“WAIT, are you listening to me? I told you, I forgot my e-mail! How can I spell it out to you when I can’t even remember?”
Napahilot ako sa sentido nang biglang tumaas ang boses ng customer sa kabilang linya.
“How about a phone number associated with your e-mail or account, Sir? Do you still have the—”
“I should have told you earlier if I still have it! I just want to use my damn computer! Why the hell do I have to go through those bullsh*ts of verification? You’re not helping me at all! I told you, I forgot my email, that old phone number I’m no longer using is gone! I know nothing!”
I muted the microphone and took a deep breath before speaking. “Sir, for us to fix your issue, we will need to check your account associated with your—”
“You know, what? I’m done! Goodbye!”
“Sir—”
Nagkibit-balikat na lamang ako nang bigla akong binabaan ng telepono ng customer. Buti naman naisipan niya na lang sumuko kasi pagod na akong makipagtalo sa kanya. Halata namang sinusubukan niya lang mang-scam. Puwede ba ‘yon? Nakalimutan ang email pati ang phone number? Halata talagang nag-a-amnesia-amnesia-han lang siya para makapanlamang.
Nagpaalam ako sa floor control namin na maglu-lunch break na lang muna ako dahil kanina pa nga ako dapat naka-schedule. It’s almost two hours before the end of my shift but I haven’t eaten yet.
I locked my computer and tucked my chair. Napahikab ako nang maramdaman kong inaantok na ako. Apat na oras lang kasi ang itinulog ko kanina bago pumasok sa shift. Ang dami kasing ginagawa sa bahay kaya hindi ako makatulog sa ingay ng mga nagpupukpok. Pinapaayos ko kasi ang kusina namin para makagalaw kami nang maayos ni Nanay.
“Hoy, wait! Sabay na tayo, Beh!”
Binagalan ko ang aking paglalakad nang marinig ko ang boses ni Keara. Siya ang pinaka-close ko sa team namin. Maliban kasi sa madaldal siya ay makulit din. Mabilis niyang nakakapagpalagayan ng loob ang sinumang nakakasama niya sa trabaho.
“’Yong customer ko kasi ang dami pang sinasabi, na-long call tuloy ako. Hirap na hirap akong tapusin ang pag-uusap namin, paano kasi pati ang details ng pagdi-divorce nila ng asawa niya ikinuwento pa niya sa akin habang inaayos ko ang computer niya! Nakakaloka!”
Itinapat ko sa scanner ang access badge ko para bumukas ang pinto ng production floor habang nakasunod sa akin si Keara na nagtatalak. As usual, long call na naman siya. Siya lagi ang may pinakamahabang average time handling sa team, kaya lagi siyang nasisita ng team leader namin.
“Eh, bakit kasi nakipagdaldalan ka rin sa kanya? Puwede ka namang sumagot ng mga one-liner lang para tapos agad ang usapan. Narinig kaya kita kanina, nagkuwento ka rin sa kanya tungkol sa huling breakup mo,” sagot ko habang papuntang locker area para kunin ang bag ko. Parang lahat yata ng customers na nakakausap niya ay kinikuwentuhan niya tungkol sa breakup nila ng huling nakarelasyon niya.
Sumunod naman siya sa akin habang nagdadaldal pa rin. Kanina pa rin kasi ako talaga naiihi kaya dumaan muna kami sa restroom.
“Hello? Tawag do’n empathy, Beh! Siyempre, nagra-rapport ako para maganda ang survey na ibibigay sa akin ng customer. Kailangan ma-build natin ang connection sa kanila para maramdaman nila na concerned tayo sa welfare nila. ‘Di ba gano’n naman talaga ang core values ng company?” salungat ni Keara nang makapasok na kami sa restroom.
Dahil weekend ngayon ay walang masyadong mga ahente kaya maluwag ang restroom. Dalawang team lang kasi ang may pasok ngayon.
Napailing na lamang ako.
“Mataas nga ang customer satisfaction survey mo pero bagsak ka naman sa average time handling. Paano na ang incentive mo niyan? Sayang, e ‘di kasama ka sana sa top agents ngayong buwan.”
I heard her snorted. Magaling naman kasi talaga si Keara. Minsan nga mas mataas pa ang satisfaction survey niya kaysa sa akin dahil puro five stars ang nakukuha niya mula sa customers. Maliban pa ro’n ay magaganda pa ang mga verbatim ng customer. Kulang na lang maging isang chapter na ng libro.
“Whatever! Bakit kasi kailangan pang nasa performance metrics natin ang AHT na ‘yan? Nakakaloka! E ‘di ba nga ang goal natin lagi ay matulungan at maayos ang issues ng mga customer? Hindi naman lahat ng issues mare-resolve natin in 35 minutes. Hello? Lalo na kung matanda ang kausap mo at kailangan mo pang mag-baby steps para ma-assist siya!” she shrieked.
“E ‘di mamili ka, kapakanan ni customer? O ang kapakanan ng stats mo?” pabalang kong sagot pagkalabas ko ng cubicle. Lumabas na rin siya.
“Gäga, as if naman may pamimilian tayo. Buti ka pa, nababalanse mo lagi ang rating mo at ang AHT mo. Paano mo ba ‘yon nagagawa?” aniya.
Humarap ako sa salamin at inayos ang pagkakatali ng buhok ko.
“Work smart, Beh. Hindi mo kailangang magsayang ng oras mo sa isang bagay lalo na kung alam mong hindi siya nakakatulong sa ‘yo.”
Natahimik lang siya at ngumiti nang nakaloloko.
I rolled my eyes. “What?”
“Ang lalim kasi ng pinagkakahugutan mo. Seriously? Customer pa ba ang pinag-uusapan natin?” aniya.
“Bahala ka diyan.”
Nilampasan ko siya at naunang lumabas ng restroom.
“Hoy, hintay! Ito naman, ‘di na mabiro.”
“Dalian mo na, gutom na ako,” untag ko at lumabas na. Agad kong pinindot ang elevator.
“Ang bilis mo namang maglakad!” bulalas ni Keara nang maabutan niya ako. Namaypay pa siya ng sarili gamit ang kanyang kamay.
“Daldal mo kasi. Mauubos na ang lunch break natin ‘di pa tayo nakakakain.”
Mabuti na lang talaga at maraming elevator sa building na ito kaya hindi mahirap bumaba para makahanap ng makakainan. Nakakasawa na rin kasi ang luto sa pantry kasi pare-parehong putahe araw-araw ang itinitinda nila, kaya naisipan kong sa fastfood na lang sa ground floor kumain. Bukas naman sila, 24/7.
Pagkarating namin sa baba ay agad kaming um-order. Mga ganitong oras ay kaunti na lang din ang mga customers. Malapit na kasing mag-uwian ang mga nasa opening shift.
“Sigurado kang mauubos mo ‘yan?” I eyed at her tray. Ang dami niya kasing in-order. May dalawang fried chicken, may ice cream, may fries, at float pa.
“Siyempre, bibilhin ko ba ‘to kung hindi ko kayang ubusin?” aniya.
Natawa ako. Kakaiba talaga ang babaeng ‘to. Ang dami niyang kumain sa liit niyang ‘yan.
“Ikaw, ha! May galanteng papabol ka pala, ‘di ka man lang nagkukuwento!” biglang sabi niya nang magsimula kaming kumain.
Pinanlakihan ko siya ng mga mata. “Pinagsasabi mo?”
“Sus, akala mo hindi kita nakita kahapon? Kaya pala hindi mo ako hinintay sa last call ko kasi may susundo pala sa ‘yo! Ang guwapo at mukhang mamahalin!”
Dumukwang ako saka tinakpan ang bibig niya. “Ang boses mo, pakihinaan!”
Nag-peace sign siya sabay lingon sa likod at sa gilid namin. Napatingin nga sa amin ang dumaan na service crew.
“Sorry naman. Hindi ka man lang kasi nagkukuwento. Sino ‘yon, ha? Nililigawan ka ba niya o dyowa mo na siya?”
I rolled my eyes. “Tsismosa ka talaga.”
“Paano kayo nagkakilala? Ano’ng pangalan niya?” she continued.
“Bakit? Interesado ka ba sa kanya?” balik-tanong ko. Inismiran niya ako.
“Duh, hindi ako interesado sa kanya. Interesado ako sa inyong dalawa. Nakakaintriga kasi. Sa wakas naka-move on ka na kay Deo!”
“Keara, ipagsigawan mo na lang kaya para lahat na makarinig?” I grimaced.
Si Deo ang ex ko na dati naming ka-team, pero nahuli ko siyang nakikipaglandian sa iba doon pa mismo sa sleeping quarters. Kaya pinayuhan ko na lang siya na mag-enjoy sila, sabay walk out. After a week ay nag-resign naman siya.
She drew a zip in her mouth with her finger. “Kasi naman, wala ka namang sinagot sa mga tanong ko.”
“Paano ako sasagot e hindi ako makasingit sa ‘yo?”
“Oo nga pala.” She sighed. “Sige na, I’m all ears.”
Napailing ako at kumagat sa burger na in-order ko. It’s almost 6AM. Alas otso kasi ng umaga ang end of shift namin. Panggabi kami at North America at Canada customers ang sinu-support namin.
“Hindi pa kami kaya magdiwang ka na. Puwede mo pa siyang ligawan,” untag ko.
Agad akong umiwas nang akma akong hahampasin ni Keara. Pinaningkitan niya ako ng kanyang mga mata.
“Unang-una, hindi ko ugaling manulot ng pagmamay-ari na ng iba. Sa ganda kong ‘to?”
“Hindi pa nga kami kaya hindi ko siya pagmamay-ari.”
“Gaga, e nililigawan ka niya kaya gano’n na rin ‘yon! Pangalawa, mas bagay kayong dalawa. Baka ‘pag itinabi ako ro’n magmukha pa akong Yaya niya. Hello? Nakita ko kayang isinakay ka niya sa kumikinang na kotse. Ang suwerte mo talaga, Beh! Sana ako rin! May kapatid ba siya? Ireto mo naman ako.”
“Sa driver niya, puwede ka do’n.”
“Nakakainis ka talaga, Beh! Damot mo!”
Napangisi ako saka inubos ang burger ko.
“Ano’ng pangalan niya? Saan kayo nagkakilala, ha?”
“Alexis Buenaventura,” I almost whispered. I didn’t know but by merely mentioning his name made my heartbeat changes its pace.
Keara’s eyes twinkled. She smiled dreamily. “Grabe, pangalan pa lang parang ang laki ng itinatago niya.”
“Hoy!” Pinandilatan ko siya. Kahit kailan talaga.
“What? Ang ibig kong sabihin parang ang laki ng kayamanan niya. Sa kotse pa lang at porma niya parang nakakahiyang lumapit do’n. Ano ba’ng iniisip mo?”
I just shrugged my shoulders and finished my food.
“Ang hirap mo talagang paaminin kahit kailan, Beh. Pero kung ako sa ‘yo sasagutin ko na ‘yon. Mukha naman siyang seryoso sa ‘yo. Kasi ‘di ba ang mga mayayaman na kagaya niya laging busy? Imagine, nagagawan niya ng paraan para masundo ka,” Keara commented. Hindi talaga siya nauubusan ng sasabihin.
Pero sa loob-loob ko ay naisip kong may punto naman siya kahit papa’no. Alexis has been courting me for almost two months. Madalas niya akong sinusundo rito at hinahatid sa kanto malapit sa bahay namin. Tuwing rest day ko ay niyayaya niya akong lumabas pero madalang ko lang siyang napagbibigyan dahil mas gusto kong matulog. Nakakapagod kayang ngumawa sa telepono nang limang araw sa loob ng isang linggo.
“Keara, how will you know if he’s the one?” I asked out of the blue.
“Tangek! Ikaw lang ang makakasagot no’n. Hindi ko naman nararamdaman ang nararamdaman mo. The fact that you are asking if he’s the one is already a sign. You already felt it, but you just want to validate your impression of him.”
That rendered me silent.
“Gosh! Bakit ba ako nag-e-English? Dapat pagkalabas ng production floor expired na English ko, e. Ikaw kasi ang dami mo pang paliko-liko, sagutin mo na kaya ‘yong tao para mas makilala mo pa siya. Siyempre hindi mo pa malalaman ang iba niyang ugali kasi nanliligaw pa lang ‘yong tao sa ‘yo. Wala namang manliligaw na masama ang ugali. Nagpapa-impress pa ‘yon para sagutin mo.”
I couldn’t help but to agree to what Keara said. Kahit madalas loka-loka siya, may sense naman minsan ang mga sinasabi niya.
Hanggang sa matapos ang shift ko ay iyon ang laman ng isip ko. Pagka-log out ko ay hindi agad ako nakaalis nang bigla akong tinawag ng Team Leader ko na pumunta sa station niya.
“TL, ano po ‘yon?”
Umupo ako sa swivel na hinila niya papalapit sa kanya.
“Yuri, napag-isipan mo na ba ang offer? Nangungulit na si OM. Kailangan na kailangan na talaga natin ng additional na SME.”
Napabuga ako ng hangin. Ilang beses na nga akong kinukulit ni TL na maging subject matter expert pero mariin kong tinanggihan dahil masyadong matrabaho. Baka maubusan na ako ng dugo dahil sa kawalan ng tulog. Ang dami pa namang mga pasaway na ahente. ‘Yong SME na naka-assign sa team namin kasi ay nilipat sa ibang team na baguhan. Puro kasi tenured agents na ang nasa amin kaya madalas hindi na namin kailangan ng supervision ng SME.
“TL, madadagdagan ba ang base pay ko kung magiging SME ako? At saka kung puwede sa team na lang natin. Hindi ko pa gamay ang ugali ng ibang mga ahente rito.”
“Oo naman. In fact, besides the base pay increase, meron ka pang allowance. ‘Di ba sabi mo nag-iipon ka? E ‘di kailangan mo ‘yon.”
Marahan akong tumango. “Sige po. Pumapayag na po ako.”
Agad na nagliwanag ang mukha ng team leader ko. “Nice! Sige, ipa-process ko na ito, ha? Puwede ka nang magsimula next shift.”
“Okay po, TL.”
“Enjoy your rest day!” anunsyo niya.
Tumango na ako at nagpaalam na pati sa iba ko pang mga kasamahan na sa kani-kanilang station pa. Sabagay, kapag naging SME na ako ay makakapagpahinga na ang lalamunan ko sa kasasagot ng mga tawag. Tutulong na lang ako sa mga ahente na mag-ayos ng mga cases nila. Madalas pa naman akong pumapasok nang antok lately. Nagigising lang ako kapag irate customer na ang kausap ko. Kung hindi kasi bulyaw ay mura ang naaabot ko.
“Sa wakas, tinanggap mo na rin ang offer ni TL. Para naman may mag-asikaso na ng mga pending cases ko,” ani Keara. Hinintay niya pala talaga ako. Himala hindi siya na-long call sa huling kausap niyang customer. Madalas kasi napapa-OT siya dahil ang haba nilang mag-usap.
“Tigilan mo ako, Keara, ‘wag mong pasakitin ang ulo ko sa cases mo.”
“Okay lang ‘yan, pagkalabas mo naman ng trabaho may stress reliever ka namang naghihintay sa ‘yo,” untag niya sabay tingin sa hindi kalayuan.
Sa labas nga ng lobby ay nando’n si Alexis, kausap niya ang dalawang guard ng building. Bumilis ang t***k ng puso ko nang magtama ang aming mga mata.
He looked dashingly handsome in his black polo shirt. Pinaresan niya iyon ng khaki shorts at brown loafers. Lalong nadidipina ang laki at hubog ng kanyang katawan. Para siyang bida sa isang action movie. Kahit malayo pa siya ay kapansin-pansin ang mabalahibo niyang mga paa. Those hairy legs fit him perfectly. Maliban pa roon ay para akong nahihipnotismo sa titig niya kahit na ilang metro pa ang layo niya sa akin.
“Ipakilala mo naman ako, Beh,” pabulong na sabi ni Keara habang papalapit kami sa kinatatayuan ni Alexis.
“Shït, ang pogi talaga ng manliligaw mo, Beh. Malaman ang hinaharap,” muling bulong ni Keara. Bahagya ko siyang siniko.
“Good morning, gorgeous!” Alexis greeted as soon as I reached where he stood.
Pinasadahan niya ako ng tingin kaya hindi ko maiwasang mahiya. Puting long sleeve polo blouse lang kasi ang suot ko at naka-fitted jeans ako sa ibaba. Smart casual lang naman kasi ang dress code namin. Gano’n pa man ay nakita ko kung paano rumihestro ang paghanga sa mga mata ni Alexis.
“Good morning!” I greeted back when I realized I was gawking at him.
“Good morning, pogi! Keara pala. Ka-team ni Yuri.”
Napailing ako nang inilahad ni Keara ang kanyang kamay. Abot-tainga ang kanyang ngisi.
“Nice meeting you, Keara. I’m Alexis.”
“I know, bukambibig ka nga ni Yuri sa team. Lagi ka niyang ikinukuwento sa amin—aray!”
Nanlaki ang aking mga mata kaya hindi ko napagilan ang sarili kong batukan si Keara.
“Mapanakit ka talaga, Beh!” aniya.
Pero nagimbal ako nang makita ang malawak na ngiti ni Alexis.
“Really?” he asked smiling like he just won a huge prize in the lottery. His eyes looked amused.
“H—Huwag kang magpapaniwala sa pinagsasabi ni Keara!” gigil kong bulalas.
Ngumisi lang ng mala-aso si Keara sabay kindat sa akin. “I got to go. Ingatan mo siya, ha? SME na namin ‘yan!” aniya.
Nakahinga ako nang maluwag nang magpaalam na siya.
“Ah, Keara, puwede ka naman sumabay, ida-drop ka namin sa inuuwian mo,” boluntaryo ni Alexis. As if hindi ko halatang gusto lang niyang kumuha ng tsismis sa kaibigan ko.
“Naku, how I wish, pero out of the way ako, e. Thank you, Alexis! It’s nice meeting you!” ani Keara sabay beso sa akin bilang paalam.
“O, ayan, tinulungan na kita. Bye, Beh!” bulong niya.
Napailing na lamang ako.
Ilang segundong katahimikan ang namayani habang tinatanaw namin palayo si Keara. Nakita ko rin ang iba kong mga kasamahan na kabababa lang. Napapatingin sila sa amin. Tiyak na kantiyaw ang aabutin ko next shift.
“Are you, hungry? We can grab some breakfast before going home—”
“Huwag na,” putol ko sa sasabihin ni Alexis.
“Halos kakakain ko lang, eh. Na-late ang lunch break ko. Kaya busog pa ako. Pero kung gusto mo samahan kita.”
Napahikab ako sa sobrang antok. Nakita iyon ni Alexis kaya napatakip ako ng aking bibig.
“Alright, I will just send you home,” untag niya.
Hinawakan niya ako sa kamay saka hinila papalapit sa nakaparadang kotse niya. Dito pa talaga sa harap ng building. Mahal pa naman ang parking fee dito. Madalas kasi sa second at third floor nagpa-park ang mga tao.
Inalalayan niya akong makasakay sa kotse niya. Hindi ko alam kung ilang sasakyan ang pagmamay-ari niya pero pansin ko, ibang kulay na naman ito. Obsidian black na naman ang dala niya ngayon. Noong nakaraan kasi ay pula.
“Sana hindi mo na ako sinundo. Malapit lang naman ang bahay namin dito. Nanggaling ka pa sa malayo. Ano’ng oras ka umalis sa inyo?” puna ko nang makasakay na rin siya sa driver’s seat.
“An hour ago. Hindi naman masyadong ma-traffic. It’s weekend, remember?”
Napatango na lamang ako. Madalas kapag sinusundo niya ako rito ay kumakain pa kami ng breakfast sa labas bago niya ako ihatid pauwi. Parang kailan lang.
I met Alexis in one of our getaways in Romblon. Nahuli niya akong nagbabato ng pebbles pabalik sa dagat kaya kinausap niya ako. I vented out my frustrations about Deo. Noong mga panahon na iyon ay preska pa sa akin ang mga panloloko niya. Nagkahingian kami ni Alexis ng number. Hindi ko akalain na kikitain niya talaga ako pagbalik namin dito sa Maynila. The rest was history.
“Are you available tomorrow?” he asked after he pulled over. Hindi ko napansing nasa kanto na pala kami papasok sa tinitirhan ko.
“Titingnan ko, baka kasi may pupuntahan kami ng pinsan ko. Rest day niya rin kasi bukas.”
Tumango siya pero nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Alam kong nahihirapan siya sa set up namin kasi parang magkasalungat ang mundo namin. Tulog siya kapag gabi samantalang ako ay gising na gising dahil sa klase ng trabaho ko. Kapag naman sa araw ay tulog ako kaya madalas natatanggihan ko ang pag-aaya niya sa aking lumabas para mag-date.
“Was it true?”
Nagtatanong ang mga matang tiningnan ko siya.
“’Yong sinabi ni Keara kanina. She said you always talk about me. Was it true?”
Umiling ako. Hindi ko rin alam kung ano’ng pumasok sa isip kanina ni Keara.
“Inaasar lang ako ni Keara kanina. Huwag kang maniwala ro’n,” untag ko.
Nang makita kong napalitan ng dismaya ang kanyang mukha ay parang gusto kong bawiin ang sinabi ko. Dumaan ang ilang segundong katahimikan bago niya iyon binasag.
“My parents are coming home next week. I hope you will be available that time,” aniya.
Kumalabog ang puso ko. Matagal na niya akong balak na ipakilala sa mga magulang niya kaya lang laging nai-extend ang bakasyon ng mga ito sa ibang bansa. Kaya ni minsan ay hindi ko pa sila nakikita.
“Titingnan ko rin kung kakayanin ng schedule ko. Ginawa na kasi akong SME ng team namin, e.”
He blew a deep breath. “Susunduin kita,” untag niya.
“Baka kasi mag-overtime ako no’n—”
“Why do I feel like you’re avoiding me, Yuri? May nagawa ba akong mali?”
Nakagat ko ang aking ibabang labi. Marahan akong umiling.
“Wala naman.”
Parang kakapusin ako ng hininga nang bigla siyang dumukwang sa akin pagkatapos niyang tanggalin ang seatbelt niya.
“Then, why? Why do I feel like you don’t want to see me?” malungkot niyang tanong. Kaunti na lang ay maglalapat na ang aming mga labi. Ramdam ko ang mainit niyang hininga sa aking mukha. Lalong nagwawala ang mga kabayo sa dibdib ko.
“Sinabi ko ba ‘yon? Kung puwede nga lang na makasama kita araw-araw, eh.”
“Come again?”
Huli na para mapagtanto ko ang aking sinabi. Napatakip ako ng bibig at nanlaki ang mga mata.
“I heard it, but I want to hear it again,” aniya. Biglang nawalang parang bula ang lungkot sa kanyang mga mata kanina.
Lumikot ang aking mga mata at tila namamawis ang aking mga palad. Bigla akong tinubuan ng hiya sa sinabi ko. Agad kong tinanggal ang seatbelt habang nakayuko. Tiyak na pulang-pula ang mukha ko ngayon.
“Hey! Look at me.”
Kinuha niya ang aking kamay saka marahan niyang hinawakan ang baba ko paharap sa kanya. His eyes were glowing like the bright rays of the sun.
“Does this mean, tayo na?” aniya. I gasped inwardly.
“Nah, it’s not supposed to be a question. This means tayo na talaga,” deklara niya sabay hawak sa aking pisngi.
Sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko ay wala akong naitugon sa kanya kundi tango. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sa kanya na mahal ko na rin siya.
“Damn, finally!” he uttered. Napapikit ako nang kinintalan niya ako ng halik sa noo. Pakiramdam ko sobrang bilis lang niyon kahit na nagtagal nang ilang segundo ang mga labi niya roon.
“I can’t believe this is happening!” bulalas niya.
Unti-unti akong napangiti. Kinuha ko ang kamay niyang nakahawak sa pisngi ko saka pinisil iyon.
“Ako nga ang hindi makapaniwalang sa dinami-dami ng babae sa paligid mo, ako pa ang napili mo.”
Napangisi siya dahil sa sinabi ko. “I don’t know either. But, only you can make me stay awake the whole night but still energetic the next morning, knowing that I get to see you again. This thing here only beats for you.”
Kinuha niya rin ang kamay ko saka ipinatong sa kanyang dibdib. Napakabilis ng t***k ng puso niya. Kasingbilis ng sa akin. That’s when I realized my decision was right.
“I love you!” biglang bulalas niya. Natahimik ako.
“Mahal din kita, Alexis.”
With that, he pulled me close to him and brushed his lips unto mine. It was soft and gentle. Para akong nakalutang sa kalawakan. Napapikit ako sa sobrang lakas ng kalabog ng puso ko.
Nang humiwalay ang labi niya ay agad akong dumilat. Only to see the wide grin on his lips. Napahikab ako. Natawa naman siya.
“I wanted to take you home and cuddle with you, but I know you need to rest. Please text me later when you wake up, hmm?”
Tumango ako. Inalalayan niya akong makababa ng sasakyan. Kahit na antok na antok na ako ay parang ang lakas-lakas ko pa rin. Nilingon ko siya pagkatapos ng tatlong hakbang. Nakapamulsa siya habang nakasandal sa hood ng sasakyan. Hindi nawawala ang ngiti sa kanyang mga labi.
He mouthed I love you.
Napangiti lang ako. “Drive safe,” untag ko bago tuluyang naglakad papasok sa eskinita pauwi sa bahay.
Napahawak ako sa aking mga labi. Pakiramdam ko’y magkalapat pa rin ang mga ito sa kanya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.
Alexis came into my life when I almost lost my faith in love. Pinaramdam niya sa akin na hindi lahat ng lalaki ay kagaya ni Deo. He made me fall for him in a way that I never did before.
Pero para palang bagyo si Alexis. Kung gaano siya kabilis dumating sa buhay ko ay gano’n din siya kabilis nawala.
©GREATFAIRY