Beth POV
Yoooooohhhhhh....yooooooohhhhh.... Ang sarap... Heto ako at nakasakay ng Ferris wheel. Well ang saya, walang problema happy happy lang.
"Hey girl tuwang tuwa lang sa peryaan? Aba'y lahat ng rides sinakyan mo ah" si Althea
"Uyyy girl ang kj mo ngayon lang naman nakalibot eh ang saya palang tumira dito sa Nueva Ecija. Salamat ah" yakap ko pa kay Althea.
Siguro maraming nagtatanong dyan kung natuloy ang kasal namin ni Philip, well HINDI po natuloy. At kung ang tanong nyo naman eh bakit nandito ako ngayon sa Nueva Ecija at bakit ko kasama si Althea ay ang sagot ko ay tinawagan ko lang sila dito dahil nga dito ako sa probinsyang to dinala ng bago kong boyfriend. hihihih hulaan nyo kung sino???
Philip POV
Bago ang kasal namin kinabukasan ay nagkausap kami ni Mia. Hindi nya daw kaya na magpakasal ako sa iba. Nakiusap sya na hiwalayan ko na si Bethany at wag Ng ituloy ang kasal dahil nga sa magiging anak namin na nasa ika-pitong buwan na. Hindi ko sya inintindi bagkus ay binalewala ko ang mga sinabi nya. Iniwan ko syang umiiyak. Hanggang sa may narinig akong sumisigaw at tinatawag ang pangalan ko. Si manang pala ang katiwala namin sa mansyon, halos hindi sya makapagsalita nung nakita ako dahil sa pagod alam kong tumakbo sya kaya hingal na hingal. Dinugo daw si Mia at ayaw magpadala sa hospital ang gusto ay ako daw ang magtakbo sa kanya sa hospital. Kaya dali-dali akong pumunta sa kinaroroonan nila. Bago pa ako makalapit ay isang suntok ang dumapo sa mukha ko, mula iyon sa aking ama. Galit na galit sya at sabi nya ay panindigan ko daw Ang ginawa ko Kay Mia. Sila nalang daw ang nagsasabi kay Bethany. Alam na nila ang totoo at sinabing itakbo ko na daw sa hospital si Mia bago pa mawala ang apo nila. Gulong-gulo ako. Paano na si Bethany? Malalaman at malalaman nya ito.
Dinala na namin si Mia sa isang private hospital. Nawalan sya ng malay kaya naman pinapirma ako ng waiver na nagsasabi na pumapayag akong i-cs na sya. Matagumpay naman ang operasyon nailabas na rin ang munti kong angel. Napa cute nya. Hindi maipagkakailang sa akin sya nanggaling. Isa syang baby boy. Kaya tuwang tuwa sila daddy may taga pagmana na raw ako. Pero Hindi naman lubos ang kasiyahang nadarama ko dahil mas gusto ko sanang si Bethany ang magbigay sa akin ng anak, sya ang pangarap kong maging ina ng aking magiging mga anak pa. Dahil sa pre-mature nilabas Ang baby boy namin ay kinailangan pang i-incubator sya. Ako na rin ang nag prisinta na magbantay sa aking mag-ina.
Nasa private room na si Mia at dumating na Rin ang magulang nya. Nagkausap na sila nila daddy na kami ang ipapakasal.Siguro nga ay ito na ang kapalaran ko. Kaya kailangan ko Ng tanggapin Sana lang ay mapatawad pa ako ni Bethany. Pinagmasdan ko si Mia hanggang ngayon kasi ay tulog pa rin sya.Ang sabi ng Doktor ay maya-maya din ay magigising rin sya. Naawa ako sa kanya. Sa pagbabalewala ko sa kanya ay malapit na silang mawala ng anak ko. Kaya nakapag desisyon na ako...
Tinext ko si Bethany...
Me: Bethany I'm so sorry. Nagkasala ako sayo. Wag na nating ituloy ang kasal.
Bethany my love: Ayos lang, sana maging masaya ka kasama ang bubuuin nyong pamilya ni Mia.
Alam kong nasabi na nila mommy kay Bethany ang nangyari kanina sa mansyon kaya may ideya na sya nung tinext ko. Ayokong tawagan sya. Mas mahihirapan lang ako kapag narinig ko pa ang boses nya.
Me: Okey lang kahit magalit ka sa akin. Sana lang mapatawad mo rin ako sa tamang panahon.
Hindi na sya nag reply. Nag decide akong tawagan sya pero naka off na ang phone nya.Nag-aalala talaga ako kaya pinapunta ko sa kwarto ng mga magulang ni Bethany ang isang tauhan namin sa hotel.
Maya Maya pa ay tumawag na sya. Wala na daw dun ang magulang ni Bethany kanina pa raw umalis at ng tanungin ko naman kung nandun pa si Bethany ay kaaalis lang daw.
Ano tong gulong pinasok ko. Yung pinangarap kong makasama habang buhay ay sya pa palang sasaktan ko ng lubusan.
I'm sorry Bethany!!!
Tyrone POV
Kararating ko lang galing Davao. At sobrang nakakapagod, mula ng kausapin ako ni Beth sa isla tungkol sa nararamdaman nya at pag-amin na rin na si Philip na ang gusto nyang makasama ay ginugol ko na ang panahon ko sa pagpapalago ng negosyo namin Ng makabalik kami dito sa Manila. Nag quit na rin ako sa pag momodel ayoko ng ma public pa ang buhay ko.
Bukas na pala ang kasal nila Beth at Philip, di ko alam kung kaya kong umattend. Hanggang ngayon kasi ay mahal ko pa rin si Beth, pero nirerespeto ko ang naging desisyon nya nun kahit masakit. Mahirap pero kakayanin ko. Basta sa ika liligaya nila ni Philip. Mula ng mahalin ko si Beth ay nawalan na ako ng gana sa ibang babae, gusto ko kasi ay si Beth lang ang hahalikan ko, ang yayakapin ko at ang mamahalin ko.
Umiinom ako ng alak ngayon kasama si Daddy nang puntahan kami ni mommy, medyo nag papanic sya nagkakagulo daw ngayon sa mansyon nila Philip. Ayon sa kanya ay nandun daw sa mansyon nakatuloy ang kababata ni Philip na si Mia at ang nakakagimbal ay ang batang dinadala nito ay anak nila ni Philip. Dinugo daw ito at inamin sa mga magulang ni Philip na si Philip ang ama ng pinagbubuntis nya.
"F*cked daddy paano si Beth???" Galit na tanong ko
G*go ka talaga Philip, sinaktan mo rin si Beth.
Sinabi ni mommy kung saang hotel nakatuloy si Beth. Kaya agad agad namang pinuntahan ko. Pero hindi ko sya inabutan. Ang sabi ng receptionist ng hotel ay may sumundo daw kay Beth na lalaki.
P*tcha huli na naman ba ako???L*tseng buhay to. Mauunahan na naman ako ng iba. Inalam ko rin kung saan nakatira ang mga magulang ni Beth kaya naman pumunta rin ako sa kanila halos isang Oras din ang byahe ko mabuti at walang traffic at kahit over speeding na ako ay wala namang huli dahil hating gabi na.
Nakarating ako sa bahay nila pero walang bakas na may tao roon. Saan kaya sila nagpunta???