly, these past weeks have been the worse weeks of my life. Sobra-sobra ang stress ko nitong mga nakaraan pero wala naman akong choice kung hindi ang harapin lahat.
"OMG!" Hinampas niya ako at ang mga mata ay nasa likuran ko. "Ang gwapo," kinikilig na bulalas niya.
Kahit na hindi interesado ay sinundan ko pa rin ng tingin ang sinasabi niya. Mabilis ko naman agad na nahanap kung sino ang tinutukoy niya. Nakangiti iyon at may kausap na babae, probably his girlfriend, looks like they were flirting.
Marami pang sinabi si Rowena tungkol sa lalaki, it turns out na kilala niya pala. Sikat daw iyon pero hindi naman artista. Ano siya, prinsipe? Hindi ko na lang din gaanong pinakinggan pa ang mga iba niya pang sinasabi. Basta gwapo naman ay alam niya lahat.
But there's something that totally got my attention.
"Si Kier Ford iyan!"
Ford? Did she just say Ford?
Lumundag ang puso ko sa kaba. Hindi. Imposible. Madami naman sigurong Ford sa mundo. Sa dami ng tao ay bakit ko naman makakasalamuha ang kadugo ng taong gumawa ng masama sa tatay ko, hindi ba?
Maybe destiny isn't that cruel.
Until the very last minute, I hoped.
"Si Rommel Ford ang tatay niyan," her words washed up the last few drops of hope I had. "Chairman of Ford Group of Companies."
Nawalan ng kulay ang mukha ko. Nanginig ang buong sistema ko at muling namuhay ang galit na akala ko ay medyo nawawala na. True, I cannot forgive them, but maybe I can just ignore I ever heard about them. Pero hindi ko inaasahan na darating ang araw na magsasalubong ang landas namin, kahit na sinong may kinalaman o kaugnayan kay Rommel Ford.
I told her. Sinabi ko kay Rowena kung sino at anong klase ng tao ang kanina niya pa hinahangaan.
"Seryoso ka ba?" she asked along with the words telling me to stop telling me words that I, myself, isn't sure of.
"Nakita ang sasakyan niya sa mismong video."
Nagulantang ito sa sinabi ko. Tila hindi niya maproseso ang lahat. Kung gulat siya ay ako rin. What are the chances I'll meet the son of the man I hate the most?
Magsasalita na sana akong muli nang maramdaman ko ang sunod-sunod na pag-vibrate ng phone ko. I took it out from my pocket. Lumayo ako nang kaunti sa pwesto ko kanina bago narinig ang isa na namang masamang balita sa buhay ko.
The farm is washed up. Tuluyan na akong nanlumo. Ang mga luhang ayaw kong ipakita sa publiko ngayon ay tuluyan nang naglabasan. At matapos kong punasan ang mga luha sa aking mata at natanaw ko ang lalaking mas lalong nagpainit ng ulo ko at nagpasama ng nararamdaman ko. I feel like throwing up. How can this guy be so ease?
Nakakandong na sa kanya ang babaeng kausap niya lamang kanina, they are obviously flirting publicly here. Tiningnan ko sila ng masama, gusto kong magmura sa inis, sabunutan ang lalaki, at magwala.
But this is a very special day of my friend. I should just silence myself up and live this moment to chance. May araw para sa galit ko pero hindi iyon ngayon.