“MA’AM, darating pa po ba ang kasama n’yo?” Bigla akong nairita nang lumapit na naman ang isa sa mga staff ng restaurant. Obvious naman na naghihintay ako ng kasama, nagtatanong pa. Napalagay ako ng isa pang plato sa harap ko. Pero hindi ko muna ginalaw ang pagkain kahit mahigit dalawang oras na itong nai-serve sa akin. Wala pa kasi si Alexis. “Miss, puwede ba? Pabayaan n’yo ako ritong maghintay nang tahimik? Kanina ka pa pabalik-balik. I paid for this food. Karapatan kong magdesisyon kung kakainin ko ang mga ito o hindi. At kung kung ano oras ako kakain.” I tried to sound respectful despite my urge to shout at her. “Pero, Ma’am, dalawang oras lang po ang pina-reserve ninyo. Naka-reserve na po kasi ito ulit at parating na ang customer namin na ‘yon.” I breathe heavily. Inilabas ko