Ten

2085 Words
"Ewan ko sa'yo," sabi ko at inirapan siya. Nagmartsa na ako paalis doon at sumunod naman ito. "Trish, teka..." Hinawakan niya ang braso ko at nagmamadaling nagtungo sa harapan ko para pigilan akong maglakad. "Sorry. Alam ko na-offend ka o baka nabastos pa kita--" "Mukha ba akong nabastos?" masungit na sabi ko pero hindi para sungitan siya kung hindi para mabawasan ang guilt na nakikita ko sa mukha niya. Kung nabastos ako ay umalis na ako agad doon pagkatapos siyang sampalin. Heck! I won't even allow anyone to hold my fvcking fingers without a proper reason. Umaliwalas muli ang mukha nito at naiinis ako sa sarili ko dahil isang ngiti niya lang parang nagliliwanag na ulit ang mundo ko. Can you ever feel this much attraction towards someone you just met? Idagdag mo pa na hindi maganda ang dahilan kaya nandito ako ngayon sa harapan niya. "P'wede ba kitang ayain mag-lunch kung ganoon?" He sounds more like a gentleman rather than a casanova. Ngumiti ako at tumango. Iminuwestra niya sa akin ang daan patungo sa parking lot. May sinabi kasi siyang masarap na restaurant sa labas ng resort. Maganda rin daw ang view roon. Naalala ko tuloy noong nakita ko siya sa Cebu na may kasamang babae. We arrived at the restaurant exactly eleven minutes from the resort. Actually, hindi ko alam kung nasa restaurant na ba kami dahil sigurado akong hindi restaurant itong hinintuan namin. Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pintuan. Sa harap ay ang may kaliitang bahay, may maluwang na bakuran, at may magandang view dahil medyo mataas ang lugar. Wala gaanong dumadaan na sasakyan dahil papasok pa ito. The place is full of greens, browns and blues. Puno, halaman, at mga d**o na berde ang kulay at ang maamong mga ulap at kalangitan. "May dadaanan ka ba rito?" tanong ko. This is definitely not a restaurant. Naghanap ako ng karendirya kung mayroon kaso wala rin. He held my back. Pero yung paghawak niya ay hindi halos lumapat sa balat ko, ang tela lang ang nahahawakan niya, ganoon kagaan. Pagkatapos ay iminuwestra niya ang bahay na tinutukoy ko kanina. "This is better than a high class restaurant, mademoiselle." Kumindat pa siya sa akin at muling itinuro ang daanan. Bagaman nagtataka pa rin at hindi ko alam kung nasaan kami o anong gagawin namin dito ay nagpatianod na lang ako. But I don't trust this guy, I don't trust this place. Nang nasa pintuan na kami ay nakikiramdam ako. Once na walang tao sa bahay na ito ay tatakbo na ako palayo. Ayaw kong mag-isip ng masama pero kung ang tatay niya nga ay nagawang banggain ang tatay ko at hindi man lang umako ng kasalanan, paniguradong kayang-kaya niya ring gumawa ng krimen ngayon. Why did I even go? Ang tanga lang, Trishienna! Iniatras ko ang isang paa, naghahanda ng umalis nang biglang bumukas ang pintuan at sinalubong kami ng isang matandang babae. Bumilog ang mga mata nito sa gulat nang makita ang kasama ko. "Kier!" she cried. "Anak." Lumapit ito kay Kier kaya umatras ako para mabigyan sila ng espasyo. Now that I think about it, the two must be related to each other. Hindi kaya anak sa labas ito? Pero medyo matanda na ang babae, actually hindi medyo dahil matanda na talaga siya. Medyo maliit ito at may saktong taba sa katawan. At imposibleng nanay niya ito dahil kamukhang-kamukha ni Kier ang nanay niya, I know because I did my own research. Now, who is this? Lola? Hindi ko alam pero pwede. Nagyakapan silang dalawa sa harapan ko. The old woman is a bit emotional, naiiyak pa ito nang makita si Kier. Sa kabilang banda naman ay kitang-kita ang kasiyahan sa mga mata ng kasama ko. Mas lalo tuloy tumaas ang kuryosidad ko kung sino ang matandang babae na ito. Pagkatapos ng eksenang iyon ay natagpuan ko na lang ang sarili na nakaupo sa maliit na tanggapan nila, katabi si Kier, at kaharap ang matandang mag-asawa. "Buti nakapunta ka rito," sabi nung babae. "Hindi mo sinabi at nakapaghanda sana kami agad." "Ano ka ba 'ya, ako nga ang dapat magdadala ng pagkain kaso ay biglaan." Tumingin siya sa akin na para bang ako ang dahilan kaya hindi siya nakapagdala ng pagkain. "Oh?" mahinang anas ko, nagtatanong kung bakit siya nakatingin. Humalakhak siya at umiling. "Si Trish nga pala, ya, manong roy," pagpapakilala niya sa akin. "Trish, si Yaya Merced at si Manong Roy. Yaya ko siya dati noong bata ako at si Manong Roy naman ay driver ni dad dati bago nag-retire." That sums up all the answers to my questions. So these people prolly knows a lot about the Fords. May alam naman kaya sila tungkol sa ugali ng mga iyon? O pare-pareho lang din kaming naloko sa magandang imahe at bait-baitang eksena ng mga ito? I glanced up at the two old people. Ngumiti ako at yumuko ng bahagya upang magbigay-galang. Ang matandang babae ay medyo nagtagal ang tingin sa akin na tila sinusuri ako. "Kaibigan mo?" Hinintay ko ang isasagot niya. We're not even friends. Ang weird nga na dinala niya ako sa bahay ng mga importanteng tao sa buhay niya. Buti na lang at matatanda na ang mga ito at mukhang hindi naman chismosa. What if makarating ito sa pamilya niya? My plan will all go to waste if that happens. "Bagong kaibigan, ya," anito. "Kakain sana kami kaso naalala ko na mas masarap ang luto mo kaysa sa kahit anong restaurant," pambobola nito at kumindat pa sa dati niyang yaya. "Ikaw talagang bata ka," sabi nung matanda na bakas ang tuwa sa boses. "Oh, sige, ipagluluto ko kayo. Roy, tulungan mo silang mag-ayos ng mesa sa labas." Tumayo silang lahat at nagkanya-kanya ng trabaho. Sa halip na sumunod at dumikit kay Kier ay kay Yaya Merced ako sumama. Maliit lang ang bahay nila, wala rin gaanong laman bukod sa maliit na TV na halatang luma na at radyo na maliit. Mga mesa, upuan, at iilang cabinet lang ang tanging bumubuo sa bahay. May isang kwarto at isang CR. Hindi na nila kailangan pang sabihin dahil masyadong maliit ang bahay para magtanong pa ang papasok. Kitang-kita naman. But the place is nice. Maliit pero hindi masikip. Maaliwalas ang paligid dahil sa mga bintana at sa mga halaman na nakalagay sa bawat sulok ng bahay. "Mas maganda po na ilagay ito sa naaarawan palagi," suhestyon ko nang makita ang pamilyar na halaman sa akin. Nakalagay iyon sa medyo silong sa loob ng kanilang dining area kaya hindi naaarawan. Nagulat siya, mukhang hindi niya napansin na nakasunod ako sa kanya. Na-guilty tuloy ako kahit na hindi ko naman sinasadya ang manggulat. "Nandiyan ka pala, hija." Tumingin siya sa halamang tinutukoy ko. "Pinapaarawan ko at nilalabas iyan paminsan-minsan," aniya. "Pero hindi ko alam bakit parang iba ang kulay. Bigay kasi iyan nung kumare ko na nandoon sa kabilang baranggay. Dapat pala naaarawan. Oh, sige at ililipat ko ng pwesto mamaya." Kumuha siya ng sibuyas, bawang, at ilan pang ingredients sa isang cabinet. May ref naman sila na medyo maliit. Well, at least may ref sila dahil hindi yata ako mabubuhay ng walang ref. Maliit lang din ang bahay namin pero hindi pa naman ako tumira sa ganitong kaliit na bahay. Maluwang naman ang bakuran, ayaw ba nilang palakihin ang bahay? And to think that both of them worked under the Fords, sa tingin ko ay kaya naman nilang magtayo ng bahay. Nasa labas ang lutuan, may maliit na daanan mula sa dining area nila at sa paglutuan sa labas. Gumagamit sila ng kahoy at hindi gasul. "Paano mo nalaman ang tungkol sa halaman na iyon, hija?" Ngayon ko lang na-appreciate ang pagiging kalmado at malambing ng boses niya. Kanina kasi ay parang nakaka-intimidate ang awra niya kahit na pinapasok niya naman ako ng maayos sa bahay niya. "Iyon po ang trabaho ko. Partikular na sa mga bulaklak. May flower farm kami sa Benguet at may shop ako sa Manila." "Akala ko ay nagtatrabaho ka kila Kier o kaya ay nagtatrabaho sa opisina. Sa'yo ang flower shop mo? Naku, mahilig din ako sa bulaklak. May mga ilang tanim ako diyan sa labas, ipapakita ko sa iyo mamaya." Ngumiti ako at nag-alok ng tulong. Hinayaan niya naman ako na mag-ayos doon ng mga kalat niya, mga pinagbalatan ng kung ano-ano. "Kailan lang po kami nagkakilala ni Kier," nahihiyang sabi ko. "So, kayo po ang nag-alaga sa kanya noon?" "Oo. Mabait ang batang iyan, magalang at hindi madamot." Kumuha siya ng tubig sa ref at nagsalin sa baso, inabutan niya ako bago siya nanguha ng kanya. "Akala ko nga kanina ay girlfriend ka niya." Mabuti na lang at hindi ko pa naiinom ang tubig kung hindi ay nabulunan na ako. Pekeng tawa na lang ang naisagot ko rito. "Coincidence lang po na nagkasama kami sa isang project dito." Not so coincidence dahil set up ito ng magaling kong kaibigan na itago na lamang natin sa pangalang Rowena. She's probably texting me already, asking what's going on. Kilala ko iyon, either nag-o-overthink na iyon ngayon o sinasakal niya na ako sa isipan niya thinking na tatambay lang ako sa hotel room. "Talaga?" gulat na sabi niya. "Akala ko ay magkasama talaga kayong namasyal dito sa lugar namin." Ngumiti ako sa kanya. She really looks so happy. Parang dumalaw ang anak niyang galing abroad at sinurpresa siya, ganoon. "Madalas po ba siyang mamasyal dito?" "Si Kier ba?" Tumango ako. "Hindi masyado. Napapadaan lang minsan kapag may mga ginagawa siyang business sa malalapit na lugar pero ang huling pasyal niya sa pagkakaalam ko ay dalawang taon na ang lumipas kaya nga natutuwa ako na nandito siya ngayon." So, he really visits them? Hindi ko siya iba-bash sa part na iyon. That's actually nice of him. Ang iba ay walang pakielam sa mga nagpalaki sa kanila, ni makumusta ng text ay wala. "Mas close po siya sa inyo kaysa sa pamilya niya?" Hindi ba't karamihan ng mga lumaki at close sa yaya ay malayo ang loob sa mga magulang? In that case I might as well cancel this plan- kung hindi naman siya close sa pamilya niya. But then her answer just gave me another sign to continue the plan. "Naku! Malapit sa pamilya niya iyan. Hindi siya spoiled pero magaling maglambing iyan, lalo na kung may gustong hingin. Lalo na sa dad niya, siguro dahil parehong lalaki kaya mas malapit siya sa tatay niya kaysa sa nanay niya. Pero napakabait na bata niyan, kahit kailan ay hindi ko narinig na sumagot o sumuway sa magulang- kaya hindi rin ganoon kahigpit sila Rommel sa kanya." He's close to his parents most especially to his dad. They spend most of the time together. Naiwan na yata ang isipan ko rito kahit na nailayo na ang topic. Napunta na sa pagkukwento niya tungkol sa mga anak niyang nasa abroad. Gusto raw silang kuhanin na mag-asawa pero mas gusto nila rito. Ni hindi ko namalayang tapos na siyang magluto. Pagkalabas ay nakasalubong ko agad si Kier. Ngumiti ito sa akin na labas pa ang ngipin. I admit, he really looks cute and charming whenever he smiles. Kahit na hard ang features ng mukha ay para pa rin siyang baby kapag ngumingiti, yung gagaan ang pakiramdam mo. Pero ang positibong emosyon na iyon ay napalitan ng madilim at mabigat na pakiramdam nang maalala ko kung sino mga ba ang lalaking ito sa buhay ko ngayon. Pansamantala. Bagay na kailangang sirain para mabawasan ang galit ko. After this month, after this year, Kier Ford will no longer exist in my life. Nakaratay pa rin si papa sa hospital, hindi alam kung kailan ba siya magiging okay ng tuluyan o kung may pag-asa ba na bumalik pa siya sa normal. Natatakot ako, sobra, gusto kong magalit sa mundo. Ang daming nagsasabi na sobrang bait ng pamilya nila, ng mga Ford, pero wala man lang ba magsasabi na ang bait din ng papa ko at hindi niya deserve kung ano ang nangyayari sa kanya ngayon. No one knows exactly how painful it is for me to see him in a hospital bed, lying there with not enough energy, lots of medicines he needs to take, bills to pay, problems to find solution for. Walang nakakaalam sa pinagdadaanan ko ngayon kung hindi ako. At lahat ng ito ay dahil sa tatay ng lalaking ito. "Are you okay?" Ngumiti ako ng matamis sa kanya, napakalayo sa laman ng isipan ko ngayon. "Hmm. Medyo gutom na." He chuckled as he showed me the view they set up.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD