Missing Him.
“PASENSYA ka na, Ate Yuri. Kulang kasi ako sa tulog nitong mga nakaraang araw. Kaya nang tumawag ang customer na ‘yan wala pa ako sa sarili ko. Kaya no’ng na-disconnect siya hindi ko na siya natawagan kaagad.”
“Bakit ka ba kulang sa tulog? Ano ba’ng nangyari sa ‘yo?” tanong ko kay Trisha. Isa sa mga ahente na hawak ko.
Natahimik siya’t yumuko. Napabuntonghininga ako.
“Okay lang kung masyadong personal at hindi mo kayang sabihin sa ‘kin. Pero kailangan ko ng action plan mo para tumaas ang score mo ngayong buwan, Trish.”
Tumango siya at pilit na ngumiti. “Huwag po kayong mag-alala, Ate. Magpapahinga po ako nang mahaba pagkauwi ko mamaya para makabawi ako next shift. Kukuha ako ng maraming five stars.”
Tinapik ko siya sa braso. “That’s the spirit. Aasahan ko ‘yan. Alam mo naman na malaking bahagi ng puhunan natin ang health para hindi natin mapabayaan ang trabaho natin. Kaya siguraduhin mong sapat lagi ang tulog mo bago ka pumasok, ha?”
“Opo, Ate.”
“Sige na, Trish. Umuwi ka na nang makapagpahinga ka,” untag ko’t sumandal sa swivel.
Tumayo nga siya at nagpaalam na. Mas bata nang isang taon sa akin si Trisha pero alam kong siya lang din ang inaasahan ng mga magulang niya sa kanila.
Napahikab ako at sinned na ang coaching logs ko sa team leader.
“Kung si Trisha, puyat, ano ang tawag mo sa sarili mo?”
Biglang sumulpot sa gilid ko si Keara. Hinintay niya pala ako.
Hindi ko siya pinansin at tinapos na ang dapat kong tapusin.
“Hoy, Madam Yuri, mukha ka nang zombie. Natutulog ka pa ba? Baka mamaya ikaw na naman ang magkaroon ng lutang moments. Akala mo hindi ko napapansin? Ilang gabi ka nang madalas natutulala. May problema ka ba?”
“Tigilan mo ako, Keara. Umuwi ka na kaya nang makapagpahinga ka na?”
Lumabi siya. “Hindi pa ako inaantok, ‘no. Magwo-work out pa nga ako pag-uwi ko. Ikaw ang tinatawag na ng kama. Tumayo ka na kaya diyan nang makauwi na tayo? Hello? Tayong dalawa na lang ang natitira sa team, oh.”
Nagpaalam na lamang ako sa iba pang SME na end of shift ko na. Muli akong napahikab. Tama si Keara, mukha na nga siguro akong zombie.
“Love, please get some decent sleep.”
“Alexis?!”
Napatayo ako at inilibot ang aking paningin. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko.
“Hoy, wala si Alexis mo rito! Nag-i-imagine ka yata, e.”
Mariin akong napapikit. Guni-guni ko lang siguro ‘yon dahil sobrang antok ko na nga.
Ini-lock ko na ang computer ko’t lumabas ng production floor. Nakasunod lang sa akin si Keara na naguguluhan. Pagkakuha ko ng bag ko sa locker ay dumaan muna ako sa restroom para ayusin ang sarili ko. Tinakpan ko ng concealer ang eyebags ko. Si Keara naman ay pumasok sa cubicle.
Natigilan ako nang makapa ko sa loob ng pouch ang branded lipstick na ibinigay sa akin ni Alexis. Sa totoo lang ay marami ako nito sa bahay at galing lahat sa kanya. Napangiti ako nang wala sa oras nang maalala ang kanyang dahilan kung bakit niya ako binibigyan nito.
Binuksan ko iyon at tiningnan pero sa huli ay tinakpan ko ulit at ibinalik sa pouch. Baka sakaling sumulpot siya ngayong umaga.
Tiningnan ko rin ang cellphone sakaling may text o missed calls galing sa kanya ngunit katulad ng mga nakaraang dalawang araw ay wala siyang paramdam.
Sleep tight, Love. Dream of me.❤
Iyon ang huling text niya sa akin. Hindi na iyon nasundan pa. Hindi rin siya nagpakita sa akin nang dalawang araw na. At umaasa ako na pagbaba ko ngayon sa lobby ay makikita ko siya.
Bumilis na naman ang pintig ng puso ko.
“Keara, halika ka na!”
“Ito na! Nagmamadali ka, ‘te? Inantay kita tapos iiwanan mo ako?” palatak niya pagkatapos lumabas ng cubicle. Saglit niyang pinadaanan ng tingin ang sarili niya sa salamin bago sumunod sa akin palabas ng restroom.
“Atat siyang makita ang sundo niya, oh,” pang-aasar niya. Hindi ko na lang siya pinansin at nagtuloy-tuloy na sa elevator.
Hawak-hawak ko ang cellphone ko. At bawat segundong nasa loob ako ng elevator ay parang isang taon. Ang tagal.
Nang makarating kami sa ibaba ay malalaki ang aking mga hakbang na lumabas ng elevator. Habang si Keara naman ay nagngangawa habang nakasunod sa akin. Pabilis nang pabilis ang t***k ng puso ko habang papalapit sa exit.
“Oh? Kita mo na? Kamamadali mo wala pa naman pala ang sundo mo!” bulalas ni Keara.
Pinaningkitan ko lang siya.
“Heh! Umuwi ka na nga!” singhal ko sa kanya para maitago ang dismaya sa aking mukha.
Ngumiti lang siya nang nakaloloko.
“Sus, ayaw mo pang aminin na name-miss mo siya, e. Ano na? Saan na raw ba siya?” usisa pa niya.
“Siyempre busy ‘yon. Umalis ka na nga!”
Tumawa pa siya. “Ay, kung ako sa ‘yo magtatampo ako sa kanya at hindi ko siya kakausapin. Baka nakahanap na ‘yon ng mas maganda sa ‘yo. ‘Yong hindi mukhang zombie,” bulong niya sa tainga pero malakas naman ang pagkakasabi.
Hinampas ko siya kaya agad siyang lumayo.
“Hindi ka nakakatulong, Keara!”
“Ito na nga, uuwi na. Umuwi ka na rin, Madam SME,” aniya.
Napailing na lamang ako at tinanaw siya papalayo.
Hinigit ko ang aking hininga para pigilan ang pag-alpas ng hikbi sa aking lalamunan. Miss na miss ko na siya kahit dalawang araw pa lang kaming hindi nagkikita. At dalawang araw na rin akong walang matinong tulog dahil hindi man lang siya nagparamdam. Nakailang text na rin ako sa kanya pero wlaa siyang tinugon doon ni isa. Sinubukan ko an rin siyang tawagan pero nakapatay ang cellphone niya.
Nang kumalma na ako ay nagtungo na lamang ako sa sakayan ng jeep para makauwi na. Kung ayaw niyang magpakita sa akin, e ‘di ‘wag. Bahala siya sa buhay niya.
Binilisan ko ang paglalakad, ngunit bigla akong napatigil nang may nabunggo ako. Muntik na akong matumba, mabuti na lang at nasambot niya ako sa baywang.
“Missed me, gorgeous?”
Napaawang ako’t napabitaw sa kanya. Sa inis ko’y hinampas ko siya nang sunod-sunod sa dibdib.
“Gago ka! Tarantado ka! Akala ko kinalimutan mo na ako!”
Tumawa siya at hinuli ang aking palapulsuhan saka hinila ako papasok sa nakaparadang puting kotse. Iba na na namang sasakyan ang dala niya ngayon.
Habol-habol ko ang aking hininga nang makapasok ako. Umikot siya at pumasok sa driver’s seat. Ang kaninang kalmado kong kalamnan ay naghurumintado na naman lalo na nang umusog siya papalapit sa akin.
Pansin kong may benda ang tatlo niyang daliri sa kaliwang kamay.
“Ano’ng nangyari diyan?”
Pareho kaming napatingin sa kamay niyang saibabaw ng manibela.
“Just a little scratch. My phone was snatched.”
“What?”
Nanlaki ang aking mga mata at agad na sinipat ang kanyang mukha at ang kanyang katawan kung may iba pa siyang sugat.
“May masakit pa ba sa ‘yo? Nasaktan ka ba?”
“Hey, I’m fine.”
Hinuli niya ang kamay ko at hinalikan iyon. Itinaas niya ang bintana ng kotse saka ako hinigit para halikan sa mga labi. Napapikit ako’t agad na tumugon.
I missed him bad. Napakapit ako sa braso niya. Ang kaninang inis at sama ko ng loob sa kanya ay parang bulang nawala sa puso ko. Dalawang araw rin kasi kaya akong walang matinong tulog dahil wala siyang paramdam.
Kapwa kami naghahabol ng hininga nang maghiwalay ang aming mga labi. Hinawakan niya ako sa pisngi saka pinakatitigan.
“You didn’t wear your lipstick again.”
Ngumisi ako nang muling bumaba ang tingin niya sa mga labi ko. Muli niya akong hinalikan.
“Are you trying to seduce me?”
“Is it effective?” balik tanong ko sa kanya sabay kagat ng ibabang labi ko.
“Damn it!”
He kissed me one more time. This time it was deep and intense. Napakapit ako sa kanyang balikat nang maramdaman kong ginagalugad ng kanyang dila ang aking bibig. Tila may hinahanap siya at nanggigigil. Sinabayan ko ang kanyang ritmo.
Until I felt him kissing my chin. The side of my ears. Down to my neck and chest. Napaliyad ako nang maramdam ko siya sa tuktok ng aking dibdib. Kahit may damit naman ako ay ramdam ko ang init ng kanyang hininga.
“Alexis!”
I gasped. Rinig kong napaungol siya’t muling napamura. We were panting when he pulled away.
“Next time, don’t forget to cover up, or else we will end up somewhere else,” babala niya saka inayos ang nagusot kong blouse.
Napangiti ako. Pero nang maalala na naman ang hindi niya pagpaparamdam ay napasinmangot ako.
“Bakit hindi ka man lang nagparamdam nang dalawang araw?”
Agad na rumihestro ang konsensya sa kanyang mga mata.
“I’m sorry, Love. Something just came up and I needed to take care of it.”
Kinuha niya ang cellphone kong nahulog sa kandungan ko kanina. He unlocked it. Napangiti pa siya. Alam niya kasing birthday niya ang combination ng lock doon. Nagpindot-pindot siya at pagkabalik niya’y nakarehistro na ang isang numero.
“My new number,” untag niya. Tinitigan ko nang ilang segundo ang mga numero at agad ko iyong namemorya.
“Breakfast?” pagkuwa’y tanong niya.
Dumiretso kami sa isang restaurant. Pansin kong panay ang hawak niya sa akin at parang ayaw niya akong bitiwan kahit may mangilan-ngilang tumitingin sa amin.
Siya na ang um-order para sa aming dalawa. Pagkababa ko kanina sa building ay antok na antok ako pero nang dumating siya ay parang nagkaroon ako bigla ng energy sa katawan.
“I’ll just use the restroom. I’ll be quick, hmm?” paalam niya’t hinalikan ako sa ulo.
Tumango ako at nanatiling nakaupo habang hinihintay ang order namin. Taimtim akong nagpasalamat at nawala na ang agam-agam ko nitong mga nakaraang araw. Natakot ako at nagkaroon ng kung anu-anong conclusion. Nakonsensya ako na pinag-isipan ko siya nang masama noong wala siyang paramdam.
“Nice catch, Babe.”
Napaangat ako ng tingin nang marinig ang pamilyar na boses. Namilog ang aking mga mata at agad na na napaayos ng upo nang makilala iyon.
“Deo?”
“The one and only!”
Naupos siya sa katapat kong upuan, kung saan nakaupo si Alexis kanina.
“So, who’s your date in this expensive restaurant, huh?” maangas niyang tanong saka pinasadahan ako ng tingin. Nag-init ang ulo ko.
“Wala ka nang pakialam doon. Umalis ka na nga.”
Tumawa siya. “You’re still beautiful as always. Hindi mo man lang ba ako na-miss?”
Napaawang ako’t sinamaan siya ng tingin. “Seriously?”
Ngumisi siya. “Don’t tell me you’re still mad at me for breaking up with you?”
Nginisihan ko rin siya. “I was the one who broke up with you, remember?”
“Oh, yeah. I forgot, but that’s after you found out about me and Ellen. But, you know what? I realized you are better than her. So, if you don’t mind, we can make up with the past.”
Hindi makapaniwala ko siyang tiningnan. Hinawakan niya ako sa kamay pero agad ko siyang iwinaksi.
“Bitiwan mo ako,” banta ko.
“Please, Yuri?”
“Fvck off!”
Sa isang iglap ay nakabulagta na sa sahig si Deo.
©GREATFAIRY