Chapter 17

1237 Words
Tyrone POV Banas na banas ako sa pinsan ko. Wala na rin namang dahilan para mag tagal pa ako. Hindi na ako mag eenjoy nito, sinakop na kasi ang buong sistema ko sa nangyari sa kanila kagabi. Imposible naman na nag-usap lang sila.? Sa tingin ko palang sa ka sweet-an nila kaninang pag baba nawalan talaga ako ng gana. Mag aalmusal lang ako tapos mauuna na akong bumalik ng Manila. " Dad mom, later po babalik na ako sa Manila. My urgent meeting kasi ako. Baka pwedeng pabalikin ang Kapitan ng yate dito around 2 pm pa naman." Pamamaalam ko sa mga magulang ko. Kompleto kami ngayon sa hapag-kainan. " Oh son, nagpunta tayo dito sa Isla for 1 week vacation. Don't worry about that meeting I can handle, ako nalang kokontak mamaya kay Justin (Ang tinutukoy ni Dad ay yung secretary nya dati na secretary ko pa rin hanggang ngayon). " No, I mean wag na po dad ako nalang ang tatawag." Pigil ko sa kanya. Sa totoo lang kasi wala naman talagang meeting, alibay ko lang sana yun para ma ka alis ako dito sa Isla pero di kinagat ang dahilan ko ng aking ama. Alam kong alam na nila lahat dahil sa pagtingin tingin ko sa fiance ng pinsan ko. Pero masisisi ba nila ako? Eh ako naman ang nauna di ba? " Okay son, pag-usapan nalang natin yan mamaya after breakfast sa mini bar." Si Daddy. " Ang aga naman yatang alak yan?" Si mommy. " I guess mas kailangan yan ng anak natin." Si daddy ulit. Umiling-iling nalang ako sa bangayan nilang dalawa. Natapos na ng almusal ng ipatawag ako ni daddy sa labas. Gusto ko sana mag yosi pero di ko na tinuloy, sumunod nalang ako sa pinsan kong tumawag sa akin. " Alam mo cuz halatang halata ka." si Jeya. " Bakit na naman?" Inis na tanong ko. " Hihihi kung makatitig ka kasi kay Bethany wagas, obvious na obvious ka. Pati sila lolo napapansin rin nila." si Jeya " Eh sa naiinis ako, anong magagawa ko.?" sagot ko sa kanya. " Ay may pa ganun??? Pero kuya parang patay na patay naman sayo si Bethany, ewan ko lang ha pero di ko makita ang sweetness nya kay Philip, alam mo na." " Ang OA mo rin, patay na patay agad? Sige na iwan mo na ako masyado mo na akong ginugulo" Pagpapalayas ko sa ma kulit kong pinsan. Nandito na rin kasi kami sa pintuan ng mini bar. " Dad I'm here." Naabutan ko syang nagsasalin ng alak sa dalawang wine glass. " Here son." Inabot nya sa akin ang isang baso. " You know son, I'm proud of you. Dahil kaya mong pagsabayin ang ambisyon mong maging model at ang mga negosyo natin. Masyado ka ng matanda, gusto naman namin ng mommy mo na magkaroon ka ng sariling pamilya at syempre ang magka apo sayo. Habang malakas pa kami para ma alagaan pa namin sila." Aniya " Thanks dad but..." Di ko pa natatapos ang sasabihin ko ng mag salita ulit ang ama ko. " But what??? Dahil ba ang napupusuan mo ay ang pakakasalan ng pinsan mo? Don't denied it. Ilang beses na kitang nakikita na nakatitig sa kanya. She's beautiful I admit that, actually si mommy mo nanghihinayang din na sana ikaw ang unang na ka tagpo sa kanya. But sad to say anak sa pinsan mo na yun. Humanap ka na lang ng babaeng hindi nyo pag-aawayan na mag pinsan. Na pa ka bait na bata ni Philip at alam kong magkapatid na ang turingan nyo. Sana wag na kayong umabot sa magkakasakitan pa kayo." Mahabang sabi ni Dad. " Dad what if ako ang mas nauna sa kanya?" Tanong ko sa kanya, ayoko ng mag lihim pa masyado na akong sabik na makasama si Beth kailangan ko na syang ma bawi kahit ma saktan pa si Philip. " Son what do you mean?" Takang tanong ni Dad. " Nagkamali ako noon, alam kong mahal na mahal ako ni Beth pero binalewala ko sya, naging isa sya sa mga babae ko pero sya lang naman ang pinangakuan ko na pakakasalan, almost 8 years ko syang pinaghintay. Kung kailan nya ako iniwasan saka ko naman naramdaman na mahal ko pala sya, hinahanap hanap ko yung kakulitan nya yung care lalo na yung pagmamahal nya sa akin. Kaya nga ng malaman kong nasa Canada sya hinanap ko sya dun hanggang sa nakita ko siya... sila na ni Philip. Ang sakit sakit dad..." inisang lagok ko lang yung alak na binigay ni dad. Gusto kong magpakalasing... " Alam ba ni Philip na may nangyari sa inyo?" Tanong ni dad " I don't know, pero kung may nangyayari na rin sa kanila malalaman nya naman na di sya ang una". " So anong plano mo?" tanong nya " Babawiin ko sya dad, masyado ko na syang mahal dad hindi ko na kayang patagalin pa ang sa amin." " Sa tingin mo mahal ka pa rin nya?" tanong ulit ni dad. Natawa ako sa tanong nya. To be honest di ko rin talaga alam. " Sige anak tutulungan kita sa problema mo. Pero sure mo lang na seryoso ka na talaga!" sabay kindat nya sa akin. Napailing nalang ako sinabi nya. Nag-inuman kami mag hapon, na sobrahan ata ako na lasing talaga ako... Beth POV Palabas ako ng kwarto na nakatalaga sa akin para mag swimming sa dagat ang sarap maligo ng gabi kaya naman ng ayain ako kanina nila Tryna ay pumayag ako kaya naman naka two piece swimsuit ako na binalutan ko lang muna ng robe ng makita kong pa suray suray si Tyrone, tatawa tawa pa. Mukhang lasing na lasing. Pero di pa rin na bawasan ang kanyang kagwapuhan kahit na ma gulo pa ang kanyang buhok at ayos ng damit. Ang hot nya. Pero ayokong mag salubong kami kaya naman pumasok ulit ako sa aking kwarto. Pinakiramdaman ko at ng wala na akong marinig na ingay sa labas ay nag desisyon akong lumabas na rin. Pero nagulat ako pagbukas ko ng pinto. Na ka tayo dun si Tyrone at nakayuko, mukhang nakatulog sya. " Huy Tyrone. Huuuuyyyyy..." Gising ko pa sa kanya. Ano ba naman tong lalaking ito bakit kasi ang talented mo noh? Kinareer mo na rin pati pag tulog na nakatayo kinaya mo rin.? Dio's ko po ang bigat bigat mo." Inilagay ko kasi yung isang braso nya sa balikat ko para alalayan sya na makarating sa kwarto nya. Nang makarating kami sa kwarto ay hinanap ko agad ang kama para makahiga na sya. Pero imbis na siya ang ma higa ay ako ang nauna saka nya ako dinaganan. Biglang nag init ang buong katawan ko, na buksan ko kasi ang roba ko at nakalantad na ang katawan ko. Naka two piece lang ako at masyadong awkward sa akin ang posisyon namin may tumutusok na rin sa puson ko na matigas. Kaya napatingin ako sa kanya, nakapikit pa rin sya mukhang tulog pa rin. " Hayst Tyrone napaka talentado mo talaga noh?? Tulog ka na pero yang patotoy mo gising na gising..." Pagkasabi nun ay huminga ako ng malalim para ipunin na rin ang lakas ko para maka alis sa ilalim nya. At nagtagumpay naman ako. Inayos ko na rin ang pagkakahiga nya para mas komportable sya. Hindi ko na rin sya pupunasan mahirap na baka di ako makapagpigil at....Hihihi alam nyo na yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD