Chapter 16

1073 Words
Tyrone POV Alam ko naman na si Philip ang pipiliin ni Beth pero nasaktan pa rin ako ng marinig ko mula sa bibig nya na hindi nga ako ang pinili nya. Kaya nag decide nalang ako na umalis. Tapos na rin naman kaya pwede na akong bumalik sa resthouse kung saan kami tumutuloy. Pero bago yun ay dumeretso muna ako sa mini bar para kumuha ng alak na maiinom. " Tyrone,, huuuuyyyyy." Tawag ni Beth na hingal na hingal. Nagulat ako kasi sinundan nya pala ako. Ang laki pa naman ang ginawa kong hakbang kaya siguro napagod syang habulin ako. " Why?" walang gana kong tanong sa kanya. " I'm sorry okay, wag sanang sumama ang loob mo?" Hingi nya ng tawad " Bakit ka nag so-sorry I think mas magaling naman talaga si Philip kesa sa akin." Sagot ko. " Don't worry hindi ako nagtatampo." Nagsalin ako ng alak sa wine glass at inisang lagok lang. Sa totoo lang naiinis ako. Sa kanya ko lang kasi naranasan na ma talo. Nagulat nalang ako sa ginawa nya. Tumingkayad pa sya para lang halikan ako sa aking labi. " Sorry again kasi naging bias ako. Mas deserving mo ang panalo. Mas magaling ka." Pagkasabi nun ay tinalikuran nya na ako. Di ko maiwasang mapangiti. Ang sarap nyang humalik... Kinabukasan ang ganda talaga ng mood ko. " Cuz what happened? Ikaw lang yata ang natalo ng nakangiti pa ano???" usisa ni Jeya. " She kissed me last night." Wala sa sariling sagot ko. Hanggang ngayon kasi ay ramdam ko pa rin yung labi nyang na ka dikit sa labi ko. Kung pwede lang wag na mag toothbrush para mapanatili lang ang tamis sa labi ko eh ginawa ko. Kaya lang baka naman mag amoy bad breath ako. Haha " Oh really? Kaya lang panis ka pa rin cuz kasi kagabi nasa iisang kwarto lang sila ni Philip actually until now di pa sila lumalabas." Sabi pa nya. " What????? P*tcha anong ginawa nila?" Singhal na tanong ko. " Hey, hey hindi ako ang kaaway mo so stop shouting baka ma bwisit pa ako sayo. Eh ano bang ginagawa sa isang kwarto ng magka relasyon.? Ikaw nga kahit di mo karelasyon you f*cked so I think they m*ke love... Aha ang sarap siguro nun honeymoon before wedding naku matutuwa si Lolo at lola magkaka apo na sila sa tuhod.. Wooohhhh!!!" Pambw*bw*sit pa sa akin ni Jeya. " Alam mo Jeya nakakabanas ka na, ang ganda ng mood ko kanina sinira mo." Sabi ko Maya-maya lang ay lumabas na rin sila Philip at Beth. Ang g*go kong pinsan naka hawak pa talaga sa beywang ni Beth na ngingiti ngiti pa.. Kanina pa ako naaasar... " Hey iha, kamusta namang katabi ang pamangkin ko. Gumawa na ba kayo ng apo namin?" Si mommy di pa rin mapigilan ang tabil ng dila. P*tcha may nangyari nga sa kanila...??? Beth POV Pabalik na ako sa kubo ng bigla kong nasalubong si Philip. Nakita nya ako na sinundan si Tyrone sa mini bar, wala kasing comfort room dun kaya di na ako makaka pag sinungaling. " Love!" Nagulat ako dahil sinundan pala ako ni Philip. Na huli nya ako. Naku po mas malaking problema itong na pasok ko. " Sorry love." Yun lang ang nasabi ko at napa yuko nalang din ako. " Let's go to our room, you promise me na magkatabi tayong matutulog ngayon." Tumango lang ako sa sinabi nya, hindi na kami bumalik sa kubo. Pumasok na kami sa kwarto nya. Mahabang katahimikan... Kaya ako na ang nag basag. " Love I'm sorry, hindi na mauulit I'm sorry." Hingi ko ng paumanhin. Nakita ko ang lungkot sa mukha nya. Ang tanga tanga ko talaga bakit ko ba ito nagawa? Wala akong matandaan na ginawa ni Philip na ika sasama ng loob ko, puro kabutihan ang ginawa nya sa akin sobra nya akong mahal para saktan ko sya ng ganito. Pero paano nga bang gagawin ko mas masaya ako kay Tyrone. " May pag tingin ka ba kay kuya?" Seryosong tanong nya. Sabihin mo sa akin ang totoo bago tayo mag decide na mag pakasal. Ayokong magsisi ka sa huli." " Oo, gusto ko sya matagal na. Hindi ko alam na pinsan mo sya pasensya na talaga." Napa iyak nalang ako sa pag amin ko sa kanya. " Mahal mo sya? Playboy sya hindi marunong mag seryoso. Sa tingin mo seseryosohin ka nya? Ayokong ma offend ka. Pero never pa syang nag ka girlfriend puro laro. Payag ka sa ganun?" aniya pa. " Ewan ko naguguluhan ako Philip, ayokong saktan ka. Sorry talaga." sabi ko pa. " Okey I think we need to have a deal. Masyadong mahal kita para ipag damot sa kung saan ka liligaya." " A-nong ibig mong sabihin???" Nalilito ako sa mga pinagsasabi nya. " Love mag cool off muna tayo, not totally off na hindi na tayo magkikita or magkakasama parang limitasyon lang. Di ko na muna ipipilit ang kasal. Bibigyan kita ng 1 month para pagbigyan kayo ni kuya. Kung talagang mahal ka rin nya, sya ang gagawa ng paraan para ma pa sa kanya ka. Pero kapag umiyak ka ulit dahil sa kanya ay babalik ka sakin at ituloy natin ang kasal natin. Deal???" Mahabang pahayag nya. Ngayon ko lang napag isip-isip na binigyan nya ako ng kalayaan para mahalin ulit si Tyrone. Ang hirap dahil susugal na naman ako? Paano kung pinaglalaruan nya na naman ako? Nakakasawang umasa pero pag mahal mo talaga ang isang tao handa kang magpaka martir. Na tulog kami ni Philip sa isang kwarto pero hindi kami mag katabi. Mas pinili nyang sa couch sya matulog at ako naman sa kama. Madaling araw na pero di pa rin ako dalawin ng antok. Ang rami kong iniisip, paano nga kung hindi totoo ang pinararamdam ngayon sa akin ni Tyrone, aasa na naman ako sa wala. Masasaktan na naman ako dahil sa katangahan ko. Paano ba malalaman na mahal nya na talaga ako. Susugal na naman ako... Kinabukasan bago lumabas ay inayos muna namin ang aming mga sarili. Nauna akong na ligo bago sya. Nang makapagbihis na kaming dalawa ay nag desisyon na kaming lumabas pero bago nya buksan ang pinto ay may sinabi sya na nakapagpatulala sa akin .. Si kuya Tyrone kung mahal ka talaga nya siguradong di sya papayag na di ka makuha, pero bago yun mas maganda kung pag selosin muna natin sya... Pag selosin????
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD