CHAPTER 5

2516 Words
“BIHIS na bihis ka, Yuri. May lakad ka?” puna ni Nanay nang makita niya ako palabas ng kuwarto. “May kikitain lang po ako, Nay.” Pinasadahan niya ako ng tingin. Napatingin din tuloy ako sa kabuuan ko. Isinuot ko ang kuwintas na ibinigay sa akin ni Alexis no’ng nakaraan. Bagay kasi ito sa dress na binili ko. “Hmm, ikaw ba ay nagpapaligaw na?” nakataas-kilay na usisa ni Nanay. Kung alam mo lang, Nay. May nobyo na nga ako, eh. Gusto ko sanang magtapat sa kanya pero mas gusto kong magkasama kami ni Alexis kapag darating ang oras na iyon. “Bakit po? Bawal po ba, Nay?” balik-tanong ko. I wore a floral off shoulder dress. Pero may spaghetti strap pa rin ito kaya may support pa tin para hindi tuluyang mahulog sa balikat ko. “Hindi naman sa bawal. Malaki ka na at may sarili kang isip. Ang akin lang ay kilalanin mo muna nang maigi ang mga nanliligaw sa ‘yo. Baka mamaya umuwi kang luhaan.” Napailing ako. “Huwag kayong mag-alala, Nay, kaya ko ang sarili ko.” “Naku, anak, nasasabi mo lang ‘yan kasi hindi mo pa nararanasan ang masaktan ng isang lalaki.” Natawa ako. Hindi rin pala alam ni Nana yang tungkol kay Deo at sa naging ka-fling ko no’ng kolehiyo. “Salamat, Nay. Pero ‘wag po kayong mag-alala, sila muna ang iiyak bago ako.” Napangiti ang nanay ko dahil sa kanyang narinig mula sa ‘kin. Na parang sinasabi niyang proud ako sa ‘yo, anak. “Ano, Nay? Maganda ba?” Umikot ako para makita niya ang kabuuan ng suot kong dress. “Maganda, ‘nak. Mukha kang mamahalin!” Nag-high five kaming dalawa. Naupo muna ako saka tiningnan ang cellphone ko pero wala pa ring text sa akin si Alexis. Actually mula pa kahapon ay wala siyang text. Kaya naisipan kong ako na lang ang magpadala ng mensahe. Papunta ka na ba? Pagkatapos kong mai-send iyon ay ipinatong ko muna sa sofa ang cellphone ko saka sumandal. Si Nanay naman ay dumiretso na sa likod para maglaba. Bitbit niya kasi ang laundry basket na naglalalaman ng marumi niyang damit. Madalas wala pang dalawang minuto ay may reply na kaagad si Alexis sa text ko, pero ngayon ay nagulat ako nang mapansing sampung minuto na ang nakalilipas pero wala pa rin siyang reply sa message ko. Hey, I’m ready! Saan tayo magkikita? Muli akong nagpadala ng text. Naghintay ulit ako ng ilang minuto ngunit katulad kanina ay hindi siya tumugon. Kaya nagtaka na ako. Sinubukan kong i-dial ang numero niya ngunit nagulat ako nang operator lang ang sumagot sa akin. Out of coverage area ang cellphone niya. Nasapo ko ang aking noo, ngunit gano’n pa rin nang sinubukan ko siyang i-dial ulit. Baka nag-low battery lang ang cellphone niya. Hindi ako dapat mag-isip ng masama. Naghintay pa ako ng ilan pang minuto bago siya muling tawagan ngunti gano’n pa rin. Hanggang sa ang ilang minuto ko ay umabot na ng mahigit isang oras. Hindi ko pa rin siya ma-contact. Niragasa ako ng takot at kaba. Ano’ng nangyari sa ‘yo, Alexis? Hindi kaya may biglang emergency? O ‘di kaya may nangyaring masama sa kanya? Huwag naman sana. Hindi ko kakayanin. “Oh? Nandito ka pa rin? Akala ko umalis ka na kanina pa?” Nakagat ko ang aking ibabang labi. Natapos nang maglaba at lahat-lahat si Nanay ay wala pa ring Alexis na dumating para sunduin ako. Hindi ko rin siya ma-contact. Wala rin naman kasi akong ideya kung saan kami makikipagkita sa parents niya. “May hinihintay ka ba, anak?” “Wala, Nay. Pasok muna ako kuwarto, ah?” untag ko saka nagdire-diretso tumayo at pumasok sa kuwarto. Naupo ako sa kama at sinubukan ulit na kontakin ang cellphone ni Alexis ngunit wala akong napala. Naghintay pa ako ng isang oras, dalawa, tatlo. Hanggang sa lumagpas na ang pananghalian ay walang nagparamdam ni anino ni Alexis. Halos mapaiyak ako sa inis. Nagpalit na lang ako ng damit saka lumabas ng kuwarto dahil tinawag na ako ni Nanay na kumain. Pero bago ako lumabas ng kuwarto ay tiniyak ko munang walang bahid ng luha ang aking mga mata. “Oh? Nakabihis ka na ng pambahay. Hindi ka na ba aalis?” “Hindi na, Nay, may biglaang lakad kasi ang kaibigan ko kaya hindi na kami matutuloy.” Nagtatakang tiningnan ako ng nanay ko. Parang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko. “Oh, siya. Kumain na tayo.” Tumango ako at walang imik na dumulog sa hapag. Kahit na sa loob-loob ko’y gusto kong sumabog sa inis. Pinaasa lang kaya ako ni Alexis o nakalimutan niya lang na may usapan kami ngayon? Pagkatapos kong kumain ay muli ko siyang sinubukang kontakin, ngunit nabigo ako. Hindi pa rin matawagan ang cellphone niya. Kaya malamang hindi niya nabasa ang mga text ko. Humilata na lamang ako sa kama at doon ko ibinuhos ang aking mga luha. Baka hindi naman kasi talaga siya seryoso no’ng sinabi niyang ipakikilala niya ako sa parents niya. O baka bigla na lang siyang natauhan na hindi pala niya ako kayang iharap sa mga magulang niya dahil malayung-malayo ang estado namin sa buhay. I drowned on my own thoughts. Pero ang akala ko ay kikitain niya naman ako kaagad sa susunod na araw para magpaliwanag. Pero walang Aexis na dumating. I kept contacting his phone number, but it’s still out of reach. Dumating pa sa puntong hinanap ko siya sa social media, ngunit wala. Hindi ko rin naman alam kung ano ang exact address niya sa Makati. Paano ko malalaman kung saan ko siya pupuntahan? Or maybe my second intuition was right, he was never serious about everything. Hindi lang isa o dalawang araw siyang hindi nagparamdam. Umabot na ng mahigit isang linggo. Nawalan tuloy ako ng focus sa trabaho dahil lagi ko siyang iniisip. “Okay ka lang, Beh?” biglang tanong ni Kiara habang sakay kami ng elevator pababa sa lobby. Mag-uuwian na naman. At panibagong umaga na naman para umasa ako na may biglang sumulpot na Alexis sa lobby ng building para sunduin ako at ihatid sa bahay bago siya pumasok sa kanyang trabaho. Tango lang ang itinugon ko kay Keara at dire-diretsong lumabas ng elevator nang bumukas na ito, hudyat na nasa ibaba na kami. “Sandali, Yuri! Are you really okay?” “Of course!” matabang kung sagot at nilagpasan si Keara ngunit bigla siyang umabante saka humarang sa daraanan ko. “Akala mo ba hindi ko napapansin na ang tamlay mo nitong mga nakaraang araw? Parang kang gulay na malanta na. Magsabi ka nga ng totoo, may problema ka ba?” “Wala.” “Huwag ako, Yuri. Bakit iba ang nakikita ko sa mga mata mo? ‘Yong totoo? Nag-away ba kayo ni Alexis? Akala mo ba hindi ko rin napapansin na hindi ka na niya sinusundo?” Yumuko ako nang mahulog ang isang mainit na butil sa mata ko. Agad ko iyong pinalis. Ayaw kong may makakita sa akin na ganito kahina. “Tara, kain tayo. Libre ko,” untag ni Keara. Nagpatianod ako sa kanya nang hinila niya ako papasok sa fastfood na nasa ground floor din ng building. Para lang akong robot na sunod-sunuran sa kanya nang pinaupo niya ako sa nahanap niyang puwesto, saka siya tumayo at um-order. Nang bumalik si Keara ay marami siyang dalang pagkain sa tray niya. Natawa ako nang bahagya sa kanya. “Ang dami niyan, kaya ba nating ubusin ‘yan?” “Siyempre, mukhang mahaba-habang pag-uusap ang kailangan natin, e. Gusto mo ba inuman na lang tayo para mas masaya?” Tinampal ko siya nang mahina sa braso nang makaupo na siya. “Baliw! Ang aga-aga pa para mag-inom, at saka hindi ako umiinom,” asik ko. “Kaya nga kumain na lang tayo para may energy tayong mag-move on sa mga nagbibigay ng sakit sa atin,” tugon niya. Napasimangot ako. “Ayaw mo talaga akong tigilan diyan? Okay nga lang ako.” “May okay bang umiiyak?” Mabilis kong pinalis ang mga luhang nalaglag sa mga mata ko. Hindi ko napansing lumuluha na pala ako dahil nakatuon sa pagkain ang atensyon ko. For some reason, I wanted to at least settle my eyes on things that could divert my attention. “Sure ka? Libre mo ‘to lahat?” paninigurado ko. “Oo naman! Sira ka, siyempre ako ang nagyaya sa ‘yo, eh!” aniya. Kahit madalas naman akong binubuwisit ni Keara, ramdam kong concerned siya sa akin. She’s trying to lighten up the mood. Kahit na ramdam ko sa puso ko na malapit na akong bumigay. “Kain na tayo! Tapos makikinig ako sa ‘yo.” Napailing ako. Ayaw niya talaga akong tigilan. “Hayaan mo na ako, mawawala rin ito. Salamat, ah?” “Tulungan kitang maghanap sa kanya. Ano ba full name ni Alexis? Magtatanong-tanong ako,” sabi niya pero agad akong umiling. “Sa tingin mo, Keara, alin ang mas mahirap hanapin? Ang nawawala o ang nagtatago?” Saglit siyang natigilan at nabitin sa ere ang pagkagat niya sa chicken sandwich. “Ibig mo bang sabihin ay pinagtataguan ka ni Alexis?” Marahan akong tumango habang pilit na ngumingiti. Para siyang bula, ang ganda-ganda niyang tingnan habang nandiyan siya. Ang perpekto. Parang wala kang makikitang mali hanggang sa pumutok na na lang at ito at nawala. “Baka naman nagka-emergency lang ‘yong tao.” “Nang gano’n katagal na hindi siya nagparamdam? Ni gatuldok na text wala man lang siyang pinadala sa akin? Magdadalawang linggo na, Keara. Ni hindi nga siya sumipot sa araw na kikitain namin ang parents niya, eh. I guess hindi talaga siya seryoso no’n.” “May point ka, Beh. Pero naniniwala ako na malalaman din natin ang dahilan kung bakit bigla na lang siyang hindi nagparamdam sa ‘yo.” How I wish. Pinipilit ko namang intindihin kung may mas importante lang siyang inaasikaso. Pero hindi ko maiwasang magngitngit dahil pakiramdam ko ay wala lang siyang pakialam sa nararamdaman ko na bigla na lang siyang hindi magpaparamdam nang gano’n gano’n lang. Pakiramdam ko ay hindi ako mahalaga para sa kanya para ipaalam niya sa akin ang mga ginagawa niya. Gulong-gulong ang utak ko. At the back of mind, I’m trying to defend him so my judgment would be fair. Pero hindi ko makokontol ang nararamdaman kong sakit. Umabot na ng dalawang linggo kaya gumawa na ako ng ibang paraan para makausap siya. Pagkatapos ng out koi sang umaga ay agad akong dumiretso sa palagi naming pinupuntahan para kumain. “Pasensya na po, Ma’am. Full na po ang reservations namin ngayon.” “Gano’n ba?” Dismayadong napabuntonghininga ako dahil sa sinabi ng isang staff ng Art’s Kitchen. Nang silipin ko ang loob ay totoong occupied na nga ang lahat ng mga lamesa. Hindi na nakapagtataka dahil ito ang main branch nila. “S—Sige, babalik na lang po ako bukas.” Magalang akong tumango sa staff. Pansin kong parang titig na titig din siya sa ‘kin. “Kung gusto n’yo po ire-reserve ko na po kayo bukas. Ano po bang oras ninyo gusto? Sa hapon po puno na, ah?” “Tamang-tama, puwede mo akong i-reserve mga 10AM. Please?” “Sige po, Ma’am. Pahiram na lang po ng ID ninyo para mai-log ko kayo.” Agad kong kinuha ang ID ko sa loob ng bag at ibinigay iyon sa kanya. Sinundan ko lang siya ng tingin, pero hindi ko maiwasang mapatingin ulit sa dining area. Nagbabakasakaling makita ko ang hinahanap ko. Ngunit ni anino niya ay wala. “May kasama po ba kayo, Ma’am?” Saglit akong natigilan sa tanong na iyon. “Ah… yes. Reservation for two, please?” “Okay, Ma’am.” “Heto na po ang ID n’yo, Ma’am. Salamat po. Kung sakaling may changes po, puwede n’yo po kaming tawagan 3 hours prior your reservation. Nandiyan na po ang numero namin sa flyer.” “Sige, maraming salamat.” Tumango ako at nagpaalam pagkatapos magpasalamat. Isang lingon pa ang ginawa ko bago tuluyang lumabas ng restaurant. Mabibigat ang aking hakbang habang paalis. Pero wala naman sigurong masama kung susubukan ko bukas na maghintay rito. Hindi ko alam kung may kasiguraduhan na makikita ko siya rito. Pero sa likod ng isip ko’y parang may bumubulong na kailangan kong pumunta rito. I am becoming desperate, but two weeks of not showing himself up is too much for me to handle. Hindi ko nga alam kung ano’ng dahilan niya kaya hindi siya nagpapakita. Noong una, dalawa, at tatlong araw ay hindi pa ako nag-isip ng masama dahil baka busy lang siya at maraming inaasikaso kaya hindi niya ako napuntahan. Ano ba’ng nangyari kay Alexis? Noong tiwagan ko naman ang cellphone niya ay out of coverage area na naman iyon. Naghahalo ang takot at inis sa puso ko. Did he really forget about me or he just wanted to dump me off like a rotten potato? Biglang sumagi sa isip ko ang mga araw na tinatanong niya ako kung may balak akong mag-change career. Gusto niya raw akong makasama at maka-date nang normal. Napagod na kaya siya sa akin? Tumingala ako para pigilan ang luhang nagbabadya sa aking mga mata. Pagkababa ko ng jeep sa kanto pauwi sa bahay ay namataan ko si Armea na kabababa lang din ng magarang kotse. Saan kaya siya nanggaling? Pinalis ko ang luha ko at hinanda ang ngiti ko sa kanya. “Sino ‘yon?” untag ko at sinabayan siya sa paglalakad. “Ay, palaka!” Napahawak siya sa kanyang dibdib. “Yuri naman! Nanggugulat ka!” “Sino ‘yong naghatid sa ‘yo at saan ka galing?” “Si Gabriel. May binili lang ako sa labas.” Itinaas niya ang bitbit niyang supot. Bumuntonghininga ako. “Kung nanliligaw ‘yon sa ‘yo, mag-isip-isip ka. ‘Yang mga mayayamang lalaki, mabilis ‘yan silang magsawa. Paiiyakin ka lang nila. Kaya kung ako sa ‘yo, maghanap ka na lang ng simpleng lalaki pero kaya kang panindigan!” Nangunot siya sa akin. “Okay ka lang, Besh? Ba’t parang galit ka?” inosenteng tanong niya. Napapilig ako ng ulo. “W—wala. Sige na, pasok na ako,” tugon ko. Nasapo ko ang aking dibdib dahil para itong sasabog sa sobrang sama ng loob. “Oh, nandito ka na pala, ‘nak. Magpalit ka na at kumain,” ani Nanay pagkapasok ko sa bahay. “Busog po ako,” maikling sagot ko. Hinagod niya ako ng tingin. “Hindi ka mukhang busog. Kilala kita kapag gutom ka, mukha kang galit,” untag niya. Napangiwi ako. Ngayon ko lang napatunayan sa sarili ko na tama pala ang desisyon ko no’n na hindi ipakilala si Alexis kay Nanay dahil kung nagkataon ay hindi lang ako ang nasasaktan ngayon. I’m still glad I was able to save my mother from false hopes. Lalo na at hindi rin naging maganda ang relasyon nila noon ni Tatay. Nasaan ka na ba, Alexis? ©GREATFAIRY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD