Chapter 11

1011 Words
Philip POV Kahahatid ko lang pauwi kay Bethany, durog na durog ang puso ko ngayon. Mukhang si Bethany ang tinutukoy ni kuya Tyrone na naka one night stand nya. Dahil bago pa ako makaakyat sa palapag kung nasaan ang unit ni kuya ay si Bethany na ang nakasalubong ko. Wala na talaga akong pag-asa sa kanya. Kaya minabuti kong lumayo, kailangan ko na rin namang bumalik na sa Canada dahil sa akin na pinamana ni daddy ang negosyo nya dun, kailangan na akong mag focus. Babalikan kita Bethany once na bitawan ka ni kuya ko... mahal na mahal kita pero hindi pa ito ang tamang panahon para sa atin... Nag message lang ako kay kuya Tyrone na pabalik na sa Canada hindi ko na rin siya ginambala pa... ... Tyrone POV "Please please Tyrone, wag kanang humanap ng ibang babae ako nalang huhuhu" pagmamakaawa ni Beth sa akin habang nakaluhod. Iyak sya ng iyak, nahuli nya kasi akong may ka make out at bago pa namin magawang mag s*x ay sinabunutan yung babae ni Beth, ang lakas ni Beth walang nakakatalo sa kanya pagdating sa laban, ilang beses nya na akong sinusundan at talagang nakakairita na. Kaya naman nagbigay ako sa kanya ng isang pangako. "Okay okay please stand-up I told you that I don't want any serious relationship right, gusto ko fling lang. Di kita pinilit ng may mangyari sa atin at nagpapasalamat ako na ako ang una mong pinagbigyan nyan.Pero ayokong maging tayo.I mean ayoko ng girlfriend. You are 24y/o now and i'am 27 right now, I promise at age of 35 babalikan kita at pakakasalan. Pumayag naman sya.Di nya na ako sinusundan at pinagbabawalang mambabae pero lagi nya akong tinetext ng mga love messages. 5years na ang nakalipas pero lagi nya pa rin akong kinakamusta, kinukulit nya pa rin akong maging kami pero ayaw ko.Tapos na sya ngayon sa college at gusto nya bago sya magtrabaho ay kami na pero di ako pumayag, dahil ang pangako ko sa kanya ay sa ika tatlumpo't limang taon na ako saka lang ako mag seseryoso sa kanya. Hanggang sa nag 35y/o na ako ay tinatawagan nya pa Rin ako sa Online apps na, kasi nasa ibang bansa sya pero dahil sa sobrang kakulitan nya ay nasabi kong di ko na tutuparin ang pangako ko sa kanya at humanap na sya ng iba, mag move on at kalimutan nya na ako. Yan Ang pangako na di ko natupad, at ngayon ay 36y/o na nga ako. Huli na nga ba ang lahat sa amin? Pero gusto ko pa ring subukan, ramdam kong may natitirang pagmamahal pa sya sakin. Pero paano nga kung nakalimutan nya na ako.? Nakahanap na sya ng iba. Yung taong handa syang mahalin at di sasaktan. Nakakapanghinayang... ... Beth POV Napakawalang kwenta talaga ni Tyrone, pinapasa nya ako sa wala tapos kung kailan masaya na ako sa piling ng iba saka nya naman ako guguluhin. Tama na ang mahigit walong taon na nagpakatanga ako sa kanya... Halos mabaliw ako ng sabihin nya na di ya n tutuparin ang pangako nya sa akin.Inasahan ko Rin talaga yun, na matututuhan nya Rin akong mahalin pero Wala na talaga, sya Rin Ang nagsabi na wag na akong umasa. Ang sakit dahil sa kanya natiis kong di umuwi sa Pilipinas ng maraming taon para makaipon at maging successful sa buhay, gusto ko rin kasing maipagmalaki nya ako sa iba. Pero wala na, buti nalang at nagkita ulit kami ni Philip... Nung una di ko pa nga sya nakilala dahil ang laki ng pinagbago nya grabe Lalo syang gumwapo, lumaki rin ng katawan nya medyo naiilang lang ako dahil nakikita ko sa kanya si Tyrone. Hanggang sa nagtapat sya ng pag-ibig sa akin, lagi na rin kaming lumalabas kaya naman nakilala ko pa sya ng husto at ilang buwan lang ay sinagot ko na sya. Alam kong mahal na mahal nya ako, kaya naman sinuklian ko rin ang pagmamahal nya. Kahit si Tyrone pa rin ang nasa puso ko ay napagtagumpayan ko namang papasukin rin sya sa puso ko. At ngayon ngang masaya na kami saka naman ako guguluhin ng nakaraan. Ito na ang araw na uuwi kami sa Pilipinas... Kinakabahan ako pero lamang pa rin ang saya at kasabikang makita ang mga mahal ko sa buhay. Sinalubong kami sa airport ng aking mga magulang at ito ang unang pagkikita nila sa personal ni Philip. Kilala naman na nila si Philip pero sa online apps lang sila nagkakausap kaya nagkapalagayan na rin sila ng loob dati pa. Tumuloy kami sa Quezon City kung saan ako nakabili Ng lote na pinatayuan ko Ng Bahay. Modern house ito na may limang kwarto. Sa mga magulang ko, sa akin at sa kasambahay namin. Kumuha na rin ako ng kasambahay kahit na ayaw Naman ni mama para may makatulong ang na rin sya..Hindi naman na iba sa mmin dahil matagal na naming kapitbahay si Manang Elsa, hindi na sya nag asawa dahil na rin sa pagpapalaki at pagpapaaral sa mga naiwang pamangkin sa poder nya. "Love bukas papakilala na kita sa mga magulang ko"Sabi ni Philip. Nandito kami ngayon sa sala habang nanonood ng tv. "Pwede love after nalang ng wedding proposal ni kuya Marius Kay Althea?"sa totoo lang kinakabahan ako, 1year na kami pero lihim pa rin sa mga magulang nya ang relasyon namin. Wala Kasi akong lakas ng loob na itanong if may ugnayan ba sila ni Tyrone, same kasi sila ng apelyido. "Sige love your the boss...I love you!!!si Philip habang hawak ang aking kamay. Ang swerte ko talaga sa kanya napakabuti nya sa akin kaya ang bilis kong napamahal sa kanya. Kinabukasan, ito ang araw ng surprise proposal ni kuya Marius kay Althea sobrang happy ko dahil sa napakaraming pagsubok na dumating sa kanila ay sila rin sa huli. Paano ba naman ay biniyayaan sila ng anak sa di tamang panahon na naging dahilan para mabuo ulit sila. Napaka buti nga ng nasa itaas. Tumulong akong sa pag aayos Ng restaurant na pagdadausan. Habang abala ako ay sya namang pagdating ng taong ayoko ng makita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD