Chapter 18

1076 Words
Tyrone POV Pagsara ng pintuan saka ako natawa ng malakas... Damn ang cute ni Beth, pulang pula ang mukha nya kanina. Na lasing talaga ako pero hindi naman ako nakatulog. Pinikit ko lang ang mata ko para mag mukha akong tulog. Talented??? Yun ba ang tingin ni Beth sa akin. Hahaha di ko mapigilang maging masaya. Pati ang buddy ko hindi ko mapigilang mag react ng mag lapat ang mga balat namin. Ano nga bang tawag nya sa buddy ko??? Patotoy? Ginawa pang bata ang sa akin. Alam ko lang ay kaya nitong gumawa ng bata. Haha. Kanina pa ito nagwawala pero kailangan kong magpigil mahirap na baka magalit sya sa akin at malaman nyang sinadya ko lahat. Pati ang pagtanggal sa pagkakatali ng kanyang robe ako rin ang gumawa. F*uck ang sexy nya, mas gumanda pa ang katawan nya ngayon. Sabagay dati pa kaakit akit na sya. Mga 8 pm na rin ako lumabas ng kwarto, wala silang lahat dito sa resthouse marahil ay nasa kubo sila. Alam kong nag swimming ang mga pinsan ko at si Beth ngayon, bilog ang buwan kaya napaka liwanag sa labas. Pagkalabas ko ay naabutan kong nasa dagat sila at may nilalaro. Wala si Philip?? Saan naman kaya pumunta yun. Pero nakita ko si Beth naka two piece sya at nakakamangha talaga ang katawan nya. Tuwang tuwa sila at nagsisigawan pa. Pinagmasdan ko lang sila, halos lahat naman ng pinsan ko ay magaganda at mga sexy rin pero iba talaga ang dating sa akin ni Beth. Pumunta na ako sa kubo at naabutan kong nag-uusap silang lahat maliban sa mga pininsan kong babae at Beth dahil nasa dalampasigan sila ngayon at naliligo sa dagat. " Uuwi ba ngayon si Philip?" si Lolo. " Hindi ako sure mukhang hindi na, pupuntahan nya yung kababata nyang si Mia." sagot naman ni tito Garry Si Mia? Siya ba yung babaeng unang minahal ni Philip? Mukhang may pag-asa na akong makuha ulit si Beth... Napapangiti nalang ako sa aking naiisip. Nagpaalam na muna akong lalabas para puntahan sila Beth. Na upo ako sa di kalayuan ng may lumapit sa akin. " Hi you are Tyrone right?" Isang sexy na babae at makikita mo talagang foreigner siya. " Yes!" maikling sagot ko. " I'm one of your fan! I'm happy to see you in personal. Your so handsome. By the way I'm Quinn." Nilahad nya pa ang kamay nya para makipag shake hands. " Thanks." Nang tatanggapin ko na ang kamay nya ay may biglang bumato sa akin ng tsinelas. Sapul ang gwapo kong mukha. Tiningnan ko kung saan galing at sino ang bumato... Hayyyyyzzzztttt.... Nagseselos ang baby ko!!! Humanda ka mamaya gagapangin kita... Philip POV Nakipag deal ako kay Bethany for 1 month. Masakit pero kailangan kong kayanin, besides ako rin naman ang pumasok sa buhay nya kahit alam kong ang pinsan ko talaga ang nag mamay-ari ng puso nya. Mahal na mahal nya ito kahit hindi naman sya gusto. Ang hirap ng ganun. Minsan gusto ko rin maging selfish at madaliin ang kasal namin pero ramdam kong hindi na sya masaya sa piling ko. Iba talaga ang epekto sa kanya ni kuya Tyrone. Love never dies ika nga. " Love pupunta lang ako mamaya sa kabilang Isla, dumating kasi yung kababata ko gusto mo sumama? Gusto rin sana kitang ipakilala sa kanya." Aya ko sa kanya. " Sige love." Pagpayag nya. Lumabas na muna ako sa kwarto para na rin makapagpahinga si Bethany. Nalaman ko kasing nasa mini bar sila Tito at kuya Tyrone sigurado umiinom ang mga yun. Kaya susundan ko sana pero bago ako makapasok ay narinig ko ang pag-uusap nila at inamin na ni kuya Tyrone sa daddy nya ang nakaraan at kung gaano nya ka mahal si Bethany ngayon. Masakit marinig pero mas nangibabaw ang sayang naramdaman ko dahil atleast pareho na sila ng nararamdaman ni Bethany. Siguro ito na yung time para mag paraya ako sa kanila. Gusto ko ring maging masaya sila sa piling ng isa't isa. Nakagayak na si Bethany ng sabihin kong hindi kami tuloy sa pupuntahan namin. Tamang tama naman na narinig ni Tryna kaya inaya nalang syang mag night swimming kasama ang iba pa naming mga pininsan. Masaya ako na malapit silang lahat kay Bethany. Sana lang wag maapektuhan yun kapag nalaman nila ang nakaraan nya kay kuya Tyrone. Mabuting tao si Bethany at sagad-sagad sya kung mag mahal sadya lang g*go ang pinsan ko noon. Nandito ako ngayon sa labas ng may nag text sa mobile phone ko. Mia: Ipe balita ko nandyan ka ngayon sa kabilang isla. Nandito na ako, punpunta ba kayo ng fiance mo.? Me: Sige, pero hindi ko na muna maisasama ang fiance ko sa ngayon akala ko kasi di kayo natuloy kaya sinabi kong di na kami matutuloy na pumunta dyan, kasama mo ba ang asawa mo? Mia: Impakto ka wag mong ipaalala yung d*monyong yun dinisp*tcha ko na papuntang impyerno. Me: Haha, kawawa naman pala, sana binigyan mo ng second chance. Mabuti pa kami ng fiance ko malapit na magpakasal. Hehe Mia: G*go maghihiwalay din kayo. Wag kang papasiguro. Pareho tayo ng tadhana. Tadhana para iwan. Hahahahaha Hindi ko na sya sinagot... Mukha kasing mangyayari nga yung sinabi nya. Lalo pa't alam ko na ang nararamdaman ni kuya para sa kanya. Malabo ng ma tuloy ang kasal. Nagkakilala kami ni Mia ng minsang pumunta kami sa isla nila bata pa ako nun.. Kalapit lang kasi ng isla ng lolo ko ang isla nila. At napag alaman kong matalik palang magkaibigan ang mga lolo namin. Si Mia ang savior ko nung mga bata pa kami. Kabaligtaran man pero totoo, medyo lampa pa ako nun at sya naman ay napaka brusko. Lagi nya akong tinutulungan. Hanggang sa naging magkaibigan kami. Nagkaroon ako ng lihim na pagtingin sa kanya di rin kasi maipagkakaila na napaka ganda nya at sobrang bait pa, masyado lang prangka at madaldal kung minsan. Pero nawalan ako ng pag-asa ng inanunsyo ng ama nya na ipapakasal sya sa anak ng business partner nya. Naputol lang ang komunikasyon namin ng maikasal sya sa asawa nya ah hindi pala ex-husband na. Arrange marriage kasi sila kaya walang love sa pagitan nilang mag asawa hanggang sa nag loko ang asawa nya at may ibinahay na iba. Kailan lang din ulit kami nagkaroon ng komunikasyon, nakatira kasi sila sa Japan, isang Japanese ang dati nyang asawa... Tulog pa si Bethany, mag iiwan nalang ako sa kanya ng note...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD