Chapter 12

1182 Words
Tyrone POV Di ko maiwasang titigan si Beth ibang iba na talaga sya ngayon, napakaganda nya. "Bro kamusta?" si Greg "Ayos lang bro" tapik ko sa kanyang balikat. Kararating ko lang kasi kung saan aalukin ulit ni Marius si Althea ng kasal. Nakakainggit sila, talagang sila ang tinadhana, meron na rin silang anak na napaka cute kamukhang kamukha ni Marius. Kailan kaya ako magkaka pamilya? Kung kailan handa na akong sumeryoso saka naman may iba ng mahal ang mahal ko. Bakit ngayon ko lang napagtanto na si Beth talaga ang mahal ko. Mula ng may mangyari sa amin ay hindi ko na sya makalimutan pero dahil sa natatakot ako ay pinabayaan ko syang lumayo. At ako pa mismo ang nagtulak sa kanya na magmahal na ng iba. "Lalim bro"si Joseph "Haaaa???" napalalim na naman itong iniisip ko. "Bro hangga't di pa kasal si Beth, kayang kaya pang agawin, napakaganda nya bro"si Joseph "Putcha bro akin yan, wag mong titigan" "Ang damot ng g*g* hindi naman sayo"natatawang sabi ni Joseph "Possessive lang" natatawa ring sambit ni Greg Mapapasa akin din si Beth... Sisiguraduhin ko Yan... sabay ngiti ko "Naku Greg halika na dito nababaliw na yan, ngumingiti na mamaya tatawa na yan"si Joseph sabay layo nila sa akin. Mas baliw ang dalawang ito.... Maya Maya ay nag beep ang phone ko. Si mommy. Mom: Anak open ka gc natin may announcement si Philip, dali... mukhang mauuna pa syang mag asawa sayo.. Ano daw??? Dali dali kong inopen ang apps ko, hndi ko na nareplyan ang aking ina,marami na ngang messages sila Philip: Hi everyone!!! Nandito na kami sa Pilipinas ng fiance ko. Gusto ko syang ipakilala sa inyo. Dad: Really iho?woooh mukhang uunahan mo na si kuya Tyrone mo. (Dalawa lang kasi kaming lalaki na apo kaya madalas na kami ang pinaghahambing, puro Kasi girls mga pininsan ko. Tatlong magkapatid sila daddy, sya ang panganay, sumunod si tita Gracia at Ang bunso ay Ang daddy ni Philip si Tito Garry. Kay daddy dalawa lang kaming anak, ako Ang panganay at si Tryna ang bunso. Kay tita Gracia naman ay tatlo dahil triplets sila Si Jeda, Jasmin at Jeya. At kay Tito Garry At tita Diana naman ay si Philip ang nag-iisa nilang anak.) Tryna: Dad hayaan mo na si kuya, walang balak mag-asawa yun.hihihih Tito Garry: Ayan ang anak ko. Anak sa mansyon mo siya idala ha.. Philip: Yes dad, sa Friday evening po. Mom: Congrats iho, nasaan na si Tyrone dapat malaman nya ito para mag asawa na rin. Gusto ko na ng apo. Daddy: Ako rin kailan kaya Tayo mabibigyan ni Tyrone ng apo? Tita Gracia: Excited na ang parents mo Tyrone where are you iho? Tryna: Woooohhhh si kuya Tyrone pa seen seen lang.. hihihih Tita Diana: Hey guys, I met already my future daughter in-law , she's so beautiful and kind. (Alam ko naman na maganda si Beth kaya nga gustong gusto ko syang mapasa akin ulit) Lolo: Philip apo excited na kami ng Lola mo. what's her name again? Philip: Bethany Lolo!!!Yes she's so beautiful I'm excited na ipakilala sya sa pamilya natin. After this we planning our wedding na. Hindi sya magiging sayo... Ako ang pakakasalan nya.. nasabi ko nalang sa isip ko. Hayst,,, pinatay ko nalang ang phone ko, uminit ang ulo ko sa mga nabasa ko. "Ate Beth nagkita na ba kayo ni kuya Tyrone?" pasigaw pang sabi ni Gigi kadarating nya lang kasi at hindi nya ako napansin. Ngumiti lang si Beth... Yung mata nyang napakaganda. Hayst lahat ata sa kanya gusto ko. Nakita kong lumabas si Beth kaya sinundan ko. May kausap sya ngayon sa mobile phone nya. Yes love, ah nasabi mo na ba?Sige sunduin mo nalang ako sa bahay... Pupunta ka ba mamaya??..Not sure if what time matatapos ito ihhh... Naku wag mo na akong sunduin, baka kanila Althea na ako matulog. Ah Sige, I love you too love. Binaba nya ang tawag, bago pa nya ako makita sa likuran nya ay niyakap ko na sya patalikod. Alam kong nagulat sya pero nakakapagtaka hindi nya ako tinulak palayo sa kanya. Pumikit lang sya. "I miss you so much"Sabi ko. Wala akong narinig na tugon sa kanya. Kaya binitawan ko na sya. Tumingin lang sya sa akin sabay alis. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman nya ngayon.Pero sana nga may natitira pa syang pagmamahal sa akin. Dahil hindi ko kakayanin kung sakaling maikasal sya sa pinsan ko. Natapos na ang wedding proposal ni Marius at successful naman dahil na pa yes nya ulit si Althea, mabuti pa itong isang kaibigan ko makakasama nya na ang first love nya na naging forever. Masaya ako para sa kanilang dalawa. Nakita kong sumama si Beth kanila Althea kaya naman ng nag-aya si Marius na mag-inuman sa mansyon nila ay pumayag ako. Gusto ko rin makasama si Beth. Nag-inuman kami kasama ang mga girls. Nagkakasayahan na ang lahat kaya di namin napansin ang oras. Madaling araw na pala. Narinig kong nagpaalam si Beth kanila Althea, mamayang gabi na sya ipapakilala ni Philip sa pamilya namin. Nag prisinta akong ihahatid ko na si Beth dahil nakainom na rin naman sya ay pumayag na rin. Habang nasa sasakyan kami, ay nakatulog si Beth. Hindi ko alam kung saan sya ihahatid. Ayoko namang gisingin pa sya. Kaya nag desisyon ako na sa condo ko nalang sya iuwi. Dahil sa himbing ng tulog nya ay binuhat ko nalang sya papunta sa unit ko. Pinahiga ko sya sa aking kama, at saka kinumutan. Tinitigan ko sya habang natutulog, hanggang ngayon ay nagsisisi pa rin ako dahil sa pag iwas ko sa kanya. Alam ko lang aminin dati na mahal ko sya.Oo matagal ko na syang mahal, paano ko kaya sya mapapabalik sa akin??? Palabas na ako ng pinto ng bigla syang magsalita... Tyrone bakit ang tagal tagal naman? Ang hirap hirap na maghintay. Pagharap ko sa kanya ay nagulat pa ako. Akala ko gising sya yun pala nananaginip??? Napangiti nalang ako, ibig sabihin ay may pag-asa pa ako na maging kami. Isa nalang ang ang problema ko.... Yun ay Kung paano hindi masasaktan ang pinsan ko kapag nalaman nya ang totoo, na ang gusto nyang pakasalan ay ang babaeng patay na patay sa akin noon... Kinaumagahan ay pinagluto ko sya ng almusal, maaga akong nagising. "Hi Beth good morning" "Oooh-h Ty-rone???Nasaan ako?di nya maiwasang mautal?Alam Kong may hang over pa sya ka kaya imbis na sagutin ang tanong nya ay hinila ko sya at pinaupo. "What do you want coffee or milk?" Hindi ko kasi alam kung ano ba ang gusto nya kaya hinintay ko muna syang magising. "No need, aalis na ako. Pasensya na nakatulog agad ako"nakayuko nyang sabi. "It's fine, gusto rin naman kitang makasama. Sige na aniong gusto mo kape o gatas?" ulit kong tanong sa kanya. "Black coffee nalang.Salamat" nakangiti nyang sabi Napailing nalang ako, kung wala siguro tong karelasyon masasabi kong kinikilig sya.heheheh In my dreams!!! "Ihahatid na kita, palabas na rin naman ako isasabay na kita."sabi ko Tango lang ang naging tugon nya, di ko maiwasang titigan ang mukha nya, namula ata? Bakit kaya????
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD