Twenty

2070 Words
- Trishienna Enriquez - Nalaglag ang panga ko sa mga bagay na ibinaba niya sa mesa. Color pencils at printed coloring images. Seryoso ba siya? Ano siya, bata? Hindi ko alam kung matatawa ako o ano. Nakaupo ako sa sahig ng condo niya at nakapatong ang dalawang kamay sa center table. Nagce-cellphone ako kanina bago siya dumating at ngayon, eto na nga... A man and a woman in one place, alone, with the silence of the day... Can you imagine that? Tapos ang gagawin namin, magkukulay? We're not even kids nor teens to begin with! "Are you serious?" Gulantang na tanong ko. Hindi naman ako disappointed, more on natatawa pa ako. Umiling-iling ako. "Painting would have been mature-like." Umupo siya sa tapat ko, nasa pagitan namin ang center table. "Maganda kaya mag-coloring. Nakakawala ng stress, basta mag-focus ka lang diyan sa ginagawa mo. Think of the drawings, think of the colors and nothing else." Medyo na-curious tuloy ako sa bandang iyon. Sumandal ako sa may paa ng sofa ng living room niya at saka humalukipkip bago siya pinakatitigan. His beautiful ocean-colored eyes with a bit of an amazing shadow-like color stare at me. Ang mapupula niyang labi ay unti-unting umunat upang bumuo ng isang magandang ngiti. He showed his teeth, how come everything about him is perfect? "So, ganito ang ginagawa mo kapag stress ka? Coloring?" I chuckled. "Parang napakalayo no'n sa pagkakakilala ko sa'yo." He leaned on the table. "Bakit? Ano ba ang pagkakakilala mo sa akin?" "Hmm." Tumingin ako sa ceiling niya na napakataas na para bang naroon ang kasagutan. "Parang ikaw yung tipo ng lalaki na hindi nagagawi ng bahay maliban kung may kasamang babae." He groaned. "Talaga bang sobrang babaero ng image ko sa'yo?" "Hindi lang sa akin, sa lahat!" Dumila ako sa kanya saka tumawa nang makitang nalukot ang mukha niya. Gwapo pa rin, kainis! "So, ano nga ang pagkakakilala mo sa akin?" He sounds amused. "Gusto kong marinig." Kinagat ko ang ibabang labi dahil naiirita ako sa sarili ko, napapangiti ako ng wala sa oras, wala rin namang nakakatawa. "Baka magsisi ka lang," sabi ko. "Kung first impression ang pag-uusapan ay hindi masyadong maganda ang ganoon ko sa'yo." "But you approached me," he said in almost a whispher. Oo kasi kailangan. Oo kasi gusto kitang saktan. Pero hindi ko naman iyon pwedeng sabihin sa kanya. And just like before, I created another lie. "Gwapo mo kasi," sabi ko. "Saka bored ako no'n." Hindi naman siya mukhang na-offend. Nangingiti pa nga siya na parang tanga kahit wala namang maganda sa sinabi ko. Iniabot niya sa akin ang isang bond paper na may printed na picture na walang kulay. Rabbit iyon na nasa basket, napaka-cute. Inilagay niya sa gitna namin ang color pencils at nagsimula na siyang magkulay ng kanya. "You looked like someone who'd enjoy a fine dining with a beautiful lady. The kind of man who loves parties but enjoys being alone, too. Someone who'd sleep with a girl and never gonna repeat the scene with the same person." Nag-angat siya ng tingin sa akin, hindi ko mabasa ang mukha niya kahit kitang-kita ko naman iyon. "Pakiramdam ko hindi ka marunong makuntento, na hindi mo kayang magseryoso sa babae, na puro pasarap-buhay lang ang alam..." "Did that change now though?" His husky at the same time child-like tone got me. Tumaas-baba ang adams apple niya, halatang-halata ang ilang beses na ginawang paglunok. I can't tell if he's worried or hurt or happy or whatever. Hindi ko gets ang reaksyon na ipinapakita niya sa akin ngayon. Hindi niya ibinababa ang tingin at diretso pa rin ang mga matang nakatitig at hinuhuli ang mga mata ko. Nakaramdam ako ng kakaibang kaba sa dibdib. Dahil ba sa tingin niya na pakiramdam ko ay binabasa ang buong pagkatao ko? O dahil sa presensya niya na kanina pa may kakaibang dating sa akin? Nang hindi ko sinagot ang tanong niya ay bumabang muli ang mga mata niya sa kinukulayan. "Tell you what," he uttered. "Hindi ko hobby ang ganito. Ang totoo ay hindi ko pa ito nagagawa..." Kusang nanlaki ang mga mata ko sa gulat. At napangiti siya nang makita ang reaksyon ko. Totoo ba? "Syempre exempted yun noong bata ako," dagdag niya bago ako makapagkomento. "Pero matagal ko ng gusto subukan. Magkulay. Yung wala kang ibang iniisip, yung pakakalmahin mo ang sarili mo, yung naroon lang sa bagay na iyon ang atensyon mo..." I can't believe I'm having deep talks session with the man I used to loathe so much. "B-bakit..." Should I ask? Tumingin lang siya sa akin na parang tinutulak akong ituloy ang gusto kong sabihin. "Bakit hindi mo ginagawa kung ganoon? Sabi mo matagal mo ng gustong gawin. For sure may oras ka naman? Mura lang din ang krayola para hindi ka makabili... Kaya... bakit?" Matunog siyang natawa pero sandali lang pagkatapos ay ibinalik ang atensyon sa ginagawa. Akala ko nga ay hindi na niya sasagutin kaya tumahimik na lang din ako at nagsimulang magkulay. "I don't know," anito matapos ang ilang minutong katahimikan. "Ha?" Nakalimutan ko na tuloy kung ano ang tanong ko. He smiled but he never stopped what he's doing. Patuloy siya sa pagkukulay na para bang iyon ang kasama at kausap niya. Ako naman ay napatitig lang sa mukha nito, his so damn perfect jawline that makes him hotter than anyone else. The natural colored pink lips that looks lovelier than mine... "Masyado ba akong busy? Hindi naman. Ewan ko rin," sabi niya. "Bakit kaya ano? May mga matagal na tayong gustong gawin pero hindi natin ginagawa kahit p'wede naman, kahit nasa harapan na natin. I bought coloring materials years ago..." Umiling-iling siya. "Pero ngayon ko lang magagamit." I nodded. Pakiramdam ko ay nadadamay na ako sa pagiging malalim niya mag-isip. "Parang sa tao," sabi ko na naging dahilan nang pag-angat niya ng mukha sa akin. "May mga bagay tayong gustong sabihin, gawin, o ipakita pero hindi natin ginagawa kahit kaya naman, kahit nandyan lang naman yung taong espesyal sa buhay natin." He gave me the look that I cannot decipher. His lips pursed then slowly he nodded. "I guess the problem is with us," he muttered and I couldn't help but to agree. Natawa tuloy ako. Ang aga-aga pero ang drama namin. Nagtama ang mga mata namin at sabay kaming natawa. "Nakainom ba tayo?" tanong ko. "Sure ako hindi," sabi niya at nagtawanan ulit kami. It felt so light. Natahimik ulit kami pero sa pagkakataong ito ay hindi na yung awkward silent. Masyado lang kaming nag-concentrate sa pagkukulay. I hate to admit but he's right, it's therapeutic. Pareho kaming nahulog sa malalim na pag-iisip. Pero sa kabila no'n, kahit walang sinasabi, parang gumagaan yung pakiramdam ko. I cannot tell if it's his presence in front of me or the coloring activity I am doing. And I hate how it felt so nice when I shouldn't be feeling this way. "Ano'ng gusto mong ulam? Magluluto ako." Nakaupo na ako ngayon sa sofa habang pini-picture-an ang drawing na tapos na naming makulayan. Para akong bata na tuwang-tuwa sa natapos kahit na napakasimple lang naman no'n. Nag-angat lang ako ng tingin nang ma-realize kung ano ang sinabi niya. Kumunot ang noo ko lalo na nang makita siyang naka-apron. Dayumn hot! "Marunong ka?" natatawa kong tanong. "Hindi lahat ng naka-apron, masarap magluto." "Parang yung magluluto ang gusto mo at hindi yung iluluto, ah?" banat niya na inismiran ko. It somehow made me blush because a part of me wants to agree. What the heck, Trishienna?! "Pero marunong ka nga?" "Mukha ba akong may tagaluto dito sa condo ko?" He smiled and nodded. "Practice na rin, baka under ako sa mapapang-asawa ko, eh." I chuckled. "May balak ka pala mag-asawa." His beautiful eyes gave the anong-tingin-mo-sa-akin-look. "Mahaba-habang usapan iyan, mamaya na natin pag-usapan. So, ano nga gusto mong ulam?" "Ikaw." Ok "Alam kong takam na takam ka sa akin pero pang-dessert ako." Hindi ko na natiis at nabato ko siya ng color pencil dahil iyon ang una kong naabot. Tatawa-tawa niya namang inilagan iyon at saka pinulot dahil nahulog sa sahig. "Manok lang ang meron diyan, eh. Adobo, chicken curry, tinola, o fried chicken?" "Chicken curry na lang." "Noted, ma'am!" Nag-salute pa siya bago dumiretso sa kusina. Naiwan akong tulala at napapaisip kung ano na ang ginagawa ko. Nasaan na ba ako, ano'ng step na ito ng plano, o nasa plano pa ba ito? Hindi ako makapaniwalang nakikita ko itong part na ito ng pagkatao niya. The childish, sweet, ang gentleman part of him that most people do not know about. Bumaba ang mga mata ko sa papel na kinulayan namin. Hindi ko alam kung ano ang uunahing isipin o ramdamin. Yung saya o yung takot. Dahil sa halip na mabigat ang pakiramdam ko ay parang ang gaan na lang. Sa galip na galit ay kasiyahan ang nararamdaman ko. Para akong nagkaroon ng kaibigan, ng taong nakaka-relate sa mga sentimyento ko sa buhay kahit ang layo ng pagitan namin. Hindi ko alam kung ginawa ba namin ito para gumaan ang pakiramdam niya o ginawa namin para mawala ang mga iniisip ko. Nonetheless, I cannot disagree anymore, he's so good at catching people's heart. Hindi ko sinasabing nahulog na ako sa kanya pero unti-unti niyang nabubura yung galit sa puso ko at ayaw ko no'n. Hindi ako nandito para magsaya lalo na dahil alam ko at kitang-kita ko kung gaano nag-agaw buhay ang tatay ko dahil sa kanila. But do I have to blame the son for the fault of his father? Hindi ko alam. Naguguluhan na ako. Nalilito na ako at naiinis ako sa sarili ko. "Ang bango," sabi ko nang maamoy ang niluto niya. Tutulong sana akong mag-ayos ng mesa kaso ay ayaw niya. He wants to serve me all by himself and my heart never felt this kind of happiness before. Mula nang mamatay si mommy ay ako lahat ang nag-alaga sa sarili ko, sa papa ko- bagaman hindi naman siya nagpapaalaga dahil malakas pa siya... But what I want to say is that I took care of myself... I didn't know it feels this good having someone to care for you, to serve you, to make you feel that you don't have to do everything. Pinanood ko lang siya habang naglalagay siya ng pagkain sa pinggan ko. Inasikaso niya talaga muna lahat bago siya naupo at nanguha ng pagkain niya. "So, ilan na ang napagluto mo?" Pinanood ko ang reaksyon niya. How his pursed lips slowly formed a small smile. Namula ng bahagya ang tainga niya na tila nahihiya sa tanong ko. Akala ko tuloy ay sa sobrang na ng napagluto niya ay nahihiya siyang aminin. "Aside from myself and my sister?" Matapang niyang sinalubong ang mga mata ko. "Ikaw pa lang." Bumuka ng kaunti ang bibig ko. Hindi ako naniniwala. Ako pa lang? Paanong nangyari iyon? Tumikhim ako nang hindi niya pa rin inaalis ang tingin sa mukha ko, tila nag-aabang ng reaksyon mula sa akin. Yumuko na lang ako at binigyan ng atensyon ang pagkaing iniluto niya. Sumubo ako ng isa at hindi ko alam kung bakit kahit inaasahan ko ng masarap ay nagulat pa rin ako. Damn! He's a better cook than me! "Kumusta?" tanong niya, boses kinakabahan, habang siya ay hindi pa ginagalaw ang pagkain. I slowly turn to him. Seryoso ko siyang tiningnan at gusto kong bumunghalit ng tawa nang makita ang kabadong mukha niya. It's as if he's ready for the worse comment he might hear. Itinaas ko ang dalawang thumb ko at saka ngumiti sa kanya. "Pwedeng-pwede na, chef!" Nagbuga siya ng hininga. Natawa ako dahil kabadong-kabado talaga siya. Tiningnan niya ako ng masama dahil doon. "Magkaka-heart attack ako dahil sayo, ha," sambit niya. "Huwag naman. Wala ng magluluto sa akin ng masarap na ulam tapos libre." His lips slowly formed a cute, adorable smile. Para siyang nahihiya at hindi makaisip ng maisasagot pero nagsalita pa rin siya. "Call me anytime you're hungry," sinabi niya iyon na masyadong seryoso saka siya yumuko at hinawakan ang kubyertos niya. "No... Call me anytime even if you're not hungry." That moment... I never felt so scared in my life. Natatakot akong masira ang prinsipyo ko. Natatakot akong matalo sa larong binuo ko, o mahulog sa patibong na ginawa ko. And the scariest part is that... Those things doesn't matter to me as of this moment. I only see him as a man not as a son of someone.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD