Four

2086 Words
"Ayos ka lang?" Tulala pa rin ako hanggang makaupo na sa sasakyan. Nagpaalam na kami sa bride na may emergency kami, totoo naman, pero isa pang rason ay hindi ko matagalan ang presensya ng Ford na iyon sa iisang lugar at kasama ko. Si Rowena na ang nagkusang umupo sa driver's seat dahil hindi ko rin talaga kayang magmaneho ngayon, nanginginig ang buong katawan ko at pinanghihinaan. "Hmm," I grunted, not sure of what to say. Magsisinungaling ako kung sasabihin ko na okay ako dahil alam kong hindi. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon, kung ano ang dapat unahin, anong unang dapat bayaran, asikasuhin o isipin. "Uuwi na ba tayo o--" "May kakilala ka ba na nagtatrabaho sa banko? Kailangan ko ng panibagong loan." Hindi siya agad sumagot. Hininto niya ang sasakyan sa may gilid kahit hindi pa kami nakakalayo. Magtatanong sana ako kung bakit pero nauna na niyang kinuha ang cellphone niya at may tinawagang numero. Base sa usapan ay mukhang tungkol sa tinanong ko ang dahilan ng pagtawag niya. Then the call dropped. Hindi niya ako tiningnan at muling pinaandar ang sasakyan. "Pupunta raw siya sa opisina mo mamaya o bukas, kung kailan ka pwede, para mapag-usapan kung ano ang available na loan grants ang pu-pwede sa'yo," aniya matapos ang ilang minuto. "Trish, may ipon naman ako kahit papaano baka--" "Kailangan mo iyang pera na iyan, Weng. Salamat, alam ko naman na maaasahan kita at lagi kang nandito sa tabi ko pero bukod sa pera ay mas kailangan ko ng kaibigan ngayon sa tabi ko." Bumuntong-hininga ito at base sa reaksyon niya ay mukhang alam niya na rin naman kung ano ang magiging desisyon ko. Dumiretso kami sa shop. Kinailangan kong i-check lahat ng naka-schedule na okasyon na kami ang magho-hold. Weddings, birthdays, funerals, and surprise parties. Mayroon kaming kailangang supply-an na VIP customer next week at ilang mga customer na last week pa nakapa-reserve ng mga orders nila. I looked at it all. Nanatili ako sa opisina hanggang gabi. Pinauwi ko si Rowena kanina pero ngayon ay nandito na naman siya. It's ten past seven in the evening. Madilim na sa labas at tahimik na ang paligid. Nakauwi na ang mga galing sa kanilang trabaho samantalang ako ay nakatulala pa rin sa screen ng laptop ko, tinitingnan ang mga orders na naka-schedule next week. "Ano'ng problema?" Hindi na natiis ni Rowena na magtanong. I sighed. Inihilamos ko ang kamay sa aking mukha kasabay ng mabibigat na pagpakawala ng hininga. My heart sanked. Ilang beses na ba nadurog ang puso ko sa mga nangyayari nitong mga nakaraang araw? Pero may mas ilalala pa pala. I wonder if the accident didn't take place, would events be different by then? Kung hindi nasagasaan si papa at hindi nakaratay sa ospital ngayon ay nagawan niya sana ng paraan ang bagyo na dumating, he knows what to do, natitiyak kong alam niya ang kailangang gawin dahil hindi pa kami nagkaproblema ng ganito dahil sa bagyo. Kung hindi siya naaksidente at hindi nagkaganoon ang farm, hindi ako mamomroblema sa pera ngayon, hindi ako mag-iisip kung paano ang gagawin para hindi masira sa mga customer na nag-aabang ng orders nila sa mga susunod na araw. Hindi ako iiyak sa sobrang inis dahil hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera para pambayad sa banko. All because of that incident. All because of that Ford. All because of their money, power, and connections. "Nabagyo ang farm," mahinang sambit ko habang nakatulala sa kawalan. "Hindi kayang supply-an lahat ng mga naka-schedule na customers. I have to buy from others to meet the needed flowers. Bukod sa lugi na nangyari sa farm ay kailangan ko pang abonohan ang para sa ibibili ng mga bulaklak sa iba, prices are higher, of course." "Money isn't a problem, Trish," aniya na tila tinataniman ako ng kahit kaunting pag-asa. "Mapapalitan din natin iyan, I will help you. Pagkatapos nito ay dodoblehin natin ang effort na mag-advertise ng mga--" "Tama ka," I said, stopping her from her words. "Hindi lang naman kasi pera ang problema rito." Ginulo ko ang buhok sa sobrang inis at sinandal ang ulo sa likod ng upuan ko. Pinikit ko ang mata at pilit pinapakalma ang sarili kahit na alam kong hindi naman epektibo. "Hindi ko alam kung saan kukuha ng rush orders. Sa kaunting oras at araw, ni hindi ko alam kung saan kukuha ng supplies na kailangan." "Trishy..." "Ayaw kong masira sa mga customers ko, Rowena," mahina at may tinig ng pagmamakaawa na sabi ko. Emosyonal akong nag-angat ng tingin sa kanya at ang mga mata'y malapit nang magbuhos ng luha. "Hindi ako naghirap ng matagal para lang masayang ng ganito lahat ng paghihirap ko. Kapag nasira ako sa mga customers ay mahihirapan na akong bumuo ulit ng panibagong pangalan, Weng, things will never be the same again. I might hit the rock bottom of my life and worse is that I might not have a chance to bounce back again." Sa halip na magsalita ay lumapit siya sa akin at niyakap ako mula sa side. She rested her chin on my head as she slowly taps my shoulders. "Magtutulungan tayo para makahanap ng supplies na kailangan mo. You have a team, Trish, hindi ka nag-iisa. Lagi mo lang tatandaan na may dahilan kaya nangyayari ang lahat ng ito sa'yo." Halos wala kaming naging pahinga nang mga sumunod na araw. Si Aya ay pumunta ng Benguet para makausap ang mga iilang farm na alam naming may tanim din na bulaklak na siyang kailangan namin. Ako naman ay nagpunta ng Cebu dahil may na-contact kaming supplier dito. While Rowena stayed in Manila because she has a work there, siya rin ang kasalukuyang gumagamit ng opisina ko para i-update ang mga files ko. May mga empleyado naman akong mangilan-ngilan na at sila ang nagbabantay sa shop. "I have a reservation," sambit ko nang makarating sa restaurant kung saan kami magmi-meeting nung may-ari ng flower farm na siyang kukuhanan ko ng supplies. Rush order ito kaya alam kong magtataas siya ng presyo, but I have to get it no matter what. Tinanong nila ang pangalan ko at iminuwestra sa akin ang pwesto sa may second floor at medyo nakagitna ang mesa. Mula rito ay tanaw ko ang balcony area ng restaurant kung saan may romantic na ambiance. Wines and classic musics. "Can I get your order, ma'am?" Nilingon ko ang nagtanong at sinabi na hindi muna dahil may hinihintay pa ako. Pagkaalis nung nangunguha ng order ay binalik ko ang tingin sa may balcony ng restaurant. Pero sa halip na ma-relax sa magandang tanawin ay sumama ang sikmura ko sa masamang tanawin na nakita. Agaw pansin ang dark brown niyang buhok lalo na at bumagay iyon sa cream na kulay ng balat niya. Ang malalaki niyang kamay ay sensuwal na nakahawak sa bewang ng kasama niyang babae. The girl has long black hair, morena ang balat, at medyo matangkad din. Hindi ako pamilyar sa babae pero natitiyak ko na iba ito sa babaeng nakakandong sa kanya noong araw ng kasal ni Ysa. Yes, it is no other than Kier Ford, who doesn't know how loyalty works. Pero paano niya nga ba naman malalaman iyon? His father even hit and run my father. Mukhang nasa dugo na nga talaga nila ang hindi magandang pag-uugali. I bet he only wants s*x from that girl. Agad akong umiwas ng tingin nang bigla na lang itong humarap sa gawi ko. I tried to cover my face using my hair. Alam ko naman na hindi niya ako kilala pero kinakabahan pa rin ako. After all, alam kong hindi ko siya kayang harapin kung sakali mang kausapin niya ako. I will just shout at him and let out all my anger. At hindi iyon ang ipinunta ko rito. "Miss Enriquez?" A familiar woman approached me. Pamilyar dahil nakita ko na ang larawan niya bago pa ako makipagkita rito. Tumayo ako upang batiin siya at itinuro ang upuan sa tapat ko. "Good day, Ma'am." Sumulyap akong muli sa gawi ni Kier Ford, nakikipagtawanan na ito ngayon sa babaeng kasama niya. I guess he is a joker, huh? Lagi na lang siyang nakikipagtawanan kapag may kasamang babae. The girl is giggling, not knowing he'll dump her in a few hours. Tsk. "Let's order first?" Ibinalik ko ang tingin sa ka-meeting ko. Why am I even looking at that guy? Tss. Naging maayos naman ang meeting, napagkasunduan na ang presyo at napag-usapan na rin kung paano ibabyahe ang mga bulaklak. Mga matagal masira na mga bulaklak naman ang kukunin ko rito kaya hindi magiging problema ang biyahe, security lang siguro at baka mamaya ay madaganan sa byahe o masira sa paraang hindi natural. The woman is nice and kind. Nasagot niya naman lahat ng tanong ko at nabawasan ang pag-aalala ko. Medyo late na natapos ang meeting namin at pagtingin kong muli sa table nila Kier Ford kanina ay wala na sila roon. They probably entered a hotel room already and having the steamiest night of their lives. Oh my gosh, ano ba ang sinasabi ko? Bakit ba pati iyon ay iniisip ko pa? Eh, ano naman kung ano ang gawin nila? Hanggang pag-uwi ay iyon ang nasa isip ko kasama na ang katanungan na bakit ba nandito ang lalaking iyon? Iniikot niya ba ang Pilipinas para lang sa babae? O baka naman wala na siyang mahagilap sa Manila na papatol sa kalandian niya? Kinuwento ko kay Rowena ang nakita ko pagkauwi ko ng Manila. Nasa hospital kami ngayon at nagbabantay kay papa, habang tumatagal ay pabigat na rin ng pabigat ang hospital bills, pero buti na lang at nasa mas maayos naman na siyang kalagayan ngayon. Nagising na siya pero parang wala pa ring lakas. He can't eat foods right now, nahihirapan ang katawan niya na i-process ang pagkain at medyo hindi pa rin niya kayang nguyain iyon. Bukod sa lugaw na minsan ay halos hindi rin nagagalaw ay nakakapit siya sa mga gamot ngayon na itinutusok at nagsisilbing pagkain ng katawan niya. "Gumawa rin ako ng background research tungkol diyan kay Kier. Turns out he is really popular. Alam ko naman na iyon pero, girl, talaga pa lang matinik sa babae ang loko. Lantaran ang pagiging playboy pero hindi ko alam kung bakit hindi man lang natu-turn off ang mga babae sa kanya, at ang malala ay babae pa ang lumalapit," pagku-kwento niya. So he is a well-known playboy? I wonder what his weaknesses are. "Hindi naman na-broken hearted na noon kaya nagkaganyan?" tanong ko na agad ko ring binawi. "Nevermind. Ang mga ganoong klase ng tao ay wala namang puso na mabo-broken." Pagkasabi ko noon ay nagkatinginan kami. Walang mga salitang lumabas sa mga bibig namin pero nag-usap kami gamit ang aming mga mata. I realized something and she probably did, too. Pero agad siyang umiling at ipinakita ang hindi pag-agree sa kung ano man ang iniisip ko. "Kung tama ang iniisip ko ngayon kung ano ang binabalak mo, please lang, Trish, 'wag mong gagawin." An eye for an eye. A tooth for a tooth. Mukhang ngayon ay magagamit ko na ang binabasa ko lang dati. "He needs to learn a lesson," I whisphered. "Oh, s**t! Sinasabi ko sa iyo, Trishienna, hindi magandang ideya iyan. Tinutulak mo lang ang sarili mo sa bangin." "Maybe then he'll catch me," sabi ko na tila wala sa sarili. "And maybe then he'll feel the pain of falling and breaking into millions of pieces." Rumehistro sa mukha niya ang hindi pa rin pagtanggap sa mga sinasabi ko. Hindi ko alam kung wala ba siyang tiwala sa akin o masyado lang siyang concerned sa isang tao na hindi naman talaga namin kilala. At kailan pa siya naging ganyan ka-concerned sa iba? "Trish, ang pinag-uusapan natin dito ay si Kier Ford, hindi lang basta kahit na sino. That guy don't fall in love. That guy doesn't know commitment. At kung itutuloy mo ang binabalak mo, ngayon pa lang sinasabi ko na, Kier is not someone you can mess with. Baka bago mo pa maisagawa ang plano mo ay ikaw na ang hulog na hulog sa kanya." "That won't happen--" "He knows this business better than anyone, better than you do. Kung balak mong pa-inlove-in siya at durugin, girl, you better think straight, ginawa na niya iyan ng maraming beses. Hindi ka mananalo kung ang kalaban mo ay eksperto. Do you get it? Ikaw ang masasaktan dito." "At bakit ako?" "Dalawa lang ang pu-pwedeng mangyari. Hindi mag-work ang gagawin mo o ikaw ang mahuhulog sa kanya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD