PUPUNTA kami ng mall ngayon para mamili ng mga importanteng gamit at para makapag-withdraw na rin ng perang pang-allowance namin. Nang tingnan ko sa mobile banking app ko ay nasa thirty thousand lahat ng pinagsama-samang tulong ng mga officemates ko. Malaking tulong na rin iyon sa aming apat, lalo na wala kaming naisalbang gamit maliban sa shoulder bag ko at isang bag na may lamang kaunting damit ni Nanay. Pagkatapos naming mag-usap kanina ni Armea ay medyo lumuwag ang aking pakiramdam. Kahit papaano ay nai-vent out ko ang sama ng loob na nararamdaman ko, kahit na hindi ko naman inidetalye sa kanya ang tungkol sa amin ni Alexis. I didn’t tell even a single hint about our past. Una, dahil sa natakot ako na baka kung ano ang maging reaksyon ni Nanay at ni Tita Alicia kasi clueless sila. Pan