"ANAK, okay ka lang ba?” Napapitlag ako nang bigla akong hinawakan ni Nanay sa balikat. Hindi ko napansing nakalapit na pala siya sa akin. Agad akong tumango at ngumiti sa kanya. “Lagi naman akong okay, Nay. Kailan pa ako hindi naging okay?” She stared at me suspiciously. “Ngayon. Nitong mga nakaraang araw pansin ko parang ang lalim lagi ng iniisip mo. Parang ang layo lagi ng nilalakbay ng mga mata mo. Iniisip mo pa rin ba ang nangyari sa bahay natin?” Yumakap ako sa kanya para kumuha ng lakas. Hindi ko alam kung kaya pa ng puso kong magmamamanhid-manhidan sa mga nakikita ko. Natanggap ko na sa sarili ko ang nangyari sa bahay namin, at alam kong makababangon din kami. Pero hindi ako siguardo kung pati ang puso ko ay kaya pang bumangon sa kabila ng lahat. Dahil araw-araw akong naduduro