CHAPTER 1

2552 Words
Sulky Boyfriend. KAHIT mahigit isang metro pa ang layo ko mula sa kanya ay nakikita ko pa rin ang pagtatlong linya ng kanyang noo habang naghihintay sa akin sa loob ng kanyang sasakyan. Unlike the usual, he didn’t get out of his car to fetch me. Umiwas siya ng tingin nang sinalubong ko ang kanyang mga titig. I guess, he’s holding it. Hanggang ngayon nagtatampo pa rin siya dahil hindi ko siya nasipot no’ng susunduin na sana namin ang parents niya sa airport. Nagkataon kasi no’n na naka-leave ang team leader namin kaya naiwan sa akin lahat ng mga reports na kailangang i-email sa operations manager. Sa dami ng ginawa ko ay mahigit dalawang oras akong nag-overtime no’n. Hindi pa naman puwedeng hindi i-send iyon dahil mino-monitor kami ng client araw-araw. At isang pagkakamali lang ay magkakaroon na kami ng masamang imahe sa kanila. The site’s daily statistics is too important for us not to lose the business—worst, our jobs. “Good morning!” I greeted as soon as I reached his car. Agad siyang bumaba para pagbuksan ako. Pero hindi pa rin nabubura ang kanyang kunot sa noo. Lumingon ako sa paligid. May mangilan-ngilang ahente na pababa ng mezzanine floor kaya pumasok na lang muna ako sa kotse. Nang pumasok na rin siya sa kabilang side ay agad akong umusog sa kanya saka minasahe ang kanyang noo. He groaned and tried removing my hands on his forehead. “Hindi bagay sa ‘yo ang nakakunot. Ngumiti ka naman, oh.” Sinulyapan niya lang ako saglit saka muling ibinalik ang tingin sa harapan. Pumirme ang kanyang mga kamay sa manibela, na parang humihingi siya ng suporta roon. I might say ang unfair ng mundo. Kahit nagtatatlong guhit ang noo, malakas pa rin ang dating niya sa akin. He’s wearing a plain V-neck white shirt. Pinaresan niya iyon ng army green na cargo shorts. Lumilitaw na naman tuloy ang mga balahibo niya sa paa na siyang paborito kong titigan. I find his legs so manly and sexy. Mahahaba pa naman ang mga biyas niya. Weekend na naman kaya wala siyang pasok, samantalang ako ay mayroon. No’ng Thursday at Friday ako nagpahinga at may pasok naman siya no’n. Pabago-bago kasi ang schedule namin every two weeks. Sa tuwing may pasok naman siya ay sinusundo muna niya ako bago siya tumuloy sa opisina nila. Alas otso naman madalas ang out ko. “Galit ka pa rin ba sa ‘kin?” Ngumuso ako at muli siyang kinalabit sa kanyang hita. His breathing hitched. “Stop it, Yuri.” Nawala ang ngiti ko dahil sa lamig ng kanyang boses. Galit pa rin talaga siya. Ito ang kauna-kaunahang pagkakataon na nagtampo siya sa akin at tumagal pa nang ilang araw. Noon kasi ay hindi siya pumapayag na hindi namin mapag-usapan kapag may hindi kami pagkakaintindihan. “Bakit mo pa ako sinundo kung nagtatampo ka pa rin pala?” Hindi siya sumagot at parang wala lang siyang narinig. Pinaandar niya na ang kotse. Umaayos na lamang ako ng upo saka ikinabit ang seatbelt sa sarili ko. Mabuti na lang at nauna nang umuwi kanina ang mga ka-team ko kaya walang Keara na nanggulo sa akin pagkababa ko ng building. Kahit naman SME na ako ay gano’n pa rin ang trato ko sa maga kasamahan ko. After all, the team’s score is my score, too. Sa kanila na ngayon nakasalalay ang incentives ko. Ngumuso ako saka sumandal sa headrest. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Masyadong mainit kahit maaga pa naman. Panaka-naka ko siyang sinusulyapan pero pansin ko, wala talaga siyang balak na kausapin ako. Hindi ko lang alam kung bakit pa niya ako sinundo ngayon kahit may sama siya ng loob sa ‘kin. Kung ako siguro ang nasa kalagayan niya ay hindi na ako nagpakita. Ilang beses akong bumuga ng hangin sa kaiisip kung ng paraan kung paano kami magkakabati. It’s like we’re having a cold war. Siya nga lang ang malamig sa akin. Minsan naiisip kong ipakilala siya kay Nanay pero parang hindi pa ako handa. Tingin ko kasi ay hindi ko pa rin lubusang kilala si Alexis. Mahal ko siya pero parang hindi ako gano’n ka kampante na kami nga talaga ang magkakatuluyan sa huli. Una sa lahat, malayong-malayo ang agwat ng buhay namin. Nasa pedestal siya, samantalang ako ordinaryong mamamayan lang na nangangarap na magkaroon ng magarang bahay. Pangalawa, dahil sa uri ng trabaho niya ay malamang marami siyang nakikilala at nakakasalamuhang mga babae na wala pa ako sa kalingkingan nila. Paano kapag nagsawa siya sa akin? Paano kapag nabubulagan lang pala siya? Tapos isang araw bigla na lang siyang mauntog at matauhan na hindi pala niya ako type. Paano kung nananaginip lang ako ngayon? I sighed. Tatlong linggo pa nga lang kami nagkatampuhan na agad. Sa susunod na linggo ay monthsary na namin. Sana naman hindi na magbago muna ang schedule ko no’n para makapaglaan ako ng panahon para sa kanya. Sana pareho kaming walang mga pasok sa trabaho no’n. Natigil ako sa pagmumuni-muni nang mapansing itinigil na niya ang sasakyan. Nasa kanto na kami malapit sa bahay. Buong biyahe talagang hindi niya ako kinausap. Tanging tugtog lang ang maingay sa loob ng sasakyan. Pinatay niya pa iyon pagkapreno niya. Muli akong ngumuso. “Grabe, wala ka talagang balak na kausapin ako, ’no? Kailan ba matatapos ang tampo mo sa ‘kin? Ano’ng gusto mong gawin ko para magkabati na tayo?” I’m becoming frustrated. “Hoy!” Niyugyog ko siya pagkatapos kong kalasin ang seatbelt ko, ngunit bigla niya akong hinila saka sinakop ang aking mga labi. Napasinghap ako at napakapit sa kanyang dibdib. Para akong naliliyo sa sobrang lambot ng labi niya. His breath smells like mint, and his lips taste like the most delicious food in the universe. Napaungol ako nang pinalalim niya ang halik. Alam kong tinted ang sasakyan niya kaya walang pag-aalinlangan kong tinugon ang bawat hagod ng kanyang mga labi sa akin. Sana sinabi niya na noong isang araw pa na ito lang pala ang paraan para magkabati kami, willing na willing naman akong halikan siya. Kung ganito ba naman kaguwapo ang magiging kahalikan ko. Why would I hold back? I followed his pace and made him feel wanted. Napatigil lang kami nang kapwa na kami hinihingal. Nakahawak pa rin siya sa pisngi ko at magkadikit ang aming noo. Nararamdaman ko pa rin ang mainit at mabango niyang hininga sa aking mukha. “Bati na ba tayo?” hinihingal kong tanong. Marahas siyang bumuga ng hangin. Pero kahit naduduling na ako dahil magkadikit ang aming mga noo ay nakita ko pa rin ang pagsilay ng ngiti sa kanyang mga labi. “Please don’t forget to wear lipstick next time. Your bare lips are too delectable not to taste.” Nangunot ako. “B—Bakit?” Napahawak ako sa labi ako. Alam kong burado na ang lipstick ko no’ng kumain ako kaninang madaling araw. Hindi na ako nakapag-retouch dahil ang dami kong ginagawa. “You don’t have any idea how tempting your bare lips are. Didn’t you know apart from your breasts, these are the sexiest part of your body?” tila hirap niyang sabi sabay kintal ulit ng mabilis na halik sa akin. Marahan ko siyang itinulak. Ramdam ko kasi ang sobrang pag-iinit ng pisngi ko. “Manyak!” singhal ko sa kanya. Tumawa lang siya nang mahina. Napaayos tuloy ako ng damit ko. Kaya pala noon pa man ay lagi niya akong nireregaluhan ng lipstick at sabi niya gamitin ko raw dahil bagay sa akin ang shades ng mga ‘yon. Iyon pala ay may sarili siyang dahilan. “Can I have another taste?” nakataas-kilay niyang tanong sabay dukwang sa akin. “Heh!” Itinulak ko siya. “Pagkatapos mo akong hindi kibuin nang ilang araw hahalik-halikan mo ako nang gano’n!” Hindi ko napigilang magmaktol. He laughed, but after a few seconds, his face turned serious. Kinuha niya ang kabilang kamay ko saka pinisil iyon. “I’m sorry.” Inikutan ko lang siya ng mga mata. “I hope you don’t mind, but are you considering on changing career?” Napamaang ako. Pansin kong tila ingat-ingat siya sa kanyang sasabihin. “Minamaliit mo ba ang trabaho ko? Maayos naman ang pasahod namin. Masaya naman ang trabaho kahit toxic minsan. Lahat naman siguro ng work environment gano’n.” Umiling siya. “That’s not what I mean, Love. I just want you to have a normal life. Normal hours of sleep, and normal days. Aren’t you tired of this set up? We can’t even set a decent date for us because you’re always not available.” Nakagat ko ang aking ibabang labi. Agad kong binawi ang kamay ko sa kanya. “Normal naman ang mga araw ko. Nasasabi mo lang ‘yan kasi gano’n ang uri ng trabaho mo. My body clock is already compatible with this kind of job. Pero sana maintindihan mo na may mga pangarap ako para sa amin ni Nanay. At para maabot ko iyon ay kailangan kong magsumikap. Ito lang ang alam kong trabaho. Sana naman respetuhin mo ‘yon, Alexis.” “I respect your job, Love. I have nothing against it. It’s just that I hate the schedule. It’s like I always have to compete just for you to have time for me.” “Napapagod ka na ba?” hindi ko napigilang magtanong. “No, no, no! That’s not what I mean, Love. It’s just that—” “What?” I became irritated out of the sudden. Napahilot siya sa kanyang sentido. Kakaayos lang namin pero parang magkakasamaan na naman kami ng loob. “Binibigyan naman kita ng oras, ah. Tuwing rest day ko, nakikipagkita naman ako sa ‘yo. Hindi pa ba sapat ‘yon? Are you seriously asking me to drop my job, Alexis? Didn’t you realize it’s my bread and butter? Palibahasa kasi namumuhay ka sa karangyaan kaya hindi mo ako naiintindihan kung doble kayod ako.” A wave of guilt washed his eyes. “Look, I don’t us to argue about this, Love.” “Ikaw ang nagsimula!” untag ko. Hinila niya ako at niyakap. “Please calm down. I’m sorry, Love. I did not mean to make you feel that your time for me is not enough. I just can’t help it. I’m always missing you.” Parang natunaw naman ang puso ko sa sinabi niya. Napabuga ako ng hangin. “I’m sorry,” untag ko. Muli niya akong hinalikan nang mariin. This time it became more intense and deep. I can feel his longing and desire all in the same intensity. Napaungol ako. He’s really a good kisser. The mere brush of his lips took my doubt and fear. Nang muli maghiwalay ang mga labi namin ay maaliwalas na ulit ang kanyang mukha. “I’m sorry,” sabay naming sabi. Nasundan iyon ng tawa. Naiintindihan ko naman ang nararamdaman niya. Siguro nga’y may pagkukulang ako kaya gagawan ko ng paraan para mawala ang agam-agam niya. “Sleep tight,” he mumbled. Hinalikan niya ako sa noo at nagtagal iyon doon nang ilang segundo. “I’m sorry ulit,” mahinang bulong ko. “I prefer the magic words,” hamon niya. Kinintalan ko rin siya ng halik. “I love you, my tampururot boyfriend,” untag ko. Pinisil niya ako sa ilong. “I’m not. I’m just missing you always. You are like a fine wine, the longer I look at you, the more you look delectable and kissable!” untag niya’t muli rin akong hinalikan. “I love you beyond compare. Always remember that,” he whispered and kissed me for the nth time. Bumaba na ako ng sasakyan bago pa mapunta sa kung saan ang palitan namin ng halik. Tumawid sa kabilang kalsada papasok sa footwalk kung saan kami nakatira. Ibinaba pa niya ang bintana saka kumaway sa akin. May ilang mga Marites na nagtitinginan at nagbubulungan. Kumaway ako pabalik kay Alexis bago tuluyang tumalikod. Napahikab ako. Naglakad ako papasok sa eskinita ng bahay. Naabutan ko pa ang pinsan kong si Armea na kalalabas lang ng bahay nila. Naka-uniform na siya. Mukhang papasok na sa trabaho. May sakit kasi ang Mama niya kaya tumigil na siya sa pag-aaral at nagtrabaho na lang. “Bes, pasok na ako. Pakisabi kay Tiyang Mildred na titingnan-tingnan niya si Mama, ah?” untag niya. Tumango ako. Nakita kong mugto ang mga mata niya. “Umiyak ka ba, Bes?” Hindi ko napigilang mag-alala. Armea’s my bestfriend, too. Bata pa lang kami ay magkadikit na kami. Mas matanda lang ako sa kanya nang isang taon. Mukha siya talagang Barbie doll dahil foreigner ang tatay niya. Dati kasing OF W ang Mama niya at naanakan doon. “Wala ‘to. Puyat lang ako,” aniya. Umiwas ng tingin. “Si Tita Adina ba? Kung may kailangan ka para sa gamot niya, may extra pa naman ako dito.” Akma kong kukunin ang pera sa bag ko ngunit bigla niyang pinigilan ang kamay ko. “Ayos lang ako, Bes. Huwag mo akong alalahanin. Kaya ko pa naman. Mas kailangan mo ‘yan sa bahay n’yo,” sabi niya. “Pero—” “Huwag na nga. Ano ka ba? Ayos lang ako, ‘no. Sige, ha? Pasok na ako. Matulog ka na,” untag niya’t humalik na sa pisngi ko. Magkatabi lang ang bahay namin kaya madali lang natitingnan ni Nana yang kalagayan ng kapatid niyang si Tita Adina. Pero kahit magkatabi lang ang mga bahay namin ay madalang lang kaming magkausap ni Armea dahil magkasalungat nga ang schedule ng trabaho namin. Pumasok na lang ako sa bahay. Nando’n na kasi ang mga karpintero na nag-aayos ng kusina namin. Humalik ako kay Nanay nang makapasok na ako sa bahay. As usual, nakahanda na ang kakainin ko pagkarating ko. “Buti naman naisipan mo na ditong kumain. Napapadalas ang pagkain mo sa labas nitong mga nakaraang linggo,” puna ni Nanay. Napangiwi ako. Madalas nga kasing nagbi-breakfast kami ni Alexis sa labas kaya hindi na ako kumakain pagdating ko sa bahay. “Alam mo naman, Nay, ‘yong schedule namin,” palusot ko. “Kahit na, mas maganda pa ring kumain ka ng lutong bahay. Puro ka fastfood,” salungat niya. Ang aga-aga nga ay puro gulay nga ang nakahain sa lamesa. “Kumain na ba ang mga karpintero, Nay?” naitanong ko na lang. “Oo, kanina pa. Kumain ka na diyan nang makapagpahinga ka na,” aniya. Kumain nga ako kasi gutom naman talaga ako. Hindi kasi ako nakakain kanina dahil tampururot si Alexis. Napangiti ako at napahawak sa ibabang labi nang maalala ang nangyari kanina. My boyfriend is so damn good kisser. Hanggang ngayon parang naaamoy ko pa rin ang hininga niya. “Hoy, natulala ka na diyan!” Nabilaukan ako nang bigla akong ginulat ni Nanay. Mabilis kong dinampot ang baso at uminom. “Ano ba naman kayo, Nay? Bakit kayo nanggugulat—” Napasinghap ako nang biglang dumulas ang baso sa kamay ko. Bumagsak iyon sa sahig at nabasag kaya naglikha ng ingay. Natulala si Nanay. Maging ako ay ilang segundong napatulala sa basong naging bubog na. Pero napahawak ako sa aking dibdib nang bigla akong niragasa ng matinding kaba. Na hindi ko alam kung saan nanggagaling. “Alexis,” I mumbled out of the blue. ©GREATFAIRY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD