“Are you sure, you’re going alone, Nurie? Puwede naman kitang samahan,” nag-aalalang tanong ni Maia sa anak.
Finished tying her shoelaces, Nurie looked up to her worried mother. Marahan niyang tinapik ang paa tsaka nakangiting sa kanyang ina at tumayo.
“It’s fine, Mama. Just help Papa in preparing everything. At tsaka, didn’t you said that you need to handle the preparation for our visit to Eagle-Eyed Pack?” Nurie reminded her mother.
“Well, that’s right. Pero kaya ko namang gawin iyon lahat mamayang gabi—”
Nurie cut off her mother’s words. “That’s not good, ’Ma. It’ll tire you out. Maaga pa naman tayong babyahe bukas. So trust me, okay? I can do it alone, I promise. Malaki na kaya ako!”
Natigilan naman si Maia sa sinabing iyon ng anak. Naroon pa rin naman ang pag-aalala sa kanyang mga mata, pero dahil sa sinabi ni Nurie ay hindi na siya ulit nagsalita.
Napansin naman iyon ni Nurie kaya naman sa takot na baka magbago ulit ng opinyon ang ina ay naglakad na siya palapit rito at napayakap.
“Mabilis lang naman ako, babalik din ako kaagad. Bibili lang ako ng pang-regalo and then I’ll go back. Or maybe I could visit some places for leisure and after that, uuwi na po ako. At para hindi ka na po masyadong mag-alala, I’ll send you messages every hour. Deal?” mungkahi ni Nurie.
Isang malakas na buntonghininga na lang ang pinakawalan ni Maia dahil mukhang hindi na niya mababago pa ang desisyon ng anak. Naiiling na ginulo na lang niya ang buhok ni Nurie na napangiti lang ng malawak, knowing that she won the argument with her mom.
“Fine. Sige na, lumayas ka na. Make sure to go back home before dawn, okay? And don’t forget your promise,” paalala ni Maia habang nakaturo sa hawak na selpon ng anak.
Sunod-sunod na napatango naman si Nurie at patalon na napayakap sa ina. “I won’t! Thank you, ‘Ma!”
Hugging Nurie back, Maia patted the back of her daughter before letting her go. Inabutan niya pa muna ito ng isang credit card na tuwang-tuwang kinuha naman ni Nurie. She put it on her micro bag kung saan nakalagay din ang iba pa niyang importanteng gamit kagaya ng wallet at identification cards.
Hindi rin nagtagal ay tuluyan na siyang nakalabas ng kanilang bahay at dumiretso sa maliit nilang garahe kung nasaan ang sarili niyang sasakyan. Since she’s eighteen now, mayroon na siyang student license, kaya naman puwede niya ng imaneho ang sariling sasakyan.
May kalakihan din naman ang buong teritoryo ng Embris Pack nina Nurie. Kung susumahin ay kasing laki rin ng isang malaking bayan ang sakop ng kanilang teritoryo. Kaya naman gustuhin man niyang magtungo sa sentro gamit ang kanyang mga paa ay hindi rin maaari. Not because she couldn’t, but because it wasn’t allowed.
Shifting into your wolf form inside the perimeters of the centre is prohibited. Dahil nga sa ang sentro ay ang lugar kung saan bukas para sa lahat ng pack. Naroon nakatayo ang iba’t ibang mga establisyemento kagaya ng mga paaralan, mga mall, hospital, at kung anu-ano pang mga pampublikong gusali.
Katulad ng pangalan nito ay iyon ang sentro ng ekonomiya ng buong Heathersthorn dahil doon din matatagpuan ang ilang gusaling pangkalakalan na may koneksyon din sa ibang kompanya sa labas ng Heathersthorn City. Kaya naman walang pack ang may hawak ng sentro maliban sa mga namumuno ng kanilang syudad na mula rin naman sa iba’t ibang pack.
Halos isang oras din ang ibinyahe ni Nurie mula sa kanilang pack hanggang sa bukana ng sentro. Kumpara sa layo ng byahe niya kapag pumupunta siya sa school na nasa sentro rin, mas mabilis na iyon. Nasa looban kasi ang kanilang Noble Crest Academy samantalang mayroon ng malaking mall ang bubungad pagpasok mo pa lang sa bukana ng sentro.
Looking at the entrance of the centre, then looking back to the way that Nurie took to reach her current destination, the difference is really noticeable. Paglabas kasi ni Nurie sa kanilang pack ay puro mga puno at kagubatan ang mga nadaraanan niya. Kung hindi lang siguro dahil sa maganda at sementadong kalsada ay aakalain na na bumalik sila sa sinaunang panahon kung saan wala pang kahit anong modernong bagay ang naimbento.
At kapansin-pansin iyon dahil ibang-iba talaga ang datingan kapag nakita mo na ang bungad entrada ng sentro. Maliban sa napakalaki at mataas na bakod noon ay kahit papaano’y makikita pa rin ang dulo ng ilang mga nagtataasang gusali na nakatayo sa loob.
“It’s really amazing,” Nurie whispered in awe.
Kahit yata ilang beses ng tinatahak ni Nurie ang lugar ay hindi pa rin n’ya maiwasan ang mamangha. Kung hindi lang siguro siya naroon para pumunta sa mall katulad ng paalam niya sa kanyang ina ay baka nag-roadtrip na lang siya at nilibot ang buong sentro.
Slightly disappointed, Nurie turned her car to enter the underground parking of the mall. And she couldn’t help but raise an eyebrow when she was already on the edge of parking yet she still couldn't find an empty space to park her car.
“Wow, so early. Why are there so many people in the mall already? May sale ba?” natatawang tanong niya sa sarili habang palingon-lingon sa bawat gilid at baka may malampasan siyang bakanteng space.
Mabuti na lang at bago pa siya mapalayo sa panglimang underground elevator ng mall ay may nahanap na rin siyang isang space. And before anyone could snatch it from her, she maneuvered her car perfectly and parked it.
Nakangiting lumabas siya ng kanyang sasakyan at ni-lock iyon. Siniguro niya munang dala niya lahat ng kailangan niya sa kanyang micro bag bago naglakad papunta sa nasabing elevator na magdadala sa kanya sa first floor ng mall.
While inside the elevator, Nurie planned the things she needed to do first. Hindi rin niya maiwasan ang muling kabahan habang hinihintay na bumukas ang pinto ng elevator. Actually, noong isang araw pa siya kinakabahan. At kanina nga paggising niya ay hindi na siya mapakali sa sobrang kabang nararamdaman.
Today is the last day before the first day of every pack’s initiation rites. Maliban sa linggo at walang pasok, kahapon din ang simula ng isang linggong bakasyon nila. Dahil na nga sa papalapit na initiation rites ay kailangan ng mga tao sa bawat pack para tumulong sa preparasyon. Kaya naman isang linggo ang ibinigay ng school para sa lahat bilang mga araw ng paghahanda bago at matapos ng initiation rites.
And as she had said to her friends, Nurie, together with her family, was about to go to the Eagle-Eyed Pack to watch their future leader’s initiation. At bilang future mate ng nasabing future leader, kailangang naroon din si Nurie bilang support.
Kahit ayaw man niya dahil nga sa hindi pa siya handa, wala siyang magagawa kung ‘di ang sumama at sa unang pagkakataon ay magpakilala sa kanya bilang mate. Na dahilan ng kaba ni Nurie sa nakalipas na mga araw.
Kinakabahan si Nurie dahil sa maraming dahilan. Na kung iisa-isahin niya ay baka matapos na ang isang linggong pahinga’y nakakalahati pa lang niya ang pagpapaliwanag sa mga iyon. Hindi lang naman kasi kaba ang bumabahala sa kanya. Naroon na rin ang hindi maipaliwanag na takot sa maaaring mangyari sa oras na kaharapin na niya si Arnoux.
That is why she came to the mall to calm her nerves. Sa kadahilanang baka kahit papaano ay maibsan ang kabang nararamdaman niya at para na rin makapagliwaliw. Para na rin siguro ang makapag-isip ng maaari niyang gawin para hindi ganoon kasama ang kahihinatnan ng kanilang pagkikita.
She realised that it was really wrong for her to continue hiding and acting like a coward. Totoong puwede ngang mangyari ang mga kinatatakutan niya, at baka nga tuluyang mawala rin ang gusto niyang pakaingatan katulad ng pagkatao niya bilang isang ganap na omega.
Pero kung ikukumpara ang pagkawala ng lahat ng iyon dahil sa kapabayaan niya, sa pagkawala ng mga iyon matapos niyang sumugal at sumubok, mas nakagagaanan namang tanggapin ang huli.
And that is what Nurie wanted to do. She wanted to try and then fight. And when she knew that it was really useless and over, then it was when she would be willing to stop and let go. Pa-consuelo de bobo na rin niya iyon sa sarili.
“Where to go first?” tanong ni Nurie sa sarili habang naglalakad sa harapan ng iba’t ibang store na madaraanan.
Dahil naroon siya para magliwaliw, dapat lang na makapagliwaliw talaga siya habang may oras pa siya. With a small smile plastered on her lips, Nurie entered the first store that caught her interest.
“Maybe I could buy clothes first? Baka may makita rin akong magugustuhan nina Sabina at Ynggrid. Then I wouldn’t worry about their congratulatory gifts,” nakangiting saad ni Nurie sa sarili.
At doon na nga nagsimula ang shopping spree ni Nurie. Mula sa iba’t ibang clothing store, hanggang sa ilang accessories store, ay pinasukan niya. Sometimes, there were things that she wanted and bought, but there were also some stores that didn’t have anything that interested her.
“Good day, Ma’am. Are you looking for some specific accessories?” tanong ng isang sales lady na mukhang napansin na ang kanina pa niyang pabalik-balik sa bandang iyon ng store.
And since Nurie couldn’t decide what to choose, she finally acknowledged the kind sales lady. “Uhm, yes. Thank you. Actually, I am having a hard time choosing between these two bracelets.” Nurie then showed the two bracelets in front of the sales lady.
Parehong nasa transparent na lagayan pa ang dalawang bracelets. Isang golden bracelet ang nasa kanang kamay ni Nurie samantalang isang silver bracelets naman ang nasa kaliwa. Parehong personalized bracelets ang dalawa pero magkaibang uri ng bracelets ang dalawa.
The golden bracelet is a charm bracelet with different ornaments. But the design of the ornaments are all baking collections, which was Ynggrid’s favorite hobby. While the center ornament is a custom laser charm.
Samantalang iyong silver bracelet naman ay isang slider bracelet. It was a silver chain with nine assorted mixed color butterfly acrylic pendant charms. And Ynggrid loves butterflies, especially those kinds of colorful butterflies.
“If I may ask, is this a gift for a friend? And what is the occasion for the gift, Ma’am?” nakangiting tanong naman ng sales lady.
Agad na napatango si Nurie. “A congratulatory gift?” hindi siguradong sagot ni Nurie.
Hindi naman niya kasi alam kung bakit kailangan niyang bigyan ng congratulatory gift si Ynggrid eh hindi naman ito katulad ni Sabina na lalaban para sa posisyon bilang susunod na pack leader.
Nabilhan na niya kasi ng regalo si Sabina, a goodluck and a congratulatory gift. Na-realize niya na baka magtampo at mainggit si Ynggrid kapag nalaman nitong may binili siyang regalo para kay Sabina tapos sa kanya ay wala. Kaya naman plano niyang bilhan kahit isang regalo ang kaibigan.
Nabalik mula sa pagkatulala si Nurie ng marinig ang mahinang tawa ng sales lady. “Mukhang hindi po iyan pang-congratulatory gift kung ‘di isang obligatory gift po, Ma’am,” natatawang saad nito na nakaturo sa hawak niyang paper bag ng may brand ng kaparehong accessory brand.
Wala sa sariling napanguso si Nurie. Mukhang iyon na nga kasi talaga ang dahilan kung bakit niya bibilhan ang kaibigan. At ng ma-realize iyon ay mahina rin siyang natawa.
“Then, I suggest po na bilhin niyo na lang pareho. Itago niyo na lang muna ang isa para sa susunod na okasyon,” nakangiting suhestyon ng babae.
Hindi na rin naman nag-isip pa si Nurie at napatango na lang sa sinabi ng sales lady. Kaya naman naglakad na siya kasabay ng sales lady na hawak-hawak na ang dalawang pinamili niya para ito na ang magdala sa cashier. Pagkatapos ay lumabas na siya ng store at naglakad sa katapat na kainan. Oras na rin ng tanghalian at medyo gutom na rin si Nurie kaya naisipan niya muna ang kumain bago magpatuloy sa pamimili.
Halos isang oras din ang iginugol ni Nurie sa restaurant bago muling naglibot-libot sa mall. Nagpahinga rin kasi muna siya at nagpababa ng kinain na medyo naparami dahil nga sa pagkagutom niya.
Naglalakad na siya sa building B ng mall nang mapadaan siya sa isang store. Sa mga mannequin pa lang ay masasabi ng panglalaki ang store na iyon. It was a famous men’s apparel and accessories brand na paboritong bilihan noon ng kanyang ina pang-regalo sa kanyang ama.
Kaya naman pamilyar si Nurie doon dahil halos lahat ng damit at accessories na suot at gamit ng kanyang ama ay may tatak ng nasabing brand. Doon niya naisip bigla si Erix. Mukhang kailangan niya ring bilhan ito ng regalo kahit pa nga delayed ang initiation rites niya.
So Nurie entered the store, and a male salesperson came to greet her. Tahimik niya itong tinanguan bago nagsimulang maglakad papunta sa side kung saan may mga naka-display na relong pambisig.
Nurie knew Erix well, kaya hindi siya nahirapang hanapan ng relo ang kinakapatid. Isang simpleng golden mechanizer watch na may reddish-brown leather strap.
“I’ll get this,” seryoso ang mukhang itinuro ni Nurie ang relo na nasa loob pa rin ng tempered glass display case noon.
“Okay, Ma’am. Would you like to pay it with me on the counter or you will still roam in the store?”
“I’ll pay it—”
Bago pa man tuluyang matapos ni Nurie ang sasabihin ay napahinto siya ng mahagip ng tingin niya ang isa pang naka-display na relo hindi kalayuan sa kinatatayuan niya. Napansin naman ng male salesperson na hindi na niya naituloy ang sasabihin niya kaya sinundan nito ang kanyang tingin.
“Ah! Gusto niyo po bang tingnan, Ma’am?” tanong ng lalaki na wala sa sariling tinanguan ni Nurie.
Mabilis na kinuha muna ng lalaki ang unang relo na napili niya bago siya inihatid sa harap ng display case na umani ng atensyon niya.
“This is a very special wristwatch, Ma’am. It was a new release design specially made for the coming initiation rites. As you can see, Ma’am, the dial is plain aside from hands and hour markers. It was because this is a customized watch kung saan puwede niyo pong ipa-customized ang design sa dial. Mostly po sa mga natanggap naming order ay mga insignia ng kanilang pack ang naka-design. Congratulatory gift po kasi ito para sa mga magti-take ng initiation rites nila,” mahabang paliwanag ng lalaki.
Pero hindi iyon pinansin ni Nurie dahil talagang natuon na ang mga mata niya sa relo. Isa lang ang pumasok sa isip niya ng mga oras na iyon. The moment her eyes lay on the watch, the handsome face of her future mate flashed in her mind.
At hindi niya maitatangging gusto niya ngang ibigay ang wristwatch na iyon kay Arnoux. Dahil sa maiksing segundong pagtitig niya sa relo ay marami na agad siyang naisip. Kung anong design ang ipapalagay niya at kung paano niya iyon ibibigay sa lalaki.
“Gaano katagal ang estimate niyo bago makuha ang finished product?” tanong ni Nurie matapos ang ilang segundong katahimikan.
“Depende po sa request design na gusto niyo, Ma’am. Lalo na po kung may iba pa kayong gustong ipadagdag o baguhin. Pero mostly po ay two to three days po ang itinatagal. Since bukas na po ang start ng initiation rites, kung gusto niyo po ay i-rush namin ang pagtapos sa design niyo para tumagal lang ng dalawang araw. Aabot pa po sa ending ceremony.”
For the first time, the lady gave the male salesperson a smile. “Then I will take it. Where do I need to draw my design?” tanong ni Nurie.
“Follow me po, Ma’am.”
Kaya naman matapos niyang iproseso ang mga kailangan niyang papel in case na i-claim na niya ang relo ay nakangiting nagpasya na siyang umuwi. Alas tres pasado pa lang ng tanghali pero dahil sa good mood na siya ay balak na niya ang umuwi.
Naglalakad na siya sa parking lot papunta sa pinag-parking-an niya ng kanyang sasakyan ng maramdaman niya na parang may sumusunod sa kanya. Hindi niya agad iyon napansin dahil nga sa good mood niya pero kinalaunan din ay napansin niya ang presensya ng mga ito.
Hindi man halata pero malakas ang pang-amoy ni Nurie kumpara sa mga normal na omega. Kahit nga laban sa kanyang ama at kay Erix na parehong alpha ay walang binatbat ang talas ng pang-amoy niya.
At dahil medyo malayo pa siya sa lugar na pinag-parking-an niya ay walang nagawa si Nurie kung ‘di ang lumaban. When she felt that those men were already a few meter from her back, walang pagdadalawang-isip na nag-shift si Nurie sa kanyang wolf form.
A beautiful silver wolf appeared. Her blue eyes stared dangerously at the three men who appeared the moment Nurie transformed. She growled threateningly at those nasty men who immediately surrounded her.
Hindi na naghintay pang kusang sumugod sa kanya ang mga ito at agad niyang tinalunan ang pinakamalapit na lalaki. She did not show any mercy as her fangs pierced to the shoulder of the man who tried to escape from being pierced in his neck.
“F*ck! Anong gagawin natin mga ‘tol? Baka magalit ang boss kapag nasaktan natin ang omegang ‘to!” sigaw ng isang lalaking nakaputi habang tumatalon palayo mula sa umatakeng si Nurie.
Malakas na napadaing naman ang lalaking unang sinugod ni Nurie. Sunod-sunod na mura ang pinakawalan nito habang hawak-hawak ang dumudugong braso. “Try niyong mag-release ng pheromone niyo! Ewan ko na lang kung hanggang saan ang itatagal ng pesteng omega na ‘yan, bilis!” singhal niya at nauna ng magpakawala ng kanyang pheromone.
Mabilis na sumunod naman sa kanya ang mga kasama habang pilit na umiilag mula sa mga kuko at pangil ni Nurie. Halo-halong amoy ang umalingasaw sa paligid. Pero parang walang naaamoy si Nurie dahil patuloy lang siya sa pagsugod sa mga lalaki. Isang nakaputing lalaki na naman ang nakamrot niya sa mukha.
“T*ngina! Walang epek ‘tol!” bulalas ng isa.
The man who seems to be their leader grit his teeth in annoyance. Hindi niya inaasahan na mahihirapan siyang hulihin ang babaeng omega. Kung hindi lang dahil sa babala sa kanya ng boss nila na huwag sasaktan ang omega ay baka kanina pa siya nag-shift para mahuli ang omega.
He tsk-ed loudly and put his hand in his waist to think of a way. Doon niya naramdaman ang isang pabilog na bagay sa kanyang bulsa. Nang maalala kung ano at para saan iyon ay mabilis siyang napalayo sa pinaglalabanan.
“Cover!” malakas na sigaw niya sabay tapon ng bagay na nasa kamay malapit sa omega.
Hindi man naintindihan ng mga kasama pero mabilis pa rin silang napatabon ng kanilang ilong. At doon mabilis na kumalat ang isang makapal na usok na agad nilamon ang malaking omega wolf. Isa-isang napalayo rin ang iba pang lalaki sa usok.
Isang minuto ang lumipas bago nawala ang mga usok. And there, they saw the silver wolf lying on the ground, unconscious. Malakas na napangisi ang lider at nauna ng maglakad papalapit sa walang malay na si Nurie.