Nineteen

2089 Words
"No," I firmly said. "Idadala mo lang naman, kuya, eh," aniya at nangungulit sa kwarto ko. Katatapos namin mag-dinner. Sila mommy ay nasa baba pa at umiinom ng wine. Kanina pa sila nagku-kwentuhan ni dad, topic yata nila ang reunion na mangyayari sa college batch nila. At itong magaling ko na kapatid, napakaimposible ng nire-request sa akin. "Wala nga akong idadala, Ky, sino naman sana?" Ngumuso siya. "Eh, bakit ka nangingiti kanina? Sus, Kuya, imposible. Hindi na ako bata kaya nage-gets ko na, ano!" Inirapan ko siya at hindi na pinansin. Kinuha ko na lang ang laptop para simulan ang mga kailangan kong i-send kay dad. May mga files siyang pinapa-check sa akin at ise-send ko sa kanya pagkatapos kasama ng mga comments and feedbacks ko tungkol sa mga projects na iyon. Habang naghihintay akong ma-open ang laptop matapos kong i-type ang password ay sinulyapan ko ang kapatid ko na nakapamewang at hindi umaalis sa pwesto niya kanina. Napapikit ako. Hindi ko alam kung saan nagmana ng kakulitan ang isang ito. Hindi ko naman mapagalitan dahil hindi rin naman siya gumagawa ng masama, makulit lang talaga. Umupo siya sa kama ko, sa mismong tapat ko at ang nasa pagitan namin ay ang laptop na tanging dala ko kaninang umuwi ako rito. I have my things here in this house so I don't have to bring clothes whenever I go here. "Wala nga, Kyra, matulog ka na," sabi ko na hindi siya tinitingnan. I started opening some files to read. Pero hindi ako makakapagbasa kung ang kapatid ko ay nasa harap ko, nakabusangot, at hindi ako tinatantanan. "Kuya, birthday gift mo na sa akin iyon. Hindi ko naman sinasabing pakasalan mo, ah? Imbitahin mo lang. Ako na ang bahala mag-entertain sa kanya," aniya na talagang ipinipilit ang gusto. Gusto niya na papuntahin ko si Trish sa birthday niya, hindi niya man alam ang pangalan, pero hindi na ako makakapagsinungaling pa sa kapatid ko na balak yata maging detective balang araw. Pero paano ko naman dadalhin iyon? Eh, kung tutuusin ay hindi ko nga alam kung magkaibigan na ba kami o ano. Tapos biglang meet the family? Baka masira pa ang diskarte ko dahil kay Kyra. "Oh, sabihin na nating may natitipuhan akong babae. Pero, Ky, hindi ko naman iyon girlfriend at hindi ko nililigawan. Bakit naman siya sasama?" "Eh 'di bilang kaibigan? Saka, kuya, hindi mo nililigawan?" Pinanlakihan niya ako ng mata. "Pinalaki ka bang torpe nila mommy? Eh sandamakmak ang babae mo, ah?" "Bibig mo, Kyra, ha!" sermon ko sa kanya. "Pumunta ka na sa kwarto mo at may tatapusin pa ako." Hindi siya umalis sa pwesto niya. At kailan pa ito hindi nakinig sa akin? "Sige na, Kuya, please..." "Hindi nga p'wede." "Sige ka, sasabihin ko kila mommy na may nagugustuhan ka na." Tiningnan ko siya nang masama. At talagang pamba-blackmail niya pa iyon sa akin? "Eh 'di sabihin mo." "Talaga!" Tumayo siya. "Sasabihin ko na ngayon tutal ay nasa baba pa naman sila," aniya. Palabas na siya ng kwarto ko nang tawagin ko siya. Taena! Wala naman sa plano ito, eh. "Oo na, oo na. Isasama ko na. Masaya ka na? Lagot ka talaga sa akin," sabi ko at inirapan siya. Impit siyang sumigaw sa tuwa at saka nagtatatakbo na palabas. Hindi ko ma-gets kung bakit panay ang kulit niya. Tss. Ano na ang gagawin ko ngayon? Hindi niya pwedeng sabihin kila mommy. Paniguradong hindi nila ako titigilan at baka sila pa ang pumunta kay Trish. Nakakahiya! Kilala ko sila mom, sobrang kulit ng mga iyon kapag nagkataon. Bukod sa hindi nila ako titigilan, hindi rin nila titigilan si Trish. And speaking of Trishienna... Nawala na sa laptop ang atensyon ko. Tiningnan ko ang ticket sa bed side table at napangiti. Bukod sa masaya ako na VIP ticket ito ni Jasfer, ang paborito kong singer, ay kasama ko pa si Trish na manonood. Something about her is really making me feel alive. Hindi naman ako ganito noon. I liked girls, yes, but this one is different. Sa halip na gusto kong sumaya ay mas gusto kong makita siyang masaya. Before, women smiles meant nothing. Oo, masaya ako para sa kanila pero wala lang. Hindi katulad kay Trish na parang gusto ko siyang nakikita na laging nakangiti. Nope, I am not a jolly person, I'm prolly not fun to be with. Eh, dirty talks lang naman ang alam kong pag-usapan. Pero kapag si Trish ang kasama ko, ewan ko, parang mas gusto ko pa na makipag-asaran kaysa maglandian- bagaman kasama na iyon. But more than my own pleasures, actually, my pleasure now means different from back then. Her smile. Her laugh. Damn. Ilang beses pa lang kami nagkita pero parang baliw na baliw na ako sa kanya. There's no point on denying it since I'm getting crazy for weeks now. Kinuha ko ang phone ko at nagtipa ng mensahe sa kanya. We exchanged numbers earlier. To: Trishienna Hi, baby. Nag-reply naman ito agad. From: Trishienna Hakdog. Me: Gawa mo? Trish: Nagta-type ng reply. Me: Matutulog ka na? Trish: Hindi. Gigising na. Napailing-iling ako sa puro sarkastiko niyang reply. Bakit ba ako natutuwa kahit wala naman gaanong nakakatuwa sa mga palitan namin ng mensahe? Me: Ano'ng oras ka pupunta sa concert? Lunch muna tayo, sunduin kita sa inyo. Gabi ang concert kaya gusto ko sana lumabas muna kami, isa pa, kailangan ko bumawi man lang dahil hindi niya pinabayaran ang VIP ticket. Aba! Mahal din iyon. Alam ko naman na hindi ko kailangan bayaran at hindi niya pinababayaran. It's just that... I badly wanted to spend time with her. Clubs slowly became boring. Maya't maya kong hinahanap ang pares ng mga mata niya na tila may kakaibang kislap bagaman normal na itim lang naman ang kulay. She always stands out. Imposibleng hindi ko siya mapapansin sa crowd maliban na lang kung kusa siyang nagtatago. Ano ba ang pagkakaiba niya sa iba? Ang totoo ay hindi ko alam. Was it her beauty? Her charm? Her smile? Her voice? Unang kita pa lang namin, iba na ang trato ko sa kanya sa normal na trato ko sa ibang babae. Was it love at first sight? No. But something happened at that first night. Was it fate? Were we destined? Is she the partner given to me? Hindi ko alam. These things are new to me. Ni hindi ko nga alam na balang araw ay mararamdaman ko ito. I am not sure yet but I know this isn't normal. Me thinking of a random girl might be normal. But me dreaming of a specific girl means something. Nagulat ako nang mag-vibrate ang phone ko. Wala pa man ay nangingiti na ako. Kinuha ko iyon at binasa ang reply niya. Trish: Gabi pa ang concert tapos lunch tayo magkikita? Baka mapagkamalan pa tayong magjowa! Pero sige, fastfood ha. Ayaw ko sa sosyal-sosyal. I licked my lower lip as I keep reading her text. Me: Kunwari ka pa, inaya mo nga ako ng date sa concert. Trish: Wow! Akin na iyang ticket! Humalakhak ako sa naging reply niya. Tuluyan ko ng isinara ang laptop at itinabi iyon. Sumandal ako sa headboard ng kama at maya't mayant napapailing at natatawa sa mga reply na hindi naman katawa-tawa. Me: Saan ka bukas? Trish: Sa saturday pa ang concert! Miss mo na naman ako. Me: Puntahan kita baka magkasakit ka sa pagka-miss sa akin. Trish: Wow! Feeling close ka na, ha? Me: Sino kaya nag-aya manood ng concert? Trish: Kupal neto. Huwag ka ng sumama! Me: Pikon nito halatang miss na ako. Trish: Siraulo! Hindi ko alam na bukod sa pagiging babaero mo ay ang kapal din pala ng mukha mo. Me: Awts. Trish: Dasurv. Nag-asaran lang kami sa text hanggang sa pareho kaming dalawin ng antok at sabay na na nag-goodnight sa isa't isa. Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako habang natutulog. Hindi naman kami ganyan mag-usap sa personal, o kung ganyan man ay hindi palagi. Pero siguro mas komportable na kami sa isa't isa ngayon. It's weird but it feels nice. Kinabukasan ay dumiretso ako sa isang cafe at um-order ng dalawang caramel latte at cheese bread. Pagkatapos ay pumunta ako sa flower shop ni Trish. I saw her car parked so she's already here. "Welcome, Sir, how may I help--" natigilan ang babae at bumilog ang mga mata nang makita ako. Natutop niya ang bibig at bahagyang nataranta. I smiled at her. "Nandito ba si Trish?" "O-opo, Sir Kier," aniya na natataranta. "Hali po kayo." Kumatok siya sa may pintuan doon na hula ko ay patungo sa opisina ni Trishienna. Damn, I love her name. It sounded so sweet and lovely. "Ma'am, may bisita po kayo..." "Ha? Sino?" I heard her asked from the inside. Bago pa makasagot ang hula ko'y assistant niya ay pumasok na ako sa loob. I greeted her with a wide grin. Iniwan naman kami agad nung babae na nagbabantay sa labas at isinarado ang pinto. Gulat na gulat siya nang makita ako. Tumayo siya at iminuwestra ang sofa roon sa opisina niya para umupo ako. "Hindi mo sinabing pupunta ka," aniya. "Sinabi ko, hindi ka lang naniwala." She chuckled. "Malay ko ba kung seryoso ka. Bakit ka nagpunta rito?" Itinaas ko ang hawak kong paperbag bago ibinaba iyon sa mesa at inilabas ang mga laman. I gave her the drink and bread I ordered for her. Umupo siya sa tapat ko na sofa at ako naman ay inilibot ang tingin sa refreshing style niyang office. She's always so simple yet admirable. Ganoon din ang opisina niya. Hindi engrande, hindi malaki, pero ang sarap lang mag-stay rito. Hindi magulo, naka-organize lahat. Nakadagdag pa sa ganda ang ilang halaman. "Wow, may pa-breakfast. Bored ka?" pang-aasar niya. She looks radiant today. Parang may nawala na kung ano. "Hindi. Na-miss lang kita," sabi ko. Totoo iyon pero tunog pang-aasar ang lumabas. Sa halip na patulan ay ngumiti ito sa akin at humigop ng kape na binili ko. Pinapanood ko lang siya. Nakakalito talaga, hindi ko maintindihan. Dahil ba sa ticket? Dahil sa inasar-asar ako ni Kyra? O dahil alam kong hindi ko na made-deny na sobrang interesado ako sa kanya? "Marami kang trabaho ngayon?" "Wala naman. Bakit?" tanong niya. "Ikaw? Maghahanap ka lang ng babae?" Umiling-iling ako. Kung alam niya lang. Wala na akong interes pa sa ibang babae. "Tara, Mall tayo," aya ko. Napanganga siya sa sinabi ko. "Bakit parang masyado ka ng feeling close, aber? Nabigyan ka lang ng ticket, nagkaganyan ka na?" Ngumuso ako. "Nahihiya akong maglaro mag-isa sa game zone, eh." "Wow!" Natatawa siyang umiling. "Ano ka, bata? Mag-club ka na lang, mas bagay sa iyo." "Sawa na ako roon." "Baka may makakita sa atin at iba pa ang isipin. "Ano naman?" "Ano'ng ano naman? Kulang na lang kaya gawin ka nilang celebrity. Eh, malamang sa malamang ay magte-trending ang pangalan ko kapag nagkataon. Baka ma-bash pa ako, ano!" She's quite right. Baka nga ma-bash pa siya. Hindi naman ako celebrity. Kaya ko rin siyang protektahan. But I cannot protect her feelings if ever harsh words pierce through her. Kaya kong ipabura ang mga posts at news. Pero hindi ko kayang harangan lahat iyon, unless, she wouldn't care to the point that she won't read anything about it. "Sa condo ko na lang tayo," sabi ko. "Ano naman ang gagawin natin doon?" Pinanliitan niya ako ng mata pero ang pisngi niya ay namula sa hiya o dahil may naalala. Napangisi ako. Tinaas-baba ko ang kilay para asarin siya. "You know," sabi ko. "Anong 'you know'?" naiinis niyang sabi at binato ako ng tissue. "Gago neto." She feels different. Mas gusto ko yung Trish na ganito. Care-free. Napaka-light ng awra niya. Hindi katulad noong una kaming nagkita, parang may nakabalot sa kanya na hindi ko maintindihan. "Maraming pwedeng gawin doon. Mag-bake, manood, maglaro, magkwentuhan. Ikaw ha, napaka-green minded mo." "Wow! Nakakahiya naman sa iyo. Eh, kung magtrabaho ka na lang kaya? Bored na bored ka, eh, noh?" Matamis akong napangiti. Kahit naman marami akong trabaho parang mas pipiliin ko pa rin makasama siya. Her mere presence is giving me colors I've never seen before. "Ayaw mo? Bahala ka, dito na lang ako, manggugulo." "Ha!" She huffed. "Talagang nam-blackmail pa." Tumawa siya pagkatapos. "Oo na. Ubusin lang natin itong binili mo." Nag-focus siya sa pag-ubos ng bread at coffee na binili ko. Wala na. Napapangiti na ako ng walang dahilan. Delikado na talaga ako. "Matunaw ako ha," aniya. "Taray ng confidence, ah? Saan galing?" "Nahawa sa kakapalan ng mukha mo," sagot niya na naging dahilan para mapahalakhak ako ng malakas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD