Chapter 20

968 Words
Philip POV Tuwang tuwa ako dahil 1 week nalang at ikakasal na kami ni Bethany. Hindi ako makapaniwala ng sabihin nyang ako ang pinipili nya at hindi ang aking pinsan . At sya na rin ang nagsabi na ituloy na namin ang kasal noong nasa isla pa kami. Sa sobrang sayang naramdaman ko nung sinabi nya yun ay nakalimutan kong ipagtapat sa kanya na may nangyari sa amin ni Mia sa kabilan isla nila. Isa iyon sa pinagsisihan ko. Dala ng kalasingan at lungkot na nadarama kong wala ng pag-asa sa relasyon namin ni Bethany ay nagawa ko syang pagtaksilan. Nang makabalik na ako sa isla ay balak ko talagang makipaghiwalay na kay Bethany dahil wala na rin namang pag-asa pa na magkatuluyan kami dahil alam ko namang si kuya Tyrone pa rin ang may-ari ng puso nya pero iba ang nangyari, mismong si Bethany pa ang nagsabi sa akin na ituloy na namin ang kasal at mahal na nya ako. Sa sobrang kasiyahan ko ay nakalimutan kong ipagtapat sa kanya ang nangyari. Hinintay kong mag paramdam si Mia pero wala akong natanggap kahit na isang text galing sa kanya hindi ko na rin naman sya kinontak mula nun dahil sa totoo lang nadala lang naman ako ng lungkot kaya nangyari ang hindi dapat nangyari. Naging busy na rin ako sa preparation ng kasal namin ni Bethany nakita ko ang kasiyahan sa mga mata nya, gusto kong bumawi sa kanya kaya lahat ng time ko ay nilaan ko talaga para sa kanya. Ang saya saya ko, mahal na mahal ko si Bethany sya Ang unang nagpatibok ng puso ko. Mapapasaakin na rin sya. Pagkagaling sa kumpanya ay dumaan muna ako sa flower shop para ibili ng bulaklak si Bethany.Bumili na rin ako ng paborito nyang pagkain. Masaya ako habang pauwi, pero nagtataka ako bakit di pa nagtetext si Bethany sa akin. Siguro ay nakatulog na naman sya. Antukin talaga sya.hehehe.. Nasa gate na ako ng bigla akong kinabahan. Hindi ko inaasahang darating dito sa mansyon ng mga magulang ko si Mia at ang mas nakakagulat ay buntis sya. Base sa laki nito tiyak ko na akin ang batang dinadala nya. Hindi naman pariwara si Mia kaya alam kong ako lang ang lalaki sa kanya. Kaya ng makita ko sya kanina ay hinila ko sya sa garden para maki-usap na wag nyang ipaalam kay Bethany ito, hindi pa ako handa na malaman nya baka Hindi matuloy ang kasal. Sinabi Rin ni Mia na mahal nya ako, alam ko na dati pa bago sya magpakasal pero Hindi ko alam kung bakit kapatid lang ang turing ko sa kanya noon. Sa totoo lang kung may mamahalin akong iba maliban kay Bethany ay si Mia yun. Mabuti rin syang tao at di ko inaasahang ako pa ang naka una sa kanya. Wala palang nangyayari sa kanila ng dati nyang asawa. Kaya siguro humanap ng iba Ang lalaking yun. Ayaw ko man syang saktan pero mas ayokong saktan si Bethany dahil mahal na mahal ko sya. Pumayag naman si Mia sa naging desisyon kong susuportahan ko nalang ang magiging anak namin. Hindi nya na daw ipipilit ang gusto nya basta wag ko syang lalayoan. Hindi ko pa alam kung paano ko sasabihin kay Bethany ito. Malapit na ang kasal namin. At matutuloy yun kahit ano pang mangyari. Beth POV Nagkuwari akong wala pa akong alam kahit ang totoo ay durog na durog na ang puso ko. Isipin ko palang na niloko rin ako ni Philip ay di ko matanggap. Pero di ko rin naman alam ang tunay na nangyari dahil wala naman syang sinabi sa akin. Sa tingin ko ay di rin alam ng mga magulang ni Philip na magkaka apo na sila pero ang nakakalungkot ay hindi sa akin galing ang bata. Nandito kami ngayon sa dining table kompleto kami. Hindi pa rin umaalis si Mia sinabihan sya ni tita Diana na dumito muna hanggang sa kasal namin. Sa totoo lang ayoko talaga iba kasi talaga ang pakiramdam ko sa kanya. Masyado syang malapit kay Philip pero wala naman akong nakikitang ikaseselos ko kasi si Philip hindi naman nagbago sweet pa rin sya sa akin at madalas na ako ang kasama nya.. Ayoko rin namang maging bastos kapag kinakausap ako ni Mia kaya no choice kung hindi ay kausapin ko rin sya, pero nawalan na talaga ako ng gana sa kasal namin parang ayoko na talagang ituloy pa. Hindi naman nagbago ang pakikitungo sa akin ni Philip ganun pa rin sya ka sweet pero nawala na ang excitement na nararamdaman ko para sa kasal namin. Bukas na ang kasal namin ay wala pa rin syang sinanasabi o inaamin. Ginagawa nila akong tanga. Ganon na ba ako katanga??? Sa pangalawang pagkakataon sawi na naman ang puso ko. Ngayon ang araw na aalis ako ng mansyon, gusto ni Philip na sya pa ang maghatid sa akin pero pinigilan ko sya kaya naman nagdesisyon ang daddy nya na ang driver na nila ang maghatid sa akin sa hotel na tutuluyan ko, ayon kasi sa pamahiin kailangan daw naming maghiwalay at di magkita ni Philip bago ang kasal dapat nga nung isang linggo pa namin ginawa kaso ayaw pumayag ni Philip. Ang sabi nya ay ngayon na nga lang daw. Paalis na ako, driver na nila ang maghahatid sa akin sa hotel na tutuluyan ko nakita ko pa ang pagtabi ni Mia kay Philip. Hayst Ang sakit talaga nakakasama ng loob. Papunta na rin dun ang aking mga magulang sa hotel dahil dun na rin daw kami aayusan bukas... Hanggang ngayon ay nagdadalawang isip pa rin ako kung itutuloy ko pa ang kasal na ito. Itutuloy ko pa ba ang kasal o hindi na.???Feeling ko kasi hindi na ako magiging masaya pa... Patulog na ako ng biglang may natanggap akong mensahe na magpapabago ng desisyon ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD