Chapter 9

1010 Words
Philip POV Kakapagod, ito naman kasing pinsan ko parang may sili sa pwet abay parang hinahabol ng Sampung kabayo.Madaling madali. Wala ng paligoy ligoy ng dumating kami sa probinsya dumeretso na kami agad sa bukid. Dios ko napaka init, summer kaya wala man lang akong makapang hangin dahil tanghali na ng dumating kami. Sa totoo lang wala naman akong balak na mag invest sa lupa kasi nga ang business ko ay nasa Canada, naisip ko lang din ito kagabi para di matuloy ang usapan nila ni Bethany... Kawawa naman Yung tao kung gagamitin lang sya ng walang pagmamahal. Hayaan mo Bethany ako ang lalaking magmamahal sayo ng tapat kung ayaw ni kuya Tyrone sayo, titiyakin kong sasaya ka sa akin. Mabilis lang ang pag-uusap dahil di na Rin naman ako tumawad pa, magandang pang bakasyunan. Kung sakaling maging kami ni Bethany ipapasyal ko sya dito... Oh diba may mga pangarap na ako na magkasama. Sana nga magtuloy tuloy na sa pagbabalewala sa kanya ng pinsan ko. Nagpahinga lang kami saglit then nagdecide si kuya na bumalik na sa Manila. Pinakain naman kami ng tanghalian, mababait ang mga tao dun pinagdalhan pa kami ng mangga, ang sarap. Itinext ko si Bethany para sana makipagkita, ibibigay ko itong mga mangga sa kanya siguradong magugustuhan nya. Me: Hi Thany? Where are you pwede tayong magkita mamaya?Dinner? Bethany my love: Sorry Philip nextime nalang. Ha??? Bakit kaya di naman sila natuloy ni kuya Tyrone na magkita. Bakit kaya??? Me: Ah okay nextime sana wag mo na akong tanggihan... Bethany my love: oo... Busy ata sya ang tagal nya ring magreply. "Brother ayos lang ba if dumaan muna tayo Office?" tanong ni kuya Tyrone sa akin. Tiningnan ko ang relo ko mag 7pm na rin pala. "sige" tipid kong sagot. Mas nangingibabaw kasi sa isipan ko si Bethany. Nang dumating kami may naghihintay sa amin dalawang babae, napag alaman kong secretary nya yung isa, yung isa mukhang fling nya. Nandito na kami sa Office nya, nagpaalam ang secretary nya at si kuya Tyrone dahil may clients pala na nasa Conference room totoo ngang may meeting ang pinsan ko. Bigla tuloy akong nakonsensya. Naiirita ako sa babaeng kasama ko, kanina pa nagpapapansin. Ano bang klaseng babae to kita na halos lahat sa kanya binabandera nya talaga ang katawan nya. Sorry na lang sya dahil loyal to Kay Bethany... Kay Bethany lang... Halos mag 1hour na wala pa rin si kuya kaya nagpaalam ako sa babae na mag cr muna ako. Pagbalik ko rinig na rinig ko ang ungol nya at talagang sinambit pa ang pangalan ng pinsan kong lapitin ng tukso... Ayoko mang istorbohin sila pero nakakairita na kasi, magpapaalam lang ako tapos mauuna na akong umalis, pero bago ko pa maibukas ang pinto ay nakita kong palapit sa kinaroroonan ko si kuya at ang secretary nya...??? Ang weird sino ang kasama nung babae sa loob????Napakamot nalang ako ng aking ulo Binuksan na rin ni kuya ang pinto ng Office nya, naabutan namin yung babae na nagbabasa ng magazine... "Ohh Anne! Are you here pa??? umuwi kana I have no time now pagod ako..."Sabi ni kuya "It's okay babe,take a rest. Mauuna na ako, bye" sabay halik sa pisngi ni kuya. Bakas sa mukha nya ang disgusto sa babaeng yun. Napailing nalang ako ng biglang nagsabi sa akin si kuya na uuwi na maghiwalay na daw kami. Pero paano kaming maghihiwalay kung ang sasakyan ko ay naiwan sa parking condo nya? Sira ulo talaga... "Sama ako sa condo mo, nandun yung sasakyan ko"Sabi ko Di naman sya sumagot kaya naman sumakay na ako sa sasakyan nya. Nakatanaw lang ako sa labas, nakakapagod na rin kasi... Hanggang sa nakita ko si Bethany sa daan? Si Bethany nga ba Yun??? Anong ginagawa nya dito kung nasaan ang condo ni kuya? Napansin ba ni kuya? Di na naman ako mapalagay, inaya na ako ni kuya na umakyat sandali pero biglang nagbago ang isip nya, umuwi nalang daw ako nasa parking na rin naman kami kaya nagdecide na rin akong umalis. Baka abutan ko pa si Bethany my love... ... Tyrone POV Dali-dali akong umakyat sa condo ko. Na eexcite talaga akong makasama si Beth... Malapit ko pang makalimutan na nandito pala sya mabuti nalang at di na rin nagpumilit pa si Philip na sumama sa akin dito. Pag open ko ng pinto tinawag ko agad ang kanyang pangalan, pero walang sumasagot. Kaya nagtaka ako. Hinanap ko sya pero di ko nakita halos malibot ko ang buong condo ko pero wala mukhang di naman sya pumunta wala kasing nagalaw sa living room.. Pumunta akong kusina para kumuha ng malamig na tubig pero bago buksan ay kinuha ko ang nakadikit na note... Nalungkot ako sa nabasa. Sayang di ko sya naabutan... Itetext ko sana sya pero di ko mahagilap ang cellphone ko? Saan ko kaya nailagay. Ang last na natatandaan ko ay.... naku po inilapag ko nga pala sa Office table ko... Tinawagan ko ang security guard ng building namin sa company at sinabi kong babalik ako Ng Opisina. Bumaba na ako at sumakay sa sasakyan ko. Habang nasa byahe ako iniisip ko pa Rin Yung nasa note ni Beth Hindi na kita mahintay, mukha namang nakalimutan mo na ang usapan natin... Pero hindi ibig sabihin ititigil ko na ito. Mahal na Mahal pa rin kita Tyrone okey lang na mag enjoy ka muna sa piling ng iba... Anong mag enjoy ang pinangsasabi nya. Eh pagod nga ako sa lakad naming balikan ni Philip para makabalik lang ako at makasama sya ngayong gabi... Nakarating ako sa company at nakuha ko na ang cellphone ko. Pag open ko marami palang mga message karamihan sa mga fling ko pero ang umagaw ng pansin ko ay ang kaisa isang text ni Beth, kanina pang 6pm??? Beth: Tyrone nakaluto na ako, inagahan ko para maaga na rin tayong kumain? Nasaan ka na ba??? Sabik na sabik na akong makasama ka. Mahal na Mahal kita.I miss you... Sabik na sabik na rin akong makasama ka... Pero bakit laging di matuloy tuloy.Siguro di talaga tayo ang tinadhana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD