Chapter 19

1246 Words
Beth POV Nag-iwan lang ng note si Philip sa akin kanina na tutuloy syang pumunta sa kabilang isla. Balak ko rin sanang sumama pero ayos lang baka ma boring lang din naman ako dun, at saka kababata nya yun na matagal nya ng hindi nakasama. Tinext ko nalang din sya kanina pero hanggang ngayon wala pa ring reply sa text ko. Hanggang sa nagkasiyahan na kami sa dagat naghabulan, nag-unahan at kung ano ano pang nilaro namin. Ang sayang kasama nila lalo na si Tryna na kapatid ni Tyrone. Nakakatuwa talaga sya. Maya maya ay tinawag nya ako na umahon na. Nakita namin na may ibang babae na namang kasama si Tyrone. Tatalikod na sana ako ng biglang may sumigaw. Paglingon ko nakita kong tumama sa mukha ni Tyrone ang tsinelas. At mukhang ako ang pinagbibintangan nya base na rin sa titig nya. Dio's ko po ah, baka akala nya ako ang bumato. Wala akong kasalanan. Kaya bago pa may mangyaring di kanais nais ay tumakbo na ako papuntang kubo.. " Hayyyst Tryna, nakita mo kanina si kuya mo? Galit na galit???? Gusto na namang manakit..." " Hihihi mabuti nga sa kanya." Sabi nya. " Ano? Anong sinabi mo? Wag mong sabihin na ikaw ang bumato ng tsinelas.?" tanong ko sa kanya. " Hihihi oo ako nga pero hindi ko tsinelas yun" Tiningnan ko ang paa nya, oo nga may tsinelas syang suot. Tiningnan ko ang paa ko... " Oh noooooooohhhhhh.... Tsinelas ko ang pinangbato mo? Tapos sapul pa sa mukha nya? Naku po patay ako nito..." nag-aalalang sambit ko. " Hihihi peace ate." tawa nya pa sa nangyari. " Naku po Tryna itago mo ako." pagmamadaling sabi ko. " Oh bakit mukha yatang problemado ka Bethany?" si Jeya. "vEh kasi naman si Tryna binato ng tsinelas sa mukha ang kuya nya tapos yung tsinelas ko ang ginamit." sumbong ko " Hahaha bulls eye ba Tryna?" baling na tanong nya kay Tryna. " Hihihi Opo..." sagot ni Tryna na tatawa tawa pa. " Hey where's Beth?" tanong ni Tyrone. Narito na rin sya sa loob ng kubo, nakita ko syang papasok kaya naman nag tago ako sa likod ng pintuan. " Aba'y ewan ko." si Jeya Naku po patay ako nito... " Halika na nga Tryna mag swimming ulit tayo. Hayaan na muna natin ang pusa at daga na maglaro. Hihihi" si Jeya Halla iiwan nila ako. Sisilip sana ako ng biglang mag tagpo ang paningin namin ni Tyrone. Shiiitttt na malagkettt... Patay na na huli na ako. " Nandyan ka lang pala. Halika nga." si Tyrone hinila nya ako mula sa pinagtataguan ko. Bakit parang di naman sya galit mukhang natutuwa pa sa nangyari. " Ty-rone bitiwan mo ako." binitawan nya naman ako. " Hindi ako ang bumato sayo promise!" sabay taas ko pa ng aking kaliwang kamay... Naku po bat kaliwa ang naitaas ko. Bakit ba ang lakas ng t***k ng puso ko kapag kaharap ko si Tyrone. Kinakabahan ako Dio's ko po. Tinaas ko ang kanang kamay ko na parang nanunumpa pero ang tanga ko lang hindi ko naman naibaba ang kaliwa kaya lalong napangisi si Tyrone. " You're nervous baby?" Don't worry paparusahan lang naman kita at sinisiguro kong masasarapan ka. Hahahaha Ano daw sabi nya? " Tsssseeeeeee...." sabi ko Niyakap nya ako. Sabay halik sa ulo ko. " Mapapasa akin ka ulit baby." pagkasabi nun ay binitawan nya na ako at umalis na. May biglang tawag kasi siyang natanggap. Kinabukasan ay dumating na si Philip. Siya rin ang gumising sa akin. " Love nandito na ako." sabay hagod sa aking mukha. " Ummm, love kararating mo lang?" tanong ko "Yes love, halika na at mag breakfast na tayo." aniya Tumayo na ako at nagpunta ng banyo. After kong ayusin ang sarili ko ay bumaba na kami. " I love you." rinig ko pang sabi ni Philip. " I love you too..." sagot ko naman. Aayusin ko na ang relasyon namin ni Philip, napakabuti nya sa akin hindi nya deserve na masaktan kaya mula ngayon ay iiwasan ko na si Tyrone ayoko ng magkasala pa. Natapos na ang bakasyon namin sa isla back to Manila na kami. Nagkausap kami ni Philip na ituloy na ang kasal namin. Kaya inasikaso na naman kaagad. Ilan buwan lang ay natapos na namin lahat ng kailangan dalawang buwan nalang ang hinihintay para sa aming kasal. Bumalik na kami sa Canada para ipagpatuloy ang aming mga trabaho naging busy rin kami. Pero nakakatuwa dahil kahit ganun ay napakalambing pa rin sa akin si Philip, lagi nya akong pinapakilig. Ang swerte ko talaga sa kanya. One week nalang at ikakasal na kami. Nag decide kami ni Philip na bumalik na sa Pilipinas dun kasi namin balak magpakasal. Nandito ako ngayon sa mansyon nila Philip sa Tagaytay. Masaya naman dahil tanggap ako ng pamilya nya. Hindi ko na rin nakikita pa si Tyrone. Mula ng huling usap namin ay di na rin sya nag paramdam. Ang sabi ni tita Alice (ang kanilang mommy) ay nag open daw ulit ng isa pang branch si Tyrone sa Davao, nag stop na rin sya sa pagiging model. " Hi tita Diana!!!" bati ng babaeng kadarating lang. Nandito ako sa salas kaya dining ko ang usapan sa pintuan nila, papunta sila sa kinaroroonan ko. Kaya natitigan ko ang mukha nya base sa itsura nya ay may asawa na ito ang laki na ng tiyan nya. Ilang buwan na kaya yun? Pero lumutang pa rin ang kanyang kagandahan kahit na buntis na sya. " Oh Mia iha, how are you? I'm glad nakapasyal ka dito." Sabi ng mommy ni Philip. " Yes po, saan po si Philip?" tanong niya " You mean hindi nya alam na nandito ka?" takang tanong ni mommy ni Philip " Surprise po tita." sabi nya " Come here iha, oh wait Bethany come here anak." tawag sa akin. Lumapit naman ako, pinakilala nya ako bilang mapapangasawa ni Philip kay Mia. Nakita ko ang pag lungkot ng kanyang mga mata. Napag alaman kong sya pala ang kababata ni Philip na pinuntahan sa kabilang isla. " So totoo pa lang ikakasal na po sya?" tanong nya pa. " Yes iha, next week na. Tamang tama rin ang dating mo dahil makaka attend ka. Alam ko iha na nag hiwalay na kayo ng husband mo? Nag ka balikan ba ulit kayo?" Narinig ko pang sabi ni tita Diana sa kanya. Nagpaalam na kasi akong pupunta ng kwarto ko para maka pag pahinga. Hanggang sa nakatulog ako. Pag ka gising ko ay wala pa rin si Philip. Pinilit kong bumangon at hinanap si Philip. Nakarating ako sa garden at dun ko sya nakita. Nang tatawagin ko na sya ay biglang nagsalita sya. Kaya naman nag tago ako sa ilang mga halaman dun, sapat lang para marinig ko ang pinag-uusapan nila. " Mia I'm very sorry, mali ang nangyari sa atin non. Kung totoong akin yan, sige pananagutan ko ang bata pero di ko kayang iwan si Bethany lalo na't mag papa kasal na kami ngayon. " I love you Philip." sabay yakap ni Mia sa kanyang likuran. " Mia please mahal na mahal ko si Bethany." si Philip. Tumalikod na ako. Hindi ko na kayang marinig ang mga usapan nila, sapat na sakin ang katotohanang si Philip ang ama ng pinagbubuntis nya. Magiging ama na sya. Hindi nya mabibigyan ng buong pamilya ang anak nila kung ako ang pakakasalan nya. Biglang tumulo nalang din ang luha ko... Masakit talaga mag mahal ng sobra...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD