CHAPTER 3

1622 Words
PINAULANAN niya ng suntok si Deo nang akma pa itong babangon, kaya napatulala ako. Mabilis na dumalo sa amin ang mga guard at mga waiter na nakasaksi sa pangyayari. “Sir, tama na po,” awat ng isang guard. Napasinghap ako nang makitang pumutok na ang labi ni Deo. Napatakip ako ng aking bibig. “The next time you f*cking touch my woman, I will f*cking wring your neck!” Iwinaksi niya lang ang mga umaawat sa kanya at muling tinadyakan si Deo. Natauhan ako at agad siyang niyapos sa kanyang baywang mula sa likod. “Alexis, tama na!” His breathing hitched when he stopped. Hinawakan niya ang mga kamay kong nakayakap sa kanya saka pumihit paharap sa akin. Agad na dinaluhan ng mga guard si Deo saka inalalayan itong tumayo. “From now on, ban that idiot from entering this restaurant. Do you understand?” parang among utos niya sa mga guard na ngayon ay bitbit na si Deo. “Areglado, Boss!” Napaawang lang ako nang binitbit na ng mga guard ng Art’s Kitchen si Deo palabas. Wala na itong lakas na manlaban dahil bugbog-sarado na ni Alexis. Nakatingin lang sa amin ang mga waiter na tila hindi makapaniwala sa mga nangyari. Pero agad silang nagsipulasan nang binalingan sila ni Alexis. Para silang natakot? Hindi ko alam. “You okay?” he asked. Sinipat niya ako ng tingin mula sa mukha hanggang sa ibaba. Mabilis naman akong tumango. “O—Okay lang. Nabigla lang ako.” Bumuntonghininga siya saka inayos ang nakatabing na buhok sa mukha ko. “Let’s look for another restaurant,” untag niya pero mabilis akong tumanggi. “Huwag na. Nakaabala na tayo sa kanila, nakakahiya naman kung hindi pa tayo kakain dito.” He smiled. Nawala na ‘yong nakakatakot niyang awra kanina. “Believe me, we didn’t,” untag niya. Kung makautos kasi siya sa mga guard at mga waiter dito parang siya ang may-ari ng restaurant. Hindi ko maiwasang mahiya. I smiled apologetically to one of them. Ngumiti lang ito pabalik at tumango. “Hindi mo na kasi dapat pinatulan si Deo,” puna ko bago naupong muli. He groaned and held my hand. “He was trying to hold you. I saw what happened.” Napailing ako. Mabuti na lang talaga wala pang ibang customer ang restaurant na ‘to dahil mukhang mamahalin at tanging elites lang ang nakakapasok dito. “Kahit na. Kaya ko naman ang sarili ko.” Dahil sa nangyari ay nawala ang antok ko. Hindi ko alam kung ano’ng nagdala kay Deo rito pero isa lang ang sigurado ako, hindi naging maganda ang kinalabasan ng relasyon niya sa ipinalit niya sa akin. Maybe that was his prize for cheating on me. I hope he’ll learn his lesson. After what happened, nagpapasalamat pa nga ako na wala na kami. At least, nakita ko na ang isa sa mga masamang side niya. Maybe God let everything happened to protect me. “Don’t he dare get himself near you again, I will send him to hell,” he declared almost catching his breath. Halos lumabas na ang mga ugat sa kanyang leeg at napahigpit ang hawak niya sa kamay ko. Napabitaw lang kami sa isa’t isa nang dumating na ang in-order namin kanina. Ngumiti lang ako at nagpasalamat sa nag-serve ng pagkain, pero si Alexis ay nakakunot ang mga noo. Hindi ko alam kung hanggang kailan siya hindi maka-get over sa galit niya kay Deo. “Let’s eat?” yaya ko sa kanya. Parang babatukan ko nga ang sarili ko dahil sumagi sa isip ko ang mga araw na umiyak ako dahil natuklasan kong pinagtataksilan ako ni Deo. Nakakatawa lang. Para pala akong tanga dati na umiyak sa taong hindi naman karapat-dapat na iyakan. I just realized how jerk he can get. “Can you do me a favor, Love?” biglang sabi ni Alexis habang kumakain kami. Napatigil ako at itinuon ang aking atensyon sa kanya. “Sure, what is it?” “Please refrain from smiling at everyone around you. You might get someone’s attention. I don’t want an additional jerk to kick their ass.” This time, ako naman ang napakunot sa kanya. Pagkuwa’y natawa ako sa sinabi niya. He just groaned. “Seriously?” “Of course, I am. You attract more people when you smile,” seryosong sabi niya habang nakatitig sa akin. Napailing lang ako saka tinapos ang pagkain. Mabuti na lang at ang husay ng mga waiter dito. Nagpatuloy sila sa kanilang trabaho na parang wala lang nangyaring bugbugan dito kanina. Natapos kaming kumain na nakatitig lang sa akin si Alexis. Kahit kumakain siya ay parang wala roon ang atensyon niya. I’d stopped midway to remind him to finish his food. “The nearest mall is already open. Would you like to watch movie?” pagkuwa’y sabi niya. Napatingin ako sa oras sa bisig ko. “May pasok ka pa, ‘di ba? Late ka na nga nang isang oras,” puna ko. At the back of my mind, I wanted to spend a little longer of time with him. Na-miss ko kasi talaga siya dahil dalawang araw din kaming hindi nagkita. Inilabas niya ang cellphone niya at nagpindot-pindot doon. Pagkatapos ay humarap siya sa akin. “I’m sure Dad will understand. So, let’s go?” Tumayo siya at inilahad sa akin ang kanyang kamay. Walang pag-atubiling tinanggap ko iyon. Lumabas kami at sumakay sa kotse niya. Bago ‘yon ay magpapasalamat pa sana ako sa mga waiter ngunit inakbayan na niya ako at isiniksik sa kanyang dibdib. Magtatanghali na kaya medyo inaantok na ako. Lalo na at nabusog din ako ng kinain namin. Parang nawala lang iyon saglit kanina dahil sa nangyari. Pero ngayon ramdam kong bumibigat na ang talukap ko. Mabuti na lang talaga at naisipan kong maglagay ng concealer kanina kaya natatakpan ang eyebags ko. Kahit inaantok na ay nangingibabaw sa akin ang kagustuhan kong makasama siya. Kahit ngayong araw lang. Mahaba pa naman ang oras na itutulog ko bago pumasok ulit mamayang gabi sa trabaho. Ang sci-fi movie ang binili naming tickets. Naghintay lang kami ng ilang minuto bago magsimula. He bought popcorn and water for us. Kinuha ni Alexis ang kamay ko saka pinaghugpong ang aming mga daliri. Pati ang arm rest na nakaharang sa pagitan namin ay tinanggal niya saka pinasandal ako sa kanyang balikat. Wala sa sariling nailibot ko ang aking paningin dahil baka may nakakakita sa amin. Good thing kaunti lang ang mga nanonood dahil halos kabubukas lang ng theater. At para wala namang pakialam ang mga tao. “This feels better,” untag niya. “Hmm. . .” Tipid lang akong tumango. I felt his lips on the top of my head. Palihim akong humikab nang magsimula ang pelikula. Nilalabanan ko ang antok pero dahil nakasandal ako kay Alexis ay parang idinuduyan pa nga ako. I can say this is a dreamy escapade with Alexis. Sana lang marami kaming oras para magawa ito. Malapit naman nang maayos ang bahay kaya kung sapat na ang ipon ko ay babalik na lang ako sa pagiging ahente. Para mas marami akong oras para sa kanya. Dalawa lang kami ni Nana yang nakatira sa bahay kaya sapat na sa akin na wala nang second floor iyon. Ang importante ay maipa-concrete ko mula itaas hanggang sa ibaba. At maging ventilated iyon para komportable kaming gumalaw sa bahay. Bata pa lang ako ay sanay na akong si Nanay lang ang kasama ko. Siya ang nagtrabaho para sa aming dalawa para makapagtapos ako ng pag-aaral ko. Naalala ko pa no’n, kahit wala na siyang makain, ang mahalaga sa kanya ay busog ako. She’d shared a meal with me na ako lang ang kumakain at siya ay tubig lang. Kung hindi lang talaga nagloko ang Tatay ko ay maayos sana kami. Pero namatay na siya at lahat hindi ko pa rin maunawaan kung paano niya nagawang pagtaksilan si Nanay gayong napakabait naman niya. Kaya nangangako ako sa sarili kong gagawin ko ang lahat para hindi mangyari sa akin ang nangyari sa mga magulang ko. Gagawin ko ang lahat para maging sapat kay Alexis. Even if that means I have to endure my sleepiness. Pero talagang malakas kalaban ang antok. Ang huling naaalala ko lang ay may nagbabarilan sa pelikula bago ako iginupo ng antok. Nagising na lamang ako nang maramdaman kong may sumusuklay-suklay sa buhok ko gamit ang daliri. Napaangat ako ng tingin at agad na nanlaki ang aking mga mata nang mapagtantong patapos na ang pelikula at lumalabas na ang credits. I heard Alexis chuckled. “Imbes na ikaw ang manood ng movie, ang movie ang nanood sa ‘yo,” biro niya. “S—Sorry!” Napatampal ako ng noo at agad na sinipat ang balikat niya at ang paligid ng bunganga ko. Baka kasi tumulo ang laway ko. Narinig ko naman ang mahina niyang tawa. “It’s okay. You looked cute while sleeping on my shoulder. I’m sorry for waking you up.” “Hindi ka ba nangalay?” paninigurado ko. Umiling siya habang nakangiti pa rin. Pinisil niya ako sa baba. “How I wish we could stay in that position for the whole day.” Lumabi ako. “Halika na nga. May pasok ka pa. Half day ka na lang niyan.” Pero ang loko-loko, ngumisi pa at bigla na lang akong hinalikan sa labi. Hindi ko iyon napaghandaan kaya nanlaki ang aking mga mata. It was fast and deep kiss. Napatulala ako at agad na inilibot ang aking mga mata. Buti na lang kami ang huling lumalabas! “You!” “What?” taas-kilay niyang sagot habang palabas kami ng sinehan. “W—Wala. Isa pa nga.” Natawa siya nang malakas. ©GREATFAIRY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD