“KANINA pa kita hinihintay sa labas ng production floor, dito ka pa rin pala. May balak ka bang tumira dito sa office, Beh?” Saglit akong umangat ng tingin nang marinig ko ang boses ni Keara na papalapit. Hindi ko naman sinabi sa kanyang hintayin niya ako. Isa pa ay magkaiba kami ng way pauwi. “Seryoso? Puwede mo namang gawin ‘yan bukas. Ikaw na lang ang tao rito sa team natin. Wala ka ba talagang balak umuwi?” talak niya pa sabay pamaywang. Nasa gilid ko na siya. Nagkibit lang ako ng balikat at ipinagpatuloy ang pagdudutdot sa keyboard. Ako kasi ang nag-e-edit ng daily log in ng mga ahente sa team ko dahil wala na naman ang team leader ko. Binigyan na nga ako ng access. “Come on, Yuri! Get a life! Halika na!” Hinila niya ako patayo pero hindi ako natinag sa upuan. Inikutan niya ak