Chapter 8

1038 Words
Tyrone POV Ilang beses ng nangungulit si Beth sa akin. Palagi nya akong tinetext, tinatawagan at pinapadalhan ng pagkain na hindi ko naman tinitikman dahil nga sa totoo lang takot akong mainlove sa kanya. Mula ng malapit ng may mangyari sa amin ay ginulo nya na ang mundo ko, palagi ko na syang iniisip, palagay ko nga gusto ko na sya. Pero hindi pa ako handang magmahal ng totoo, hindi ko pa kayang magseryoso kaya ginagawa ko lahat para mawala ang pagmamahal nya sa akin. Ayoko Rin syang paasahin kaya talagang iniiwasan ko sya. Sa huling pagkikita namin ay sa pictorial pa, binigyan nya na naman ako ng pagkain, Wala akong balak na kainin kaso itong pinsan kong napakayaman eh isa rin palang patay gutom dahil kanya itong binuksan at kinain. Nakita ko kung gaano sya nasasarapan kaya naman kinuha ko at tinikman... Grabe napakasarap pala,, nagsisi tuloy ako dun sa mga pagkain na pinadadala nya sa Opisina. Kaya pala gustong gusto nung gwardya namin dahil sobrang sarap talaga. Gusto ko na talagang putulin na ang ugnayan namin ni Beth kaya nakaisip ako ng paraan para umayaw sya. Pero mukhang disperada na talaga sya na maging kami kasi kahit katawan nya ibibigay nya na talaga sa akin. Ngayon kami magkikita ni Beth itinext ko sa kanya ang hotel kung saan kami magkikita. excited na rin naman akong makasama sya. Palabas na ako ng condo ng biglang may kumakatok... Pagbukas ko ay si Philip, ang aga nya tiningnan ko pa ang relong pambisig ko 7:30am??? Anong ginagawa nya dito??? "Hi kuya, may lakad ka?" tanong nya "Hmp, yes! Ang aga mo yata?"balik na tanong ko "Pwede mo ba akong samahan sa Nueva Ecija?" "Bakit? I mean bakit ako ang gusto mo makasama? May meeting kasi ako ngayon?" alibay ko pa "Ang Sabi mo kasi sa akin ikaw ang sasama once na naka decide na ako if gusto kong makita ang lupain na binebenta? Ngayon ko kasi balak na pumunta?" aniya Hayst,,, itong patay gutom kong pinsan wrong timing talaga. Kung kailan ko na sana makakasama si Beth saka naman nag-aya na pumuntang probinsya. Ang layo pa naman hindi ako agad makakabalik. Hindi rin naman ako pwedeng tumanggi dahil ako ang kausap dun. Maganda ang lupain na gusto kong bilhin ni Philip, actually kaya ko namang bilhin ang farm kaya lang hindi kasi ako sanay sa Probinsya hindi gaya nila Marius na meron ding lupain dun. Minsan kasi nasabi ko Kay Philip yun at pag-iisipan nya daw. "Hmp sige okey may tatawagan lang ako."Sabi ko Tinawagan ko na si Beth ay sinabing sa susunod nalang kami magkita, naintindihan nya naman pero bakas sa boses nya ang kalungkutan. Malungkot si Beth it means talagang handa na nyang ibigay ang sarili. Sa totoo lang masaya rin ako ng tinawagan nya ako na handa na nyang ibigay sa akin. Sa kanya ko lang kasi naramdaman yung kakaibang pakiramdam. Nakaka adik...... ... Beth POV Ngayon ang usapan namin ni Tyrone na magkikita, pinaghandaan ko talaga. Kinakabahan man pero kailangan kong gawin mahal na mahal ko sya kaya ibibigay ko na ang gusto nya na magpapasaya sa kanya. Ang aga kong gumising, pero magbibihis na ako ng makatanggap ng tawag nya. Na nagsasabing hindi kami matutuloy... Kaya nalungkot ako bigla, minsan na nga lang na makakasama ko sya di pa matutuloy... Kapag naibigay ko na at wala pa rin ako sa kanya ay susuko na ako. Sa pag-aaral ko nalang itutuon ang buong atensyon ko. Makakalimutan ko rin sya kung talagang wala ng pag-asa... Pababa na ako ng hagdan ng biglang may nag text.Kinapa ko ang bulsa ko ng tingnan ko text ni Tyrone. Tyrone ko: Pumunta ka nalang sa condo ko this is my password****** Binasa ko ulit ang text? Totoo ba ito? Binigay nya talaga ang password ng condo nya. Yesssss....yessss!!!! Nagsisigaw ako sa saya... Nag reply rin ako sa kanya. Me: sige aagahan kong pumunta para maipagluto kita... i love you. Wala na akong reply na nareceive... Okey lang naman sanay na ako sa kanya. Marami na akong text na hindi nya naman nireplyan. Nag text ulit ako Me: Anong gusto mong lutuin ko???dinner??? Ilang minuto rin bago sya nag reply. Tyrone ko: Caldereta. Ang tipid ng text. Caldereta? Ibig sabihin kinain nya Yung huling binigay ko sa kanya? Wow naman mukhang may pag-asa na ako... Me: sige, ingat sa pupuntahan mo... "Mukhang masaya ka ah?" si Althea Sa sobrang tuwa ko ay nayakap ko si Althea... "Girl mukhang may pag-asa na ako kay Tyrone ko"di ko mapigilang ang saya ko. Iba talaga kapag mahal mo... Alam na rin naman lahat ni Althea ang tungkol sa amin ni Tyrone. Na ako lang ang may gusto. Matagal nya na akong pinipigilan sa ginagawa kong panliligaw dahil nasasaktan lang naman daw ako pero nandun pa rin naman ang suporta nya sa mga desisyon ko. "Good luck girl, sana lang makita nya na ang halaga mo"aniya pa "Thank you girl, baka di na nga ako makauwi dito mamaya doon na ako mag overnight"paalam ko sa kanya "Sige girl ingat ka ah, text ka lang kung may problema" Excited na akong makita si Tyrone kaya naman maaga rin akong pumunta sa condo nya. Ang linis ng condo nya at napaka organize, kaya naman talagang pagluluto lang ang gagawin ko. 8:00pm na ng gabi pero wala pa rin si Tyrone. Kaya naman tinawagan ko na sya... Sinagot nya Naman ang tawag ko kaya lang... Uuummmm, faster Tyrone,aaaahhhh...aaaahhh ungol ng babae ang naririnig ko sa kabilang linya... Ang sakit sakit na naman.. Pinatay ko nalang ang tawag dahil di ko na talaga kinaya, umiiyak na naman ako bakit ba ang hirap nyang mahalin. Inayos ko na ang ulam, nilagay ko sa ref para hindi mapanis. Aalis nalang ako wala na rin naman akong hihintayin dahil mukhang nag eenjoy na sya sa piling ng haliparot na babaeng yun... Nag iwan rin ako ng note at idinikit ko sa ref para mabilis nyang mabasa... Hindi na kita mahintay, mukha namang nakalimutan mo na ang usapan natin... Pero hindi ibig sabihin ititigil ko na ito. Mahal na Mahal pa rin kita Tyrone okey lang na mag enjoy ka muna sa piling ng iba... May niluto pala akong ulam ipainit mo nalang...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD