Chapter 7

1117 Words
Philip POV Nandito ako ngayon sa pictorial ng aking kuya Tyrone, medyo nakakaboring. Gusto ko sanang ayain si Bethany lumabas pero tinanghihan nya ako. May importante daw syang lakad kaya heto ako at hinihintay matapos itong pinsan ko na proud na proud ibandera ang katawan, sabagay may ibubuga naman talaga. Ang raming baklang nagkakandarapa. Nakakatuwa naman ang daming fans akala mo tuloy mga artista ang narito. Yung kapareha nya maganda at sexy naman kaya lang mukha ng laspag ilan na kaya ang kumama sa babaeng to.? Umalis na ako at sobrang nakakaboring talaga, palabas na ako ng matanaw ko ang babae na kanina pa gumugulo sa isip ko. Nakaupo lang sya sa isang tabi at may tinitingnan, sinundan ko ang tingin nya at nakita kong kay kuya Tyrone sya nakatingin. Bakit nya naman titingnan ang pinsan ko? Huwag nyang sabihing isa rin syang fan? Na curious talaga ako kaya palihim ko syang binantayan may dala pa syang lunch box may balak pa syang dito kumain? Natapos na ang pictorial pero hindi pa rin sya umaalis sa kinauupuan nya. Kaya nagtaka ako. Lalapitan ko na sana sya ng bigla syang tumayo at lumakad ng mabilis. Ang bilis parang may hinahabol. Binilisan ko rin ang lakad ko hanggang sa sumigaw sya. Tyrone... Totoo pala... Ang pinsan ko ang importanteng sinasabi nya. Nagtago ako sa pader na malapit sa kanila para hindi nila ako makita. Sapat na para marinig ko ang pinag-uusapan nila. Ang swerte naman ni kuya talagang pinagluto pa sya ni Bethany talagang nag effort pa yung tao para lang sa kanya. Sobra na akong naiinggit ng biglang nagsalita si kuya Tyrone... Iba pala ang gusto nya lang kay Bethany... Kawawa naman ang babaeng unang nagpatibok ng puso ko. Yung minamahal nya mukhang hindi sya gusto. Nang iwanan sya ni kuya Tyrone saka lang ako lumabas sa pinagtataguan ko... Nakatalikod sya at nakayuko mukhang umiiyak na naman sya. " Ohhhh Bethany ikaw ba yan?" Pinasigla ko ang pagbati sa kanya para di nya isiping narinig ko lahat ng pinag-usapan nila. Narinig nya ang boses ko kaya bago sya lumingon sa akin ay nagpunas muna sya ng kanyang luha. " Oooohhh!!! Hi Philip nandito ka rin?" nakangiti na sya pero bakas pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata. " Umiyak ka ba?" inosenteng tanong ko. " Napuwing ako eh ang sakit nga kanina. Pero okay naman na di na masakit. Bakit ka pala nandito?" tanong nya ulit. " Ah nandito kasi ang pinsan ko. Inaya nya lang din akong pumunta... Ikaw? Fan ka rin ba nila?" " Hindi ako fan, nagmamahal lang... pero mukhang wala ng pag-asa." usal nya na pabulong sapat lang para marinig ko. Alam ko na kung bakit broken hearted sya. Ayokong nasasaktan sya pero kung ito lang din ang magiging dahilan para ako naman ang mahalin nya pwes kailangan ko palang ipagpasalamat. " Let's go kain muna tayo." Aya ko sa kanya. Kukunin ko sana yung kamay nya ng bigla nyang tinago ang kamay at saka umiling. " Naku naku wag na may pupuntahan pa ako. Salamat sayo ah." sabay ngiti sa akin. Alam kong nahihiya sya dahil sa itsura nya kaya tinanggihan nya ako. Kumaway pa sya bago ako tinalikuran. Ang ganda nya bakit kaya binabalewala lang sya ng pinsan ko.??? Minabuti ko nalang puntahan ang aking pinsan. Toktok....toktok...toktok... Walang sumasagot sa katok ko sa pintuan kaya naman minabuti kong pumasok na. Pagkapasok ko ay wala si kuya pero may isa pa palang kwarto itong room na ito hindi na ako pumasok dun dahil sa mga naririnig kong kababalaghan... " Lumabas si kuya na pawis na pawis... Gulat ang rumehistro sa mukha nya ng makita ako na nakaupo sa sofa. " Philip your here? Welcome back brother, sorry yesterday medyo busy eh. Heheheh." sabay kamot sa ulo. Sasagot na sana ako sa tanong nya ng biglang lumabas na rin ang babae na kasama ni kuya. G*g* talaga itong kuya ko, di nya makita ang ganda ni Bethany dahil enjoy na enjoy pa sa iba't ibang babae nya. " Miss pwede kanang umalis..." si kuya Tyrone. Parang nagpaalis ng aso lang. Mukhang di nya pa kilala ang babae. " Okey babe see you nextime." malanding tugon ng babae. Nakakadiri ang kalandian. " Hayyysssttt...." Tamad na usal ko para lang din umalis na yung babae. Mukhang nakaramdam naman at umalis na rin. " Let's go in the kitchen doon tayo kumain may mga inorder na rin akong mga pagkain." Sumunod nalang din ako. Parang bahay na rin pala ito kompleto na, medyo maliit lang pero kung mag-isa ka ayos na rin naman. Marami nga ang pagkain pero merong nakapukaw sa paningin ko. " Kuya may lunchbox ka pa?" inosenteng tanong ko pero alam na alam ko naman na kay Bethany ito. " Naku wag mo na yang kainin baka panis na yan." balewalang sagot ni kuya. Mukhang di nya kakainin kaya naman ako na ang nag bukas. Wow amoy palang ang sarap na. " Wow kuya ang bango kaldereta??? Favorite mo to ah, pero kung ayaw mo akin nalang." sabay subo ko kasama ng kanin. " Napakasarap!!! hhhhmmmmppp sarap..." Sunod sunod na ang pagsubo ko. Pero bigla nalang inagaw ng pinsan ko at tinikman nya. Hanggang ang tikim ay naging sunod sunod na rin ang subo. " Kuya akala ko ayaw mo. Nakakabitin naman, ang sarap pa naman. Saan mo ba yan nabili makapabili nga rin, mula ngayon kaldereta na rin ang paborito ko..." mahabang pahayag ko. " Patay gutom, sa akin bigay yun eh." rinig ko pa ang himutok nya. Kita ko rin na nasarapan sya sa luto ni Bethany. " Sino namang nagbigay sayo?" usisa ko pa. " Huwag mo ng tanungin, wala lang yan." " Girl??? baka fans..." hula ko pa. " I think parang ganun na nga." sagot nya na ikina tango ko nalang. Pagkatapos naming mag lunch ay inaya nya na ako sa condo nya. Sumakay kami sa kanya-kanya naming sasakyan... Narito na kami sa condo nya ng biglang may tumawag sa kanya. "Yes Beth? Talaga sige sa Sunday magkita tayo." Sabay baba nya sa tawag. Alam kong si Bethany yun, mukhang pumayag na sya na may mangyari sa kanila. Paano ang gagawin ko. Kailangan ko syang iligtas sa mismong pinsan ko. Iba na itong nararamdaman ko, pero natatakot ako lalo na at alam kong si kuya Tyrone ang gusto nya. Lumipad na unan ang nagpa gising sa lalim ng iniisip ko. " Hey Philip anong iniisip mo? Huwag mo sa aking sabihin na babae yan.? Pumapag-ibig ka na ba?" biro nya pa sa akin. " Oo kuya." sagot ko sabay ngiti, pero mas gusto ko sanang isagot sa kanya.. Yes kuya, yung babaeng binabalewala mo ay syang iniibig ko....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD