Chapter 13

1122 Words
Beth POV Sobrang hiya ko talaga, bakit ba nakatulog ako at napahimbing pa. Hindi naman talaga ako lasing pero siguro sa pagod kaya ganun. Nagising ako sa kwartong hindi pamilyar sa akin kaya napabalikwas ako. Wala namang masakit sa akin kaya sure Wala namang nangyaring masama akin. Nakiganit na ako ng banyo para makahilamos na rin, nag toothbrush natin ako. Buti nalang at lagi akong handa lagi akong may dala sa bag ko. Pagkatapos Kong ayusin ang sarili ko ay lumabas na ako. Napansin kong may tao sa kusina kaya naman pumunta ako dun. Nagulat pa ako n batiin ako ni Tyrone. My gosh, ang bilis ng t***k ng puso ko.. Sya lang talaga ang may kakayahang pabilisin ng ganito ang t***k ng puso ko. Kay Philip kasi ay di ko ito nararamdaman. Hanggang sa alukin nya akong mag almusal... Grabe sa suot nyang white sando at cotton short napaka hot nya. Di ko maiwasang humanga Ang ganda talaga ng katawan nya. Ang perlas ko mukhang kinilig pa. Dio's ko po bat ba nararamdaman ko ito ngayon. Marunong pala sya magluto kahit simple lang Ang niluto nya ay sarap na sarap ako. Ang saya saya ng puso ko. Pagkatapos naming kumain ay nag aya na siyang umalis. Bago kami umalis ay sinulyapan ko pa ulit ang kabuuan ng condo nya. Hindi pa rin pala sya lumilipat nag iba lang ang ayos. Naalala ko pa na dito ko binigay ang sarili ko sa kanya... Ang tagal na pero parang kailan lang nangyari. Bumalik ang sakit, kaya habang nasa biyahe kami ay walang imikang nangyari. Nakatanaw lang ako sa labas hanggang sa makarating kami sa bahay. Hindi ko na rin sya inaya sa loob dahil ayoko ring makita sya ng mga magulang ko. Kilala nila si Tyrone dahil alam nila ang pinagdaanan ko at pagtitiis sa kanya ng mahabang panahon. Mag aalas sais na Ng dumating si Philip sa bahay. Naka ready na rin naman ako kaya nung dumating sya ay nagpaalam na kami sa mga magulang ko. After 1 hour ay narating na namin ang mansyon nila taga Tagaytay pala sila. Ang lamig ng paligid, mabuti nalang at yung dress na sinuot ko ay long sleeve pero nakita ata ni Philip na niyakap ko ang sarili ko kaya naman inakbayan nya ako. "Love are you ready? Nasa loob na sila lahat" aniya Tango lang ang sagot ko... Medyo kinakabahan ako , ang mommy palang kasi ni Philip ang nakilala ko kaya di ko maiwasang matakot. Alam kong isang bilyonaryo rin si Philip, kaya naiilang ako lalo na't nagmula ako sa mahirap na pamilya. Hinawakan nya ang kamay ko. "Hello everyone she's here" Nasa garden kami ngayon doon nila sinet ang dinner. "Hi iha nice to meet you, napakaganda pala nitong dalaga ka swerte naman ni Philip, naku sana iha si Tyrone ko ang una mong nakilala, mas mabait akong biyenan kesa kay Diana.hihihih" biro pa ng isa sa tiyahin ni Philip. "Hey Alice don't make me sira sa daughter in-law ko. Si tita Diana Sino daw ang anak ni tita Alice??? "Sorry tita but she's mine and my future wife."natatawang sabi ni Philip. Nakipag beso beso ako sa kanila. Ang babait nila lalo na si tita Alice lagi syang nakatabi sa akin. "Iha, baka magbago pa ang desisyon mong magpakasal kay Philip kapag nakita mo ang anak ko.hihi"biro nya pa sa akin. "Naku Alice layo layuan mo nga yang si Bethany baka mahawa sa ka kenkoyan mo? sabi tita Gracia, ate sya ng daddy ni Philip. Ang saya ng pamilya nila. Nakakatuwang sila ang magiging pamilya ko kapag naikasal na kami ni Philip. Patapos na ang dinner ng biglang may nag salita. "Sorry I'm late, katatapos lang ng meeting" sabi ng lalaki... Hindi ako makagalaw iba ang bilis ng t***k ng puso ko. Kilalang Kilala sya ng puso ko. Nakita kong sumimangot si Philip. Bakit kaya? "Hey son come here meet Bethany, Philip' fiance! pagpapakilala ni tita Alice. Nakita kong tumingin lang sya sa akin. Bakit kaya parang di sya nagulat na ako ang mapapangasawa ng pinsan nya.? Hinawakan ako ni Philip, nilaro laro niya ang kamay ko. " Hey Philip, wag kang maramot. Ipakilala mo sya sa pinsan mo" Sabi pa ni tita Alice. Nagkatawanan lang... "Oh hi!!!Welcome to our family. Bethany right? I'm Tyrone nice to meet you." Sabay lahad ng kanyang kamay. Anong palabas ito?Nakalimutan nya na agad ako? By the way mas mainam nga na ganito atleast hindi mauungkat ang nakaraan. "Hi" bati ko nalang sa kanya, hindi kasi ako makapag shake hands man lang sa kanya dahil dalawang kamay ko na ang hawak ni Philip ngayon, mas hinigpitan nya pa ang hawak ng inabot ni Tyrone ang kamay nya. Ibinaba nya nalang din ang kamay nya na parang walang nangyari. "Son kailan mo pala ipapakilala ang mapapangasawa mo gusto na namin magka apo."si Tito Grey, sya pala ang daddy ni Tyrone may pinagmanahan naman pala kaya mga gwapo din ang angkan nila. Natapos ang dinner at pinagpatuloy pa rin namin ang kwentuhan. Nagpaalam ng maunang magpahinga ang lolo at lola nila. "Love are you tired? gusto mo na rin magpahinga?si Philip sabay yakap sa akin. "Hey love birds mamaya na yan maraming single dito"si Jeda sya palang din sa magpipinsan ang may asawa na. "Naku si kuya Tyrone lang ang single, not me.hihihi" sagot ni Tryna sya ang bunsong kapatid ni Tyrone. Sa kwento nya kanina ay sya ang pinakabata sa magpipinsan. Kasing edad ko lang sila Jeda triplets sila at magkakamukha pare pareho silang mababait. "Malapit na rin akong mag asawa kaya tumigil kayo dyan" si Tyrone na ngingiti ngiti pa. Nagulat ako sa sinabi nya, itong puso ko nakaramdam na naman ng lungkot. Dapat alisin ko na sya dito sa puso ko, heto at magpapakatanga na naman ako. Di ko talaga maiwasang malungkot, alam kong nahalata ni Philip yun. "Excuse me cuz kailangan na talaga magpahinga ni Bethany. Makakasama nyo pa rin naman sya sa Sunday at mag outing Tayo? "Really kuya Philip??? yes yes yes!!! may patalon talon pang sabi ni Tryna. "Yes para maka relax rin si Bethany before namin asikasuhin ang kasal namin." Si Philip "Ikaw kuya Tyrone makakasama kaba?tanong pa ni Philip "I'm not sure but maybe. May lakad din kasi kami" sabay tingin nya sa akin. Bwisit na lalaking ito mukhang gusto pa akong paselosin. Bahala sya sa buhay nya. Edi magsama sila... Sumama na akong umakyat kay Philip, akala ko ay magkasama kami sa kwarto pero hindi pala. Bago nya ako iniwan ay may sinabi pa syang nagpagulo ng isip ko. "Love kung di mo pa rin kayang pakiharapan si kuya Tyrone magbanggit ka lang sa akin ilalayo kita para di kana ulit masaktan.I love you love. Good night."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD